CHAPTER 4
—SUMMER RAYNE's POV—
"We have informed the Boards about your sudden disappearance." Bahagya akong napadilat nang marinig ang hindi pamilyar na boses. Bumungad sa akin ang itim na leather ng upuan. Matapos obserbahan ang kapaligiran ay napagtanto ko na nasa loob ako ng sasakyan habang nakaunan sa hita ng lalaki na kumuha sa akin.
"Good. This woman needs to be punished for what she has done." Agad akong pumikit upang hindi nito mapansin na gising na ako at nakikinig na sa pag-uusap nila. "Call the department and tell them to drop additional bodyguards for my mate."
Mate? Paano? Hindi ko pa nami-meet ang tao na ito sa buong buhay ko.
"I will send an email, Mister Aquillas."
"Hmm." I faked a moan to let them know that I'm slowly regaining my consciousness.
"I think she's awake."
Unti-unti akong bumangon at umayos ng upo. Pagkatapos ay tiningnan ko ang estranghero na nakaupo sa aking gilid. His eyes contrasted beautifully with his dark hair. His face is matured, in a good way. He looked more like a man now, not a boy.
"You fainted, do you remember?" Tumango ako. Pinanatili kong kalmado ang aking isipan at pinilit ko na itago sa kanya ang takot na nararamdaman. "Have you forgotten my face, little fox?"
"Sir, gusto ko ng umuwi. Please, let me go."
He smirked. "You can't run away anymore, woman. Tell me your name."
"I... I am Summer Rayne."
"I'm Greyson Blake Aquillas."
"Sir, hindi ko po talaga kayo kilala. Kung maaari po ay pakawalan niyo na ako. Pinapangako ko na hinding-hindi ako magsusubong sa pulisya."
"No, you'll live with me from now on."
Nakaramdam ako ng kaba. Ni hindi ko kilala ang tao na ito at pagkatapos ay basta-basta nalang niya sasabihin na sa kanya ako titira? This is kidnapping!
"Hindi maaari! Please, sir, tingin ko ay nagkamali kayo. Hindi ako ang hinahanap niyo."
Totoo ang sinasabi ko, hindi ko talaga kilala ang tao na ito. Kahit kailan ay hindi ako nakalimot ng mukha o ng pangalan ngunit kahit kailan ay hindi ko nakita ang taong ito sa buong buhay ko.
"I am many things, my little fox." Greyson lean and smell me. "But I am never wrong."
"Maaari ko bang malaman kung saan at kailan tayo nagkakilala?"
"Exclusive Night. April 20. Three years ago."
Napatulala ako at inalala ang mga nangyari sa akin noong araw na iyon. Lumunok ako at umiwas ng tingin. Iyun ang araw na hindi umuwi sa bahay si Heaven at dalawang araw pagkatapos n'un ay naaksidente ito.
Si Heaven ang omega niya pero bakit naapektuhan ako ng pheromones nito? Hindi ako ang mate niya, pero nangyari na ito? My body shivered when I smell his pheromones. My instincts are telling me that I know this man for a long time.
The handsome, powerful, dangerous man grabbed hold of my hand and pulled me close, his breath whispering in my ear, breathing me in as he spoke. "And you even stole my wallet, little fox."
"I did what?!"
"I don't like to repeat myself, Summer."
Oh my goodness! Kaya pala nabayaran ni Heaven ang kuryente, renta namin sa bahay, at nakapag-grocery pa ito. Ngayon ay unti-unti ng lumilinaw ang lahat. "I'm sorry. I just badly needed the money."
Patulak niya akong binitiwa at napasandal ako sa pintuan ng sasakyan. "Ah, that's why you marked me. You think you could make your life easier if you hook a multi-billionaire, huh."
"I know a lot of gold diggers but you're on different level, little fox." Hindi pa man ako nakaupo ng maayos ay muli na naman nitong hinatak ang kamay ko. Napasandal ako sa kanyang dibdib. He held my chin, and just that small touch sent a shockwave of desire though me despite the fact that I was exhausted. "Do you think I'll treat you right after knowing this?"
"Sir—"
"Greyson. Call me by my name."
I unconsciously licked my lower lip. "Greyson."
"That's right. What were you saying?"
Matalim ko itong tiningnan. Kailangan kong kumapit sa natitirang lakas ng loob ko bago pa niya ako tuluyang mapasunod sa lahat ng gusto niya. Sa halip na magalit ito sa pinakita kong tapang ay umakyat lang isang gilid ng labi nito. He's challenging me.
"Kung papahirapan mo rin lang ako, gusto kong magkaroon tayo ng kasunduan." I managed on a shaky breath as I looked up at the dark amusement in his eyes.
"Do tell me. My lawyer is here as a witness."
"Gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo but you have to give me one hundred thousand pesos every month."
"One hundred thousand? My little fox, akala mo ba ay sa ganoong halaga lang ang mga gagawin ko sa'yo?"
"Strictly no s*x."
Greyson's laugh had a distinctly sarcastic ring to it. "What the f***ing hell!? Ano ang silbi mo sa akin?!"
"I can do other things. I can wash all your dishes, your clothes, and your cars. I can clean and cook."
"Wala kang pinagkaiba sa isang kasambahay. Ano ba ang tinapos mo?"
Tumingin ako sa lawyer nito bago ibalik sa kanya ang tingin. Napabuntong-hininga ako. "I... I didn't finish college, Greyson."
Nang bitiwan niya ako ay agad akong dumistansya sa kanya. Sumandal ito at inabot ang alak na nasa gilid nito bago isalin iyon sa baso. "But you aren't stupid, so why did you leave school? Before you answer, take note that I don't like liars, Summer."
"I needed the money."
"Para saan?"
"T-To pay for my bills and the debts." Hindi ko na tinangka na magsinungaling pa dahil wala rin namang patutunguhan iyon. Ngunit gagawin ko ang lahat para lang itago si Heaven sa lalaki na ito.
He took a swallow of wine. "How much?"
"You don't have to know."
"You heard that, Attorney? An omega bluntly said it's none of your business! Unbelievable!"
"Mister Greyson, I think this omega needs more than spanking tonight." The man in gray suit looked down at me. His eyes are obviously judging me.
His face had a stern look again, and I swallowed hard. "My patience is getting thinner, little fox. Don't challenge me. Tell me, how much?"
"Four million." I clenched my fist. "Dollars."
"Provide us the details of the debt collector and consider it paid." He reached for the wine bottle and poured himself another glass. "I will still give you one hundred thousand pesos as a monthly allowance."
"I won't do lap dancing and strip teasing in front of you and your friends."
He smirked. "That's fine. Now that I'm sober, I found out that you're not appealing enough to tempt me."
Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan kaya't lumingon ako at sumilip sa bintana ng limousine. Napanganga ako nang makita ang pagkalaki-laking bahay. No, it isn't a house— it's a mansion. Walang sinabi ang bahay ng aking mga magulang. Galing ako sa mayamang pamilya ngunit ibang klase ang materyal ng bahay na ito.
Naramdaman ko ang kamay ni Greyson at hinatak niya ako palabas ng sasakyan. Tingin ko ay mapulang-mapula na ang aking pulso dahil sa higpit ng hawak nito. Hindi na ako nagulat nang bumukas ang magarang pintuan at bumungad sa amin ang butler at mga kasambahay. Nakauniporme pa ang mga ito.
Napasinghap ako nang itulak niya ako. Dahil sa gulat ay hindi ko nabalanse ang aking pagtayo at napaupo sa paanan ng mga kasambahay. He looked down at me; his eyes are cold and intense. "I found an abandoned kitten, clean her up and bring her to my room after."
"We will, master." Sabay-sabay nilang sambit.
Tinulungan akong tumayo ng mga maids at sinabayan ko silang maglakad. Tumigil kami sa puting pinto at binuksan nila iyon. Napalunok ako nang mapagmasdan ang magarang banyo. Halos kasing-laki iyon ng nirerentahan kong apartment.
Ang flooring at wall finish ay gawa sa makisap marmol. Marahan akong tinulak ng mga maids upang pumasok. Nang maisara ang pinto ay naramdaman ko ang pag-unzip ng mga ito sa aking uniporme.
"Hindi na po, kaya ko ng asikasuhin ang sarili ko."
Tumigil sila sa paghuhubad sa akin at tingnan na ako. Silang lahat ay magkakamukha ng ekspresyon, blanko. "Please settle down and let us do the work. It will be the end of us if Mister Greyson is unsatisfied."
Pinagmasdan ko ang nagsalita. Tingin ko ay nasa mid-30's ang edad nito at kapansin-pansin rin ang nunal nito na nasa tabi ng kanyang ilong. Batid rin na may pagka-istrikta ang awra nito.
"Is he uhm... dangerous?"
Hindi sila umimik, hindi nila sinagot ang aking tanong. Are they trained? Tama, hindi sila magsasalita dahil hindi pa nila ako kilala. Kahit ano ang gawin ko ay isa lamang akong estranghero sa lugar na ito.
Binabad ko ang aking katawan sa mainit na tubig ng tub. I sighed when I felt my muscles relax. Inumpisahan ng isa ang pag-shampoo sa aking buhok at ang ilan naman ay inaasikaso ang mga kamay at paa ko.
Simula n'ung namatay ang aking mga magulang at isa-isang nawala ang aming kayamanan ay hindi ko na naisip na asikasuhin pa ang aking sarili. Halos walong na taon na rin na kaming dalawa na lang ni Heaven ang magkasama. Tinalikuran kami ng lahat, kinailangan naming manuluyan bilang katulong sa mga kadugo namin para may bubong na matulugan.
Pagkatapos nila akong linisin ay pinasuot nila sa aking ang malambot na robe at sinimulan na tayuin ng blower ang buhok ko. Tiningnan ko ang aking repleksyon mula sa salamin at mapapansin ang pagod sa aking mga mata. Tila tama nga ang sinabi nito, I am not attractive enough.
Namula ang aking pisngi nang ipakita nito ang sleepwear na susuotin ko. "H-Hindi ko po ata kayang suotin iyan."
It's made of black silk and has a plunging neckline. Tingin ko ay mamali lang ako ng yuko ay makikita na pati ang aking kaluluwa. Aabot ang haba nito sa kalahati ng aking hita at may manipis na tali iyon na susuporta sa balikat ko. Ito ba ang isusuot ko kapag dinala nila ako kay Greyson? Para ko na ring sinabi na kainin niya ako kung ganito ang idadamit nila sa akin!
"Master's order, miss. Sa mansyon na ito, batas ang lahat ng sasabihin niya." Mariing saad ng maid. Matalim na ang tingin nito sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at pikit-matang sinuot iyon.
Mabilis ang pintig ng aking puso nang tumigil kami sa harap ng pinto na sa tingin ko ay kuwarto ni Greyson. Maraming tumatakbo sa aking isip habang nakatayo roon. I just have to survive this night, at pagkatapos ay iisip ulit ako kung paano makaka-survive bukas.
Binuksan ng mga maid ang pinto at marahan aking tinulak papasok roon. Nang makapasok sa madilim na kuwarto ay sinara na nila muli iyon. Napalunok ako nang maanig ang nakahiga nitong bulto sa king sized bed. Nakataas ang dalawang braso nito at nakaunan ang ulo roon.
Sinamantala ko na nakapikit ito at naglakad sa kinaroonan ng mahabang sofa. Umupo ako roon. Mabilis ang pintig ng aking puso dahil sa kaba.
"If you don't lie beside me, I will burn your whole apartment to the ground." Napapitlag ako nang marinig ang ma-awtordidad na boses na iyon. Nilingon ko si Greyson at nakatingin na rin ito sa akin habang nakaupo sa ibabaw ng kama.
I swallowed hard. "Hindi mo gagawin iyon."
His eyes dipped to my bare legs before returning quickly to my face. "Hinahamon mo ba ako, Summer? Get in here in three seconds. Three, Two..."
All I could do was walk towards his bed. His tone told me how serious he was. This man is dangerous, binibigyan niya ako ng mga banta upang mapasunod ako.
Marahan akong humiga sa pinakadulo ng kama at tumalikod sa kanya. Tinago ko ang panginginig ng aking kamay. "Greyson, hindi mo naman ako pipilitin sa bagay na ayaw ko, 'di ba?"
"Hindi ako namumuwersa ng babae."
"T-Thank you." Somehow, I felt relieved.
"You're too far." Malamig na saad nito.
"I'm still not comfortable, okay? Can't you at least give me time to settle down?"
"I don't f***ing care." This man seems to be stranger to me. But my body acknowledges his presence. His arm encircled my waist and pulled me closed to him. I gasped when my back touches his broad chest.
"You smell like home, Summer." His voice is husky and low. Binaon nito ang mukha sa aking buhok habang ako ay nagdadasal na sana'y hindi nito marinig ang mabilis na pintig ng aking puso. "If you run away again, I will destroy the lives of every person you know."
How long do I have to deceive this man?