Kabanata 7

1718 Words
Dark POV Toktoktoktok Katok sa pintuan ang gumising sa akin. Agad ko namang binuksan ang pinto, at bumungad sa akin si Tagapamahalang Raphael. Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa, at tinitigan sa mata bago niya iniling ang kanyang ulo. "Mag-ayos ka ng sarili mo Dark, dahil ilang sandali mula ngayon ay haharap ka sa buong akademya. Ang mga kakailanganin mo ay nariyan na sa loob ng iyong silid. Bumaba ka na lamang bago mag ala-sais ng gabi" sambit nito sa akin. Tanging tango lang ang aking sinagot sa kanya. Matapos niyon ay umalis na siya sa aking harapan. Isinara ko ang pintuan, at pumunta sa isang malaking aparador. Kulay itim ito at may taas na walong pulgada. Sa gilid ay may mga gintong desinyo ito. Binuksan ko ang aparador at may nakita akong sampong pares ng uniporme. Kulay itim na polo na may puting manggas. May kapares din itong suit na pamatong. Kulay itim rin ito na may nakaburdang D.A sa bandang dibdib na kulay puti. May kapares din itong itim na slacks, itim na sapatos at medyas. Ang mga kasuotan na ito ay nakabalot pa sa isang tela na kulay puti. May nakadikit pang papel rito na nagsasabing. "Ikinagagalak ng Akademya ang pagdating mo NAPILI. Ang mga kasuotang ito ay ang mga damit na iyong gagamitin bilang tanda na ikaw ay isa sa mga kalahok ng Tournament" Inilabas ko ang isang pares ng susuotin ko, bago pumasok ng palikuran. Nag linis at nag-ayos din ako, may napansin akong gunting sa tabi ng salamin. Kinuha ko ito at pinagmasdan ang aking sariling repleksiyon. 'Mahaba na pala ang aking buhok. Mas mainam kung gugupitin ko na ito' Nagsimula na akong gupitan ang aking sariling buhok. Sa bayan kasisa halip na magpagupit pa ako at magbayad, ako na mismo ang nagbabawas ng sarili kong buhok. Makakatipid kasi ako roon, atsaka kahit papaano naman ay marunong ako. Matapos kong bawasan ang aking buhok. Sinuot ko na ang aking uniporme. Tiningnan ko ang sarili kong repleksiyon ng may mapansin muli ako sa gilid ng salamin. Dahil sa kuryosidad ay kinuha ko ito. Nakalagay ito sa pabilog na lagayan, at nang buksan ko ay napakahalimuyak ang amoy nito. Nung una ay akala ko isa itong pabango, ngunit ng basahin ko ang nakalagay sa takip nito. Napag-alaman kong ginagamit ito para sa buhok, para mag mukhang mas kaaya-aya. Ginamit ko naman ito at bahagyang itinaas ang aking buhok upang hindi nito maharangan ang aking mga mata. 'Marami talagang bagay na mayroon ang siyudad kahit hindi naman talaga kailangan, sa bayan namin ay walang ganitong mabibili. Sapagkat nakatuon kami sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Exousian. Tiningnan ko ulit ang aking repleksiyon at lumabas na ng silid. Habang pababa ng hagdan, napansin ko ang aking mga kasama na naghihintay. Tumingin sa gawi ko si Tagapamahalang Raphael. Tiningnan niya ang aking kabuoan bago ngumiti. Nang makalapit sa kanya ay siya namang pagtingin rin sa akin ng iba pang Tagapamahala at mga kasama kong napili. "Kumpleto na pala tayo, halina kayo at pumunta sa lugar kainan. Simula ngayon ay doon tayo kakain sa loob ng tatlong buwan. Ang mga estudyante dito sa akademya ay sabay-sabay na nag aagahan, tanghalian at hapunan sa lugar kainan. Isa iyon sa mga palatuntunan ng akademya. Kaya halina kayo" matapos magsalita ni Tagapamahalang Raphael ay nauna na itong lumakad, kasunod ang iba pang Tagapamahala. Napansin kong tinignan muna ako ng aking mga kapwa napili bago sumunod sa mga Tagapamahala. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa mahabang pasilyo patungo sa bulwagan. Nasa huli ako at napansin kong bumagal ang lakad ni Sinclaire, at sinabayan ako. Tumingin ako sa kanya na nagtataka at napansin niya naman iyon. "Mamaya sa lugar kainan maging alerto ka" sambit niya sa akin gamit ang mahinang tinig. Nagtaka ako sa sinambit niya sa akin. Magsasalita na sana ako ng mapansin kong huminto ang mga nasa unahan namin. Nasa tapat kami ngayon ng isang malaking pinto. Mapapansin na gawa ito sa mamahaling kahoy dahil mukha itong mabigat at matibay. Sabagay lahat naman ata ng gamit sa akademya ay mamahalin, walang wala kung ikukumpara sa mababang paaralan sa bayan ng Grandi. Binuksan ng isa sa mga Tagapamahala ang pinto, at bumungad sa amin ang isang malawak na silid. Napatingin sa aminang lahat ng mga estudyante na nasa loob. Kapansin pansin din sa lugar kainan ang anim na mahahabang lamesa na naka ayos ng pahalang sa pintuan. Mayroon ding lamesang nakaharap sa pintuan, nasa gitnang harap iyon ng lugar kainan Kapansin-pansin ang kaibahan nito sa anim. May mga upuan din na gawa sa bakal na may magandang desinyo. Sa gitna ng lamesa ay ang mga iba't ibang klaseng pagkain. Mula sa karne ng iba't ibang Demon Beast hanggang sa prutas at gulay. Pumasok na ang mga Tagapamahala at sumunod naman kami sa kanila. Itinuon ko na lamang ang aking atensiyon sa harap. May napansin akong isang lalaki. Pormal ang suot nito at mapapansin sa itsura nito ang otoridad. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at binati kami ng makarating kami sa pwesto niya. "Ikinagagalak kong makita muli kayo mga Tagapamahala" wika niya habang isa-isang kinamayan ang mga Tagapamahala. Matapos nito ay pinagtuunan niya naman kami ng pansin. Isa-isa siyang tumingin sa aking mga kasamahan bago huminto ang tingin niya sa akin. Pinagmasdan niya muna ako ng maigi, walang kahit na anong emosyon sa mata nito. Muli itong nagwika. "Ikinagagalak ko rin kayong makilala, mga napili na galing sa iba't-ibang bayan. Hayaan niyong ipakilala ko kayo sa bawat mag-aaral ng akademya" sambit niya. Tumikhim muna siya bago hinarap ang mga estudyante ng akademya. "Magandang gabi sa inyong lahat, mahal kong mag-aaral ng akademya! Nais kong ibalita ang pagdating ng mga napili para sa Tournament ngayong taon. Tatlong buwan niyo silang makakasama, kaya naman inaasahan ko ang inyong malugod na pagtanggap sa kanila. Inaasahan ko ang pakikipagsalamuha niyo sa kanila. Ngayon bigyan niyo sila ng isang magandang pagsalubong" matapos niyang banggitin ang mga katagang iyon. Napansin kong mabilis siyang lumisan sa tabi namin, kasama na rin ang mga Tagapamahala. Ang lalaking iyon na paniguradong namamahala sa akademya ay mabilis na nawala, pati ang mga Tagapamahala. Nagtaka naman ako sa kung anong nangyayari, ngunit naging alerto din ng mapansin ko ang isang bagay na papalapit sa akin. Tiningnan ko ito at napansin kong isa itong maliit na patalim. Nang malapit na ito sa mukha ko, ay sinalo ko ito gamit ang dalawa kong daliri. Hinanap ko naman ang pinanggalingan nito, at napansin ang isang lalaki na nakatayo. Marahil siya ang nagbato nito. Bigla itong umupo at kumuha ng isang kapirasong mansanas. Kakainin niya na sana ang prutas ng inihagis ko pabalik ang patalim, patungo sa direksiyon ng kanyang kinakain. Bago niya makain ang mansanas ay isang patalim ang tumama rito, kita ko ang pagkagulat niya ngunit agad ding nagsalubong ang dalawa niyang kilay. Ngumisi siya sa akin at nagsalita. "Simulan na ang tradisyon para sa mga napili" matapos niyang bigkasin ang mga katagang iyon, lahat ng mga estudyante na nasa loob, ay nagpalabas ng kanya-kanyang exousia. Mga iba't-ibang armas ang mabilis na nagtungo sa direksiyon namin, meron pang mga baging na may tinik ang pahampas rin. Ngunit bago ako kumilos ay huminto sa mismong tapat namin ang mga ito. Napansin ko ang kamay ni Zaker na may kung anong pwersang inilalabas, na pumipigil sa mga armas at baging na pabulusok sa gawi namin. Sinulyapan pa niya ako at binigyan ng isang ngisi bago binalik ang atensiyon sa harap. Mabilis na bumalik sa mga estudyante ang iba't-ibang armas at baging na may tinik, doble ang bilis kaya mahirap itong iwasan. Napahiyaw na lang ang mga estudyante na tinamaan. Napansin kong may balak ulit gawin si Zacker ngunit bago ito mangyari ay pumagitna na ang mga Tagapamahala. "Tama na, tapos na ang oras para sa tradisyon" sambit ng isang lalaking Tagapamahala. Nagsalita naman ang isa sa mga estudyante. "Pero tagapamahala, hindi pa kami nakakaganti at nagsisimula pa lang kami" matapos niyang banggitin ang mga katagang iyon, sinang-ayunan rin siya ng kanyang kapwa estudyante. Naging maingay ang loob ng lugar kainan, sari-saring hinaing ang maririnig. "Tumahimik kayo! Sumunod na lamang kayo. Ayokong may masaktan na estudyante dito sa akademya dahil lang sa tradisyon. Ikagagalit iyon ng inyong mga angkan" malakas na sambit ng isa sa mga lalaking Tagapamahala. "Ngunit kung ayaw niyong masaktan sila ay bakit niyo silang hinayaan na atakihin kami?" malamig kong wika. "Wala ka talagang alam, sabagay ano bang aasahan sayo. Paniguradong isa ka nanaman sa mga mang-mang at mahihinang Exousian ng Grandi" sambit ni Zacker sa akin. Kinuyom ko ang aking mga kamao at blangko itong tinitigan. 'Ang lalaking ito, dalawang beses niya ng minamaliit ang aking pinangalingan sa mismong harapan ko. Kung maari ko lang sanang gamitin ang aking Exousia!' "Tumigil ka Zacker Murphy, hindi ko nagugustuhan ang tabas ng iyong dila. At para sa tanong mo Dark, ang nangyari kanina ay isang tradisyon. Sinusubukan ng mga estudyante ang inyong mga kakayahan, parte na rin iyon ng pagsasanay. Ngunit hindi namin inaasahan na may magbabalak na saktan ang mga estudyante. Alam niyo namang galing sa mga mayayaman at tanyag na angkan ang bawat isang estudyante ng akademya. Kaya ang ginawa ni Zacker kanina ay nakakabigla, walang sinuman sa mga napili noon ang nangahas na sakatan ang mga estudyante. Iniiwasan kasi ito dahil na rin sa pinagmulan nilang angkan" mahabang pahayag ni tagapamahalang Raphael. 'Kung ganun maari kaming masaktan ng tradisyon na ito, pero sila hindi! Dahil lang sa galing sila sa mayayaman at tanyag na pamilya. Hindi patas!' Ramdam ko ang pagpuyos ng aking kalooban. 'Ano pala ang ginagawa ng mga naunang napili, umilag lamang?! Dahil sa bawal saktan ang mga estudyante. Anong klaseng tradiyon iyon?!' "Halina kayo at kumain na tayo. Upang agad kayong makapagpahinga. Bukas na bukas din ay opisyal ng magsisimula ang inyong ensayo. Lalaban kayo bilang grupo at indibidwal gamit ang inyong lakas at exousia" dugtong naman ng Tagapamahalang babae. Nagsi upo na kami sa kanya-kanyang upuan. Sa tabi ng namamahala ng akademya. Ang lamesa ay nakaharap sa pintuan, at tanaw na tanaw namin ang mga estudyante. Ngunit may kung anong bumabagabag sa akin. Pagkabahala at Pagkalito Sa pagsasanay bukas kailangan kong gamitin ang aking exousia na lubos kong kinatatakot. Matagal ko ng hindi nagagamit ang aking exousia at hindi ko alam kung kaya ko itong gamitin ng wasto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD