Kabanata 4

1612 Words
Dark POV Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Umiling-iling pa ako habang natatawa ng mahina. 'Kakaiba ang bubwit na iyon, nagawa niyang makatakas sa mga tagabantay. Pero kahit na ganun alam kong mahahanap parin siya kahit saan siya magtago. Kawawang bata, matatapos ang buhay niya ng maaga pagtuntong niya sa tournament.' "Oh! Dark bakit natatawa ka riyan? Tumulong ka na lang sa paghahanap sa batang napili" wika ni Mang Ted na siyang nagpahinto sa akin sa ginagawa kong pagtawa. "Uuwi na lamang ako Mang Ted, mas marami akong importanteng gawain. Hindi ako kikita sa paghahanap sa isang bubwit" matapos kong magsalita ay tumalikod na ako at kumaway sa kanya habang paalis sa sentro. Narinig ko pa ang mga reklamo ni Mang Ted sa akin, ngunit binaliwala ko na lamang ito. Tahimik kong binabagtas ang daan patungo sa aking munting tirahan, ang totoo niyan ay wala naman talaga akong importanteng gagawin ngayon. Dahil na rin sa pagpili ngayong araw, naging okyupado ngayon ang isipan ng mga naninirahan rito sa bayan, at napagpasiyahan na isarado muna nila pansamantala ang kani-kanilang tindahan. Kasama sa mga nagsara ngayong araw si Aling Marta at Mang Ted, sa kanila ako nagtatrabaho at kumikita ako ng pitong bronze araw-araw. Ang pitong bronze ay malaking halaga na para sa isang katulad ko. May naiipon pa nga ako sa kinikita kong yan. Sarili ko lang naman ang binubuhay ko kaya napagkakasya ko ang kakaunting kinikita ko sa araw-araw. Nang makalapit ako sa aking munting tirahan ay may narinig akong ingay na galing sa kagubatan. Malapit lang ang tirahan ko sa bungad ng kagubatan kaya kung may naglalaban sa kagubatan ay maririnig ko. Pumasok ako sa loob ng kagubatan upang makita kung sino ang naglalaban ngayon. Hindi pa ako nakakalayo sa bungad nang may nakita akong dalawang lalaki, agad akong nagtago sa likuran ng isang puno. Sinilip ko kung sino ang dalawang iyon, bahagyang kumunot ang noo ko ng mapansing si Lukas at Allan ang naglalaban. Hindi matamaan ni Allan si Lukas dahil na rin sa bilis nito, ngunit kapansin pansin ang pamumuo ng pawis sa noo ni Lukas. Hindi kasi ito sanay sa pakikipaglaban kaya madali siyang mapagod. Nakatalikod sa akin si Allan pero nalaman kong siya iyon dahil sa malaking palakol na ginagamit nito upang saktan si Lukas. Mabilis akong pumunta sa likuran ni Allan bago pa siya makakilos ay malakas kong tinamaan ang kanyang batok gamit ang gilid ng aking palad. Bumagsak si Allan at tingin ko ay matatagalan bago siya magkamalay. Nagulat si Lukas sa ginawa ko ngunit kalaunan ay ngumiti din ito sa akin. "Maraming salamat sa pagtulong sa akin kuya" nakangiting pahayag nito sa akin. Tinitigan ko siya ng mariin. "Hindi mo ako kuya at hindi ako nandito upang iligtas ka" "Ano ang ibig mong sabihin? Iniligtas mo na nga ako kay Allan ng--" "Tatakas ka ba talaga?" seryosong tanong ko rito. "Kung hindi ako tatakas ay tiyak na ang aking kamatayan" "Mapaparusahan ang iyong pamilya kung gagawin mo iyan" napakagat siya ng kanyang ibabang labi dahil sa narinig. Natigilan din siya, ginamit ko iyong pagkakataon upang sipain ang tuhod nito na dahilan ng kanyang pagluhod. Agad akong pumunta sa likuran niya at hinuli ang kanyang braso at inilagay iyon sa likod niya. Bago pa siya kumawala ay hinawakan ko ang kanyang batok at pwersahan siyang idinikit sa lupa. Ang pisnge nito ay nakadikit sa lupa habang ang kanyang dalawang braso ay hawak ko sa kanyang likuran. Inupuan ko naman ang kanyang likod upang hindi siya makabangon. "Kuya ano ang ginagawa mo?" "Sinabi ko sayo hindi ako nandito upang iligtas ka" "Ano bang sinasabi mo diyan? Pakawalan mo na ako kailangan ko ng umalis sa bayan ng Grandi, baka mahabol ako ng mga kawal" "Ibabalik kita sa sentro kaya magtino ka na lamang" "Ibabalik? Bakit mo ako ibabalik? Kuya pakawalan mo na ako!" "Sinabing hindi ako ang kuya mo!" inis na sabi ko rito. "Mapaparusahan ang pamilya mo kung hindi ka babalik" dagdag ko pa sa kanya. Bigla siyang natigilan ngunit agad din siyang nagsalita. "Maiintindihan nina ama at ina ang desisyon ko. Kailangan kong tumakas para sa buhay ko" "Paano ang nakababata mong kapatid? Ala--" "Maiintindihan niya ako! Kaya pakawalan mo na ako!" sigaw nito sa akin ngunit mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang braso. "Maiintindihan? Alam mo ba ang mangyayari sa nakababata mong kapatid na babae? Alam mo ba ang magiging parusa sa kanya? Kung maaawa sa kanya ang tagapamahala ay maaari siyang latiguhin ng limampung beses bilang parusa. Sa tingin mo ba makakaya niya iyon, sa bata ng kanyang pangangatawan. Tiyak na mamamatay ang kapatid mo o kaya naman habang buhay siyang mararatay sa higaan" seryosong sambit ko sa kanya habang magkasalubong ang aking kilay. Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang ibabang labi. May namumuong luha sa kanyang mga mata. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng mapansin ang pagluha niya. Hindi dapat ako maawa sa kanya dahil tiyak na masisiraan na naman ako. "P-Pero gusto ko lang naman mabuhay. Ayokong pumunta sa Tournament, wala akong alam sa pakikipaglaban. Tiyak na kamatayan ang kahihinatnan ko kung sasali ako sa Tournament. M-Marami pa akong gustong gawin kuya. Trese pa lamang ako. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa isang trese anyos na katulad ko sa Tournament na iyon." iyak nitong pahayag, napabuntong hininga ako. Naiintindihan ko ang sinasabi niya. Kahit naman sino ay takot kay kamatayan, paano pa kaya ang batang katulad niya. Ngunit ito ang kapalaran niya, ang kapalaran ng bawat mamamayan sa bayan ng Grandi. "K-Kuya t-tulungan mo ako. Tatakas ak--" "Paano ang mga magulang mo? Si Irene? Iyong kapatid mo?" "Tulungan mo akong itakas sila. Tama itakas natin sila. Kuy--" "Heh. Itakas. Ganun ba kataas ang tingin mo sa akin. Hindi mo ba alam kung gaano kalakas ang Tagapamahala. Ang mga kawal? Hindi porket naisahan mo sila ay mamaliitin mo na ang kanilang kakayahan. Nakatakas ka dahil nasa oras ang pagtakas mo. Hindi rin nila alam ang exousia mo kaya ganoon" "Tutulungan kita. Tutulong ako, pakiusap Kuya itakas natin sila! Tatanawin ko ito bilang malaking pabor" napangisi ako sa sinabi niya. "May utang ka pa sa akin, hindi ba?" ngising pahayag ko. Ulilang lubos na ako at namumuhay ng mag-isa, ngunit dahil sa pagtulong ko sa batang ito noon na ina-api ng mga estudyanteng taga-akademya ng Demi na dumayo sa amin, hindi niya na ako tinantanan. Wala naman talaga akong balak na tulungan siya, ngunit talagang suklam na suklam ako sa mga mayayamang angkan at sa mga nasa itaas. Dahil narin sa hambog nilang pag uugali, at pagiging mapang-abuso sa aming mahihirap. Tinuruan ko lang naman ng leksyon ang mga estudyanteng iyon, mabuti na lamang at hindi nila ako nagantihan dahil na rin sa pananamit ko noon. Nakabalabal ako at talaga namang balot na balot ang aking buong katawan, pati na ang mukha. Simula ng araw na iyon ay palagi nakabuntot sa akin ang batang ito, at palagi rin akong tinatawag na kuya na nagpapainis sa akin. "Alam ko iyon kuya. Huwag kang mag alala makakabayad rin ako sa utang ko sa iyo. Kung sasali ako sa Tournament at mamamatay ay hindi ko mababayaran ang utang na loob ko sa iyo. Kaya pakiusap tulungan mo ako" sinserong pahayag nito. Nanatiling nakakunot ang noo ko sa narinig, ngunit bago pa ako makapag isip ay may mga kawal ang patungo sa kinaroroonan namin. Mabilis ang naging pangyayari, kinuha nila si Lukas at dinala sa sentro. Nanatili akong nakatayo sa aking pwesto, nasilayan ko pa ang kanyang mukha. Puno ito ng takot at pag kawala ng pag-asa. Ilang minuto na ang lumipas at nakatayo parin ako, sa puwesto ko kanina. Tumawa ako ng malakas, at hinawi paitaas ang aking itim na buhok. Tama, nasisiraan na ako nisahinagap ay hindi ko inaakalang magiging ganito ako, dapat talaga ay hindi ko pinakinggan ang mga sinabi nito. Sa pagkaka-alam ko ay walang ibang importante para sa akin maliban sa buhay ko, pero mukhang nagkamali ako. Nagumpisa na pala akong magbago, at magpahalaga ng isang nilalang maliban sa aking sarili, ng hindi ko namamalayan. Matapos mag isip ay tumakbo ako. Patungo sa sentro, pinahahalagahan ko pa ang buhay ko kaya naman. Gagawin ko ang lahat para manalo sa lintek na Tournament of Power na iyan. Papalitan ko ang nakakainis na bubwit na iyon bilang pinili. At sisiguraduhin ko na mayroon ng kampyeon ang bayan ng Grandi matapos ng tournament na ito ngayong taon. Kailangan kong manalo dahil sisingilin ko pa ang bubwit na iyon sa kanyang utang. Ito lang ang paraang naiisip ko upang iligtas siya. Mabilis akong nakarating sa sentro, napansin ko na papasok na sila ng karwahe upang ihatid si Lukas sa istasyon ng tren. Dali-dali akong lumapit ngunit hinarangan ako ng mga tagabantay. "Sandali!" dahil sa sigaw ko ay napahinto ang Tagapamahala at si Lukas sa pagpasok sa karwahe. Tumingin ang Tagapamahala sa akin, nawaring nagtatanong. Nakakainis, hakot atensiyon ako ngayon. Magsasalita na sana ako ang kaso pilit akong inilalayo nang mga tagabantay. Itinulak pa nila ako, na muntik ko ng ikatumba. "Hindi niyo ako kailangang itulak!" Inis na sambit ko sa mga tagabantay dahil sa patuloy na pagtulak nila sa akin palayo. "Ano ang kailangan mo?" Wika ng tagapamahala sa akin, na nagpatigil sa mga tagabantay sa ginagawa nilang pag tulak sa akin. Humugot ako ng lakas ng loob. Sa labing siyam na taon ng buhay ko, hindi ko naisip na gagawa ako ng ganitong desisyon. Nakakairita, pero bahala na. "Ako si Dark Taylor, at nais kong palitan ang napili para sa Tournament" Ang araw na ito ang bumago sa akin. Bumago sa takbo ng aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD