BEA'S POV'S
“Bea, mukhang masaya ka?" Nagulat ako. Lumingon ako at nakita ko ang isang babae sa tabi ko. Ang aking kaklase, isang malapit na kaibigan.
“Pero kaya lang, bakit parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba? Masaya pero parang ang hirap dalhin ng itsura mo." tanong ng kaklase ko habang hinahabol ko ang aking hininga.
Marami akong iniisip, pero masaya talaga ako dahil natanggap ako sa isang kumpanya kung saan pangarap ko lang makapagtrabaho.
Kaya naman tuwang-tuwa ako dahil ilang taon akong nagtitiis at iginapang na makapag-aral at makapagtapos, kahit na sobrang hirap at madalas umiiyak na lang ako.
Heto, may magandang bunga sa lahat ng pangit na tingin sa akin ng iba dahil sa pangit na background ng pamilya ko.
Laging tumatambay sa bar sina Ate at Kuya.
Kahit mga walang pinagkukunan ng pera ay ayos lang sa kanila dahil nandoon ako.
Ako ang sasagot sa mga alak na kanilang iniinom.
Minsan madalas silang gumawa ng gulo sa loob ng bar, masasali rin ako sa mga kaguluhang kinasasangkutan nila.
Sikat na sikat ako dahil sa mga pamilyang mayroon ako.
Kaya naman hindi rin ako umaasa na matatanggap ako ng kumpanya sa kabila ng maraming problema ko, isama pa na tinadtad ako ng intriga at kung anu-anong balita na may relasyon ako sa may-ari ng kumpanya, kahit na may' hindi ko pa nakita.
Hindi ko pa nakikilala ang may-ari ng kumpanya, kahit sa ilang buwan na pagtatrabaho ko doon habang nag-OJT.
Kahit minsan, hindi ko nakita ang mukha ng may-ari, kahit madalas kong marinig na gwapo siya pero hindi malapit sa mga babae.
Iyon lang ang balita ko, pero hindi ako sigurado kung ano ang pinag-uusapan nila noong iyon ang topic nila sa opisina.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang training ko.
Yun lang ang gusto ko.
Gusto ko talaga makasama sa mga graduate next month.
Bagama't pangarap kong makapasok doon, mahirap at napakahigpit daw ang may-ari pagdating sa background ng aplikante, lalo na't hindi maganda ang background ko.
Pero ayos lang dahil natapos ko na ang OJT ko sa kumpanyang iyon.
Masaya ako na naranasan kong makapagtrabaho at makita kung paano nagtatrabaho ang kanilang mahuhusay na designer.
Masyado silang strikto, at madalas umiiyak lang ako, pero natutuwa pa rin ako dahil tinanggap nila lahat ng aplikasyon ko nitong mga nakaraang buwan, sa kabila ng katotohanang wala akong maganda sa background ko maliban sa matataas kong grades.
Doon lang, ayos lang ako.
Naranasan kong ma-hire, kahit OJT lang.
Naranasan kong ma-interview kahit isa lang sa mga requirements para makapagtapos ako.
Ano ba yan? naluluha na ako. nasambit ko. Pagpunas ko ng mata ko dahil sa luhang tumulo.
“Anong problema, Bea?" Curious na tanong nito habang pinupunasan ang luha gamit ang kamay ko.
“I see you in a happy mode, pero ngayon naluluha ka na. Sabi ko na nga bang may kakaiba sa iyo?" Muli itong sinabi ng aking kaklase nang mapansin niyang may mali sa akin.
Si Mirriam na hindi gaanong madaldal ay panay ang komento sa nakikita ng dalawang mata.
Hindi niya pa rin alam kung bakit ako masaya sa kabila ng maraming problema na nakapatong pa rin sa likuran ko.
Kangina nga lang sinigawan ako sa bahay.
Nung nalaman nilang sinusubukan kong makasama sa graduation ko next month, at isa pa dahil pumasok ako sa kumpanyang pinasukan ko para sa OJT ko, na pilit nila tinututulan.
Sinabihan ako ni Ate at Kuya na huwag umasa na matanggap ako sa trabaho. Bakit hindi ko na lang pagtuunan ng pansin ang pagtulong sa aking pamilya bago isipin ang aking pangarap na makapagtapos?
Ngunit bakit sila?
Hindi ba nila naiisip na dapat silang maging matino para makatulong din sila sa aming pamilya?
Magsumikap, hindi maglakad-lakad o mag-bar para lang sumakit ang ulo ko at bigyan ako ng mga problema.
“Ano ba? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang sabi ni Mirriam habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko gamit ang panyo.
Gusto ko lang makapagtapos, pero ayaw ako payagan sa bahay na umakyat sa entablado para tanggapin ang mga parangal na makukuha ko dahil wala naman silang pangsusuporta para sa aking pagtatapos.
“Iniisip mo na naman ba ang graduation mo?" Tanong ni Miriam habang hindi parin tumitigil ang luha ko.
“Sandali..." sabi niya nang may dinudukot sa bag niya.
“Oh, tanggapin mo na." Sabi ni Mirriam.
“Gamitin mo ito para makasama ka sa amin sa graduation." Sabi ulit ni Mirriam sabay abot sa akin ng perang kinuha niya sa bag niya.
“Sayang naman kasi ang mga awards mo. Ikaw na pinakamatalino sa amin ay mawawala sa araw na hinihintay natin." sabi ulit ni Mirriam na mas lalo akong naiyak.
Sa kabila ng marami sa aking mga kaklase na parang pulubi ang tingin sa akin, isa akong pulubi na kinaaawaan ng marami dahil sa antas ng pamumuhay na mayroon ako.
Madalas nila akong nakikitang naghuhugas ng plato sa school canteen para lang panggastos sa pang-araw-araw kong pagkain habang nag-aaral.
Minsan makikita nila ako sa car wash.
Nagtatrabaho ako doon para pambili ng mga librong kailangan ko.
Minsan nakikita nila ako sa gabi sa bar.
Nagtrabaho ako bilang waitress para tustusan ang iba ko pang gastusin, kasama na ang mga gastusin namin sa bahay. Dahil kapag hindi ako nagbigay, siguradong sisigawan na naman ako at lalo pa nila akong pipilitin na huminto sa pag-aaral.
Marami pa akong trabaho, kaya ang pang-aasar at panunukso ng ibang tao, halos lahat natanggap ko.
Iiyak na lang ako sa isang sulok para mailabas lahat, buti na lang minsan may nasa tabi ko, at naiiyak ko kapag hindi ko na kaya ang bigat.
“Salamat, Mirriam." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya at nakatingin sa mukha ni Mirriam, nakangiti sa akin.
“Babayaran ko ito. Oras na makapagtrabaho ako." Sabi ko.
“Don't worry babayaran ko talaga to." I said again, umiiyak pa rin habang nakayakap sa akin.
“Huwag mo nang isipin, maliit na halaga lang yan. Hindi mo kailangang mag-isip at humingi ng tawad." sagot ni Mirriam habang nakayakap pa rin sa akin.
“Hindi mo kailangang magpasalamat. Dahil ilang beses mo na akong tinulungan, maliit na halaga ng maraming beses mo rin akong sinamahan. Lagi kang nandyan para samahan ako." Sabi ni Mirriam habang nakangiti sa akin nang maghiwalay kami sa yakap niya.
Para akong may kapatid na madalas umiintindi at madalas nakakaintindi sa sitwasyon ko.
Madalas siyang tumulong, kahit hindi ako nagtatanong o lumalapit sa kanya.
Siya ang kusang nagbibigay, ngunit sa kabila noon, ni isang salita ay hindi siya nagsabi ng masama.
Wala akong narinig mula sa kanya.
Kaya laking tuwa ko nang malaman ko na isa ako sa mga masuwerteng estudyante na naka-absorb sa maraming estudyanteng nag-apply sa kumpanya.
Kahit na ang aking mga karanasan sa kumpanyang iyon ay hindi madali.
Napakaraming hirap at talagang akala ko wala na akong pag-asa na matanggap sa kabila ng mga pangit na pakikitungo sa akin ng mga tao ron.
Kaya nagulat talaga ako.
Hindi ko inaasahan na matanggap ako sa trabaho.
Kaya kahit ang saya ko ngayon ay may namumuong takot din sa dibdib ko.
Alam ko kasing mahirap para sa akin na makitungo sa mga taong nagtatrabaho sa kumpanya. Pero ayos lang, kaya ko malampasan lahat kahit mapagalitan o masigawan ako ng mga masasama ang tingin sa akin.
Sa totoo lang, madalas akong pagtsitsismisan kahit hindi ko man lang naintindihan ang pinag-uusapan nila, at pinagbibintangan nila ako ng lahat basta ang sabi nila, “sipsip, malandi, at ano yun?"
Isa akong linta.
Oo, naalala ko, nabalitaan ko na linta daw ako. Dahil kung hindi dahil sa nagrecommend sa akin, hindi ako matatanggap ng kumpanya.
Malakas daw ako dahil malakas ang pagkakahawak ko sa pinakamataas kaya madali akong nakapasok sa kabila ng pangit kong background.
Pero ayos lang dahil sigurado akong may trabaho na ako after our graduation day next month.
Kung ano man ang pagdaanan ko ulit sa kumpanya, kakayanin ko. Magtitiis ako hangga't kaya ko. Kahit mahirapan pa ako.
Susubukan ko dahil unti-unti na akong naiangat ng aking mga pagsubok mula sa mga pangit na tingin na natanggap ko mula sa iba.
“Sige, magkita ulit tayo at mag-usap tayo mamaya." sabi ni Miriam.
“Mamaya na natin pag-usapan ang problema mo. May aasikasuhin lang ako sa library, at may pinapatingnan sa akin si Liza." Sabi niya ulit.
“Maya maya ahh Bea" sabi ni Mirriam sabay ngiti na binitawan na ako at umalis.
Si Liza ay isa sa kanyang mga nakababatang kapatid na pumapasok din sa paaralang aming pinapasukan.
“Sige, maraming salamat dito." Sabi ko ipinakita ko yung pera na binigay niya.
“Babayaran ko ito. Ipinapangako ko." Sabi ko pa sa kanya.
Nangako ako na babayaran ko siya gamit ang pera na kikitain ko oras na makapasok na ako sa trabaho.
Graduating na talaga kami ni Mirriam.
Gumagaan din ang loob ko dahil sa wakas, sa ilang taon ng aking pag-aaral, nagbunga na rin ito.
Lahat ng pagsisikap ko para mas matulungan pa ang pamilya ko ay magbubunga upang hindi na nila ako madalas pinapagalitan.
Hindi naman ako ang panganay, pero parang ako ang panganay dahil hindi nakakakuha ng magandang trabaho ang mga kapatid ko.
Palagi silang umaalis sa trabaho at umaalis sa trabaho kapag ayaw na nila sa trabaho.
Sa madaling salita, madali silang magsawa at kung hindi nila gusto ang mga trabahong ginagawa nila, umaalis sila. Bigla na lang din silang umaalis at sinubukang mag-resign.
Sakit sa ulo sila Mama at Papa na kasabwat din ng mga nakatatandang kapatid ko.
Kaya pala lahat bagsak sa akin.
Ako ang nagpapasan ng mga responsibilidad na dapat sa kanila dahil mas matanda sila sa akin.
Hindi kami mayaman, pero may trabaho ang mga magulang ko, pero sapat lang sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay.
Kaya kailangan ko pang magtrabaho para sa sarili ko para masuportahan ko ang aking pag-aaral.
Kung hindi man ako magtatrabaho, hindi ko rin matustusan ang aking sarili, lalo na't madalas tutol ang aking mga magulang sa pangarap kong makapag-aral at makapagtapos.
Gusto nilang kalimutan ko na lang ang pangarap kong makapagtapos at isipin na lang na tumulong sa kanila.
I’m just more mature than my older siblings, especially when it comes to thinking. Pero in the end, dapat mas mature sila sa akin kasi mas matanda sila sa akin.
Gayunpaman, kabaligtaran ang nangyayari bilang resulta ng kanilang mga gawi at trabaho sa kanilang buhay. Wala silang nararamdaman at hindi nila iniisip na dadating din ako sa puntong bibigay din ako.
Hindi sa lahat ng oras, lahat kaya kong tiisin, dahil madalas nila akong pinag-iisip.
Pero napakaswerte ko at napakabait talaga sa akin ni Papa God.
Sa kabila ng katotohanang malapit na akong sumuko, nakagawa siya ng paraan para makahinga ako at harapin ang lahat.
Isang pagpapala ang tanggapin ako kaagad sa trabaho.
Excited ako dahil pagkatapos ng graduation ko, magtatrabaho na ako sa kumpanya, kahit alam kong hindi magiging madali para sa akin ang mundong papasukan ko.
Okay lang kahit ilang beses pa nila akong husgahan.
Susubukan kong makayanan hangga't makakaya ko.
Susubukan kong maging matiyaga. Kahit isipin nila na may relasyon ako sa may-ari ng kumpanyang iyon.
Kahit wala naman.
Kahit hindi totoo.
Okay lang ako, kakayanin ko.
Dahil higit na ako ang nakakakilala sa sarili ko. Hindi naman sila, ako ang mas alam kung ano ang totoo sa mga paratang nila.
Ipapasok ko na lang sa kabilang tenga ko at ilalabas sa kabila.
Socialize Company ay isang kumpanyang pagmamay-ari ni Sir Luiz Mansano.
Akala ko artista ang may-ari.
Dahil Luiz Mansano rin ang pangalan niya, ang pangalan ng aktor na anak ni Edu Mansano.
Pero, sabi ng kaklase ko, hindi siya artista kundi isang young business man.
Wala siya sa bansa noong nag-OJT ako sa opisina niya, kaya hindi ko talaga siya nakilala.
Kahit nakita man lang.
Pero, kung bakit nila iginiit na ako ang jowa ng may-ari ng kumpanya?
Tinanggap daw ako agad ng kumpanya dahil sa may-ari. Kaya raw ang lakas ko sa management dahil sa may-ari.
Ang gulo nila, ang di ko malaman saan nila nakuha ang mga paratang na wala naman katotohanan.
Kaya lahat sila inaaway ako, hinuhusgahan, at madalas sumisigaw kapag inuutusan ako.
Pero binalewala ko lang lahat.
Kasi kailangan kong tapusin yung OJT ko dun.
Kahit madalas akong umiyak, pupunta lang ako sa CR at doon ako magkukulong hanggang sa maging okay na ako at mailabas lahat ng sama ng loob ko.
Pero okay lang, kaya ko pa namang tiisin ang lahat.
Kahit na nasasabik ako, nakararamdam pa rin ako ng takot.
Kaya ko ito.
Kaya ko ito.
Kaya ko ito.
Kahit ano pang harapin ko kapag pumasok na ako sa kumpanyang iyon, kakayanin ko. Magtitiis ako.
Magtitiis ako para sa pangarap ko.
“Hey, hey, Bea." Nagulat ako ng may sumigaw.
“Kangina pa ako nagtatanong at nakikipag-usap sa iyo nang paulit-ulit?" gilalas na sambit nito pa.
“Ang layo naman ng distansya sa pagitan ng iyong tingin at iniisip." sabi pa muli nito.
Napabuntong-hininga ako at nagtataka kong binaling ang atensyon ko sa taong sumigaw. “Bakit?" Napasigaw pa siya pabiro sa pagkamangha nang tanungin ulit ako ng kaklase ko nang hindi ko sinagot ang mga tanong niya.
Hindi ko siya napansin matapos na makaalis si Mirriam at naiwan akong mag-isa dito.
Hindi ko naramdaman ang pagdating niya.
“Sorry!" sagot ko.
Tapos nagdaldal ulit siya nung humingi ako ng tawad sa kanya.
Nginitian ko lang siya at pinakinggan ang mga sumunod niyang sinabi, tapos lumingon ulit siya para magtanong kung ano ang tinanong niya sa akin noon pagdating niya.
Lutang talaga ang utak ko. Dahil sa naiisip ko, natutuwa ako, pero sinasabayan pa ng matinding pagkabalisa.
“By the way, tinanggap ka rin ba sa Socialize Company?" Malakas ang boses na tanong niya ulit.
“Nabalitaan ko na may mga estudyante sa ating school na piniling makapagtrabaho para sa kanila." masaya ang mukha na ibinabalita.
“Diba doon ka nagsubmit ng OJT application mo para sa final requirements natin for graduation?" Nakataas ang kilay na tanong niya na nakangiti pa rin.
“Alam mo bang excited na sila yung mga natanggap ng Socialize Company?" Ipinagpatuloy niya ang kanyang binabalita.
“Ako naman tinanggap ako ng Explicit Company. Kaya lang hindi ko pa alam kung itutuloy ko ba o tatanggi." Biglang lumungkot ang mukha niya nang hindi magawa ang desisyon para sa kanya.
Puro siya lang nagsasalita. Nakikinig lang ako sa mga kwento niya.
“Sa ilang taon na pagod ang utak ko, gusto ko munang makapagpahinga. Dapat pahinga na lang muna ako diba?" Sinabi niya at nagtanong din siya.
“Gusto ko munang magpahinga at mamasyal. Saka gusto kong sulitin ang mga araw na makakapagpahinga pa ako. Hindi ba maganda ang naisip ko?" Nakangiting sagot nito sa tanong din niya.
“Sure ako, hindi pa rin puputulin ni Mommy at Daddy ang allowance ko dahil wala pa akong trabaho." aniya sabi nito walang tigil sa pagbuka ng bibig at pagsasalita.
“Yun ang usapan namin habang wala pa akong trabaho at nag-aapply pa ako. Susuportahan pa rin nila ako at ibibigay pa rin nila ang allowance ko hanggang sa makapagtrabaho ako." Sabi niya na may halong pananabik at pagmamalaki sa sinabi.
“Kaya lang, kapag nakapagtrabaho na ako at nagkaroon na ako ng sariling kita, puputulin na daw nila allowance ko at matuto na mabuhay ako mag-isa." aniya na sabi pa rin ng di matapos ang kwento.
“Because I can totally support myself at tapos na raw sila sa mga responsibilidad nila bilang magulang ko." sabi ng biglang lumungkot ang mukha niya habang patuloy ang daldal.
“Sabi pa nila may sarili na akong kita and it's up to me if I share with them. Pero mas mabuti raw na mag-ipon ako para sa kinabukasan ko at sinupin ko ang lahat ng pera ko wag puro gastos. Hahaha! Ang bait ng mga magulang ko."
Mas lalo siyang natuwa nang idetalye ang napag-usapan nila at ang napagkasunduan ng kanyang pamilya.
Mas lalo siyang tumawa. Habang nagkukwento siya at nagyayabang.
Hehehe, mayabang talaga itong si Trudis minsan, pero madalas, okay lang din naman siya tulad ni Mirriam.
Mabait din siya sa akin, kahit minsan makulit si Trudis.
Galing si Trudis sa mayamang pamilya, ngunit malayo sa negosyo ng kanyang pamilya ang larangan na gusto niyang pasukin.
Kung baga, wala siya sa linya ng mga hilig ng kanyang pamilya.
Sana lang lahat kagaya niya.
Gaya ni Trudis, sana anak na lang ako ng mayamang pamilya, para hindi ako mahirapan sa pag-iisip na makahanap agad ako ng trabaho o makapagtrabaho kaagad pagkatapos ng graduation.
Kung tutuusin, kailangan kong suportahan ang aking pamilya at ang aking dalawang kapatid para hindi sila laging nakasigaw at galit.
Kung tutuusin, pasakit lang sa ulo ng pamilya namin ang mga walang kwenta kong nakatatandang kapatid.
Kaya nagpapasalamat ako. Buti na lang at hindi pa naiisip ng dalawa kong kapatid na mag-asawa.
Baka mabaliw na din ako, oras na magkaanak na sila, at paniyak na madadagdagan pa ang mga problema ko.
Pati mga anak nila problemahin ko pa rin.
Naku, paano naman ako?
Ako ang pinakabata, pero parang hindi ko matitikman ang saya dahil pamilya lang ang nasa isip ko.
Ayokong maipit lang sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.
Syempre, gusto ko ring maging masaya, tulad ng mga ordinaryong tao na katulad ko.
“Wag mong pagyabangan si Bea. Kahit anong gawin niya sa buhay niya, walang mangyayari dahil napakawalang kwenta ng buhay niya."
Nagulat ako at nagulat si Trudis ng may nagsalita at pumasok habang nagsasalita si Trudis.
“Bagama't magaling siya at matalino, ano ang silbi nito kung wala siyang pera para mag-apply ng trabaho?" Muling sabi, sabay kami lumingon ni Trudis sa likuran niya at nakita si Christmas.
“Kung hindi dahil sa scholarship na nakuha niya, hindi siya makakapag-aral dito sa school dahil hindi kaya ng pamilya niya dahil wala silang pera. Problema pa rin ang dalawa niyang kapatid. Bilang karagdagan, lahat sila ay ganap na walang halaga. Walang kwenta."
Walang tigil ang daldal ni Christmas, kahit naiinis ako. Wala akong magawa kasi totoo naman.
Totoo naman lahat ng sinabi ni Christmas at wala na ako mailulusot dahil lahat naman sa mga kamag-aral ko ay alam ang estado ng pamumuhay namin ng pamilya ko.
“Kinailangan pa niyang magsumikap, magtrabaho habang pumapasok sa paaralan para lang matustusan ang kanyang pag-aaral. Pero in the end, yun na nga... Ayaw siyang payagang umakyat sa stage at tanggapin ang parangal na matatanggap niya dahil sa wala silang pera."
Patuloy na panunuya, gaya ng sabi ni Christmas, wala naman talaga kaming pera kaya ayaw ako payagan ng pamilya ko na sumama sa graduation dahil sa walang ipangsusuporta sa pangbayad ko ng graduation fee.
Sumama ang tingin ni Trudis kay Christmas.
Habang ako, walang kibo at nanatili nalang tahimik habang nagpatuloy si Christmas sa pangungutya sa akin.
Madalas na mambully si Christmas sa akin. Dahil sa mga nakikita niya na nangyayari sa aking pamilya, madalas niya akong pinapahiya sa mga kaklase ko o sa ibang tao.
Kapitbahay ko si Christmas. Mula siya sa may kayang pamilya.
Malaki ang grocery store ng pamilya niya sa palengke samantalang kami ay wala.
Ang aking ama ay isang construction worker. Samantalang ang nanay ko ay labandera at ang mga kapatid ko, sabi niya, mga taong bahay, walang kwenta ang buhay.
Dahil sa madalas niyang nakikita ang pagwawala ng mga kapatid ko kapag hindi sila binibigyan ng pera ng aking mga magulang o kaya naman ay ako ang siyang kukunan nila kahit walang laman ang aking pitaka uubusin nila iyon at walang ititira.
“Christmas, sobra ka sa sinabi mo kay Bea."
Pinagalitan ni Trudis si Christmas habang tuloy-tuloy sa pagsasabi ng lahat ng masasamang salita na binitawan niya patuloy sa akin.
“Saka hindi ko siya pinagyayabangan. I'm just sharing mine, pero kahit minsan, hindi ako naging katulad mo sa pakikitungo kay Bea." Sinabi ni Trudis.
Tama rin siya. Dahil kahit ganyan si Trudis sa akin, hindi niya ako pinagsasalitaan ng masama.
Mayabang si Trudis, pero mabait din siya sa akin. Tulad ni Miriam, mabait sa akin si Trudis at never ko pa siya narinig na sinisiraan ako sa iba. Gaya nalang ng ginagawa sa akin ni Christmas.
“Ano ang alam mo?" ani ni Trudis.
“Ang yabang mo rin." sabi muli ni Trudis.
“Baka dumating yung araw na mas aangat pa si Bea sayo. Kung ako sayo, titigilan ko ang patuloy mong pagpapahiya kay Bea." Sinabi ni Trudis habang si Christmas ay pinagsabihan at pinaalalahanan.
“Ang mundo ay bilog at umiikot, ngunit sa susunod na pagkakataon. Baka mapunta ka sa ibaba, at si Bea ay mapunta sa ibabaw mo." Sabi ulit ni Trudis, at muli niya akong ipinagtanggol sa mga pang-iinsulto na madalas na ginagawa sa akin ni Christmas.
“Diyan na nga kayo." sabi ni Christmas at umalis na.
“Pagpasensyahan mo nalang si Christmas." sabi ulit ni Trudis. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Bea, hindi sa lahat ng oras magiging ganyan ang buhay mo. Matuto kang lumaban sa mga tao tulad ni Christmas." sabi ulit niya.
“Huwag lang puro takip ng tenga. Tapos hindi ka kikibo at tatahimik lang. Iiyak ka lang kahit saan mo gusto, pero walang makakarinig sayo kundi ang sarili mo." aniya sabi pang muli ni Trudis, pero tama naman siya.
“Matuto kang sumagot at ipagtanggol ang sarili mo. Kung kinakailangan, tumugon, matuto kang mangatuwiran, o ipagtanggol ang iyong sarili sa mga tulad ni Christmas." Ngumiti sa akin si Trudis.
Muli akong umiyak, tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan na maiyak sa mga sinambit ni Trudis.
“Yan na nga ba ang sinasabi ko, umiiyak ka na naman." Sabi ni Trudis at pinunasan ang luha sa mata ko.
Huminga siya ng malalim saka niya ako inalo hanggang sa maging okay na ako.
Sinabi ko rin sa kanya na natanggap ako sa Socialize Company. Tulad ko, masaya si Trudis sa pagkakatanggap ko ngayon sa trabaho, masaya siya para sa akin.
She even told me to learn from people like christmas, wag pansinin ang mga taong hindi gaanong mahalaga sa buhay ko. Kaya tumango nalang ako.
Susubukan ko, pero hindi ako nangangako dahil parang kakaiba sa akin ang gusto niyang baguhin ko. Hindi ako sanay sa nais niyang mabago ko.
Nagpaalam na rin kami sa isa't isa pagkatapos naming mag-usap.
Tinext ko si Mirriam na aalis na ako at pupunta sa paborito kong lugar. Sa kabundukan, sa burol, sa mataas na lugar na malapit lang sa paaralan.
Tatlong oras pa ang aabutin ko para makarating doon.
Minsan umaabot ng apat na oras o lima, depende sa lakad.
Napakaganda doon.
Fresh yung lugar, at nailalabas ko lahat ng hinanakit ko. Kaya naman pupunta ako doon para magpahinga at huminga sa lahat ng nangyari sa akin ngayon.