bc

The Proxy Bridesmaid

book_age18+
1.1K
FOLLOW
2.7K
READ
possessive
comedy
bxb
humorous
icy
city
turning gay
love at the first sight
model
like
intro-logo
Blurb

NOTE: THIS IS A BxB/ BOYSLOVE STORY with a few chapters with explicit content❗❗

Sean Zhao, 29 years old, single and a fashion designer. Isa siya sa pinakasikat na fashion designer sa buong bansa. Tinitilian ng kababaihan pero walang epekto sa kanya kahit pa halos maghubad na sila sa kanyang harapan. Bakit? Saksi siya sa mga dinanas na kabiguan ng kanyang mga kaibigan. Sa bawat kabiguan sa pag-ibig ng kanyang mga kaibigan ay sa kanya tumatakbo. Sabi nga nila he is always there, their shoulder to cry on. Dagdag pa nila magaling siya magpayo, hindi mo akalaing ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya nagkaroon ng kasintahan. Mga rason na ayaw niyang bigyang pansin ang kanyang buhay pag-ibig dahil ayaw niyang maranasan ang masaktan gaya ng kanyang mga kaibigan lalo pa't isa siyang lalaki na may pusong babae at hindi pa tanggap ng sosyidad ang kasariang kanyang taglay.

Pero ang lahat ng iyan ay nagbago nang makilala niya ang bestman sa kasal ng kaibigang si Cath. Panahon na ba para bigyan ni Sean ng atensiyon ang kanyang buhay pag-ibig? Abangan ang mga pagbabagong magaganap sa kanyang buhay sa pagdating ni Leo.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
[Sean Zhao] “Tin, tumawag na ba si Iris kung maayos na ang pagdadausan ng kasal bukas?” Tanong ko sa aking kaibigan na assistant na din. “Mamang, don't worry! Hindi ito first time para mag-organize tayo ng kasal. Relax. Don't stress yourself. Okay?” “Kasal 'to ng kaibigan natin. At sa ilang taon at di mabilang na hiwalayan ni Cath at ng jowa niya ay sa wakas ikakasal na din sila kaya dapat perfect ang lahat. Alam niyo naman ako ayoko ng may bulilyaso.” Tugon ko habang tinitingnang maigi ang wedding gown na nasa harapan ko. Ako ang nag-design ng gown ni Cath. Sa kagustuhan ng kanyang biyenan na makamura ay pinili nito ang malakurtinang tela at estilo ng gown pero dahil ako ang designer wala siyang magawa nang i-improve ko ang estilo na gusto niya. Isa sa pinakamatalik kong kaibigan si Cath kaya gusto kong maging maganda siya sa espesyal na araw ng kanyang buhay. “Oh, ikaw Agnes anong binubusangot mo diyan?” Baling ko sa isa pa naming kaibigan. Lahat ng staff ko ay halos kamag-anak at kaibigan ko din. “Eh ate......” “Huwag mo 'kong ma-ate, ate. Hindi kita kapatid.” Agad kong putol sa mga nais pa niyang sasabihin. “Andiyan ka na naman sa linya mong 'yan. Huwag kasi panay nood ng teleserye.” Sagot niya sa 'kin. “Oh anong pinoproblema mo ngayon?” “Ako ba talaga ang MC bukas?” “Bakit may reklamo ka? Aatras ka? Subukan mo, kung 'di mawawalan ka ng trabaho ngayon din.” “Eh andon ang ex ko eh, awkward. Mamaya panay titig sa 'kin no'n.” “Ay umaasa ka pa ba ‘teh? Ipinagpalit ka na nga sa mukhang dinaanan ng pison ang ilong tapos titingin pa sa 'yo? Move on inday, move on.” “Uy, nagsusungit na naman ang gwapo na maganda kong kuya.” Biglang pasok itong hilaw kong kapatid na si Jie Yuehan . Kakauwi lang niya galing school. “Uy fetus ka, magmeryenda ka na muna do’n at tulungan mo kami dito. Bilisan mo. Five minutes balik ka kaagad.” “Kuya, five minutes eh lakad ko pa lang two minutes na. Kukuha pa ako ng meryenda mga three minutes tapos lakad papuntang mesa two minutes din. Tapos kakain mga 5 minutes...... “Huwag na huwag kang mag-enumerate sa akin ng ganyan. Tigilan mo kakadotdot diyan sa celphone mo para matapos mong kumain ng 5 minutes.” “Oo na! Sungit! Kaya 'di nagkaka-jowa eh.” Bubulong-bulong na umalis ang kapatid ko. Hindi ko pala siya tunay na kapatid. Napulot namin siya ni Mama sa basurahan sa tapat ng mansyon no'ng mga sampung taon pa lamang ako. Katorse palang si fetus at nasa sekondarya. Fetus ang tawag ko sa kanya kasi ang liit niya no'ng nakuha namin. Pero mabait siyang bata, kahit minsan pasaway. Pangarap niya rin daw maging designer kagaya ko. May-ari ng isang malaking kompanya ang pamilya namin pero mas pinili kong maging designer dahil ito ang passion ko. Dito ako masaya kaysa umupo sa isang opisina at kaharapin ang problema ng kompanya. I find it boring. Disappointed sina Papa at Mama noong una pero wala silang magawa kundi suportahan ako. Katunayan nagtayo pa ng Modeling and fashion agency si Papa para tulungan akong mai-showcase ang aking mga gawa. “I agree with fetus.” Sabad naman ni Tin. “Agree saan?” Baling ko sa kanya habang patuloy na sinisipat ang aking ginagawa. “Na wala kang jowa kasi ang sungit mo.” “At ano ang gusto niyong gawin ko? Patulan ‘yang mga boylet na wala nang ginawa kundi ang perahan ang mga kagaya ko? No way! Or magkakajowa ako tapos iiyak din kagaya niyo kapag iniwan ako? That's a big No!” “Hindi naman lahat ng lalaki ganyan, Mamang.” Sabad din ni Agnes. “At saan naman ang lalaking hindi ganon, aber? Eh, ikaw nga dinig ko sa jowa mo ikaw lang ang mamahalin. I wanna grow old with you. You are my forever, Nes.” Nag- imitate pa ako ng boses ng jowa ni Agnes. “Eh nasaan na 'yung forever na sinabi niya? Andon! Andon sa kandungan ng babaeng ipinalit sa ‘yo.” Natameme naman sina Tin at Agnes sa mga sinabi ko. “Oh, 'di kayo makasagot ‘no? At ikaw Kristina, huwag na huwag mo na ulit tatanggapin ‘yang mga bulaklak na pinapadala dito. Nagmumukha ng funeral parlor itong shop ko sa dami ng bulaklak tapos may wreath pa...jusmio korona ng patay lang? Mapapatay ko ang sinumang nagpadala niyan.” Napahagalpak naman ng tawa ang dalawang babae sa mga huli kong sinabi. “Paano 'yung nagpadala parang buhay na patay sa sobrang payat.” Si Fetus na kakabalik lang. Tila nagmamadali kasi ngumunguya pa ng kung anumang pagkain ang kinakain niya. “Since dito ka na fetus tulungan mo akong ayusin 'tong gown. Dadalhin na natin ito mamaya sa hotel kung saan tutuloy si Cath .” Bago maghapunan ay inihatid namin ang gown sa Shangri-La Hotel, Makati kung saan tutuloy si Cath bago ang kasal kinabukasan. Tapos na ang photoshoot nila no'ng sinundang araw kaya okay lang na hapon na namin ihatid. “Sean Mamang, salamat talaga,”sabi ni Cath no'ng paalis na kami. “Walang anuman. Mag-beauty rest ka na para beauty ka bukas.” Bilin kong pabiro sa kanya. “Ikaw kaya, kailan ka namin makikitang ikakasal? 'Yung sarili mo nang isusuot ang ide-design mo.” “Bruha, pagsusuotin mo 'ko ng gown?” Nanlaki pa ang mga mata ko habang sinabi iyon kay Cath. “Girl, hindi ko sinabing gown ang isusuot mo.” Napahalakhak na sabi pa ni Cath. Napairap ako sa kanya. “Pero not bad if gusto mong mag-gown. Pangarap mo 'yon di ba? Ikaw yata 'yung best friend kong gwapo na, maganda pa.” “Tigilan mo 'ko Catrina. Wala pa sa isip ko 'yang ganyan.” “Malay mo bukas isa sa mga bisita ko ang bibihag diyan sa puso mong phikan,” hirit pa nito. “Aalis na nga kami. Kung anu-ano 'yang mga pinagsasabi mo.” “Sungit! Pero I love you, my best friend.” Mangiyak-ngiyak pang sabi niya. “Huwag kang OA, 'di ka pa mamamatay.” Napahampas naman siya sa aking balikat. “Oh siya, aalis na kami. Mamaya parating na din 'yung mga abay mo dito sa hotel. Maaga kami dito bukas para ayusan ka.” Paalam ko sa kaibigan ko. Kinabukasan, maaga kaming bumalik sa hotel. Medyo inaantok pa ako pero carry lang para sa kaibigan ko. Balak kong sa hotel na lang kami magbreakfast since kasama naman ako sa naka-booking sa hotel kaya may free breakfast. Mas pinili ko nga lang sa bahay matulog para makapagrest ako ng maayos. Ilang linggo ring wala kaming pahinga sa paghahanda sa kasal ni Cath. “Mamang, si Michelle hindi daw makakarating,” Stress na salubong ni Cel sa amin sa lobby. “What?!" Shocked kong reaksyon. Paano maid of honor siya tapos hindi siya makakarating? “May diarrhea daw po siya. Baka sa kakakain niya ng cucumber 'yon.” Wika pa ni Cel na parang pusang di maihi sa pag-aalala. “Ayon kaka-diet niya para balikan kuno ng jowa niya na katawan lang ang habol sa kanya kaya ganyan, ganyan ang nangyari. Kung hindi ba naman shunga at puro pipino ang kinakain para sumexy kuno at balikan. Masasabunutan ko ang babaeng 'yon talaga. Matawagan nga!" Agad kong idinayal ang aking telepono. Pagkasagot niya ng tawag ko agad ko siyang binanatan. “Hoy, babae ka! May diarrhea ka daw? Bakit hindi mo 'yan ininuman ng diatabs o di kaya loperamide nang hindi kami mamrublema dito. Maid of honor ka at sino ngayon ang papalit sa 'yo ha?” “Mamang naman!” “Huwag mo 'kong matawag-tawag na Mamang. Hindi ako mamasang sa cabaret.” “Eh, isang pad na nga ng diatabs ininom ko mula kagabi pero heto nasa toilet na naman ako.” At narinig kong tila may bumulwak na kung ano. “May diarrhea nga siya." Nasabi ko sa isipan ko. “Oh siya, magpahinga ka na!” Bigla naman akong naawa sa kanya. “Maaga pa naman, kakausapin ko si Cath baka may naisip siyang ipalit sa 'yo.” “Sorry talaga!” “Okay lang. Hindi naman natin hiniling na mangyari sa 'yo ‘yan. Pero please lang tigilan mo na yang kaka-diet mo. Let go of that feelings. Kung totoo kang mahal ng jowa mo kahit ano pa ang hitsura mo, kahit lumubo ka pa at sumobra sa kilohan 'yang bigat mo mamahalin at mamahalin ka pa din niya. May tamang tao para sa 'yo.” Bigla namang napahagulgol ang bruha sa kabilang linya. “Hulog ka talaga ng langit sa amin, Mamang.” “Oo na anghel dela guardia niyo na ako.” Napahalakhak pa ako sa sinabi ko sabay patay ng telepono. Pagkatapos kong kausapin si Michelle ay sabay na kaming umakyat ni Cel sa hotel room ni Cath. Naabutan naming naghahanda na siya pero halata sa mukhang medyo stress. “Sean, wala si Michelle." Agad niyang bungad sa 'kin. “Let's find a replacement.” Sabi ko sabay baling kay Cel. “Opppss, huwag ako. Ayaw ng jowa kong iba ang kapares ko. At kapares niya.” Agad nitong depensa na nahulaan ang nais kong sasabihin sa kanya. “Hay naku, kaya ayokong magka-jowa kasi ayokong matali kagaya niyang seloso mong jowa, Cel.” At agad kong ibinalik ang atensyon ko kay Cath. “Ano?" Tanong ko sa kanya kasi may kakaiba siyang titig sa akin. “Ikaw.......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.2K
bc

NINONG III

read
389.4K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

NINONG II

read
633.4K
bc

My Brother's Wife [GxG]

read
89.0K
bc

Zion's Akira (BxB)

read
25.9K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
54.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook