OBSESSION 6

1055 Words
“Ayi! Lasing na si Bry! Nagsuka na roon sa gilid. You should help me to deal with him. Anong oras na rin ay kailangan na nating bumalik sa hotel ngayon!” tawag naman sa akin ni Yesha. Nagdalawang-isip pa ako kung ano ba ang dapat ko na unahin. Ang hintayin na mag-send ng video ulit si Rhex sa akin o ang asikasuhin na si Bry para makauwi na kami. “Come on, Ayi!” sigaw pa muli ni Yesha. Itinago ko na lang agad ang phone ko at pumunta na sa kinaroroonan niya. Nakakahilo na rin ang mga galaw ng tao rito at ang party lights. Halos maduling pa ako at ‘di agad nakita sina Yesha at Bry. Nang makarating ako sa kanila ay sobrang wasted na ni Bry. “Sis! Na-betchung yata ang inyong prinsesa!” sigaw pa niya gamit ang lasing na boses. “Gaga! Uso ba ‘yon sa ganitong bar at bansa? Ang sabihin mo, mahina ka lang talagang mag-inom!” sigaw pa sa kaniya ni Yesha. Napailing na lang ako dahil sa kanilang dalawa. May kalandian pa si Bry, pero nagpaalam na siya roon. Inalalayan naman namin siya ni Yesha. “Tatawag lang ako ng taxi. Wait me here,” paalam ko naman kay Yesha. Tumango naman siya sa akin. Saka ako nauna nang lumabas sa bar at nagpara ng taxi. Nang makakuha na ako ng taxi ay inakay na namin palabas si Bry. Dumeretso na kami sa hotel na pinag-stay-an namin. Nang makarating kami roon ay sumakay kami sa elevator. Agad namin na inihiga si Bry sa kama niya nang makapasok kami sa kwarto namin. “Sis, ikaw na ang bahala na ayusan siya. Tatawagan ko lang ang asawa ko,” sambit ko naman kay Yesha. “Go. Ako na ang bahala sa baklang ‘to.” Pumunta na ako sa kwarto ko at tinawagan si Jax. Maya-maya lamang ay sinagot na niya ang tawag ko. Naka-video call kami ngayon. Tiningnan ko ang likuran niya, pero pamilyar na sa akin kung nasaan siya ngayon. “Nakauwi ka na?” tanong ko sa kaniya. Kwarto na kasi ‘yon ng bahay namin. “Yes, Love. I’m sorry about earlier. ‘Wag mo isipan ng kung ano-ano ‘yon. Puro kabastusan kasi ang sinasabi ng mga kaibigan ko, kaya naman ay sinabihan ko si Rhex na i-delete ang video. Hindi kasi magandang tingnan.” Napahinga naman ako ng maluwag. “Okay lang. Nagulat lang din naman ako sa sinabi mo kanina. Tsaka may tiwala naman ako sa ‘yo, Love. Nakabalik na nga pala kami sa hotel. Maglilinis lang ako ng sarili ko at matutulog na. Mukhang may gala pa kami bukas bago kami bumalik sa flight.” “Sure, Love. Mag-aayos na rin ako ng sarili ko para makatulog na. I miss you already.” Ipinakita pa niya sa akin sa video call ang buong kwarto namin. Inikot niya ang phone. “Ayan para hindi ka mag-overthink d’yan. Ako lang mag-isa narito sa bahay natin,” dagdag pa niya. “Hindi naman ako nago-overthink, Love. Malaki ang tiwala ko sa ‘yo. Tsaka alam ko naman na mahal mo ako. Kakakasal lang natin at ilang taon na rin tayo sa relasyon.” “I’m just assuring you, Love. Na ikaw lang talaga. Nakatali na ako sa ‘yo. Wala na akong balak pa na maghanap ng ibang babae. Ikaw lang ay sapat na.” Natawa naman ako sa banat niya na ‘yon. “Wala naman na muna akong schedule after ng flight namin na ‘to pabalik sa Pinas. Kaya magkakasama na ulit tayo ng three days.” “That’s great! I will clear my schedule for you. Maglinis ka na para makapagpahinga ka na agad ng maaga.” “Sige. Bye, Love and good night! I love you.” “I love you more and so much, Love!” Pinatay ko na ang tawag matapos ng usapan namin na ‘yon. Lumabas ulit ako sa kwarto ko at nakita na nagliligalig pa rin si Bry. “Ang sweet mo naman sa asawa mo! What if… magloko sa ‘yo ‘yan one day, besh? Mahirap pa naman ngayon kasi bihira na lang talaga ang lalaki na matino,” sambit sa akin ni Bry. “Hindi ka pa rin pala nahuhulasan? Alam mo bakla, itulog mo na ‘yan. Gagala pa tayo bukas,” sagot ko. ‘Di ko na lang pinansin ang sinabi niya sa akin. “Teh, what if lang naman! Ano gagawin mo kung sakali na gano’n ang malaman mo?” pangungulit pa niya sa akin muli. “Bry, stop it. You’re making her uncomfortable. Ang lala mo talaga kapag nalalasing, bakla. Kung ano-ano ang mga sinasabi mo!” suway naman sa kaniya ni Yesha. Natawa naman ako. “Ayos lang naman. Tsaka sa tingin ko ay isa ako sa mga babae na nakahanap ng matinong lalaki sa mundo na bihira na lang ang lalaking hindi nagloloko. Malaki ang tiwala ko kay Jax. Alam ko rin naman na mahal niya ako ng sobra at gano’n din ako sa kaniya. Hindi naman porket maraming manloloko sa mundo na ‘to ay isa na ang asawa ko sa mga ‘yon,” paliwanag ko naman kay Bry. Tumango-tango naman siya sa sinabi ko na ‘yon. “Hmm… I like your answer, huh! At dahil d’yan, isang alak pa tayo!” “Gosh, sissy! Ang hirap mong alagaan!” sigaw pa ni Yesha sa kaniya. Dinala na muli namin siya sa kwarto niya at pinatulog na. Nang matapos asikasuhin si Bry ay nag-ayos na rin ako ng sarili ko at humiga na sa aking kama. Sa totoo lang ay hanga ako kay Jax. Nang matapos ang kasal namin ay hindi pa kami nakakapagsama ng ayos sa iisang bahay, dahil sa uri ng trabaho na mayroon ako. Wala ako palagi sa bahay. Pero kahit na gano’n, masaya pa rin ako na handa siyang hintayin ako na umuwi. I believe in the power of marriage. Basta nagpakasal na, alam ko na kami na talaga hanggang sa wakas. Hindi naman namin pakakasalan ang isa’t-isa kung hindi pa kami handa na makasama ang bawat isa sa iisang bubong. I know Jax won’t do such a thing to me. He won’t hurt me and he wouldn’t dare to cheat on me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD