Kabanata 8

1673 Words
Dark POV Bzzzztttt............. Bzzzztttt............. Tunog na nagpagising sa akin mula sa mahibing na pagkakatulog. Pagkamulat ko ay una kong nasilayan ang kisame ng aking silid. Kulay itim ito na may maliliit na tila tuldok na kumikinang sa gintong kulay, parang bituin sa kalawakan. Noong unang pagtapak ko sa silid na ito ay namangha ako na nag iba ng kulay ang buong silid. Kulay puti ito noon, ngunit sa paghakbang ko sa silid ay bigla itong nagbago. Tumingin ako sa gilid ng aking hinihigaan dahil doon nanggagaling ang tunog na nagpagising sa akin. Napansin ko ang isang maliit na speaker na nakapatong sa lamesa. Nilapitan ko itong upang suriin ng biglang. Thud! Dahil sa pagkagulat ay naibagsak ko ang speaker. Umagang-umaga ay wala man lang pasabi na gagamitin nila ang speaker. "Magandang umaga mga napili, oras na ng ensayo. Bibigyan ko kayo ng dalawapung minuto upang ayusin ang inyong sarili. Kailangan nasa ibaba na kayo matapos nito, ang mahuli ay makakatanggap ng kaukulang parusa. Ang inyong oras ay magsisimula ngayon" Dahil sa narinig ay bigla akong bumangon at mabilis na nagtungo sa palikuran upang maligo. Wala pang sampung minuto ng agad akong lumabas sa palikuran. Binilisan ko ang aking kilos at inayos ang aking higaan pagkatapos kong maligo. Nagbihis na rin ako ng aking uniporme at agad-agad na lumabas ng silid. Nakasalubong ko pa si Crey at Zaker sa pagbaba. Mabilis kong tinungo ang pwesto ng mga Tagapamahala na prente lamang ang pagkakaupo sa malambot na upuan. Naghintay kami saglit bago nakarating ang dalawang babae sa aming grupo. Tumayo si Tagapamahalang Greg, siya ang Tagapamahala ng Bohon. "Tapos na ang oras na inalaan ko sa inyo. Nagagalak ako at nakarating kayo rito sa loob ng dalawampung minuto. Ngayon ay sumunod kayo sa akin" marahang wika nito bago tumalikod at naunang lumabas kasama ang iba pang Tagapamahala. Muli na naman akong namangha sa aking nakita sa labas ng silid. Ang mga iba't ibang palamuti at desinyo ng buong akademya, na talaga namang ginawa para sa mga nakaka-angat sa buhay. Kahit siguro paulit-ulit kong tingnan ang mga palamuti sa akademya ay mamamangha pa rin ako. Napansin ko din na may mga estudyante na ang pagala-gala sa paligid. Pumunta kami sa lugar kainan upang kumain ng agahan. Katulad kagabi marami paring pagkain ang nakahanda sa lamesa. Walang kibo naman akong kumain. Pati sa pagkain ay inoorasan din kami. Labing limang minuto ang nakalaan sa amin sa pagkain ng agahan. Kaya naman mabilis ang naging kilos naming lahat. Matapos ang oras ay sumunod kami sa mga Tagapamahala ng walang imik. Matagal din bago kami nakarating sa isang malaking pintong gawa sa kahoy na may dragon na disenyo sa gilid nito. Binuksan ito ni Tagapamahalang Greg, at bumungad sa amin ang labas ng akademya. Nasa bandang likuran ito ng paaralan, ang buong lugar ay malawak at mapuno. Hindi rin sementado ang daan, ngunit may damong nakatanim kaya naman hindi maalikabok. Naglakad ang mga Tagapamahala sa tapat ng isa sa mga puno, sumunod naman kami sa kanila. Nang makarating na kami sa puno ay humarap sila sa amin, at isa isa kaming tiningnan. "Dito kayo magsasanay, ang lugar na ito ay inalaan para gawing pook ensayuhan ng mga estudyante ng akademya. Ganun din sa mga napili. Mainam dito upang masanay kayo sa ganitong lugar. Ang ensayong gagawin niyo ngayon ay patungkol sa pisikal na lakas." wika ni Tagapamahalang Ria, ang Tagapamahala ng Hindale. Sumunod naman na nagwika si Tagapamahalang Jey, siya naman ang tagapamahala ng Gane. "Sa unang buwan niyo rito ay sasanayin natin ang inyong pisikal na lakas. Ang exousian na may malakas na pangangatawan ay may malakas din na exousia. Ang pisikal na lakas ay pundasyon ng exousia, kaya marapat lamang na ito ang una ninyong sanayin. Sa pangalawang buwan naman, sasanayin niyo ang inyong mga kakayahan o Exousia. Hahayaan namin kayo na gumawa ng paraan upang mapalakas ninyo ito. Sa pangatlong buwan ang duwelo. Lalabanan niyo ang isa sa pinakamalakas na grupo sa akademya. Kooperasyon ang kailangan niyo upang magtagumpay kayo. Ang duwelo ay nahahati sa dalawang parte, una ang grupo at pangalawa ang indibidwal. Sana sa pagtatapos ng ikatlong buwan ay handa na kayong harapin ang mapanganib na Tournament" mahaba niyang wika sa amin. "Ngayong araw na ito ay magsisimula ang inyong pisikal na pagsasanay. Lalaban kayo hanggang sa hindi niyo na kayang maigalaw ang inyong mga katawan. Maliwanag ba?" dugtong pa niya sa amin. Matapos niyang magwika ay nagsalita naman si Crey. "Ngunit sino ang aming makakalaban Tagapamahalang Jey?" nagtatakang wika niya at tumingin sa paligid ng lugar. "Hindi mo na kailangan hanapin ang inyong makakalaban Crey. Dahil nasa harap niyo na mismo ang makakalaban niyo." nagtaka naman ako sinambit ng Tagapamahala. Tumingin ako sa harapan at napansin kong pawang mga Tagapamahala ang nasa harap namin. "Wala naman kaming ibang nakikitang makakalaban sa harapan. Kayo lang ang-----nandyan" sambit ko ngunit natigilan ako ng may isang ideya ang pumasok sa isip ko. Sana ay mali ang naiisip ko. "Tama ka riyan Dark. Kami lang ang nandito, ang ibig sabihin kaming mga Tagapamahala ang makakalaban niyo" nakangiting wika niya sa amin. 'Kalokohan! ang mga Tagapamahala ay isa sa pinakamagagaling na exousian sa buong kaharian. Kaya nga sila ang pinili na maging Tagapamahala dahil sa taglay nilang galing sa pakikipaglaban' 'Kung ganun imposibleng manalo kami sa kanila' 'Ngunit kahit na ganun, ipapakita ko ang taglay kong lakas. Ano pa ang silbi ng pagsasanay ko noon sa aking pisikal na kakayahan kung ito ang magiging kahinaan ko' "Ano! kayo ang makakalaban namin? Paano kami mananalo niyan!?" malakas na wika ni Crey. Ngumisi lang si Tagapamahalang Dreigh, ang tagapamahala ng Kwinz. "Ang kailangan niyo lang gawin ay lumaban hanggang sa maubos ang lakas niyo. Hindi ang manalo. Alam naman natin na iba ang taglay na lakas namin sa inyo. Mga bata pa kayo at kulang sa karanasan. Hindi pa ganap ang inyong lakas. Nasa proseso pa lang kayo nang pagpapalakas sa inyong katawan. Hindi katulad namin, kaya ang pagkapanalo ay imposible para sa inyo kung kami ang kalaban, Crey. Kaya naman ibigay niyo na lang ang lahat ng makakaya niyo. At bigyan kami ng magandang laban" mahabang pahayag niya rito. Tiningnan niya kami isa-isa bago ngumisi ulit. "Ang makakalaban niyo ay ang mismong Tagapamahala ng inyong bayan. Kaya naman magsimula na tayo ngayon din. Zaker tayo ang unang maglalaban." wika niya pa. Naglakad siya sa isang parte na walang masyadong puno at d**o. At sinenyasan si Zaker na pumunta sa kinaroroonan niya. Humugot ng malalim na hininga si Zaker bago lumapit. "Hindi kayo maaring gumamit ng exousia, at tanging pisikal na lakas lamang ang inyong gagamitin" sambit ni Tagapamahalang Raphael. "Simulan na!" dugtong pa niya. Matapos sambitin ni Tagapamahalang Raphael ang mga katagang iyon. Agad na sumugod si Zaker sa kinaroroonan ni Tagapamhalang Dreigh. Sinuntok niya ito gamit ang kaliwang kamay. Pinuntirya niya ang mukha nito, ngunit madali lamang ito naiwasan ng Tagapamahala. Nagpakawala ulit ng suntok si Zaker gamit naman ang kanang kamay patungo sa tiyan nito ngunit umatras lamang ang Tagapamahala, kaya hindi ito tinamaan. Tumalon si Zaker at sumipa habang nasa ere. Pinuntirya niya naman ang ulo ng Tagapamahala, ngunit yumuko lamang ito upang makaiwas. Nagmintis lahat ng tira na ginagawad ni Zaker laban sa Tagapamahala. Ilang sandali pa pansin ko na pinagpapawisan si Zaker at salubong ang kilay nito. Halata na naiinis na ito dahil bawat atake ni Zaker ay may halong gigil, dahil hindi man lang nito matamaan ang Tagapamahala. Bumabagal na rin ang kanyang galaw. Habang ang Tagapamahala naman ay may mapaglarong ngisi sa kanyang bibig. Halatang pinaglalaruan niya lang si Zaker. Nang mapansin niya ang pagbagal ng galaw ni Zaker. Bumaba ang depensa ng Tagapamahala. Nakitaan ko naman ng ngisi sa mukha si Zaker. Bago ito mabilis na kumilos at sumuntok sa mukha ng tagapamahala. Tumama ito, at napaatras ng ilang hakbang ang Tagapamahala dahil sa lakas ng pinakawalang suntok ni Zaker. Mapaghahalataang nagulat ang Tagapamahala dito. Naging kompiyansa siya at naibaba niya ang kanyang depensa dahil napansin niyang bumagal ang kilos ni Zaker. Naisahan siya nito. Naging seryoso ang mukha ng Tagapamahala bago muling ngmiti. Isang ngiti ng may binabalak. Dahan dahan siyang lumapit kay Zaker. Napansin ko naman na naging mas seryoso si Zaker. Ilang sandali pa agad na nakalapit ang Tagapamahala sa kanya. Swooshhhhh 'Ang bilis!' 'Tanging anino lamang ang aking nakikita at tunog ng hangin ang aking naririnig dahil sa bilis nitong gumalaw.' Nagulat si Zaker ngunit agad din siyang nakabawi at inambahan ng suntok ang Tagapamahala. Ngunit bago pa ito tumama ay bigla nanamang nawala ang Tagapamahala sa kanyang harapan. Luminga-linga si Zaker upang hanapin ang Tagapamahala. Miski ako ay hindi rin siya makita. Kung titingnan mong maigi ang bilis na pinakita niya ay hindi nito ginamit ang kaniyang exousia. Siguro nakamit niya ang bilis na ito dahil sa matagal na pagsasanay at kanyang karanasan. Biglang lumitaw ang Tagapamahala sa likod ni Zaker, hinawakan niya ang ulo nito. Bago pa humarap si Zaker ay nahalikan na ng mukha ni Zaker ang lupa. Rinig na rinig ang lakas ng pagkabagsak ng mukha ni Zaker sa lupa. Hindi gumalaw si Zaker ng ilang minuto, akala ko ay ano ng nangyari sa kanya. Ngunit agad din itong nagpakawala ng isang tinig. Dumadaing ito dahil sa sakit na tinamo ng kanyang mukha. Binitawan ng Tagapamahala ang ulo ni Zaker na hanggang ngayon ay nasa lupa pa. Unti-unti namang tumayo si Zaker habang hawak ng kanyang kanang kamay ang kanyang mukha. Mapapansin ang dugo sa kanyang ilong. Napalunok ako sa nakita ko. "Tsk, ininis mo kasi ako Zaker kaya ayan ang nangyari sayo. Pero kahit na ganun, maganda ang pinakita mo sa iyong unang laban" papuri ng Tagapamahalang Dreigh. Inalalayan niya si Zaker patungo sa pwesto namin. "Sunod na laban Tagapamahalang Rapahael at Dark. Pumunta na kayo roon" sambit ni Tagapamhalang Jey. Tinapik ni Tagapamahalang Raphael ang aking balikat bago nagsalita. "Bigyan mo ako ng kapanapanabik na laban Dark" sambit niya sa akin. Bago siya lumakad patungo sa paglalabanan namin. Lumunok ako ng ilang ulit at huminga ng malalim. Lalaban na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD