Napahugot ako ng hininga at nag-umpisang humakbang papasok. Bitbit ko ang pumpon ng bulaklak na katulad ng bulaklak na bitbit din ni Cath pero may kaliitan nang kaunti. Napatigil ako ng bahagya nang marinig ko ang pagsinghap ng mga taong naroroon kasabay nang paghawi ko ng puting tela na nagsisilbing tabing sa pintuan kung saan din papasok si Cath. “Siya ba ang ikakasal?” “Ang ganda niya.” Ilan sa mga narinig kong wika ng mga naroroon habang naglalakad ako papunta sa harapan. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib nang mamataan ko ang aking mga magulang na nakatitig sa akin. Tila kinikilala nila kung sino ako. Pakiramdam ko sinisilaban ang puwet ko at gusto ko nang tumakbo papunta ba sa harapan o pabalik sa labas. Muli akong humugot ng malalim na hininga at taas noong tumingin ng deretso sa daraanan ko at ngumiti nang bahagya at buong lakas ng loob na nagpatuloy sa paglalakad. “You’re so gorgeous, my son!” Muli akong napatigil nang mapadaan ako sa tapat ng aking mga magulang. Nilingon ko si Mama na todo ngiti na nakatinhin sa akin habang si Papa ang naka-thumbs up pa. Biglang bumadya ang luha sa aking mga mata pero pinigilan ko itong bumagsak. Pakiramdam ko ako ‘yong ikakasal aa uri ng reaksyon ng mga naroroon pero hindi, kalabisan na ang makuha ko ang kanilang atensyon na dapat na kay Cath lang nakasentro. Ang bestfriend ko ang ikakasal kaya sa kanya dapat nakatuon ang atensyon ng lahat. Ikinurap ko ang aking mga mata para hindi ako maiyak at tumingin sa mga magulang ko, kumaway at muling itinuon ang pansin ko sa paglalakad hanggang marating ko na halos ang aking upuan nang napatingin ako sa gawi ni Ralph; ang groom. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mamukhaan ako. Siguro nagulat din siya na ako ang naging maid of honor nila. Pero naagaw ang aking pansin ng katabi niyang lalaki. Ito yata ang proxy kay Jorge; ang best man. Nagtagpo ang aming mga mata pero tila ito kasinglamig ng yelo na walang expression na mababasa kahit na ang gwapo, gwapo niya. Sa hinuha ko ay may tangkad siyang hindi aabot ng anim na talampakan, mababa ng bahagya sa height ko, may maliliit na mata, magkasinglahi yata kami purong kalahati, matangos ang ilong at may mala-krema siyang kutis na lalong nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan. “Mamang, uy upo ka na dito!” Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Cel. Biglang namula ang aking pisngi sa sobrang hiya nang mapagtanto kong nakatayo pa pala ako sa gitna at nakatitig sa kung sinumang proxy na ito. Tila gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko ng mga oras na ‘yon. Sa sobrang hiya dali-dali akong naglakad papunta sa reserbang upuan para sa akin na hindi na muling lumingon pa. “Uy si Mamang, crush niya si pogi!” itong demonyitang Cel inaasar ako sa likuran. Pabulong niya akong timutukso. Nilingon ko siya. “Tumigil kang babae ka. Ang init nitong suot ko kaya huwag mong painitin ang ulo ko.” Pabulong kong tugon sa kanya na nakaigting ang aking mga panga. Napahiya na nga ako tapos aasarin pa niya. Saan ang hustisya? Napahagikhik naman ang ibang mga abay sa asaran naming dalawa. “Kuya, ang ganda niyo po. Siguro kung hindi sinabi ni Cel sa amin na ikaw ‘yan hindi ka namin makikilala.” Sumingit naman ang isa pang abay. “Magsitigil kayo! Ayan si Cath paparating na.” Sabay-sabay kaming lumingon sa isle kung saan kasalukuyang naglalakad si Cath at ang kanyang mga magulang. “Hala! Umiiyak si ate Cath, masisira ang make-up niya.” Wika ng isa na nasa aking likuran. Lima silang abay at pang-anim ako bilang maid of honor. “Hayaan mo na normal na yata sa mga ikinakasal ‘yang umiiyak. Masaya lang sila at makakasama na nila ang taong nagmahal at minahal sila.” Tugon ng katabi niya. “Uy ang iingay niyo mga bata kayo.” Saway ko sa kanila. “Si mamang nga kanina naiiyak eh hindi naman siya ang ikakasal.” Singit ni Cel na pangiti-ngiting tumingin sa akin. Pinandilatan ko siya ng matang may pagbabanta. “Mamang, feel mo ba na parang ikaw ang ikakasal? Baka sign na ‘yan.” “Tumigil kang babae ka! Makakatikim ka talaga mamaya sa akin.” Dinilaan pa niya ako sabay nguso sa kabila kung saan nakatayo sila Ralph. Sinundan ko ang kanyang itinuturo at nahuli kong nakatingin sa akin ang best man ni Ralph. Napaismid alo at muling itinuon ang aking pansin sa harap ng altar. Pero hindi na ako komportable dahil kita ko sa sulok ng aking mga mata ang lalaki. Napaypay ko ang aking kamay sa tapat ng aking mukha dahil biglang maalinsangan ang pakiramdam ko at tila sinisilaban ako. Iba kasi kung makatingin ang lalaki, tila nakakatunaw na nakakapaso na hindi mo makuhang titigan ng matagal dahil tila nanunuot sa bawat himaymay ng iyong kalamnan ang bawat titig na tinatapon niya sa ‘yo. Ewan kung ganon din ang pakiramdam ng iba pero sa akin ay ganito ang epekto ng kanyang bawat titig. Muli tinatagan ko ang aking sarili at itinuon ang aking pansin sa seremonyas ng kasal na kakaumpisa lang. Tila ang bagal-bagal ng oras at matagal matapos ang kasalan. “Mamang, picture taking daw.," “Huh!” nagulat ako nang bumulong sa akin si Cel. “Uy, tulaley! Si pogi ba ang dahilan? Hmmm?” “Hoy, Cecilia! Kanina pa ha. Ako nga ay tigil-tigilan mo diyan aa pang-aasar mo.” ngali-ngali ko siyang hampasin kung hindi pa siya lumayo agad. “Sean, darling. It’s your turn to have a photo with the bride and groom with the best man.” Lapit sa akin ni Tita Amery, ang Mama ni Cath. “Yes, Tita. Thank you!” tugon ko na nakangiti. “You’re so lovely today. After your photo session. Let me have a photo with you, okay?” muli niyang tugon sabay mahigpit akong niyakap. Ganito talaga ka lambing ang mga magulang ng mga kaibigan ko. “Sure, Tita. Lapit muna ako kina Cath.” At tumalikod na ako para pumunta katabi nila Cath. “Dito ka sa tabi ko.” Hila sa akin ni Cath. Apat kaming nagpapicture, silang mag-asawa, ako at ang bestman. “Wow! Parang dalawa pares kayong ikinasal. Ang gaganda niyo at ang guguwapo.” Wika ng isa sa mga photographer. “Okay lang ba na may separate photo ang maid of honor at ang best man?” tanong ng isang photographer. Tatanggi pa sana ako pero mabilis na na sumagot sina Cath at Ralph. “Okay lang. Go!” panabayang tugon ng dalawa na hindi man lamang kami kinonsulta. Ang poging lalaki ay nanatiling tahimik na tila yata robot na susunod sa anumang sabihin ng amo. “It’s your time to shine, my pretty bestfriend.” Lapit ni Cath at bumulong sa akin. “Bruha ka, kasal mo ‘to. Dapat ikaw ang magshine.” Sagot ko sabay lihim siyang kinurot. “Lagot ka sa ‘kin pagkatapos ng lahat ng ito.” “Whatever!” tugon niya sabay iwan sa akin sa harap ng altar katabi ng lalaking singlamig ng yelo kung umasta. “Sir, hawak ka po sa beywang ni Ma'am. ‘Yong parang bago po kayong kasal.” Parang gusto kong murahin ang photographer dahil bakit kami ang pinipicturan at hindi ‘yong mga bagong kasal. “Ngiti po kayo. Ma'am, ihilig po konti ‘yong uli palapit kay Sir para makuhanan ng sweet photo.” Ay napeste na, parang gusto ko nang sabunutan ‘tong photographer na ‘to. “Come closer and just relax. Your body is so stiff. I'm not going to eat you!” Napaigtad ako ng bahagya nang maramdaman ko ang paghapit ng lalaki sa aking beywang palapit sa kanya. Tila bumulusok sa kung saang bahagi ng daigdig ang aking kamalayan nang masamyo ko ang natural niyang bago. Tila nawala ako sa katinuan lalo na nang maramdaman ko ang pagdikit ng aming katawan, tila biglang bumigat ang talukap ng aking mga mata nang maramdaman ko ang panabay na init ng kanyang palad na halos nanunuot sa tela ng aking suot at init ng kanyang hininga sa puno ng aking tainga. “Ay, natumba!”