Gaya nang napag-usapan namin ng mga magulang ko, the next day balik work ako. Maaga akong nagising to prepare for work. Time for Yuehan also to go to school. “Oh, why you're still here, Fetus?” naabutan ko siyang palakad lakad sa maliit naming sala. Dito na kami natulog kagabi sa bahay ko na katabi lang ng shop. “Allowance ko po, Kuya,” tugon nito sabay lahad ng kamay. Napangisi ako. “Remember? I told you, that you have no allowance for a month dahil sa pagbigay mo ng number ko sa pinsan ni Ralph?” wika ko. “Seryoso ka talaga, Kuya? Mali-late na po ako,” tanong nito na napa-pout. “Oo, may ipon ka naman. Iyon ang gamitin mo,” tugon ko at naglakad na para ihanda ang almusal ko. Napakamot na lamang ito ng ulo pero bigla itong sumunod sa akin at humirit pa. “Pero Kuya kapag niligaw