Kabanata 2

1875 Words
“Ikaw....” Nagulat pa ako sa panabayang wika nina Cath at Cel. “Wa....wait....anong ako? Ha? Anong ako?” Mataray kong tanong. “Mamang, ikaw na lang ang papalit kay Michelle,” wika ni Cath. “Catherine, hindi ito ang oras ng biruan. Wala na tayong oras,” sabay tingin ko sa aking relo. “ilang oras na lang ang natitira at kailangan na nating bumaba.” “Hindi ako nagbibiro, Mamang. Tumawag na ako kina Mama at wala din silang maisip na ipalit kay Michelle.” Halos maiyak nang wika ni Cath na gumaralgal pa ang boses. “Mamang, sige na! Pumayag ka na.” Sumingit naman si Cel sabay kapit sa braso ko. “Halos kasing-katawan mo lang naman si Michelle kaya magkasya sa ‘yo ‘yung gown. Mahaba na din ang hair mo at ang make-up ipaayos natin at pagmukhain ka talagang babae.” Nabatukan ko ng bahagya si Cel dahil sa mga suggestions niya. Napakamot siya sa bahaging tinamaan ng palad ko. Nang tumingin ako kay Cath ay nakanguso ito at nag-aantay ng sagot ko. “Sige na nga!” Wika ko na nagpalapad ng ngiti ng dalawa kong kaibigan. Si Cath ay biglang yumakap sa akin sa sobrang tuwa. “Nasaan na pala ‘yong gown ni Michelle?” tanong ko sabay hinagilap ang gown na sana'y isusuot ni Michelle. She supposed to do her make-up at dito na rin sana magbihis kasama si Cath kasi siya ang maid-of-honor kailangan niyang nakabuntot kay Cath. Kinuha ng make-up assitant ang gown at dinala sa akin. Isinukat ko ito at saktong-sakto naman ang tabas. “See! Sabi ko na eh kasyang-kasya sa ‘yo.” Si Cel na ngayo'y nasa harapan ko at sinisipat ang kabuuan ko habang suot ang gown. “Kapag ako nakurot ni Mama mamaya magtago na kayong dalawa.” “Hindi ‘yon. Maunawain si Tita. ‘Di ba nga suportado ka nila sa mga pangarap mo?” Si Cath na patapos na sa pagmimake-up. “At pinasok pa ‘ka mo ang negosyong kalinya ng passion ni Mamang para suportahan siya," dagdag pa ni Cel. Tama nga naman silang dalawa. Masaya ako na tanggap ng mga magulang ko kung ano at sino ako. They invested into fashion business to support me. And after Cath's wedding magiging busy ulit ako for an event. The modeling agency that invested by my parents will hold its first fashion runway to showcase all my creations. My parents chosen beginners in modeling because according to them, kailangan silang bigyan ng pagkakataon para ipakita ang kanilang galing sa pagmomodelo at baka ito din ang dahilan para mapansin sila sa International modeling kasi nag-imbita ang agency ng mga kilalang fashion designers at models din galing sa ibang bansa. "Sean, your turn!” lapit sa akin ng isa sa make-up artists. “Sister, pagandahin mo lalo ang bestfriend namin ha. ‘Yong mapapanganga pati best man namin.” Wika pa ni Cath na may kasamang hagikhik. “Hay naku, Cath! Baka magsisi ka at pati asawa mo kay Sean na magpapakasal.” Biro ng make-up artists na nakapagpasimamgot kay Cath. “Ang harsh mo, sis!” si Cel na natatawa sa hitsura ni Cath. “Biro lang. Pero konting make-up lang at sobrang ganda mo na Sean.” Wika ng make-up artists habang itinatali ang buhok ko sa likod para hindi nakatabing sa aking mukha. “Eh ‘di ba si Brian na friend ni Ralph ang best man?” tanong ko kay Cath. “Ay hindi ka pa pala namin na-inform? Hindi rin makakarating si Brian kasi naospital ang Mama niya kaya naghanap din ng proxy si Ralph.” Tugon ni Cath. “So sino ngayon ang best man niya?” wika ko na tila may biglang bumundol na kaba sa aking dibdib. Ewan ko ba at bigla akong nakaramdam ng ganito. “Ang pinsan niya yata na modelo. Hindi ko pa din ‘yon nameet kasi since naging kami ni Ralph hindi pa ‘yon nauwi dito sa Pilipinas," pagpapaliwanag ni Cath. “Oh okay! Siguro pogi din kagaya ni Ralph.” Pahinamad kong tugon. “Siguro! Kasi may kagwapuhan din namang taglay si Ralph kaya nga nahulog ‘yong iba diyan eh at hindi na bumitaw na kahit isang taon pa lamang sila mahigit eh itatali na.” Si Cel na halatang inaasar si Cath. “Hoy Cecilia, inggit ka lang.” Ganti ni Cath dito. Ganyan kaming magkakaibigan, nag-aasaran, tuksuhan pero nagmamahalan kami na parang magkakapatid. Sayang nga at wala si Michelle, siya ang pinakabibo sa aming magkakaibigan. Sa kanila ko naramdaman na itinuring akong isang tunay na kaibigan kahit tanging ako lamg ang naiiba sa kanila. Lahat sila ay babae at ako lang ang nag-iisang lalaki pero ramdam ko ang malaking respeto nila sa akin. Ang suporta nila sa mga ginagawa ko kaya napamahal na sila sa akin at nakahanda akong suportahan din sila. “Ikaw Cel, kailan mo balak lumagay sa magulong buhay?” natatawa kong tanong kay Cel. Gusto ko lang din siyang asarin. “I-enjoy muna namin ni Angelo ang relasyon namin. Hindi pa kami handang pumasok sa mas malaking responsibilidad, Mamang. At saka nais ko munang makita na magkaka-lovelife ka para masaya tayong lahat.” Tugon ni Cel na kumindat-kindat pa habang ninanamnam ang mga huling sinabi. “Hay naku! Huwag na kayong umasa o maghintay na mangyayari ‘yan sa buhay ko. Sino ba naman ang papatol sa isang kagaya ko? Baka meron nga kagaya lang din ng iba pagkatapos huthutan ay iniwan.” Wika ko na nakasimangot. Ang totoo naiinggit ako din ako minsan sa kanila kasi kapag sabay-sabay kaming gagala eh tanging ako lang ang walang kinakapitang braso kapag namamasyal kami samantalang sila, kapit na kapit sa braso ng mga jowa nila. “Sean sis, huwag kang magsalita ng ganyan. Kahit ganito tayo, kahit na kadalasan hinuhusgahan tayo ng karamihan pero may mga tao pa din ang malawak ang pag-iisip at tatanggapin tayo ng may buong pagmamahal. Ako takot din noon pero sumugal ako. Nakilala ko ang boyfriend ko sa isang bar, mabait at marespeto. Siya ang dahilan kaya naalis ang takot sa puso ko na baka kukuyain ako kasi ang taong kinakasama ko ay isang kagaya ko ang kasarian. Maglilimang-taon na kami at may anak na kami.” Sabad ng make-up artists sa usapan naming magkakaibigan. “Talaga?!” hindi ako makapaniwala na may makilala akong kagaya niya. Kalimitan sa mga programa sa telebisyon ko lang napapanood ang ganong klaseng relasyon. “Oo, kapag walang pasok ang anak namin papasyalan ka namin sa shop mo. Nagkaanak kami through surrogacy. Kaanak lang din namin ang nagdala sa anak namin.” Dagdag pa niya. “Wow! I'm happy for you!” “Thank you! Kaya ikaw huwag kang mag-isip nang kung ano. Makatagpo mo din ang taong mamahalin ka kung ano at sino ka. At maswerte ka at tanggap ka din ng pamilya mo. Nakikita ko ang sarili ko sa ‘yo noon kaya nakakarelate ako sa ‘yo.” “Tama si Sandra, Mamang. Parang lovelife din ni Cath. Dumating din ang taong para sa kanya at papakasalan siya kahit na hindi na mabilang ang hiwalayan nila dahil sa pagiging selosa niya.” Sang-ayon ni Cel sabay pang-aasar ulit kay Cath. “Hoy Cecilia, at bakit ako na naman?” singhal ni Cath dito. “Kayong dalawa magsitigil na kayo at malapit na tayong bababa.” Pigil ko sa kanila. “Cel, ‘di ba kasama mong pupunta ng venue ang ibang abay? Bakit nandito ka pa?” baling ko kay Cel. “Aalis na po!” tugon nito sabay tayo. Tapos na din kasi siyang magmake-up at suot na din niya ang kanyang gown. “Susunod na din kami soon.” Sabi ko sabay tayo at muling kinuha ang gown at isusuot na. Bago pa man ako tuluyang nakatayo ay nagsalita si Cel. “Mamang, ang ganda mo ngayon. I wish na sana sa kasal ni Cath mamaya may makatagpo kang bibihag diyan sa pihikan mong puso.” Seryoso nitong wika. Napahagalpak ng tawa si Cath na pinandilatan naman ni Cel. “Hoy, seryoso ako for Mamang huwag mong pagtawanan. Hmp! Makaalis na nga!” sabay talikod nito at isinara ang pintuan ng hotel room. Napapailing na lang ako sa mga kaibigan ko na tila ba sila ang inip na inip na at atat na magkaroon ako ng kasintahan. “Wow! Sinong mag-aakala na ikaw iyan Sean?” Wika ng make-up artists na may buong paghanga sa kanyang mga mata. “you look gorgeous. Sorry Cath, pero mukhang today maagawan ka ng atensyon ng kaibigan mong ‘to.” Baling nito kay Cath na napapangiti at kumikindat-kindat. “Okay lang. Ang importante sa akin nakatutok ang mga mata ng magiging asawa ko dahil kung hindi tutusukin ko ang mga ‘yon eh titingin sa iba sa mismong kasal pa namin.” kunwari'y mataray na tugon din ni Cath pero nangingiti sa akin. Ilang saglit pa at dumating ang aming sinasakyan sa harap mismo ng pagdadausan ng kasal. Isa itong garden wedding na ang pagdadausan ay hindi kalayuan sa hotel. I took a deep breath bago napagpasyahang bumaba. “Bestfriend, relax. Walang mangyayari sa ‘yo. Daig mo pa ang ikaw ang ikakasal ah?” ginagap ni Cath ang aking kamay bago pa man ako tuluyang nakababa ng sasakyan. Bilang maid-of-honor kasi kailangang sabayan ko siya sa sasakyan at ako ang aalalay sa kanya. In short, ginawa akong taga-bitbit ng sumasayad niyang gown. Hihihi! Pero hindi talaga ako mapakali, lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib nang makita ko ang mga taong nag-aabang sa pagdating namin. Bumaba ako ng sasakyan na medyo nakayuko. Hawak-hawak ko ang aking suot na gown na bumaba. Nasa tatlong pulgada lang ang taas ng sandals na suot ko dahil matangkad na ako. May tangkad akong anim na talampakan kaya kapag nagsuot pa ako ng mas mataas na takong ay baka magmukha akong higanteng nakagown. Sa aking pagbaba, dinig na dinig ko ang pagsisimula ng tugtog at kanta hudyat na dumating na ang bride. Inalalayan ko si Cath sa pagbaba at sabay na kaming naglakad papunta sa kinatatayuan ng kanyang mga magulang. “Hija, I thought your maid of honor is Michelle? And who is this gorgeous lady here?” tanong agad ng Mama ni Cath. Tumingkayad si Cath at pabulong na sinabi sa kanyang Mama na si Tita Amery kung sino ako. “He is Sean, Mama. Nagka-emergency si Michelle kaya hindi nakarating.” Nanlaki ang mga mata ni Tita Amery. “Oh my...Sean, you’re so gorgeous, darling. Hindi kita nakilala.” Wika nito pero may kaunting pigil para hindi marinig ng iba. “Walang mag-aakalang lalaki ka, dinaig mo sa ganda ang anak ko.” Wika nito na nagpasimangot kunwari kay Cath. Natatawa na lamang ako pero kinakabahan pa din. “Thank you, Tita. Napasubo eh. Ayoko namang umiyak si Cath kasi wala siyang maid of honor.” Nangingiti kong sabi. “Your parents are already inside. Kausap namin sila kanina pagdating. Tiyak hindi ka din nila makilala.” Wika pa nito bago pa ako tuluyang nagmartsa papasok. Nauna akong magmartsa kesa kay Cath. “Go na friend. Kaya mo ‘yan, ikaw pa!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD