Kabanata 5

1885 Words
As announced earlier, after everyone had finished the meals, the tossing of the bouquet and the garter is about to start. It starts with the tossing of the bouquet that is why I am here, I am one of those who will catch the bouquet but I have no plan to do it. Bahala na itong mga girls na tila yata atat mag-asawa. May kasabihan kasi na kapag ikaw ang makakasalo ng bouquet ng mga bagong kasal, ibig sabihin ikaw na din ang susunod na ikakasal. I don’t believe this kind of myth or belief, whatever they call it. Ito na nga pumagitna na si Cath sa maliit na platform kung saan siya tatayo at ihahagis ang bouquet nang patalikod. “Mamang, ready ka na bang saluhin ang bouquet? Ako ready na,” bigla akong siniko ni Cel. Napangisi ako sa kanya. “Wow! Sabi mo gusto niyo pang i-enjoy ng boyfriend mo ang pagiging single pero mukhang atat ka yatang saluhin ang bouquet?” pang-aasar ko sa kanya. “Ang totoo naman daw kasi, swerte ang sino mang makakasalo ng bouquet. Hindi daw totoo ‘yang ikaw ang susunod na ikasal kapag ikaw daw ang makakasalo,” pagtatanggol nito sa sarili sa pang-aasar ko sa kanya. Napatigil kami nang magsalita si Cath. “Ready na ba ang lahat?” tanong ni Cath na nakatalikod. “Ihahagis ko na ang bouquet,” sabi pa nito. Napaismid lang ako at pumagilid nang bahagya. Ayokong makikisalo, bahala sila diyan. Samantala, lingid sa aking kaalaman pinag-uusapan pala ako ng mga magulang ko at ng kapatid ko ang pagsali ko dito. “Tingnan mo itong si kuya, pumagilid ayaw yatang saluhin ang bouquet,” sabi ni Fetus habang pinapanood nila kami. “Hayaan mo na siya, anak. Masaya ako para sa kuya mo na kahit napilitan eh nakisali pa din,” natatawang tugon ni Mama. “Ikaw kasi darling, pinilit mo pa tingnan mo mamaya niyan nakasimangot na naman iyang maganda na at gwapo pa nating panganay,” sabad naman ni Papa. I am so happy that they’re very supportive with all the things I am doing. Kahit na pinakaliit-liitang detalye basta nasa tama at mabuti, they’re happy for me. “1...” Nagsimula nang magbilang si Cath para sa paghagis ng bouquet. Ewan pero bigla akong napalingon nang maramdaman kong tila may nakatingin sa akin. “2...” Patuloy na bilang ni Cath pero sa iba nakatuon ang pansin ko. When I turned to see to confirm the sense of someone looking at me, agad na sumalubong sa akin ang walang ekspresyon na titig ni Leo. Our eyes met. I have this feeling na his stares seem penetrated to the core of my heart. Sumikdo ang dibdib ko at kumabog na hindi ko maintindihan. My heart beats fast. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. I avoided his stares at ibinaling ang tingin sa harapan. “3...” Huling bilang ni Cath at nagtilian ang mga kasamahan kong nakatayo sa harapan. Inihagis ni Cath ang bouquet at dahan-dahan kong ibinalik ang tingin sa harapan pero nanlaki ang mata ko nang makita kong tila slow motion na nagpaikot-ikot sa ere ang pumpon ng bulaklak papunta sa direksyon ko. “Hala, sa maid of honor papunta.” Dinig ko pang sabi ng isang bisita. I wanted to move para iwasan ang papalapit na bouquet of flowers but I froze because it’s too late. The flowers landed in front of me after it hits my body. “Sa maid of honor nga!” halos sabi ng lahat. “Mamang, ang swerte mo. Kami itong halos liparin na at kusang kunin ang bouquet eh hindi nakuha pero ikaw na nakatayo lang sa ‘yo pa lumanding,” halos panabay na wika nina Cel, Tin, at Iris. Si Agnes naman ay bumalik sa maliit ma platform. Nakisali din kasi ito pagkatapos iwanan saglit ang pagiging MC sa araw na ‘yon. Dinampot ni Tin ang bouquet at ibinigay sa akin. I wanted to refuse pero rule ng laro at nakisali ako kaya I received it. I don’t know what they going to do next kaya I just go on with the flow. Naglakad ako papunta sa harapan at naupo sa silyang inihanda para sa makakasalo ng bulaklak. “Okay! We have the lucky one to catch the bouquet. May I call on the maid of honor na pumunta dito sa harapan and we will start the tossing of the garter,” Agnes announced next. “Lahat ng binata, naging binata ulit, at feeling binata, ay mali hindi pala pwede,” biro pa nito. “Mga certified single lang pala ang pwedeng sumali,” sabi nito na natatawa sa sariling biro. Maraming sumali pero ang nakatawag ng pansin ko ay si Leo. Isa din siya sa sumali pero tila yata napilitan lang din kasi hila-hila siya ng kapatid ni Ralph. Wala pa rin itong kangiti-ngiti na tumayo sa pinakalikuran. Tumayo na din si Ralph sa harapan pagkatapos tanggalin sa hita ni Cath ang garter at inihanda ang sarili para ihagis ito sa mga gustong sumalo. Bumilang din siya ng tatlo at nagtilian na naman ang mga bisita lalo na ang mga kababaihan nang nagsimulang lumipad sa ere ang garter. Their screams became louder when the garter landed to one of the guys in front. I can't see who is the lucky one but I bet it’s from the back kasi halos sabay na lumingon sa likod ang mga kasaling nasa harapan. A few seconds later, nahawi ang mga nasa harapan na to give way to the bearer of the garter. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino. It was Leo. Prominente itong naglalakad palapit pero walang pagbabago sa kanyang ekspresyon. He stands next to me. “Okay, since kompleto na ang nakasalo sa bouquet at garter, ibibigay ko na ang detalye kung ano ang gagawin natin sa mga nakasalo at sa mga nasalo nila,” wika ni Agnes na halatang kinikilig. Lumingon ako sa kanya at saktong napatingin din siya kaya binalaan ko siya sa pamamagitan ng tingin pero ngumiti lang siya na halatang pigil ang kilig. Pagbalik ko ng tingin sa harapan agad na sumalubong sa akin ang mga kinikilig kong kaibigan. Katabi na nila si Yuehan na laging kakampi ng mga ito sa kilig at pang-aasar sa akin. “Napansin niyo ba? Bestman at maid of honor natin ang nakakuha ng bouquet at garter?” tanong ni Agnes sa mga naroroon. “Yes! At bagay sila,” wika ng halos lahat at may isang nangibabaw ang nagsabi na bagay kami ni Leo. Sarap sanang sagutin na “tao kami” at hindi bagay pero nasa isang okasyon kami kaya nagpigil ako. “Our newlywed couple, Cath and Ralph, come and join your bestman and maid of honor, please,” tawag ni Agnes kina Cath and Ralph. Agad namang lumapit ang mga bagong kasal. “Okay ka na ba, bestfriend?” bumulong agad si Cath sa akin. Si Ralph ay tumabi sa pinsang si Leo. “I'm fine! Gutom lang daw at pagod,” tugon ko. “Sorry, Mamang ha! Napagod ka kakaasikaso ng kasal ko,” wika nito sabay yakap sa akin. “What are friends are for kung makikikain lang ako sa kasal mo?” nakangiti kong sabi. “Hayaan mo babawi ako,” sabi pa niya sabay nguso sa direksyon ng magpinsang sina Ralph at Leo. Pinandilatan ko sya. “Umayos ka Catherine! Baka pagbayarin kita sa lahat nang pinagdiskwento ko sa ‘yo,” diin kong sabi. Napanguso ito. “Give time for yourself to be happy. It’s time for us to see you happy sa taong magbibigay halaga at respeto sa ‘yo,” sabi nito sabay tapik sa aking balikat at tumayo na kasama si Ralph. “Ang lalim no'n ha!” wika ko sa sarili. Muling nagsalita si Agnes. “Leo at Sean, since sa inyo napunta ang bouquet at garter, you have a task to do,” pag-uumpisa nito. May duda na ako sa ipapagawa nila kasi it’s a common thing sa mga kasalan dito sa bansa kaya nagngingitngit ang kalooban ko bakit pa ako pumayag kina Mama na sumali at bakit sa akin pa lumanding ang mga bulaklak na ito. “Sean, you just hold the bouquet and...” pabitin pa nitong sabi. “Leo, since nasa iyo ang garter, isusuot mo ito kay Sean,” magkahalong hiyawan, kilig at tawa ang dumagundong sa reception. Tawanan kasi kita nila kung paano ko nilingon si Agnes at pinandilatan. Kung nakakamatay ang tingin kanina pa siya bumulagta. Pero wala akong magagawa, andito na eh. Sumenyas si Leo if he can start putting the garter on me at umayon naman si Agnes, gano'n din sina Ralph at Cath na kinikilig pa yata. He bends down in front of me na medyo paluhod ang isang binti to get his balance. He took off my shoe at pahapyaw na sumagi sa balat ko ang kanyang palad. Napaigtad ako ng bahagya. “Sorry! I didn’t meant to do that,” tumingala siya at humingi ng pasensya. “Just go ahead dahil gusto ko nang matapos ‘to. Gosh!” Hindi ko naitago ang pagkainis ko na may kasamang eye roll. He then started to put on the garter on my legs. Muli na namang naghiyawan ang mga naroroon. Ingat na ingat si Leo sa paglalagay ng garter sa aking binti habang nililis niya pataas ang aking suot na gown until it exposes my leg up to my knee. “Stop right there!” Mahina pero may diin kong wika. Napaangat siya ng tingin na tila sinisigurado ang sinabi ko. “What I mean is...the gown. Don't pull it higher,” sabi ko. “Sure! No worries. I don’t let anyone see anyway. For my eyes only,” he said and smirked. “Ano daw? For his eyes only?!” Kung makapagsalita eh akala niya pag-aari niya ako. “You know what? You have a nice pair of legs. If Ralph and Cath didn’t tell me who you are, I thought you're a woman,” wika nito na medyo lumikot ang mata na siguro umiiwas baka may makarinig sa palitan namin ng salita. “Can you just stop talking and finish it? Para makaalis na ako dito?” Naiinis kong tugon. “As you say so!” tugon niya na may pilyong ngiti sa mga labi. Parang may binabalak ang loko. Muli niyang itinaas ang garter hanggang umabot na sa bandang tuhod and when the guests saw it sabay na naman silang naghiyawan. “Higher! Higher!” panabayang hiyawan nila. Inis na inis ako kasi dinaig pa nila sa sabungan para maghiwayan. Napalingon ako kina Ralph at Cath na nagpapasaklolo pero kakutsaba yata ang dalawa at tila tuwang-tuwa sa pangyayari. Gusto ko ng tumakbo pero nanaig pa din ang hiya sa katawan ko kaya marahan akong napapikit dahil pakiramdam ko wala ring balak ang kumag na nasa harapan ko na tumigil. “They said higher,” muli itong nagsalita pero nasa garter pa din ang mga kamay. “Subukan mo kundi tatadyakan kita,” wika ko na may pananakot pero hindi ako sigurado kung tatablan siya. “Well.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD