Kabanata 14

2124 Words
Third person POV Isang lalaki ang mabilis na tumatakbo sa itaas ng bubong ng isang akademya. Ang lalaking ito ay may hawak na isang bola. At mabilis ang ginagawang pagtakbo nito. Isang lalaki ang lumitaw sa gilid ni Dark, tumatakbo din ito kasabay niya. Nang nagkatapat ang dalawa ay tumango sila sa isa't isa. Na para bang nagkakaintindihan sila sa pamamagitan lang ng mga tingin. Sabay silang tumakbo. Patungong kanlurang bahagi. Dahil nasa likuran lang ang mga Tagapamahala na humahabol sa kanila. Kung kanina ay nasa kaliwa si Crey at nasa kanan si Dark. Ngayon naman ay nasa kaliwa si Dark at nasa kanan si Crey. Nagpatuloy sila sa pagtakbo at kada sampong hakbang ay nagpapalit sila ng pwesto. Nagpapalitan din sila ng dala. Inihahagis nila ito sa ere at kukunin naman ng isa ang inihagis ng kanyang kasamahan, ganun din ang ginagawa ng kapareha nito. Nang makita ng dalawa si Jermaine sa hilagang bahagi. Tumingin sila sa isa't-isa at tumango. Mabilis na humiwalay si Crey kay Dark. Nagtungo ito sa timog kung saan naroroon si Zaker. Nang makarating na si Dark sa kinaroroonan ni Jermaine ay mabilis itong lumiko patungong kanlurang bahagi kung nasaan si Sinclaire. Mabilis na sumunod si Jermaine sa kanya. Katulad ng kanina ay nagpapalit-palit sila ng pwesto habang tumatakbo. Ngunit may malakas na hangin ang biglang dumaan sa harapan ng dalawa. Nakahabol si Tagapamahalang Ria sa dalawa, agad nitong inagaw ang hawak hawak ni Jermaine. Napatigil naman si Jermaine at Dark sa pagtakbo. Inalis ni Tagapamahalang Ria ang tela at inilabas niyon ang isang bola. Napangiti ng malawak ang Tagapamahala. Ipinasapasa pa ni Tagapamahalang Ria ang bola sa dalawa nitong kamay habang nakatingin sa dalawa. Nagpakawala pa ito ng ngiti. "Paano ba iyan na sa akin ang bo--" ngunit bago pa niya tapusin ang sinasabi niya ay ipinakita ni Dark ang nasa kamay niya. Tinanggal niya ang tela na nakataklob sa bola. Lumabas ang isang bola na kahawig na kahawig ng nasa kamay ni Tagapamahalang Ria. Ngumisi si Dark rito. Kasabay ng pagngisi ni Dark ay biglang pumutok ang bola na hawak ng Tagapamahala. Tila isa itong bula na biglang naglaho. Bang! Matapos pumutok ang bola ay mabilis na umilig si Dark dahil nasa likuran niya lamang si Tagapamahalang Dreigh at balak kunin ang hawak niyang bola. Matapos makaiwas ay mabilis silang tumakbo ni Jermaine. Ito ang plano ni Jermaine, sinabi ng mga Tagapamahala na hindi maaaring gamitin ang exousia sa ensayong ito upang makipaglaban dahil kailangang mahasa ang aming pisikal na lakas. Ngunit hindi nila sinambit na hindi maaaring gamitin ang exousia upang manlinlang. Ang exousia ni Jermaine ay tinatawag na Bubble. Maaari niyang gamitin ang bubble upang gumawa ng clone na katulad na katulad ng bola. Katulad ng bola na hawak nito kanina. Pati na rin ang bola na hawak ni Dark ay isa ring bubble. Lahat ng napili ay may hawak na bola at apat roon ay clone lamang. Kaya mahihirapan ang mga Tagapamahala kung saan roon ang totoo. At sa tuwing nagkikita ang mga napili ay ipinapasa pasa nila ang hawak nilang bola. Kaya mahirap malaman kung nakanino nga ba ang totoong bola. Pumasok sa loob ng akademya sila Dark at Jermaine. Mabilis ang kanilang pagtakbo, mas madali nilang maililigaw ang mga Tagapamahala kung nasa loob sila ng akademya. Tumakbo sila patungong hagdan upang makarating sa ikalawang palapag. Pansin ni Jermaine na tahimik ang buong lugar. Mukhang bakante ang mga silid na naroroon, dahil wala siyang naririnig na gurong nagtuturo. Mabilis silang lumiko at agad na pumasok sa isa sa mga silid. Idinikit ni Dark ang kanyang tenga sa pintuan na kanilang pinasukan. Pinakikinggan niya kung nalagpasan na ba sila ng mga Tagapamahalang humahabol sa kanila. Bahagya pang nakakunot ang kanyang noo dahil wala siyang marinig na yapak mula sa labas. Kinakalabit naman siya ni Jermaine sa kanyang balikat, na bahagyang nagpairita sa kanya. "Dark. Dark, umalis na tayo dito" hindi naman pinansin ni Dark ang sinabi ni Jermaine. Bagkus ay mas pinagtuonan niya ng pansin ang pakikinig sa labas ng pinto. Makailang ulit siyang kinalabit ni Jermaine. At dahil sa tindi ng hiya na nararamadaman ni Jermaine ay yinugyog niya ang balikat ni Dark. Dahil rito ay napilitang siyang humarap, at ngayon pansin niya ang ilang mga pares na mata na nakatitig sa kanilang dalawa ni Jermaine. Nasa harapan ang guro at nakataas ang isang kilay nito at nakahalukipkip ang mga braso. Pansin niya na nakatuon sa kanilang dalawa ni Jermaine ang atensiyon ng lahat ng mag-aaral sa loob ng silid. Bahagya pang namula ang mukha ni Dark sa kahihiyan. Tumikhim siya bago nagsalita. "Uhm... Patawad sa istorbo, makikiraan sana kami" Mas lalo namang tumaas ang kilay ng guro dahil sa sinabi niya. "Saan naman kayo dadaan?" mataray na wika ng isang estudyante. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses na ito. At nakita niya ang isang magandang babae na nagmamay ari ng kulay berdeng mata na nakita niya na noon. Ito ay si Samantha. Nakataas din ang kilay nito sa kanya. Ibinaling niya ang atensyon niya sa guro at bahagyang yumuko. "Paumanhin ulit, magandang Binibini. Dadaan na kami" hindi niya na hinintay ang reaksyon ng guro dahil ayaw niya ng magtagal sa loob ng silid. Hinila niya si Jermaine palapit sa bintana. Binuksan niya ito at bahagyang lumayo upang kumuha ng bwelo sa gagawin. Tumingin siya ulit sa mga nasa silid. "Uhm---- Paalam!" hindi siguradong wika niya. Tiningnan niya si Jermaine at mukhang nakuha naman nito ang pinapahiwatig niya. Mabilis siyang tumalon sa bintana. Sumunod naman sa kanya si Jermaine sa pagtalon. Nang nakalapag sa lupa ang dalawa ay sobrang kahihiyan ang dinanas nila. "Bakit kasi doon tayo pumasok?!" wika ni Jermaine habang patuloy ang pagtakbo, ngunit makikita ang pamumula ng mga tenga ng dalaga dahil sa hiya. "Hindi ba't ikaw ang unang pumasok sa pintuan at ako lamang ang nagsara" sagot naman ni Dark kay Jermaine. "Nakakahiya talaga!" pahabol na sambit ng dalaga. Ilang saglit pa ay napahinto ang dalawa sa pagtakbo nang makita nila ang kanilang nasa harapan, ang mga Tagapamahala kasama ang ibang mga napili. Hawak ni Tagapamahalang Raphael ang isang bola. Biglang pumutok ang bolang hawak niya. Mukhang ang hawak ni Tagapamahalang Raphael ay ang totoong bola. Magsasalita na sana siya ng maunahan siya ni Tagapamahalang Dreigh. "Tayo na sa bulwagan, bumisita ang mga napili ng siyudad Yule kasama ang kanilang mga Tagapamahala" mabilis na tumalikod ang mga Tagapamahala sa kanila. Kahit nalilito ay sumunod na lamang si Dark at Jermaine sa mga ito. Nilapitan naman sila ng kanilang mga kasama. "Bakit nandito ang ibang grupo na makakalaban natin?" tanong ni Jermaine "Ang sabi ni Tagapamahalang Raphael biglaan daw ang kanilang pagbisita. Hindi nila alam kung bakit. Ngunit isa lamang ang alam ko. Na isa ang siyudad ng Yule sa kinatatakutan sa Tournament dahil sa taglay nilang exousia" wika ni Crey sa mga kasamahan. Sumunod sila sa mga Tagapamahala at ilang sandali pa ay papasok na sila sa bulwagan. May nakasabay pa silang mga estudyante na papasok rin. Mukhang napakaimportante ng kanilang panauhin, lahat ng mga estudyante ay nasa bulwagan. Pansin iyon nila Dark ng makapasok sila sa bulwagan. Nang makarating sila sa harapan ay isa-isang kinamayan ng mga Tagapamahala ang kanilang bisita. Sinenyasan din sila ng mga ito na magbigay galang. Sabay-sabay na yumuko ang mga napili ng Demi sa mga taga Yule. Tumango naman ang mga Tagapamahala ng Yule, ngunit kapansin pansin ang mapagmataas na ekspresyon na nasa mukha ng mga napili ng kabilang panig. Hindi ito nagustuhan ng mga nakakita gayunpaman, hindi na lamang sila kumibo. Isa-isang nagpakilala ang mga Tagapamahala ng dalawang siyudad sa isa't-isa. Sumenyas naman ang mga Tagapamahala na magpakilala ang mga napili sa mga Tagapamahala ng Yule. Umabante si Zaker at nauna ng nagpakilala. "Zaker Murphy" usal nito habang diretsong nakatingin sa isa sa kanilang makakalabang grupo sa Tournament. Hindi rin siya nagpakita ng galang ng sinambit niya ito. Halata rin ang mapaghamong boses nito. Sumunod naman ay si Jermaine. "Ako naman si Jermaine Yerv" mahinang pakilala nito, yuyuko sana ito ngunit hinawakan siya ni Zaker. Bumaling ng tingin sa kanya si Jermaine at makikita sa mga mata nito ang pagtataka. Umiling naman si Zaker at may matalim na tumingin sa gawi ng kanilang makakalaban. Ngumisi lamang ang mga ito sa kanila at tumingin rin sila kay Zaker at sa iba pa nitong kasamahan na may pagkadisgusto. Sa puntong iyon ay parehas ang nararamdaman ni Dark at Zaker. Halata sa tingin ng mga ito ang pagmamaliit sa kanila. Ikinuyom ni Dark ang kanyang mga kamay. 'Ang isang mapagmataas na exousian ay dumadausdos pababa. At sisiguraduhin niyang mangyayari iyon' Bumuntong hininga naman si Jermaine sa inasal ni Zaker, binigyan niya na lamang ng maliit ng ngiti ang kabilang grupo. Ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ng dalawang babae at ngumisi lamang ng nakakaloko ang tatlong lalaki sa kanya. Kahit na ganun ay inunawa na lamang niya ang mga ito. Kilala ang siyudad ng Yule dahil sa kasaganahan ng kanilang lugar. Parehas na may magandang lugar ang dalawang bayan, ngunit nitong nagdaang taon mas rumami ang malalakas na exousian sa siyudad ng Yule dahil sa alyansa nito sa siyudad ng Irioas. Lumaki ang kinikita ng mga opisyales sa siyudad ng Yule dahil sa alyansa. Mas dumami rin ang mga gamit na ibinebenta sa siyudad Yule. Dahil na rin sa yumaman ng mga mamamayan nito, wala silang problema pagdating sa gintong salapi. May mga potion at pills din na mabibili sa kanilan siyudad. Nakakatulong ito upang lumakas pa ng husto ang isang exousian. Alam iyon ni Jermaine dahil minsan na siyang nakarating sa siyudad Yule. Ngunit kung malalaman nila na taga Demi ka ay hahamakin ka lamang ng mga mamamayan dito. Ang tingin kasi ng mga ito ay mapangmaliit, itinuturing ng Demi na inspirasyon ang Yule at nagaasam ang mga mamamayan ng Demi na maging maunlad din ng husto katulad ng Yule. Maunlad naman talaga ang siyudad Demi ngunit kung ikukumpara ito sa Yule ay walang wala ito. Dahil sa alyansa mas lalong naging mapagmataas ang mga taga Yule. Makapangyarihan ang siyudad ng Irioas kaya naging arogante ang ilan sa mga naninirahan sa Yule. Nagkaroon sila ng malakas na kakampi kaya wala silang kinatatakutan. Ang mga siyudad sa Kaharian ng Zendar ay may mga ranggo. Naglalaban sa ika tatlong pwesto ang Yule at Demi. Ngunit para sa mga taga Yule ay hindi nila itinuturing na ka-lebel ang mga taga Demi dahil na rin sa alyansa. Para sa kanila ay isa lamang insekto ang mga taga Demi na kayang-kaya nilang tirisin. Kaya naiintindihan ni Jermaine ang inaasal ng kabilang grupo sa kanila. Lumaki ang mga ito na may paniniwala na isa lamang maliit na peste ang Demi para sa kanila. Sunod namang nagpakilala si Crey. "Crey Islish" mahinahong wika nito. Hindi katulad ni Zaker, makikitaan ng pagiging kalamado ang binatang si Crey. Kahit na kabaliktaran ito ng kanyang nararamdaman, nananatili parin ang kanyang mahinahong mukha. Hindi naman siya pinagtuunan ng pansin ng mga taga Yule. Sumunod naman sa kanya si Dark. Nagbigay ito ng blankong tingin at pinatigas niya lalo ang kanyang ekspresyon. Nagpapahiwatig na huwag silang maliitin. "Dark Taylor at hindi ko kayo ikinagagalak na makilala" matigas na wika nito. Ngumisi naman ito matapos magsalita. Mahinang tumawa si Zaker sa sinambit ni Dark. Ngayon ay unti-unti niya ng nagugustuhan si Dark bilang kasamahan. Mukhang magkakasundo na ata sila. Noong una ay ayaw talaga ni Zaker kay Dark, dahil inaakala niyang mahina ito. Ayaw niya lamang na may isa siyang maging kasamahan na mahina. Dahil hindi niya gustong may masawi na isa sa kanila sa Tournament. At ang mahinang exousian ay pinaglalaruan lamang ng mga kalaban. Hindi niya gustong naaapi ang kanyang grupong kinabibilangan. Pansin naman ni Dark ang nag aalab na mata na pinupukol ng kabilang grupo sa kanya. Tumikhim si Tagapamahalang Raphael upang matigil ang tensyon sa pagitan ng dalawang panig. Sunod namang nagpakilala si Sinclaire. Bahagya itong yumuko matapos ay nagpakilala. "Sinclaire Augustus" marahang wika nito. Tila ba tunog ng alon ang tinig ng dalaga, kay ganda nitong pakinggan kaya naman napalitan ng pagnanasa ang tingin ng tatlong lalaki sa dalaga. At pagkainis naman ang nararamdaman ng mga babae na taga Yule. Umabante naman ang isang lalaki na taga Yule at hinawakan ang kamay ni Sinclaire. Bahagya siyang yumuko at tumingin sa mata ng dalaga. Akma niyang hahalikan ang kamay ni Sinclaire ng biglang binawi ni Sinclaire ang kamay niya. Ngumisi naman ang lalaki kay Sinclaire at bahagya pang dinilaan ang ibabang labi nito. May makikita namang pagkadisgusto sa mga mata ng napili ng Demi. Napansin ng lalaki ang tinging ipinupukol sa kanya ngunit ngumisi lamang ito habang umaatras pabalik sa kaniyang kinatatayuan kanina. Nang makarating sa kanyang pwesto kanina ay nagsalita ito. "Thalione Vega. Tandaan niyo ang pangalan ng tatapos sa grupo niyo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD