Dark POV
"Sa wakas dumating din ang piniling galing sa walang kwentang bayan ng Grandi"
Mga katagang aking narinig matapos kong pumasok sa silid na pinasukan ng Tagapamahala. Napansin ko ang asul na mga mata. Alam ko na hindi siya ang nagsalita, dahil lalaki ang nagsabi niyon. Ngunit sa halip na hanapin ang lalaking minaliit ang aking bayan, sa isang babae ako ngayon nakatingin. Ang kanyang mga mata na kulay asul, na kung ika'y tititig ay parang nasa karagatan ka dahil sa kulay nito.
Tiningnan ko ang kabuuan niya. Mula sa mala-alon na buhok na kulay abo, makakapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. Napansin ko pa ang bahagyang pagtagilid ng kanyang mukha, na parang inaalisa ang kabuuan ko. Pilit kong inalis ang aking paningin sa kanya, at kahit na madali lang ito gawin ay nahirapan ako. Nagtagumpay naman ako at binalingan ang lalaking nagsalita niyon, mapapansin na siya mismo ang nagsambit ng mga katagang iyon. Dahil na rin sa ngisi at mapangutyang tingin niya sa akin.
Tiningnan ko rin siya ng katulad sa pinupukol niyang tingin sa akin. Ngumisi rin ako sa kanya ng mas nakaka-asar.
'Mas nakakainis kasi ang ganun, yung tipong hindi mo pinapansin ang sinasabi sa iyo. At titingnan mo lang ang mismong nagsalita.'
Nagtagumpay naman ako sa ginawa ko, dahil napansin ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay. Bago pa siya makapagsalita ulit ay naunahan na siya ng Tagapamahalang Raphael.
"Huwag mong hamakin ang bayan ng pamamahalaan kong kalahok bata" tiningnan muna ng Tagapamahala ang lalaki.
Napansin ko agad sa lalaki ang kanyang kulay pula nitong buhok, itim na mga mata, katamtamang tangos ng ilong at manipis na labi. Maganda rin ang pangangatawan nito, na parang sinanay sa pakikipaglaban.
"Pasensya na kung nahuli kami, mga kapwa ko Tagapamahala" muling sambit ng Tagapamahalang Raphael.
"Magpakilala ka sa kanila" tumingin ito sa akin pagkatapos magsalita. Tiningnan ko naman ang nasa loob ng silid. Maliban kay Tagapamahalang Raphael ay may apat pang Tagapamahala ang nasa silid. Mapapansin na nasa edad kwarenta pataas na ang tatlong lalaking tagapamahala. Ang babae naman ay mukhang ka-edad o mas matanda lang ng kaunti kay Tagapamahalang Raphael. Ngunit hindi naman halata ito dahil sa taglay niyang ganda.
Tiningnan ko naman ang kapwa ko mga kalahok. Dalawang lalaki at dalawang babae. Ang isang lalaki ay may kayumangging balat. Matangos na mga ilong at kulay itim na buhok at mata. Ang isang babae naman ay may dilaw na buhok at mga mata. Matangos ang ilong at maninipis na mga labi. Tumikhim ako bago nagpakilala.
"Dark Taylor mula sa bayan ng Grandi" pagpapakilala ko habang nakatingin sa lalaking nagsalita ng masama sa aking bayan kani-kanina lang.
"Sinclaire Agustus, bayan ng Hindale" tumingin ako sa nagsabi niyon, ang babaeng may asul na mga mata. Nakatingin siya sa akin ngayon, hindi! Titig na ata ang ginagawa niya. Iniwas ko na lang ang atensiyon ko sa kanya.
'Sinclaire Agustus pala ang ngalan niya'
Napakapamilyar.
"Crey Islish, bayan ng Bohon" sambit ng lalaking may itim na mga mata at buhok.
"Jermaine Yerv, bayan ng Gane" sabi ng babaeng may dilaw na buhok
"Zaker Murphy, isa sa pinakamalakas na bayan. Ang bayan ng Kwinz" mapagmataas na sambit ng lalaking nangmaliit sa pinanggalingan ko.
"Matapos niyong ipakilala ang inyong sarili. Ihahatid na namin kayo sa kanya-kanya niyong silid" Sambit ng isa pang Tagapamahala. Sumunod naman kaming mga napili sa kanila. Pagkalabas ng silid ay pumunta kami sa kaliwang bahagi. Ganun parin ang itsura ng buong lugar, napaka elegante at nakakamangha. Matapos ang ilang sandali na paglalakad, nakarating kami sa isa pang silid. Binuksan ng isang tagapamahala ang silid at pumasok na kami. Nakakamangha talaga ang lugar na ito, halatang malaki ang ginastos sa buong lugar ng akademya. Ang silid ay may malawak na espasyo. May ikalawang palapag din ito, na sa palagay ko naroroon ang mga kwarto na maaring gamitin namin.
Malawak ang unang palapag, may kulay pulang kurtina ang nakalagay sa mga bintana. Sa gitna ay may maliit na lamesa at mga magagandang upuan ang nakapalibot dito. Sa gilid ay may lamesa rin, sa ibabaw nito ay mga magagandang bulaklak na nakalagay sa magandang lalagyan.
"Dito kayo titira sa loob ng tatlong buwan. Pumunta na kayo sa itaas at mamili ng kwarto na ninanais niyo. Tatawagin na lamang namin kayo kapag oras na para kumain" sambit ng isa sa mga Tagapamahala. Naunang umakyat sa itaas sina Zacker, Jermaine at Crey. Habang paakyat ako ay may naramdaman akong kamay na humawak sa aking braso. Nang maramdaman ko ito ay tiningnan ko kung sino iyon, si Sinclaire ang bumungad sa akin. Sinalubong ko ang kanyang mga mata bago nagsalita.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Mukhang nagdadalawang isip pa siya sa kanyang sasabihin. Pero sa huli ay nagsalita din siya.
"Naalala mo pa ba ako?" mahinang tanong niya sa akin. Nagsalubong ang dalawa kong kilay.
'Sana nga ay hindi na kita naaalala'
Tinitigan ko naman siya ng mariin. Katulad pa rin siya ng dati, mahinahon kung magsalita at mas lalo siyang gumanda. Siguro dahil sa panahon na nagdaan mas lalong nadepina ang kanyang wangis. Inalis ko ang kamay niya sa aking braso at umakyat na sa itaas upang pumasok sa kwarto.
"Galit ka ba?" marahang wika nito habang paakyat ako ng hagdan.
"Bakit naman ako magagalit sa iyo Binibining Sinclaire?" sagot ko rito agad niya akong nilampasan sa paglalakad at hinarangan ang dinadaanan ko. Pansin ko ang pagsalubong ng kanyang kilay.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" tinignan ko naman siya at bahagya kong itinagilid ang aking ulo na parang nag iisip. Hindi ko kailangan ng gagambala sa layunin ko na manalo sa Tournament. Nandito ako para manalo at wala ng iba pa.
Kinuyom ko ang aking kamao habang papasok sa aking silid.
'Galit ako? Hindi ko alam kung galit ba ako kaya ko iyon ginawa? Pero kung magiging malambot ako siguradong magkakaroon ako ng kahinaan sa Tournament, at hindi ko kailangan iyon!'