CHAPTER 3

1607 Words
BEA'S POV'S Madilim na, at nakikita ko ang maraming paniki na lumilipad sa langit. Maging ang mga bituin sa langit. Dumadami, hindi katulad kangina, na iilan lang ang nakikita habang nakatitig kami sa langit. “Sorry, uuwi na ako." sabi ko habang nakatingin sa kanya. “Masyadong gabi na. May gagawin pa ako." Pahayag ko ulit. Saka ko lang naalala na kailangan ko pang magtrabaho sa bar. Huli na at kailangan kong pumunta sa shift ko ngayon. “Kailangan mo ba talagang umalis kaagad?" Tanong niya. Nagulat ako at natawa. Natawa naman ako kasi mukha siyang malungkot na makapagsabi at makapagpaalam ako sa kanya. “Bakit? Ayaw mo ba akong umalis?" biro ko habang nagpipigil ng tawa. “Huwag mong sabihin sa akin ngayon na magsisimula ka nang manligaw." Pabirong sabi ko ulit. “Oh bakit bigla kang natulala?" Natatawa kong sabi sa kanya. Napalunok pa ito habang huminga ng malalim. “Don't worry, magkikita pa naman tayo diba?" tanong ko. “Kaya may chance ka pang ligawan ako." Ngumiti ako sa kanya habang sinasabi yun. “Kailangan ko lang talagang umalis muna." Sabi ko. “May trabaho pa ako. Pero magkikita ulit tayo." aniya ko sinabi sa kanya. “Gusto mo magkita tayo bukas?" tanong ko. “Dito ba ulit?" nakangiting tanong niya. “Ikaw?" sabi ko sabay titig sa mukha niya. Napahinga rin ako ng malalim. Kinakabahan at malakas ang pintig ng puso ko. Ang pulso ko sobrang bilis ng pintig. Parang bumabalot sa akin ngayon. Habang nakatitig siya at nakatitig ako sa kanya. Pero nagulat ako ng biglang bumaba ang mukha niya. Napahugot pa ako ng malalim. Napalakas pa lalo, at mas lalong lumakas ang kaba ko. Tumigil ang pagbaba ng mukha niya at nakatitig din siya sa mga mata ko. Sa tingin ko ito ay nakikiramdam. Gusto niya. Gusto ko. Parang nakikiusap ang mga tingin niya. Sa tingin ko rin sa mga mata nito. May nais siyang ipagpaalam. Ipinapaalam niya ang posibleng gawin niya ngayong mas inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko. Ako rin. Napalunok ako ng gusto kong pigilin ang hininga ko. Pumikit ako. Crazy! Pagpikit ko, naramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko. OMG! Damang-dama sa balat ko ang init ng hininga niya habang nararamdaman ko ang paulit-ulit niyang paghinga. Sa kabila ng katotohanang marami siyang beses na humugot ng malalalim. Naramdaman ko ito habang inilapat niya ang labi niya sa aking labi. Sa nakikita ko, habang nakapikit ako, naisip ko na nagbigay ako sa kanya nang hudyat na gawin niya ang gusto niyang gawin sa akin. Ang halikan ako sa kabila noon ay nabigla din ako. Kahit na inaasahan at hinihintay kong mangyari, ang halikan niya ako. Dug, dug, dug. Nakakabingi ang kabog ng dibdib ko. Nakikiliti ako sa lakas ng pintig nito. Parang may init na nagdadala at kumukuryente sa buong katawan ko at nilalamon ng init na dala ng mga halik nito. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata nang huminto ito at nagkatitigan nang magtama ang aming mga mata. Dug, dug, dug. Lalong lumakas at bumilis. Mas lalong bumuhos ang hininga niya at naramdaman kong dumampi ito sa balat ko. Dug, dug, dug. Nang gumalaw ang halik niya ay agad akong tumugon. Hindi ko maiwasang kumawala ang nararamdaman ko para sa kanya, agad akong tumugon sa mga halik niya. Hanggang sa bumalot sa aming dalawa ang mga halik na iyon. Napayakap ako sa kanya. Habang hinawakan niya ang magkabilang braso ko, nang pinulupot ko iyon sa bewang niya. Inangat niya ito mula sa magkabilang balikat at ipinulupot sa kanyang leeg. Habang hinahalikan niya ako, mas naging mabilis ang galaw ng paghalik niya kaysa sa kangina. Mas napakapit ako sa kanyang leeg, hinapit niya ako upang mas mapadikit ako sa kanya. Nabigla ako at napakapit pa ako ng husto. Nakapulupot ang mga braso niya sa katawan ko. Mas idinikit ako sa kanya at niyakap ako ng mahigpit habang halik ako. Nabigla ako, nanlaki ang mata ko, hindi mapigilan ang mga halik niya. Muli akong napapikit habang tinutugon at sinusubukan sumabay sa mga halik niya sa akin. Halos habulin ko ang hininga ko dahil sa mga halik nito. Naidilat ko ang mga mata ko. Napatingin ulit ako sa mga mata niya habang nakatulala at iniisip. “Tama ba itong ginagawa ko?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin lang sa kanya. Tumigil siya sa paghalik sa akin. Humiwalay ang labi niya sa labi ko, at ngayon ay nagkatitigan lang kami sa mata. Napabuntong hininga ako. Napabuntong hininga din siya. Muli akong napabuntong-hininga, at ganoon din siya. Walang salitang lumabas sa bibig naming dalawa. Pero parang nag-uusap ang mga mata namin. Kumikislap ang kanyang mga mata na parang bituin na nagniningning sa langit. Napahugot ulit ako. Wala pa rin akong masabi, at ganoon din ang ginagawa niya sa akin. Tahimik lang kaming dalawa, at mga mata lang ang nag-uusap. Hinihingal pa ako habang ganun pa rin siya. Nakatayo ng tuwid, nakatitig sa aking mga mata, halos hindi ko maramdaman o makita ang pagkurap ng mata nito. Nakatingin lang siya sa akin. Walang ngiti ang makikita sa kanyang mukha. Seryoso ang tingin nito. Habang iniisip ko kung bakit, hanggang ngayon, ako at siya ay hindi makapagsalita upang makapag-usap. Gusto kong magsimulang magsalita. Pero kinakabahan ako, natatakot na baka hindi ko maintindihan ang nangyayari sa amin ngayon at magkamali ako sa pag-unawa. Ano ba talaga ang nangyayari sa amin? Wala naman diba? Hinalikan niya lang ako, tinugon ko naman. At ngayon ay nagtitigan lang kami habang walang lumalabas na salita sa aming mga bibig. Ano pa ba ang dapat kong isipin? Ano ang dapat kong gawin? Sisirain ko na ba ang pader na nasa pagitan naming dalawa? Pero hindi. Hindi ba tama na tapusin ko na ang katahimikan namin? Hindi ba dapat siya ang mauna? Bakit sa tingin ko dapat ako? Bigla akong nataranta. Nagmumuni muni habang nakatingin pa rin kami sa isa't isa. Para siyang estatwa, nakatayo lang at nakatunganga. Pero nagulat ako ng bigla siyang tumikhim. Siya ang unang bumasag sa katahimikan sa aming dalawa. Siya ang bumagsak sa pader sa pagitan naming dalawa. Ngumiti siya habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ko. “Paumanhin!" binasag nito ang katahimikan. Ang unang salitang narinig ko mula sa kanya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay Paumanhin! Ang hindi ko akalaing sasabihin nito habang kagaya niya ay gusto ko rin siyang halikan. “A-ahh o-okay l-lang..." Nabubulol ako nang magsalita siya, at hindi ko tuloy masabi ang gusto kong sabihin bilang tugon sa paghingi niya ng tawad. Gusto ko sanang sabihin na wala siyang dapat ipag-alala dahil gusto ko rin siyang halikan. Napabuntong hininga pa ito ng muling magsalita. “Bea, humihingi ako ng paumanhin sayo. Kung naging mabilis ako." sabi nito. Napanganga na lang ako at nawalan na naman ako ng kibo, at umuurong na naman ang dila ko. “Nabigla ka ba?" umiling ako. “Nag-aalala ako na baka nabigla ka kasi hinalikan kita." Umiling ulit ako. “Sigurado ka ba?" tumango ako. “Hindi ka ba nagagalit na hinalikan kita?" Umiling ulit ako, walang sagot maliban sa iling ko. “Bea, sorry talaga sa ginawa ko." napabuntong hininga ako. Ilang beses habang nire-relax ang sarili ko. “Hindi ka ba talaga galit?" Umiling ulit ako. ”Hindi ka ba talaga galit sa akin sa ginawa ko?" Seryoso pa rin niyang tanong, sabay ngisi at paninigurado. Paulit-ulit niyang tanong. Kung galit ako, Galit ba ako sa kanya? Nagalit ba ako sa ginawa niya at marami pang tanong na nagpapahiwatig na hindi siya kuntento sa sagot ko? Atleast nakahinga ako. Pero wala akong isinagot sa kanya kundi umiling ng ilang beses sa tanong nito. “Kung ganun, hindi ka ba talaga galit?" Bigla itong ngumiti. Napailing ulit ako, lumawak ang ngiti niya. “Wala nang bawian, ahh!" Paniniguro pa niya habang mababakas ang saya sa mukha niya. “Hindi ka galit?" pangungulit niya pa rin. Napalunok pa siya, na tinawanan ko rin, at natawa rin siya. Kakaiba talaga siya, at natutuwa akong naging totoo siya sa akin. Pakiramdam ko ay napakabait niyang tao at mukhang okay naman siya base sa nakikita ko habang bumabalik ang ngiti sa kanyang mukha. Tuwang-tuwa siya at talagang natuwa siya nang malaman niyang hindi ako nagalit sa halik na ibinigay niya sa akin. Bakit naman ako magagalit kung gusto ko rin naman na halikan niya ako? Naghintay din ako. Akala ko biro lang, nagkatotoo ang iniisip ko habang nakatitig sa mga mata nito. Napabuntong-hininga na ako, at sa tingin ko ay ganoon siya dahil sa saya na makikita sa mukha niya at sa muling pagtitig niya sa mukha ko. “Matutunaw ako." pabiro na sabi ko sa kanya. “Sige matutunaw na ako ng husto." aniya ko ulit biniro ito. “Maghuhulma ka pagmatunaw ako." pabiro kong sinabi. Naku, ayaw niya talagang tumigil sa pagtitig sa mukha ko. “Matutunaw talaga iyan, at ayaw mong tumigil sa pagtitig." pabirong sabi ko ulit sa kanya. “Hala, uminit na ang mukha ko." bulalas kong turan habang napahawak ang magkabila kong palad sa magkabila kong pisngi. “Pero sayang, baka matunaw talaga. Ikaw na bahala." pabirong banta ko. “Pagmatunaw ihulma mo ahh." Sabi ko, at ako naman ang naging madaldal sa aming dalawa. Feeling ko namumula na ang magkabilang pisngi ko lalo na't ramdam na ramdam ko ang init doon habang ayaw pa rin niyang alisin ang tingin niya sa akin. Hindi naman siguro niya ako hahalikan? Napaisip pa ako habang nag-iisip at sinubukang basahin ang nasa isip nito. Ilang minuto pa at hindi ko rin inalis ang mga tingin ko sa kanya. Tulad niya nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD