Chapter 10

2146 Words
By Michael Juha ---------------------- Mistula akong binatukan ng matigas na bagay sa pagkarinig sa sinabi niya. Hindi ko kasi inakalang masasaktan siya sa mga pinag-uusapan ng grupo. “Ito naman o… huwag mo na lang bigyan ng masamang kahulugan ang mga sinasabi nila. Walang bahid patama ang mga bangkaan namin, alam ko yan. Ganoon naman talaga ang mga kaklase nating iyon dati pa, di ba? Malakas mang-asar…” ang pag-takip ko na lang sa grupo. “Hindi tol… sa tingin ko, ako ang pinapatamaan nila, e.” “Huwag kang magsalita ng ganyan, ‘tol… mga barkada natin iyan sila. Dati namang sumasali ka sa ganoong kantyawan, okrayan, at biritan, di ba? Ganoon ka pa rin dapat.” “Noon iyon ‘tol… noong hindi pa nila alam ang tungkol sa akin.” Nalungkot ako sa sinabi niyang iyon. Matagal na kasing nangyari ang alitan naming na nagdala ng intriga sa campus. At feeling ko ay hindi na big deal iyon. Ganyan naman kasi. Kapag hindi mo iniisip na big deal ang isang bagay, parang wala lang nagbago. “Ito naman, o. Wala iyon sa kanila ‘tol…” Ang nasabi ko na lang. Pero sa loob-loob ko rin, ramdam ko ang paghihirap niya. Hindi siya sumagot. “M-malalampasan mo rin iyan tol. Either mawala sa iyo iyan ang kung ano man ang naramdaman mo ngayon, o matatanggap mo rin ang lahat ng iyan.” Binitiwan niya ang isang malalim na buntong-hininga at tumingin na sa malayo, marahil ay nasabi sa sarili na, “Nasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko…” Sa kagustuhan kong sumaya siya, iniba ko ang usapan. “Hey… ano ba iyang kanta na pinapakinggan mo?” Ang naitanong ko, tukoy sa pinakinggang sound sa earphone niya. “Pakinig mo naman sa akin.” Pansin kong nag-aalangan siya, ngunit tinanggal din niya ang earphones sa tenga niya at inabot ang mga ito sa akin. “Paborito kong music iyan…” sabi niya. Tinanggap ko ang earphones at inilagay ang mga ito sa aking tainga. Habang pinakinggan ko ang tugtog, yumuko naman siya, tila nahiya sa magiging reaksyon ko – “Do you hear me? I'm talking to you Across the water across the deep blue ocean Under the open sky, oh my, baby I'm trying Boy I hear you in my dreams I feel your whisper across the sea I keep you with me in my heart You make it easier when life gets hard I'm lucky I'm in love with my best friend Lucky to have been where I have been Lucky to be coming home again Ooh ooh ooh They don't know how long it takes Waiting for a love like this Every time we say goodbye I wish we had one more kiss I'll wait for you I promise you, I will I'm lucky I'm in love with my best friend Lucky to have been where I have been Lucky to be coming home again Lucky we're in love in every way Lucky to have stayed where we have stayed Lucky to be coming home someday And so I'm sailing through the sea To an island where we'll meet You'll hear the music fill the air I'll put a flower in your hair Though the breezes through trees Move so pretty you're all I see As the world keeps spinning 'round You hold me right here, right now I'm lucky I'm in love with my best friend Lucky to have been where I have been Lucky to be coming home again I'm lucky we're in love in every way Lucky to have stayed where we have stayed Lucky to be coming home someday” Nang natapos ko nang pakinggan ang kanta, naalimpungatan ko ang sariling imbes na ako ang magpasaya, naramdaman ko ang lungkot, o awa na gumapang sa buong katawan ko. Pakiwari ko ay kinurot ang puso ko. Tinanggal ko ang earphones sa Tainga ko at inabot iyon pabalik sa kanya. Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Tinitigan ko siya, “Hindi mo pa rin ba ako kayang limutin?” ang tanong ko. Nanatili pa rin siyang nakayuko, ang mga tingin ay napakalalim, at ang mga kamay ay wala sa isip na iginuri-guri sa mga damong naka-usli sa may harapan ng inuupuan niya. Hndi siya kumibo. Inakbayan ko siya. Napansin ko na lang ang mga luhang pumatak sa damuhang nasa harap niya. “Kung kaya ko lang sana ‘tol… wala na sanang problema” ang maikling sagot niya. Hindi na ako kumibo. Ibinaling ko na lang ang paningin sa malayo, nag-isip kung paano ko siya matutulungan. “Ngunit huwag kang mag-alala, ‘tol… dahil tanggap ko naman na hindi mo ako puweding mahalin eh. Kaya, kaya…” hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin dahil sa tuluyan nang nag-crack ang boses niya. Nanatili pa rin akong nakayuko, hinayaan siyang ipalabas ang kanyang saloobin. Pilit niyang ipinagpatuloy ang mga salitang gustong kumawala sa bibig niya. “… kaya hayaan mo na lang akong sa kantang iyan ko damhin ang pagmamahal mo. Sa kantang iyan, ramdam kong mahal mo rin ako; na masaya tayo; na kaya mong gawin ang lahat para sa akin. D’yan ko na lang naipapalabas ang lahat, ini-imagine na nand’yn ka, aking-akin, na mahal mo rin ako at napaka-swerte ko dahil ikaw ang piniling itibok ng aking puso, kahit alam kong sa totong buhay, hindi maaaring mangyari ang lahat.” Doon na siya humagulgol na siya. “Para akong baliw, ‘tol… nagpapantasya, nangangarap, na sana ay nasa ibang mundo ako at totoong nangyari ang mga sinasabi ng kantang iyan sa akin. Doon, sa mundong iyon, ‘Lucky’ ako.” Tukoy niya sa pamagat ng kanta. Hindi ko lubusang maintindihan ang tunay na naramdaman. Hindi ko rin alam ang gagawin upang maibsan ang paghihirap ng kalooban niya. Ang alam ko lang ay may matinding pagkaawang bumabalot sa pagkatao ko sa mga sandaling iyon. “Yakapin mo ako, ‘tol kung iyan ang magpapagaan ng kalooban mo.” Ang nasabi ko na lang. Ngunit hindi siya yumakap sa akin. Ang ginawa ko ay umusog ako palapit sa kanya at ako na ang yumakap. Bagamat naramdaman kong sumandal siya sa akin, dali-dali rin siyang kumalas. “Huwag ‘tol… ok na ako” ang sambit niya. “B-bakit?” ang tanong kong naguluhan sa bigla niyang pagkalas. “M-may mga taong nakakakita. Ayokong lalo kang madamay sa mga problema ko, ‘tol. Alam kong nagsakripisyo ka rin sa nangyari. Pati girlfriend mo, hiniwalayan ka na rin. Naawa ako sa iyo. Kaya, ok lang ako, huwag mo akong intindihin.” Ang paliwanag niya. “Ok lang iyan. Tanggap ko nang wala na kami ng girl friend ko. narealize ko, na kung totoo niya akong mahal ay paninidigan niya ako, damayan, at suportahan. Ngunit hindi ko siya maramdaman. kaya tama lang na wala na kami. Hindi siya kawalan.” Nilingon niya ako at binitiwan ang isang pilit na ngiti. “Kaya huwag kang matakot na yumakap sa akin. walang magagalit… At iyang mga taong iyan, wala naman akong pakialam sa kanila. Di ba dati, close na close tayo, nagyayakapan pa rin naman, wala namang issue, di ba?” Hinid pa rin siya sumagot. Kaya ako na ang nag-initiate na yakapin siyang muli. “O sige ako na ang yayakap” ang sambit ko. Doon ay hinayaan na niya akong yakapin siya. At isinandal na rin niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Sa insidenteng iyon ay nagsimula ang kakaibang pagkahabag ko sa aking kaibigan. Iyon bang nalilito ako sa aking sarili, nagtatanong na “Puwede ko naman siguro siyang mahalin sa klaseng pagmamahal na gusto niya ngunit may isang bahagi ng aking pagkatao na kumontra dahil ang hinahanap-hanap kong mahalin ay hindi isang katulad nniya…” Ito ang nagpapatuliro ng aking isip. Alam kong nasa akin ang susi ng kaligayahan niya ngunit may matinding tanong naman ang aking isip: “Paano naman ang kaligayahan ko?” Habang tumatagal kami sa ganoong set-up at nakikita ko ang kanyang paghihinagpis, parang nato-torture din ako. Kaya naisipan ko na lang na kausapin si Lito. May isang plano ang nabuo sa aking isip. “Tol… tutal Biyernes ngayon, puwedeng doon ako matulog sa inyo?” Kitang-kita ko ang bakas ng tuwa sa mukha ni Lito sa mungkahi kong iyon. “Oo ba? Sure!” “Mag-inuman din tayo ha?” “Iyon lang pala… sige!” Alas syete ng gabi nang dumating ako sa bahay nila. Syempre, kasali ako sa dinner ng pamilya. Noong nalaman kasi ng mga magulang ni Lito na aakyat ako ng dalaw, hinintay nila talaga ako upang makasali sa dinner. As expected nanumbalik ang dating sigla namin sa ganoon pagkakataon. May kumustahan, may kwentuhan, may biruan. Walang nagbago sa pakikitungo ng mga magulang ni Lito sa akin. Hanggang sa ang usapan ay, “Kumusta ang pag-aaral mo, Warren?” ang tanong ng papa ni Lito sa akin. “OK naman po…” ang maiksi kong sagot. “Alam mo, Warren, medyo nanumbalik na ang magandang performance nitong kaibigan mo sa school. Sana tuloy-tuloy na ito. At sana, huwag ding magbago ang pakikitungo mo kay Lito. Ikaw lang ang nagpapalakas ng loob niyan. Sana – “ “Uhum!” ang pagsingit naman ni Lito, halatang hindi nagustuhan ang sinasabi ng ina. Tiningnan lang siya ng mama niya at nagpatuloy. “Sana patuloy mo siyang intindihin, tulungan, suportahan…” “Ma, it is not Warren’s responsibility to look after me. He has his own life and he can do whatever he wants with it. Huwag po ninyo siyang i-pressure sa akin. At huwag ninyong gawing kaawa-awa ang anak ninyo sa mata ng ibang tao!” ang mataas niyang boses, sabay tayo at alis. Hindi na niya nagawa pang uminom ng tubig. Tinumbok niya ang hagdanan patungo sa kanyang kwarto. Bigala naman kaming natulala at hindi makakibo. “Ah… ma, pa, excuse me po, susundan ko lang po si Lito.” Ang nasambit ko naman. “S-sige hijo. Pasenya ka na ha? At ikaw na sana ang bahalang umintindi sa kaibigan mo.” ang sagot naman ng mama ni Lito. Hindi naka-lock ang kwarto ni Lito kaya dire-diretso lang akong pumasok. Nakahiga siya sa kama at nakatutok ang mga mata sa kisame. “Tol… bat ka naman nag-walk out? Ikaw talaga o… Nasaktan ang mga magulang mo.” ang sabi ko. “Yun na nga ‘tol, eh. Sila nasasaktan. Paano naman ako? Hindi ba nila alam na nasasakal na rin ako? Sabagay, hindi naman talaga nila ako anak...” ang may pagdaramdam na sabi niya. “Ano ka ba, ‘tol? Wala kang dapat problemahin sa kanila. Dapat nga masaya ka dahil nand’yan sila. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Napakabait nila.” “Ayaw ko lang kasi ‘tol na kaawaan ako. At lalo nang ayaw kong ididiin nila sa iyo na kailangan mong ganito ang gawin mo sa akin. Gusto kong kung may gagawin ka man para sa akin, iyan ay hindi dahil sa utang na loob mo sa amin, o dahil sinabi iyan ng mama ko, o ano pa man. Ayoko nang ganoon. Ang gusto ko ay iyong kusa, o bukas sa kalooban mong gawin para sa akin ang isang bagay. Ok lang sa akin kahit hindi mo ako puntahan dito, o kahit pa hindi na tayo palaging magsama. At least alam kong hindi ka na galit sa akin. Iyan lang ang importante. Kasi mas masakit na malaman kong may ginawa ka ngang maganda para sa akin ngunit napilitan ka lang pala; na hindi pala ito ang tunay mong kagustuhan…” Hinid ako nakakibo agad. Tama nga naman siya. “Ok… ok…” ang sagot ko na lang, sabay hila sa isang braso niya upang maupo siya sa kama. Noong nakaupo na, niyakap ko siya, hinahaplos-haplos ang likod sabay sabing, “Puwede mo akong yakapin... Dito ay walang tao, walang makakakita sa atin.” Sinuklian niya ang yakap ko. Humahagulgol siya sa mga bisig ko. Hinayaan ko lang na maipalabas niya ang lahat ng mga hinanakit niya. Hanggang sa tila napagod siya sa kaiiyak. Tumayo ako at tinumbok ang refrigerator. Kumuha ako ng dalawang bote ng beer. Binuksan ko ang mga iyo. Nang bumalik ako sa kama, inabot ko sa kanya ang isang bote at umupo sa tabi niya. Naka tiglilimang beer na kami nang naramdaman ko na ang alak sa aking katawan. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang mukha niya at itinutok ko ito sa mukha ko. Kitang-kita ko ang mapupungay niyang mga mata gawa ng kalasingan. Nagtitigan kami. At naalimpungatan ko na lang na lumabas sa bibig ko ang tanong, “Tol… gaano mo ba ako kamahal?” (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD