OBSESSION 5

1100 Words
"Aba! Mabuti naman at pinayagan ka ng mahal mong asawa na sumama sa amin?" bungad agad sa akin ni Bry. Tinawanan ko naman siya. "Hindi naman siya mahigpit pagdating sa mga ganitong bagay. Kahit din naman ako ay hindi ko siya binabawalan. As long as alam naman namin kung ano ang tama at mali, tsaka mahal naman namin ang isa't-isa. Kasal na nga kami," paliwanag ko pa. "Sus! Ang dami mo namang sinabi, Sissy! Binibiro lang naman kita. Come on and let's have some fun na!" yaya niya sa amin ni Yesha. Sumama na kami sa kaniya dahil siya naman ang mas may alam ng pupuntahan namin na bar dito. Sumakay na kami sa taxi at maya-maya ay bumaba kami sa isang malaking building. Sa labas pa lang ay kita na agad ang mga naglalakihan na bouncers. Kahit gabi na ay nakasuot pa rin sila ng mga salamin at naka-formal attires. Ang gara ng mga guwardiya rito, hindi katulad sa bansa namin na normal na guwardiya lang talaga. Pero rito ay halatang mga mayayaman lang ang puma-party sa bar na ito. "Oh my gosh! Nakikita ko na agad ang mga chupapi! Kayo ba ay nakikita niyo na rin sila?" malanding sambit naman ni Bry. Party naman ang pinunta ko rito at hindi ang maghanap ng mga lalaking gwapo. "Tara na sa loob, haliparot ka. Mamaya ka na lumandi kapag lasing ka na," sambit ni Yesha. Hinila na niya kami papasok sa loob. Nagpakita lang kami ng ID sa mga guards at nilagyan nila kami ng tatak. Ibig sabihin kapag may tatak ay mga foreigners. Kami ang foreigners sa kanila dahil hindi naman kami taga-rito na bansa. Maingay na agad nang makapasok kami sa loob ng bar. Marami ang mga nagsasayawan sa gitna. Hanggang second floor naman ang bar na ito. Sa unang floor ay narito ang mga nasayaw sa gitna, which is the dance floor. Then sa palibot ng dance floor ay may mga lamesa at may mga nag-iinuman doon. Sa second floor naman ay napansin ko na naroon ang mga nag-iinom na chill lang ang gusto at hindi masiyadong magulo. Napansin ko rin na may mga rooms sila for VIPs. Nagpunta na kami sa harap ng bartenders. Doon kami umupo at um-order na agad si Bry ng mga wines namin. Ang maganda rito sa bar na 'to ay one time payment lang. Ang bayad ay sa entrance kanina per person, tapos unli drinks na. 'Yon nga lang, 100 dollars ang bayad sa entrance. Ang 100 dollars ay katumbas na ng five thousand pesos sa pera namin. Ang mahal kung tutuusin. Pero minsan lang naman ito at may money allowance naman kami na kasama na sa trabaho namin, kaya ayos lang na gumastos kami. "What's your order, Miss?" tanong ng bartender kay Bry. Kinilig naman ang gaga dahil alam ko naman na gwapong-gwapo siya sa lalaki na 'yon, tapos tinawag pa siya ni Miss. "What's your best speciality? We want to try it!" malanding sagot nito. "Right away, Miss!" Ginawa naman agad ng bartender ang order namin. Pinanood ko lang siya na gawin at maghalo-halo ng mga alak. Si Bry at Yesha naman ay nagvi-video na para may mailagay sila sa kanilang mga social media accounts. Kinuha ko naman ang phone ko at nag-video na rin para may mai-send ako kay Jax. 'Hi, Love! Narito na kami sa bar at ito ang ginagawa namin ngayon. Don't worry, lalayo ako sa mga lalaki kapag may sumubok na lumapit sa akin dito.' Nang mai-send ko na ang message na 'yon ay naghintay ako ng ilang minuto. Baka sakali ay may reply siya sa akin o 'di kaya ay mag-update na rin siya sa akin kung nasa bar na ba sila o wala pa. O kung ano man ang mga ginagawa niya ngayon. Nagsimula na kaming mag-inom ng mga kasama ko ngayon. Nagke-kwentuhan lang kami at minsan ay sumasabay kami sa beat ng tugtog ng DJ. Maganda at ang saya talaga mag-party dito. Hindi rin wild ang mga tao. Hindi katulad sa bansa namin na kapag sa ganitong mga bar, makakakita ka na lang na may nagse-s*x na sa tabi mo. Lumipas ang dalawang oras na wala akong natatanggap na kahit na anong update mula kay Jax. Tipsy na agad ako dahil matapang ang mga alak na iniinom namin. Si Bry at Yesha naman ay nagpunta na sa dance floor para magsaya at maghanap ng mga partners nila. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa pwesto ko mula kanina pa. Wala akong balak na sumayaw sa dance floor. Ako rin naman ang taga-alaga ng mga kaibigan ko kapag nalasing na sila. I tried messaging Jax again. I'm hoping na baka nakalimutan niya lang na i-message at i-update ako. Tinanong ko kung ano na ang ginagawa niya at kamusta na ang inuman na pinuntahan niya kasama ang mga kaibigan niya. Naghintay pa rin ako ng ilang minuto at hindi na ako nakatiis at ini-stalk ko na ang social media account ni Rhex, ang kaibigan ni Jax. Sakto naman na may myday siya kaya tiningnan ko agad. Puro videos 'yon ng party nila ngayon. Pinanood ko naman lahat at hinanap ng mga mata ko si Jax. Napakunot na ang noo ko nang hindi ko siya makita. Akala ko ba ay kasama siya rito ngayon? 'Yon pa naman ang ipinaalam niya sa akin kanina. Bigla ay may bagong video na nai-post si Rhex. Naroon si Jax na kalalabas lang sa banyo at medyo gusto na ang suot na polo. Ini-screenshot ko naman agad ang itsura niya roon. Ire-replay ko sana ngunit nang mag-reload ay wala na ang video na 'yon! Bakit binura ni Rhex ang video na 'yon? Agad naman ako na nag-message kay Rhex. Ayira: Why was your video deleted? I viewed it. Rhex: Hey! I accidentally deleted it. Sorry. Why did you asked? Ayira: Anong ginagawa ni Jax ngayon? Please send me a video of him. Nag-send sa akin si Rhex ng video nila ni Jax at kumakaway pa si Jax sa akin. Ngunit hindi nakalayo sa mga mata ko ang kulay pulang marka sa puting polo niya. Nakalagay 'yon malapit sa leeg niya. "Kanino mo ise-send ang video na 'yan?" narinig ko pa na tanong ni Jax kay Rhex. "It's for your wife, dude." "Huh? Delete it--" Namatay na ang video nang matapos ang reaksyon ni Jax na 'yon. Ngayon na alam na niya na para sa akin ang video na 'yon, wala pa rin akong natanggap na mensahe mula sa kaniya. Pinapa-delete pa niya ang video?! Ano ba ang ginagawa niya ngayon? Is he cheating on me right now? f**k him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD