“Well....it's just a game so let’s give what they want," he said and chuckled while pulling up the garter. His hands slightly touching my skin. Tila boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan nang maramdaman ko ang init ng kanyang palad na hindi maiwasang mapahaplos sa hita ko. Lumagpas na sa taas ng tuhod ang pagsuot ng garter pero hindi pa din siya tumigil.
“Please, tama na!” Nakiusap na ako kasi may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko sa tuwing sumasagi ang kanyang balat sa balat ko. May kakaibang kiliti akong nararamdaman na ang hirap ipaliwanag.
“Okay! I think nagawa na ng ating best man at maid of honor ang task nila." Muling salita ni Agnes. Mabuti naman at naisip pa niyang magsalita ulit. Tumayo na din si Leo pagkatapos akong tulungang ibaba ang nililis niyang gown ko. Ipinasuot pabalik pati sapatos ko. Gentleman naman ang loko.
When we are about to go back to our seat lumapit siya ng bahagya at bumulong. His masculine scent is penetrating my nose na parang nakakawala ng katinuan. I gripped to the bouquet tightly na para bang mabigyan ako nito ng lakas para makapitan.
“Can I invite you for a dinner, Sean?” He whispered. I can feel the warmth of his breath that touches my skin. Parang may kung anong kiliti ang napukaw sa katawan ko. Hindi ko siya tinugon and I quickened my steps back to my seat dahil para akong nanghina, my knees are melting like jelly na parang bibigay na kaya binilisan ko ang pagbalik sa upuan. Napasalampak ako sa upuan na siyang ikinagulat ng aking mga magulang at iba pang naroroon.
“Anak, what's wrong?” Agad akong nilapitan ni Mama.
“Can we go home now, Ma?” Tanong ko. Natigilan si Mama at napatingin pa sa iba.
“Son, is there something bad that guy have done to you?” Si Papa na kinuyom agad ang kamao.
“Darling, bakit naman agad ang taong ‘yon ang naisip mo?” Si Mama na ayaw ang tono ng pagtatanong ni Papa.
“Oo nga naman, Kuya. May sinabi ba si Leo na hindi maganda at bigla ka na lang uuwi? Boto ako sa kanya pero kapag may sinabi siyang hindi maganda, bubugbugin ko siya!” Singit naman ni Yuehan na akala mo kayang makipagsuntukan eh mas malaki pa ang kamao ko sa kanya.
“Ano ba? Bakit ang o-OA ng reaksyon niyo? Pagod lang ako at gusto ko nang umuwi,” wika ko sa kanila na pilit ngumiti pero kakaiba pa rin ang nararamdaman ko.
“Mamang, sige mauna na kayo para makapag-rest ka na. Kaming na'ng bahala magsabi kina Cath,” si Tin na kanina pa nakikinig.
Then we saw Tita Amery is coming.
“Sean, darling. Are you okay?” agad nitong tanong. “Pasensiya ka na kanina ha. Alam kong pinagod ka namin sa pag-aasikaso ng kasal ni Cath pero babawi kami sa ‘yo,” wika pa nito na niyakap pa ako.
“No worries, Tita. I’m happy to help my friends. They are my family, too,” tugon ko na gumanti din ng yakap.
Kumalas siya sa akin at muling nagsalita. “How about a date?” tanong niya na malapad na nakangiti.
“Date?” panabayang wika nina Mama, Papa at mga kasama namin sa table.
“Uy! Grabe kayo!” saway ko sa kanila na may pahampas ng kamay sa hangin. Binalingan ko si Tita Amery. “Date with you, Tita? Like dinner date? I'm fine with it,” simpleng sabi ko.
“Not with me!” Tita Amery said it with mischievous smile playing on her lips. May pagiging maloko din ‘tong Mama ni Cath eh kaya medyo kinabahan ako.
“Then with who?” mabilis kong tanong.
“Well, just be ready one of these days, Darling. I will set a date for both of you,” wika pa nito.
“Mare, mabait ba ‘yan? Pasok ba sa standard naming mga Zhao?” pabirong tanong ni Mama.
Natatawang sumagot si Tita Amery. “Of course, Mare.”
Ewan ko pero kinakabahan ako. It’s a blind date. ‘Yan ang tinutumbok ni Tita Amery. I've been to that for a few times but it came out a mess. Bastos at walang modo ang pinag-blind date sa akin ng mga kaibigan ko. They thought I'm desperate to have a boyfriend dahil pumatol ako sa pakikipag-blind date sa kanila. But it was just, I want to give it a try dahil na rin sa naiisip ko na bigyan ng time ang sarili ko. I've been dating some women too pero nobody met my standard. Wala silang ginawa kundi ang magpa-cute at mag-flirt sa harapan ko which is nakaka-turn off. May ibang sila na yata ang nanliligaw, sending flowers to my shop at may malakas ang loob talaga na puntahan ako. My friends are there kaya kita nila if those women are deserving to be my girlfriend pero mas kilala ko ang mga friends ko at alam nila ang standards ko when it comes to relationship kaya minsan sila na mismo ang gumagawa ng paraan. Kapag nakita nilang dumating isa man sa mga babae o lalaking may kakaibang motibo sa pagpunta sa shop they will immediately turned them down. Mabuti na lang my office is di
“Oh ano, Sean?” tinanong ako ulit ni Tita Amery.
“I will let you know, Tita. By the way, pwede na ba muna akong umuwi? I really need to rest,” sinabayan ko na din ng pagpapaalam.
“Sure, Darling! You need that. Kanina nga I told your Mom to let you rest at home pero ayaw niya kasi daw baka magalit ka at ma-miss mo ang rest of events ni Cath,” wika pa niya na sumulyap pa kay Mama.
“Thanks, Ma!” sabi ko kay Mama.
“Have a nice trip back home and please don’t forget to let me know if papayag ka na ha?”
“Yes, Tita. Thank you!”
My parents went to Cath and Ralph para magpaalam. Hindi na ako lumapit kasi kausap nila si Leo. Ewan pero ang tindi ng kabog ng dibdib ko kapag sumasagi siya sa isip ko.
Nang malaman nina Cath na pauwi na kami agad silang lumapit sa akin ni Ralph.
“Best Friend, maraming salamat talaga ha,” wika ni Cath sabay yakap.
“Paulit-ulit lang?” wika ko na may kasamang ngiti.
“Oo naman. Hindi ako magsasawang magpapasalamat sa ‘yo, kami ni Ralph. Ang laki ng tulong na ginawa mo to para maging successful ang wedding namin,” mangiyak-ngiyak pa nitong sabi.
“Lukaret! Ang pagmamahalan niyong dalawa ang big reason para maging successful ang wedding. Walang kwenta ang magandang gowns, decorations, at masarap na foods king hindi kayo totoong nagmamahalan,” sabi ko na sinulyapan nang bahagya si Ralph na masayang nakikinig.
“Sean, tinamaan yata sa ‘yo ang pinsan ko,” bigla'y sabi nito. Nilingon ito ni Cath.
“Uhm! Paano uuwi na kami. Enjoy your honeymoon sana pagbalik magiging ninong na agad ako,” natatawa kong sabi.
“Hindi ninang?” natatawa ring tanong ni Cath.
“Babe, ninong at ninang in one,” si Ralph na nakikitawa na din sa aming dalawa.
“May tama ka din sa wakas, Babe. May premyo ka sa ‘kin,” kumindat pa si Cath sa asawang si Ralph.
“Ow, talaga Babe? Gusto ko ngayon na,” lumapit ito kay Cath at niyakap ang kaibigan ko at hinalikan sa leeg.
“Uy, loko ‘to. Marami pang bisita. Nagmamadali ka?” kumalas si Cath sabay hampas sa braso ng asawa. “Pasensiya ka na bestfriend ha, may pagka-L din ‘tong napangasawa ko minsan,” wika ni Cath na malakas ang tawa.
Napatawa na rin ako pero deep inside nakaramdam ako ng inggit. May asaqa na si Cath, si Cel matagal na rin sila ni Angelo, darating ang time magkakaroon na sila ng sari-sarili nilang pamilya. Napabuntunghininga ako.
“What’s wrong?” tanong ni Cath.
“Wala lang. May naalala lang,” tugon ko. “Oh siya! Andito na sila Mama, uuwi na kami,” pagpapaalam ko na.
Agad kaming umuwi. Sasakyan ko na ang ginamit namin sa pag-uwi. Naiwan ang driver namin gamit ang sasakyan nila Papa kasi nagpaiwan si Yuehan at mga kaibigan ko. Habang bumibyahe pauwi saglit akong pumikit para matulog pero oras na ipikit ko ang mga mata ko, mukha ni Leo ang nakikita ko.
“Son, is there any problem? Kanina pa kita napapansin na balisa ah?” si Mama na katabi ni Papa sa front seat.
“Nothing, Ma! Sa sobrang pagod lang siguro,” pagsisinungaling ko.
“We'll take you to our house para makapagpahinga ka ng maayos. Kapag sa sarili mong bahay hindi ka na naman makapagpahinga at maggagawa ka na naman doon sa shop mo,” wika pa ni Mama. Alam niya kasing hindi ako ‘yung kapag pahinga ang usapan is puro pahinga lang ang ginagawa. Ewan pero hinahanap talaga ng katawan ko ang magkikilos sa shop ko.
“Your mom is right, Son. In a week, may event pa tayo. Kaya you need to relax. Tapos na din naman lahat ng creations mo na irarampa ng mga models sa show mo,” sabad ni Papa habang nagmamaneho.
“I’m alright naman, Pa!” tugon ko.
But my Mom insisted na sa bahay talaga ako magpahinga kaya pumayag na din ako. I miss my room sa bahay namin. Since, may sarili na kasi akong shop at medyo may kalakihan ang lugar, doon na din ako tumira. Sa harapan ang shop at sa likod no'n ang bahay na idinugtong lang din. May tatlong kuwarto ang isa ay para kay Yuehan at may isang extra para sa mga kaibigan ko na gustong makitulog doon.
Pagdating sa bahay agad akong naligo at nagpahinga. Hapon na nang magising ako sa sunod-sunod na tunong ng aking mobile phone. I fishes it out from my bed side and my brows furrowed kasi the number registered on the screen is new to me. It’s not familiar. Binuksan ko ang messages box at nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.