CHAPTER 5
—SUMMER RAYNE's POV—
Nagising ako dahil sa sumisilip na sinag mula sa malaking bintana ng kuwarto. Napabalikwas ako nang bangon nang mapansin ang hindi pamilyar na kapaligiran. Ilang minuto akong nagmumunimuni hanggang sa maalala ko ang mga pangyayari kagabi. It wasn't a dream.
Talagang nagbago ang buhay ko sa isang gabi lang. I survived last night, dapat ay maka-survive rin ako ngayong araw. Ngunit ang pinagtataka ko lang ay bakit ito nangyayari sa akin? Bakit mayroong epekto ang presensya nito sa akin gayong hindi ako ang kaparehas nito? Siguro ay dapat kong tanunging si Nurse Parker kung paano ito masusolosyunan.
Ngunit paano ko makukuha ang numero si Nurse Parker kung nakakulong ako sa lugar na ito? Dapat ay makaisip ako ng paraan kung paano iyon makukuha.
Tumingin ako sa aking gilid at nakaramdam ng relief ng hindi na makita si Greyson roon. Kung hindi siguro ako pagod kahapon ay malamang na hindi ako agad makakatulog dahil hindi pa rin ako sanay sa kanya. Mula sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang mannequin na nakatayo sa isang gilid. Bumaba ako ng kama at nilapitan iyon.
It is a Louis Vuitton short sleeved high neck fitted dress, featuring a figure-hugging shape and scuba-style standing collar. Tingin ko ay hindi basta-basta ang presyo niyon. Kinuha ko ang nakadikit na note roon at binasa.
'Wear this and come down for breakfast.' The note says. Pumasok muna ako sa banyo upang ayusin ang sarili at isinuot ang dress na inihanda nito. Hinayaan ko na bumagsak sa aking balikat ang aking buhok at tumingin sa salamin.
Hindi bagay sa akin ang mga mamahalin na damit na ito. Bata palang kami ni Heaven ay mas magaling na itong magdala ng mga iba't-bang klase ng damit. At kahit na identical twins kami ay mas mapapansin ang appeal nito kaysa sa akin dahil iba ang atmosphere pagdating kay Heaven. She is more free and has an outgoing personality, samantalang ako naman ay mas uptight at strikta sa sarili.
Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto at bumungad sa akin ang isa sa mga butler ng mansyon. "Good morning, my lady. How was your sleep?"
"Uhm. I'm sorry, ano po ulit ang pangalan niyo, sir?"
He gave me a warm smile. "You may call me 'Mister Kim', my lady."
Sinundan ko ito habang naglalakad kami papunta sa dining area. "Mister Kim, gaano na po kayo katagal dito?"
"Please forgive me, my lady. The only person who could response to your questions is the master." Magalang nitong sagot habang hindi humihinto sa paglalakad.
Yumuko ako at bumaba ng hagdan. I feel so alone in this household. Kahit na hindi nila ako sinasaktan o ano pa man ay hindi rin naman nila pinaparamdam sa akin na welcome ako rito. Nasa harap na kami ng pinto ng dining area at bukas iyon ng kaunti kaya't nasilip ko ang loob niyon.
"Hindi iyan ang pinapagawa ko sa'yo! You really are an idiot. Why did I hire a stupid beta like you? You are fired! No! There are no more second chances! Don't let me drag your stupid *ss out of my building." I flinched when I heard his angry voice. Lumingon ako kay Mister Kim.
"H-Hindi ba pwedeng sa kusina nalang ako kumain?" Tanong ko sa butler. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako matutunawan dahil sa takot.
"The food is set already, Miss Summer. The master would be displeased if you don't eat with him."
"Tingin ko ay katapusan ko na." I whispered.
Tuluyan nang binuksan ni Mister Kim ang double door ng dining area at tumambad sa akin ang mahabang mesa at nakaupo si Greyson sa dulong bahagi. Hindi ito ito nagsasalita at natingin lang ito sa akin. Yumuko ako upang hindi ma-meet ang mga mata nito. My heart is pounding so fast. Hinila ni Mister Kim ang upuan at hinayaan ako na maupo bago iabante iyon. Inihain nila sa harap ko ang soup, main course, and bread. Bukod sa plato ay marami utensils ang nakapaikot roon at hindi ko alam kung alin roon ang unang gagamitin.
"You don't even know the basic etiquette." He said bluntly.
"Sorry."
He turned to Mister Kim who is standing beside him. "Kim, call Misis Anne. Tell her, she has some whipping to do."
"Will do, master."
"Summer, look at me." My heart gave a little flip at the intensity in his voice. "From now on, I forbid you to go outside. People must not know that you're my mate."
"Bakit?" Sabi ko at pasimpleng kinuha ang kutsara at tinidor.
"I won't let you tarnish my name with your bad manners." He gave me a cold look. "My secretary already hired professors from prestigious universities. You will be home schooled."
Humigpit ang hawak ko sa utensils dahil sa mga pasimpleng puna nito sa akin. Hindi na ako umimik dahil baka kung ano ang masabi ko sa kanya. Hangga't maaari ay hindi ko dapat ito galitin dahil nasa lugar niya ako. Hindi ko rin alam kung ipagpapasalamat ko ba na hindi si Heaven ang mismong nasa sitwasyon na ito dahil hindi ko alam kung paano ko siya mapoprotektahan sa lugar na ito.
"Tell me, Summer, are you hiding something from me?"
Napatingin ako sa kanya. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Nagpa-background check ako pero wala akong nakuha kahit isang impormasyon tungkol sa'yo."
Binaba ko ang hawak at malamig itong tiningnan, tinago ko ang takot at kaba. "I had to hide my family's background from the debt collectors. My parents are dead. Nag-iisa akong anak. My uncles and aunties have abandoned us when they found out about the huge debt. Nabenta na rin lahat ng kompanya at ari-arian namin para makabayad. Ano pa ang gusto mong malaman?"
Gusto kong palakpakan ang aking sarili dahil nasabi ko iyon ng hindi nanginginig ang aking boses. Idiniin ko ang kasinungalingan na nag-iisa akong anak ngunit bukod roon ay lahat ng sinabi ko ay katotohanan.
Mahigpit na hinawakan ni Greyson ang aking pulso at halos mapangiwi ako. Ang blangkong ekspresyon nito kanina ay napalitan ng inis at matatalim na tingin. "This is the last time you're going to use that tone on me, little fox. I have a lot to lose because of you."
Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi. Hindi ko sasabihin na nasasaktan niya ako, hindi ko hahayaan na magmukha akong babasahing kristal sa harap niya. Binitiwan niya ako at nagtuloy na sa pagkain. Sa buong durasyon ng umagahan ay wala nang nagsasalita sa amin. Papasok na sa trabaho si Greyson at sinamahan ko ito hanggang sa front door dahil iyon ang gusto niya.
"I'm leaving. Like I've said, don't leave this mansion, little fox. You won't like what I do to you if you leave."
"Hindi ba kita pwedeng kasuhan ng kidnaping sa ginagawa mo na ito sa akin?"
He leaned in so close that when he spoke his lips grazed my cheek, sending shivers straight to my core. "How about me? You took my freedom away. Ano ang kaso na pwede kong isampa sa iyo?"
"It was an accident at humingi na ako ng dispensa—"
"Ano ang magagawa ng sorry mo, Summer? The damage has been done. So shut the hell up and don't talk back at me. You're an omega. Act like one."
Nagpanting ang aking tenga sa sinabi niya na iyon. "Alpha, beta, and omega— we're all just humans."
"I don't like repeating myself, little fox. I said, don't talk back to me." Tanging tango nalang ang isinagot ko sa kanya dahil baka mas mapahaba ko pa ang aming pag-uusap.
Pumasok ito sa kotse at pinanuod ko ito hanggang sa makalabas ng gate bago ako bumalik sa loob. Pagkasara ko ng double leaf door ay napabuntong-hininga nalang ako. Hanggang kailan ko dapat tiisin ito? Dapat ko rin isipin kung paano maaayos ang sitwasyon na ito dahil hindi magtatagal ay malalaman na rin niya ang lahat ng tinatago ko.
"He's keeping a gold digger with an attitude, huh?" Lumingon ako nang marinig ang hindi pamilya na boses na iyon. Isang babae ang nakasandal sa haligi habang nakahalukipkip ito. Mahaba at kulay abo ang buhok nito. Bilugan ang kanyang mga mata at mapula ang labi. Natural lang ang mukha nito at tila walang bahid ng kolorete.
"I'm Alyanna, Greyson's partner."
"P-Partner?"
Hindi ko alam kung ano ang iisipin dahil masyadong general ang pagpapakilala nito. Umayos siya ng tayo at marahang naglakad palapit sa akin. Mas matagkad ito sa akin ng ilang centimeter. She raised her chin while looking down at me.
"You look like an abandoned puppy that is hungry for information so let me make it short for you." She gave a mockery smile. "We met two years ago at a convention. I approached him because I was curious. What is he, a bonded alpha, doing in a beta pairing convention? Doon ko nalaman na humahanap siya ng physically compatible sa kanya. As you know, bonded alphas can't have s*x with others beside their partners. His best choice is betas— because we don't emit pheromones. But still, he can't put it inside since he's body is rejecting anyone. So, we do it orally."
She leaned over me. Napansin ko ang mumunting bakas ng pheromones ni Greyson sa kanya. I don't know why but it's unsettling. "The nights when he's in heat, he will visit my room— doing the things you can't imagine. I love him even if he doesn't love me. We've been together for so long, Summer. And we're doing just fine without you."
"I never wanted to be here but I don't have a choice."
"Ah, yeah, I've heard about the debt he paid for you and in addition to that, he will also give you an allowance every month. I'm wondering, Summer, what should I call you? I'm choosing between a gold digger and a w***e or maybe both."
"Oh, I did not inform you?" Malamig ko itong tingnan at iniangat ang isang bahagi ng aking labi. Two can play the same game, honey. "Must have been none of your business then."
Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon nito, bakas ang pagkairita sa kanyang mukha. "Greyson hates you so much because of what you have done to him. Don't expect that he will treat you with so much affection just because you bonded with him. Why don't you run away again and try to find a better hiding place this time."
"Oh, I'm sorry. I didn't realize that you're an expert on my life and how I should live it. Please do continue while I take notes."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay nilagpasan ko na ito. Great, dinagdagan ko lang ang kaaway ko sa mansyon na ito. Nahanap ko ang malaking library at pinili na roon muna mag-stay. Hinayaan naman ako ni Mister Kim at pinagtimpla nalang ako ng tsaa habang nagbabasa ako ng mga libro.
Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang mahinang katok. Bumukas iyon at sumilip si Mister Kim. "My lady, Misis Anne is here to see you. Should I let her in?"
Umayos ako ng upo at tumango. "Y-Yes."
Wala pang isang minuto ay pumasok na ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid-30's na ang edad. Tumayo ako at sinalubong ito. Nilahad ko ang aking kamay sa kanya. "Hi, good morning, Misis Anne. I am Summer."
Hindi niya inabot ang aking kamay bagkus ay tinitigan lamang niya mula paa hanggang ulo. "As a lady of this mansion, you should not introduce yourself to your guest."
"Uhm..." Marahan kong binawi ang nalahad na kamay.
"Let's start with the basics. Walk from here to the door's threshold." Ginawa ko ang inuutos nito at pagbalik ko sa kanya ay mas naging istrikta ang anyo nito. "You have poor posture as well."
"I'm sorry."
"Mister Kim, is this really the master's partner?" Tanging tango lamang ang isinagot ni Mister Kim.
Buong maghapon ay binugbog nila ako ng mga lessons at tinambakan ng listahan ng libro na dapat kong basahin at tapusin. Pakiramdam ko ay mas doble pa ang pagod ko rito kaysa noong nagtatrabaho ako. Hindi lang physical kundi pati mental health ay kailangan kong palakasin para maabot ang standard na na-set ni Miss Anne. Siguro ay kung si Heaven ang nasa posisyon na ito ay mas mabilis niyang makukuha ang loob ni Greyson at ang mga bumubuo ng pamamahay na ito.
Pag-uwi ni Miss Anne ay saka ko lang naramdaman ang kalmadong paghinga. Hindi ko namalayan na lumubog na ang araw dahil sa dami ng pinapagawa nito sa akin. Sa nais ko na makalanghap ng preskong hangin ay lumabas ako ng mansyon. Nakita ko sa 'di kalayuan ang malaking hardin at napagdesisyonan na puntahan iyon.
Habang naglalakad ay nag-iisip ako ng malalim hanggang sa hindi ko namalayan na napalayo na pala ako sa mansyon. Luminga ako sa paligid at napagtanto na walang masyadong ilaw sa aking dinaraanan. Bumalik ako sa daan na tinahak ko kanina, nagbabaka-sakali na makabalik na ako sa mansyon bago pa umuwi si Greyson.
Paliko na sana ako ngunit nanindig ang aking balahibo nang marinig ang galit na tahol ng aso. Natigil ako sa paglalakad at unti-unting lumingon sa aking likuran habang namumutla. Isang malaking bullmastiff ang tumatahol sa akin at parang ilang segundo lang ay aatake na ito. Nanigas ang aking katawan nang tumakbo ito papunta sa akin kaya't mariin kong pinikit ang aking mga mata.
"Casper! Heel, boy!"
Narinig ko ang pagkadkad ng mga paa ng aso sa lupa. Dumilat ako at nakita na papalayo na ito sa akin at huminto sa gilid ng isang lalaki. He is wearing a black shirt that looks crisp and freshly laundered, and pressed charcoal jeans. His dark hair is slightly mussed up, as if he was running a hand through it right before he walked in. May nakapatong rin na itim na jacket sa isang bahagi ng matipunong balikat nito.
"I'm sorry, my lady. Did he hurt you?"
"H-Hindi. Natakot lang niya ako."
He approached me. Sa pagkakataon na iyon ay hindi na ako inaangilan ng bullmastiff. Nanatili lamang itong nasa gilid ng lalaki.
"Maybe he's just greeting the lady. Casper is the mansion's guard dog." Greeting me? I don't think so. Kung tingnan niya ako kanina ay para akong isang buto na handa niyang lapain at ibaon sa ginawa niyang hukay. "I am Hans. I am the mansion's head security."
"N-Nice to meet you."
"What is the lady doing here at late at night? Dapat ay nasa loob ka at hinihintay dumating si Greyson." Patago akong nagulat dahil ito ang unang beses na may tumawag sa first name ng may-ari ng mansyon na ito.
"I want to breathe some fresh air. Pero nakalimutan ko ang daan pabalik."
He gave me a warm smile. "Shall I escort you back, my lady?"
"Thank you."
He looks gentle and nice. Pinahiram pa nga nito sa akin ang kanyang jacket nang mapansin na giniginaw na ako dahil sa malamig na simoy ng hangin. Dahil sa sitwasyon ko ay hindi ko malalaman kung beta o alpha ito dahil hindi ko maamoy ang kanilang pheromones.
Nagsimulang magpakita ang sintomas na ito n'ung naaksidente si Heaven. Bago iyon ay kaya ko pang malaman ang second gender ng mga nakakasalamuha ko ngunit pagkatapos ng nangyari kay Heaven ay napansin ko ang paghina ng aking pang-amoy. Hindi na rin nagre-respong ang aking katawan sa mga pheromones.
Hindi pa ako nagpapatingin sa eksperto dahil dagdag na naman iyon sa aking gastuhin at isa pa ay wala na akong oras para roon.Nakarating na kami sa mansyon at kahit na nasa labas palang kami ay naririnig ko ang kaguluhan mula sa loob niyon. Nagulat ako nang marinig ang pagkabasag ng iilang bagay sa loob. Hinwakan ko ang front door at unti-unting binuksan iyon bago pumasok.
"Find her!" Greyson's voice thundered.
Nanlaki ang aking mata nang sampalin nito ang isang maid dahilan para mapaupo ito sa sahig habang umiiyak kaya't agad akong tumakbo upang saklolohan ito. Iniharang ko ang aking katawan sa maid at tumigil si Greyson. Hingal na hingal ito dahil sa pinipigilang galit. Pinatatag ko ang aking sarili upang hindi manginig sa matalim nitong tingin.
"The lady was strolling and got lost, Greyson."
Nilingon ni Greyson si Hans at pagkatapos ay bumalik sa akin. May pag-uuyam ang mga ngiti nito. Hindi nito pinansin si Hans at hinawakan ng mahigpit ang aking braso. "Got lost, my *ss. You're trying to run away again!"
"H-Hindi—" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay bigla na lamang niya akong hinila paakyat ng hagdan.