OBSESSION 4

1500 Words
“Ayi! Hindi ka pa rin ba nabubuntis?” tanong sa akin ng katrabaho ko na flight attendant din. Natawa naman ako sa tanong niya. May flight kami ngayon, kaya hindi ako makakauwi sa bahay namin ni Jax. Simula nang makauwi na kami ni Jax mula sa honeymoon namin ay nagsimula na ulit kaming bumalik sa aming mga trabaho. It’s been three months since we got married. Sa loob naman ng tatlong buwan na ‘yon ay maayos pa rin kami. Although bihira na kami ngayon na magkasama dahil nga palagi akong may flight sa international countries. Kaya bihira rin akong umuwi sa bahay namin ni Jax. “Required ba na kapag nagpakasal ay kailangan mabuntis kaagad?” natatawa kong tanong sa katrabaho ko na si Yesha. “Well, tatlong buwan naman na kayong kasal ng asawa mo. Bakit hindi ka pa mag-anak? Mas mabuti nga ‘yon habang maaga pa. Para rin makapagpahinga ka muna sa trabaho mo ngayon,” sagot pa niya. “Oo nga, Sis! Baka ma-miss ka ng asawa mo, magulat ka na lang na may iba na pala siyang nakakasama,” pabiro pa na sambit ni Bry. Si Bry ay lalaking crew dito sa eroplano. Inaayos namin ngayon ang aming mga gamit. Philippines to Switzerland ang flight namin ngayon, kaya mahaba-habang biyahe ‘to. Hindi naman ako nainis sa sinabi ni Bry. Sanay naman na kami sa mga gano’ng klase ng biro niya. Tsaka may tiwala ako sa asawa ko. Alam ko naman na hindi niya magagawang magloko sa akin. “It will be his loss kung lolokohin pa niya ang magandang katulad ko,” pagsakay ko sa biro niya. “Oo nga naman! Imposible nang maghanap pa ng ibang babae si Jax kung ganito na kaganda ang kaniyang napangasawa,” pangbobola pa sa akin ni Yesha. “Tsaka we’re just twenty-two years old. May right time para magkaanak na kami. Sa ngayon ay mas gusto pa rin namin na mag-focus sa mga careers namin. Para na rin marami kaming maipon na pera for our future,” sagot ko sa kanilang dalawa. “Kung sabagay. Nagpakasal lang naman kayo para sure na talagang kayo hanggang dulo at dahil s’yempre, mahal na mahal ninyo ang isa’t-isa.” “Mainggit na lang tayo sa kaniya, Sis! E ‘di sana all kasal na, ‘di ba?” biro pa ni Bry. Kaya hindi ako nakakaramdam ng pagod kapag sila ang kasama ko sa flight dahil puro good vibes lang. Masaya ako na kasama ko sila ngayon. At least hindi ako mabo-bored sa mahabang biyahe na ‘to. Nagsimula nang sumakay ang mga pasahero sa eroplano. Abala kaming lahat sa pag-aasikaso sa kanila. Tiningnan ko ang lahat ng mga pasahero kung kumpleto na ba ang lahat. Saka sinimulan na ni Bry na sabihin sa kanila ang mga kailangan nilang sundin habang nasa flight kami. Mahaba-haba ang biyahe na ‘to, kaya sana ay maayos din ang lahat ng mga pasahero na kasama namin ngayon. Marami na kasi kaming na-encounter noon na pasahero na maraming nirereklamo. Sa trabaho kong ito nasukat ang pagiging mahaba ng pasensya ko. Tulog muna ngayon si Yesha, kaya naman ay kami ni Bry ang on-duty. Mamaya ay kami naman ang matutulog tapos siya na ang gising pati ang iba pang Flight Attendant dito. Hindi kasi namin gano’n ka-close ang iba sa mga kasamahan namin. “Ayi, ikaw na muna ang magpahinga. Mamaya na ako magpapahinga kapag sobrang inaantok na ako,” sambit sa akin ni Bry. “Sure ka ba? Alam kong pagod ka na rin. Bakit hindi ka na lang kaya sumabay?” sagot ko naman sa kaniya. “I’m okay, Sissy! Ikaw ang need na ng beauty rest.” Tinawanan ko na lang siya saka nauna na ako sa kwarto namin dito sa eroplano. Inayos ko muna ang sarili ko saka ako humiga na. Ilang oras lang din naman ako na makakatulog dito. Dahil bawal din naman ang mag-phone rito sa eroplano ay hindi ko na lang ginamit ang phone ko. Nakatulog din naman agad ako, para mas mahaba ng kaunti ang pahinga ko. *** Makalipas ang tatlong oras na tulog ay ginising na ako ng isang kasamahan ko. Nag-ayos na muli ako ng sarili. Malapit na rin pala kaming mag-take off. Nang makapaglinis na ako ng sarili ko ay lumabas na muli ako at inasikaso ang mga pasahero. Hanggang sa mag-landing na ang eroplano at naging maayos naman ang pagdating namin sa Switzerland. May pahinga kami rito ng tatlong araw. Babalik kami kapag may flight na ulit papuntang Pilipinas. “Sa wakas naman at makakapag-relax tayo rito ng tatlong araw! Switzerland talaga ang pinakagusto kong bansa, kahit na sobrang tagal ng biyahe papunta rito,” kumento naman ni Yesha. “I know right! Tapos sobrang dami pang mga papi rito!” talanding kumento naman ni Bry. Napatawa na lang kami sa kaniya. Kaya maganda rin ang maging Flight Attendant dahil napakaraming benefits na makukuha rito. Dahil delikado ang trabaho namin, marami kaming benefits na nakukuha. Libre ang stay namin dito tapos may allowance pa kami. Mas maraming benefits kapag international flight attendant kaysa local flight attendant lang. Sagot na ng airlines namin ang lahat ng mga gastusin namin dito. Well, pwera na lang sa mga personal expenses like kung may gusto kaming bilhin sa bawat bansa na napupuntahan namin. Ito pa lang ang second time ko na nakarating ako rito sa Switzerland. Tapos ang sahod namin ay pumapatak sa one hundred fifty thousand per month. ‘Yon nga lang ay talagang nakakatakot ang trabaho na ito. Dahil ang isang paa mo ay nasa hukay sa bawat flight mo. Pero next year naman ay balak ko nang mag-resign dito. Magtatayo na lang ako ng business. Marami na rin naman akong naipon na pera dahil sa sahod ko. “Ang relax natin ay hindi matulog, girls! Okay? Kailangan nating gumala rito! Sulitin natin ang three days stay natin dito,” sambit ni Bry. Ayos lang naman sa akin ‘yon. “Sure! Maganda raw mag-party dito. Kaya pumunta tayo sa bar!” excited na sambit ni Yesha. “Magpapaalam muna ako sa asawa ko kung pwede ako sa bar, mga sis,” sagot ko naman. Inirapan naman nila akong dalawa dahil sa sinabi ko. “As if naman magloloko ka sa mga foreigners dito kapag nag-bar tayo. Duh! For sure naman ay may tiwala sa ‘yo ang asawa mo, girl,” sagot sa akin ni Bry. Tinawanan ko naman siya. “Pero mas gusto ko pa rin na magpaalam sa kaniya. I need his opinion about this. Don’t worry, girls. If ever hindi naman siya pumayag dahil concern siya sa akin, sasama pa rin naman ako sa ibang mga gagalaan natin dito.” “Okay, fine! Sa hotel ka na magpaalam sa kaniya. Kailangan pa naming humanap ni Yesha ng pinakamagandang damit namin na susuotin para sa party mamaya.” Nagpunta na kami sa hotel namin. Dalawang hotel room ang sa amin. Magkasama kami ni Yesha, samantalang si Bry naman ay kasama ang isang lalaki na crew sa isang room. Malaki naman ang rooms namin dito, kaya may bukod din na dalawang kwarto sa loob ng isang malaking room. So may privacy pa rin naman kami kahit papaano, lalo na si Bry at ang kasama niyang lalaki. Nang makarating na ako sa kwarto ko ay umupo muna ako sa kama. Tinawagan ko naman agad si Jax. Agad naman niya itong sinagot. Six hours ang agwat ng oras dito sa Geneva, Switzerland at sa Pilipinas. 2:40 na ng hapon dito at doon naman ay 8:40 na ng gabi. Nakita ko naman na naka-topless siya ngayon. Video call kasi ang ginawa ko. “Hi, babe! We’ve just arrived here in our hotel. May lakad ka ba?” tanong ko agad sa kaniya. “Hello, babe. Yes, may lakad kami ng mga friends ko. I was about to call you, pero sakto na nauna kang tawagan ako.” “Saan ang lakad niyo ngayon, babe?” “Nagyaya ng inuman si Rhex.” “Ah, gano’n ba? Ako rin sana ay magpapaalam sa ‘yo. Nagyayaya rin kasi na mag-inom sa bar dito sina Bry at Yesha. Pwede ba ako na sumama sa kanila?” “Sure, babe! Do whatever you want there. Gusto ko na magsaya ka rin d’yan. Dahil alam ko na napagod ka sa long flight ninyo, so you deserve to relax.” Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Natuwa ako dahil mabilis siyang pumayag at alam ko naman na kaya siya pumayag ay dahil may tiwala siya sa akin. Ngunit napansin ko lang na siya ay hindi na nagpaalam sa akin. Sinabi na lang niya na aalis siya at makikipag-inom. Pero hindi ko na lang ‘yon ginawang big deal pa. “Thanks, babe. Just update me pa rin ha? I’ll also do the same. Ingat ka. I love you.” “I love you too, babe!” Pero hindi ko inaasahan na ang gabing ‘yon ang sisira sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD