Kabanata 9

1626 Words
Dark POV Dahan-dahan akong lumakad sa kinaroroonan ni Tagapamahalang Raphael. Mabagal ang naging bawat hakbang ko. Tila nag iipon ng lakas ang mga tuhod ko, dahil sa nangangatog nito. Hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa kaba. Lumingon pa ako sa kinaroroonan ng mga kapwa ko napili. Tiningan ko ang mga kanya-kanya nilang reaksyon. Si Zaker ay ginagamot na ni Tagapamahalang Ria. Habang si Crey at Jermaine ay tahimik lamang na nagmamasid sa amin. Lumingon ako kay Sinclaire, wala siyang reaksyon ngunit ang kanyang mata ay nangungusap. May mga sinasabi ito sa akin, hindi ko lang mawari kung ano nga ba iyon. Bahagya pa siyang tumango, bilang tanda na kaya ko ito. Tinitigan ko ang kanyang mga mata, at sa di malamang dahilan, nawala ang kaba na nararamdaman ko kani-kanina lang. Ang asul niyang mata na ginagawang panatag ang aking buong pagkatao. Iniwas ko ang aking paningin sa kanya. 'Katulad pa rin siya ng dati na kaya gawing panatag ang aking damdamin ngunit, hindi ko na kailangan iyon. Hindi ko hahayaan na may makaapekto sa akin habang kalahok ako sa Tournament' Ibinaling ko ang aking atensiyon sa aking makakalaban ngayon. Hindi ko na dapat pang isipin na siya ang naatasang Tagapamahala sa aming bayan. Maapektuhan lamang nito ang aking kilos na gagawin. Humakbang ako papalapit sa kanya. Dahan dahan kong ikinuyom ang aking dalawang kamay. Huminto ako sa kanyang harapan, at mariin siyang tiningnan. "Simulan na" dinig kong sambit ni Tagapamahalang Jey. Matapos kong marining ang katagang iyon, ikinalma ko ang aking sarili. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata, tila binabasa kung ano ang nasa kanyang isipan. Bahagya ko pang itinagilid ang aking ulo na tila nagiisip. 'Kung pisikal na laban ay may maibubuga naman ako. Huwag lang talaga akong mapangunahan ng kaba, at dapat maging maingat ako sa aking galaw.' Ilang sandali pa ang lumipas ngunit hindi pa rin ako gumagalaw sa aking kinatatayuan. Mukhang naiinip na siya kaya naman, gumawa na siya ng hakbang laban sa akin. Napangisi ako sa aking isipan. 'Ayos! Katulad ng nasa plano ko' Mabilis siyang nakarating sa kinaroroonan ko. Hindi na ako nagulat pa sa bilis niya, inaasahan ko rin naman ito. Agad niya akong inambahan ng suntok sa mukha, ngunit mabilis akong yumuko upang makailag. Ngunit nagulat ako ng mapansin ang isang sipa na paparating sa aking tagiliran. Agad akong bumalik sa ulirat at biglang humakbang paatras upang hindi matamaan. Tumama sa hangin ang kanyang sipa at maririnig ang tunog nito sa hangin. Tanda na ang pinakawalang niyang atake ay napakalakas. Napangiwi naman ako dahil dito. Kaunti lamang ang distansya ng kanyang sipa sa aking tagiliran. Mukhang sinuwerte ako sa isang iyon at tiyak na masakit yun kung sakaling tinamaan ako. Tumingin sa akin si Tagapamahalang Raphael at napangisi. Yung ngising may binabalak. Itinuon ko ang isang daan kong atensiyon sa kanya. Inalala ang ensayong ginawa ko noong bata ako. Lahat ng hirap na pinagdaanan ko. Ang sakit ng katawan na nararanasan ko galing sa pagbabanat ng buto at pagsasanay sa pisikal na lakas. Nang mapansin ko na humakbang ang isa niyang paa, ay mabilis akong kumilos upang salubungin siya. Pansin ko ang kanyang pagkagulat ng makitang nasa harapan niya na ako agad, bago siya makalapit sa akin. Inambahan ko siya ng suntok katulad ng ginawa niya kanina sa akin. Yumuko siya upang maiwasan ito, ngunit sinipa ko siya sa tagiliran. Mabilis siyang umatras upang makaiwas. Tumingin siya sa akin matapos nito, tiyak na napansin niya ang aking ginawa. Kinopya ko ang galaw na ginawa niya. Mas mabilis nga lang aking aking kilos kaysa sakanya. Pansin ko ang pagkunot ng kanyang mukha. 'Tama! Ganyan nga. Sisiguraduhin ko na seseryosohin mo ang laban nating dalawa' Mabilis ulit akong pumunta sa kanyang direksiyon, tumalon ako at inambahan ng sipa ang kanyang mukha. Nakailag ulit siya ngunit ng makatapak ako sa lupa ay binilisan ko ang aking kilos. Walang maririning na yabag ang bawat kilos na ginagawa ko. Matagal kong sinanay ang sarili ko sa pagtakbo na hindi naririnig ang kahit na ano mang tunog na nagmumula sa akin. Binawasan ko ang bigat sa aking mga paa. Para lamang akong nag sasayaw sa hangin. Ang pakiramdam na ito, matagal na nung huli ko itong naramdaman. Nanginginig ako hindi na dahil sa kaba kung hindi dahil nanabik ang aking katawan sa pakikipaglaban. Pumunta ako sa kanyang likuran, ngunit mukhang naramdaman niya ang aking presensya. Kaya naman agad siyang humarap sa akin. Ang suntok na pinakawalan ko ay sinalubong niya gamit rin ng kanyang kamao. Bogshhhhh Dinig na dinig sa hangin ang pagsalpukan ng aming mga kamao. Napaatras ako dahil sa lakas ng kanyang suntok. Nakatuon ang aking atensiyon kay Tagapamahalang Raphael, hindi ko na ininda ang nararamdamang sakit na dulot ng pagsalubong niya sa aking kamao. Sandaling nag titigan ang aming mga mata bago muling sumugod. 'Nabura na lahat ng planong iniisip ko. Dahil parang may sariling utak ang katawan ko, kumikilos ito sa ano mang naisin niya' Zaker POV 'Nakakamangha!' 'Hindi ko inaakala na may ibubuga ang lalaking taga Grandi. Iba sa inaakala ko, ngunit mabuti iyon sapagkat hindi ko nais magkaroon ng kagrupo na magiging pabigat' Pawang mabibilis at malalakas ang atake na pinapakawalan nila. Kinuyom ko ang aking kamay ang lalaking ito, may kakaiba sa kanya. Alam kong hindi lang siya isang ordinaryong mamamayan ng Grandi. Malaking bagay na nasasabayan niya ang mga kilos ni Tagapamahalang Raphael. Isa sa pinakamalakas na Tagapamahala si Tagapamahalang Raphael. Dahil na rin sa mas bata ito sa ibang Tagapamahala. May nararamdaman ako ngayon sa aking kalooban. Hindi ito inggit, sa katunayan malayo ito sa inggit. Paghanga. Tama paghanga nga ang aking nararamadaman. Mukhang magiging kapanapanabik ang Tournament ngayong taon. Tuloy-tuloy lang silang nagpalitan ng atake. Pansin kong may namumuo ng pawis sa noo ni Dark. Habang mas lalo namang bumibilis ang kilos ni Tagapamahalang Raphael, kasabay ng pagbagal ng kay Dark. Mukhang napapagod na siya, sabagay ang tapatan ang bilis ng tagapamahala ay nakakamangha at nakakapagod din. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Tagapamahalang Raphael, tumama ito sa sikmura ni Dark, na nagpatilapon sa kanya sa aming puwesto. Napansin kong ang kanyang katawan ay papalapit sa akin kaya naman dumapa ako upang makaiwas. Narinig ko na lamang ang tunog ng kanyang pagtama sa puno. Nakahinga ako ng maluwag, muntik na ako doon. Masakit pa nga ang aking mukha dahil sa kanina, muntik ng madagdagan pa. Bumaling ako sa aking likuran upang makita ang kanyang kalagayan. Bahagya pa akong napangiwi ng mapansin ang dugong umaagos mula sa kanyang bibig. Mukhang malakas ang suntok na iyon. Nasira ang isang parte ng kanyang damit kung saan tumama ang suntok ni Tagapamahalang Raphael. Ngunit ang kataka-taka, nakangiti pa siya ng nakakakilabot. Nakayuko lamang si Dark habang nakangiti at may umaagos na dugo sa kanyang bibig. Bahagya pa niyang pinunasan ang kanyang bibig. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Lahat kami ay napasinghap dahil nag-iba ang kanyang mga mata. Pula ang gitna katulad ng normal niyang mga mata noong una ko siyang nakita dito. Ngunit ang kaibahan imbes na pinapalibutan ito ng puti. Unti-unting nagiging itim ang paligid ng kanyang mga mata. Nakakatakot ang kanyang itsura ngayon. Nag unat pa siya at rinig na rinig ang tunog ng kanyang mga buto sa kanyang ginagawa. Tumingin siya sa aming lahat bago tinitigan si Tagapamahalang Raphael. Nagpakawala siya ng ngisi at nagsalita. "Ah, masakit ang isang iyon Tagapamahala. Pakiramdam ko ay may nabaling buto sa aking likuran. Ngunit ayos lang iyon, mas lalo akong ginaganahan" wika nito sa malaking boses ngunit nagbigay itong ng kilabot sa buo kong pagkatao. Ibang-iba ang boses niya ngayon kaysa dati. Nagulat na lamang ako na may isang malakas na hangin ang dumaan, kasabay nito ang pinakawalang daing ng Tagapamahala. Ibinaling ko ang aking atensiyon sa kanila. Kitang-kita ko ang mabilis na pagtilapon ng Tagapamahala. Hindi ko maaninag si Dark dahil sa bilis nito. Trumiple pa ata ang bilis niya kaysa kanina. Samantala patuloy lang ang atake na tumatama sa Tagapamahala. Mula sa mukha nito, tiyan, tagiliran at mga paa. Lahat iyon ay mapapansing tinamaan ng mga atake. Hindi ko man mawari kong anong klaseng suntok o kaya sipa ang tumama sa katawan ng Tagapamahala. Pansin ko naman ang lakas nito dahil dumadaing si Tagapamahalang Raphael. Maya-maya pa huminto sa pag atake si Dark. Nakaharap siya sa Tagapamahala. Pansin ko na himihingal ito at unti-unting bumabalik sa kulay ang kanyang mga mata. Dark POV 'Talagang matibay siya!' 'Inilabas ko na ang lahat ng kakayahan ko sa laban na ito. Alam kong napuruhan ko siya!' Itinukod ko ang aking mga kamay sa dalawang kong tuhod. Upang kumuha ng suporta sa aking katawan. Nanginginig na ang aking mga tuhod sa pagod. Masakit pa rin ang aking sikmura. Unti-unti ng bumibigay ang aking mga paa. Ngunit natigilan ako, nagkaroon ako ng pag asa na manalo. Pansin ko ang panginginig ng kayang mga tuhod. 'Konti na lang. Isang tira pa! Kahit isang tira pa. Konting konti na lang mananalo na ako.' Inipon ko ang aking lakas at marahang tumayo. Kahit nanginginig pa rin ang aking mga paa ay tumakbo ako sa direksiyon niya upang bigyan siya ng isang suntok sa mukha. Hindi na ganun ka bilis ang kilos ko kaya, agad niyang nalaman ang aking gagawin. Mabilis siyang naghanda. Konti na lang at tatama na sa mukha niya ang aking kamao. Ngunit bago iyon mangyari may kung ano akong naramdaman sa aking tagiliran. Na naging sanhi ng aking pagtilapon palayo sa kanya. Unti-unti ng lumabo ang aking paningin. Napansin ko na nakakuyom pa rin ang kanyang kamao. Marahil yun ang tumama sa aking tagiliran. Tuluyan na ngang pumikit ang aking mga mata. Mapait akong napangiti sa aking isipan. 'Kulang pa rin! Kulang pa ang lakas ko para manalo sa Tournament na iyon.' 'Ngayon naranasan ko ang pagkatalo!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD