Kabanata 10

1975 Words
Dark POV "Samantha North!" "Sam! Hindi Samantha" "Tatawagin kita sa kung anong gusto ko. At andito ka nanaman, aba't napakapasaway mong bata ka" iyan ang mga katagang nagpagising sa akin. 'Napakaingay naman. Nakakarindi ang sigaw na iyon!' Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang puting kisame. Napabuntong hininga ako, mukhang alam ko na kung nasaan ako. Hindi parin humihinto ang boses na nag pagising sa akin. Bumaling ako sa kanan ko upang malaman kung sino ang maingay na exousian na nagsasalita. Bahagya pang kumirot ang aking tagiliran, talagang malakas ang suntok ni Tagapamahala. Pagkalingon ko ay nabungaran ko ang isang babae. Nakatagilid ito sa kumakausap sa kanya o tamang sabihing sumisigaw sa kanya. Nakaharap siya sa direksiyon ko kaya naman, malaya kong napagmamasdan ang kanyang mukha. Makakapal na mga kilay na nagpapamukha sa kanyang mataray, matangos na ilong at mapulang mga labi. Ngunit ang nagpapukaw ng aking atensiyon ay ang kanyang mga mata. Kung ang kay Sinclaire ay maihahalintulad sa karagatan ang kanyang mga mata. Sa babaeng ito, ang kanyang singkit na mga mata ay sumasalamin sa kagubatan. Kulay berde. Napakaganda ng mga ito. Muli kong napansin ang kanyang kabuoan. Ang kanyang mga kamay ay may hawak na unan, tinatakpan nito ang kanyang tenga. Sabagay napaka ingay nga naman talaga ng nagsasalita. Napansin kong itinaas niya ang kanyang isang kilay habang nakatingin sa akin. Nang mapansin niya ang nagtataka kong tingin ay sumimangot lang siya. Tiningnan ko naman ang babaeng kanina pang sumisigaw. Nakasuot ito ng pang gurong kasuotan. Hindi parin siya tumitigil sa pagsasalita. "Samantha North, bumangon ka na riyan. Aba't alam kong wala kang sakit kaya naman kailangan mong pumasok sa aking klase" sigaw pa niya. Tinitigan ko lang ang babaeng guro. Kung susumahin ay nasa kwarenta na siguro ang edad niya. Hindi ko lang sigurado. Napansin niya atang may nakatingin sa kanya, kaya bumaling siya sa akin. Bigla naman siyang tumigil sa kakasigaw at ngumiti pa. "Gising ka na pala, sandali lamang tatawagin ko ang nurse healer para sa iyo" malumanay na wika niya. Salamat naman at tumigil din ang kanyang pagsiga---- "JOSEPHINE!!!!!!!!!" naku naman! akala ko ay hindi na siya sisigaw. Pwede namang tawagin ng maayos ang susuri sa kalagayan ko. Napangiwi pa ako sa lakas ng timbre sa kanyang boses. Tinakpan ko na rin ang aking mga tenga gamit ang aking mga kamay. Agad na dumating ang isang babae na nakasuot ng kulay puting bestida. Maputi ang kanyang kutis na medyo mamula-mula. Matangos ang ilong at may mapulang labi. Nakapusod rin ang buhok nito. Mukhang nasa kaedaran ko lang siya. Tumigil naman ang sigaw na pinapakawalan ng babaeng guro. "Oh andyan ka na pala Josephine, gising na ang napili. Tingnan mo nga ang kanyang lagay" turan nito. Agad namang tumango ang babaeng nagngangalang Josephine at pumunta sa kinarorounan ko. Nang nasa tabi ko naman siya ay ngumiti ito ng bahagya sa akin. Sinuklian ko rin ito ng isang matipid na ngiti. "Ano ang nararamdaman mo?" wika nito sa malamyos na tinig. "Maayos na ang pakiramdam ko, ngunit paminsan-minsan ay kumikirot ang aking tagiliran" sagot ko naman sa kanya. "Maari ko bang makita kung ano na ang lagay ng iyong tagiliran?" tanong nito sa akin. Bahagya pa akong tumango bilang sagot. Inalalayan muna niya ako upang makaupo sa higaan. Matapos nito ay tinaas niya ang aking suot na damit. Kitang-kita ang pasa na nasa tagiliran ko. Tinitigan ko pa itong maigi. 'Tsk, nangungulay itim na ang pasa. Kaya naman pala ang sakit!' "Titigan mo na lang ba iyan Nurse Healer Josephine?" masungit na tanong ng babae na ngayon ay nakaupo na at nakaharap sa amin. "Tumigil ka nga Samantha North! Hayaan mo siya, humahanga lang iyan sa katawan ng binatang ito" wika naman ng guro sa amin. Bahagya pang nagsalubong ang aking kilay. 'Ano daw?! Humahanga saan? Ano namang hahangaan niya? Yung pasa ko ba?' Binalingan ko naman ng tingin si Nurse Healer Josephine at napansing nakatingin ito sa aking katawan na may paghanga. Hindi siya sa pasa ko nakatingin, kungdi sa parte ng aking tiyan. Batak kasi ako sa trabaho kaya naman maganda ang itsura ng pangangatawan ko. Lalo na ngayon at kitang-kita ito dahil na rin itinaas niya ang aking damit ng bahagya. Pansin ko naman na tumingin sa akin si Nurse Healer Josephine, at nang makita niyang nakatingin din ako sa kaya ay umiwas siya ng tingin at bahagyang tumikhim. Namula ang kaniyang pisngi, na ipinagtaka ko. "Maari ko bang hawakan ang pasa mo?" tanong niya sa akin, ngunit hindi parin siya makatingin sa akin ng maayos. "Para saan?" sagot ko naman sa kanya. "Ah, aray! Ano ba!" palatak ko. 'Pambihirang babae!' Hindi pa ako nasasagot ni Nurse Healer Josephine ay biglang hinawakan ng babaeng nagngangalang Samantha North ang aking pasa sa tagiliran. Diniinan niya pa ito kaya naman nakaramdam ako ng matinding sakit. Tiningnan ko siya ng masama ngunit ngumisi lang ito sa akin. 'Nakakainis' "Bakit ganyan ka makatingin?" pa inosente pa nitong turan sa akin. Mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin. "Bakit mo ginawa iyon? Alam mo bang ang sakit ng ginawa mo?" tanong ko pa rito. Nakakainis ang babaeng ito. "Alam kong masakit, isinigaw mo ba naman eh. Atsaka isa iyong pagsusuri para malaman kung gaano kalala iyang pasa mo. Kung tatansyahin nasa 4 hanggang 10 ang tindi ng pasa na natamo mo. Sa kabuoan huwag kang mag-alala, malayo yan sa puso pero malapit sa bituka." ngising wika nito sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko bago siya sagutin. "Ngunit sana ay nagbabala ka muna bago mo ginawa iyon" naiinis na wika ko. Hindi parin nawawala ang inis ko. Kumikirot parin kasi ang aking tagiliran dahil sa natamo ko sa pagsasanay, idagdag pa ang ginawa ng babaeng ito. "Huwag kang mag-alala, hindi ka pa mamamatay" pilyang saad nito sa akin. "Ilang araw lang ay mawawala na iyan kaya huwag kang mag-alala. Humingi ka na lang ng gamot kay Josephine." wika pa niya sa akin habang nakangiti parin "Atsaka huwag mo akong titigan ng ganyan. Hindi mo maaring titigan ang mukha ko ng sobrang tagal, dahil kawalan iyon ng galang sa nakatataas sa iyo" dugtong pa nito. Mas lalo pang nagsalubong ang kilay ko at inis na tinitigan siya. 'Tsk! Nakatataas!' "Titingnan kita sa paraan na gusto ko" turan ko rito. Ngumisi siya sa akin bago nagsalita. "Wala ka paring karapatan dahil galing ako sa mayamang pamilya at ikaw ay sa mahirap na bayan lang. At ikaw Nurse Healer Josephine itigil mo na iyang titig mo sa katawan ng lalaking iyan. Tititig ka na lamang sa katawan ng lalaki ay doon pa na galing sa mahirap na bayan" pahabol niyang turan. Kinuyom ko ang kamao ko. 'Magiging maunlad din ang bayan na pinagmulan ko!' Tiningnan ko naman si Nurse Healer Josephine at pansin kong nakatitig nga siya sa katawan ko. Agad ko nang ibinaba ang aking damit. Upang matakpan ang aking katawan. Nag iwas naman ng tingin si Nurse Healer Josephine sa akin. "Josephine bigyan mo na lang siya ng gamot na pampa-alis ng kirot" pautos na wika ni Samantha North na ikinatingin ko sa kanya. Piningot naman ng babaeng guro ang tenga ni Samantha dahil dito. "Hoy Samantha North!" hindi pa natatapos magsalita ang guro ay sumingit na si Samantha sa pagsasalita. "Aray naman! At anong Samantha? Sam! Sam ang itawag mo sa akin matandang guro" wika niya habang hinahawakan ang kamay ng guro na nakapingot parin sa tenga niya. Pansin kong napapangiwi siya dahil sa ginagawa ng babaeng guro. "Samantha! Samantha North. Pangalan mo iyon kaya, yun ang itatawag ko sa iyo, Hindi pa ako matanda kaya huwag mo akong tawagin ng ganun. At higit sa lahat huwag kang utos ng utos diyan, parang may alam ka sa medisina. Hindi ka nga pumapasok sa mga klase mo. Hala, tayo na at magkaklase pa ako." malakas na boses na sabi ng guro kay Samantha. "Pero masakit ang......... Masakit ang tenga ko. Tama masakit ang tenga ko kaya dito muna ako, magpapagamot" wika niya habang pinipigilan ang kamay ng guro sa pagpingot sa tenga niya. "Talagang sasakit pa ang tenga mo kapag hindi ka pumasok sa klase ko. Kaya TARA NA!" malakas na sabi nito at kinaladkad si Samantha sa labas ng silid pagamutan gamit ang paghila sa tenga nito. Walang nagawa si Samantha kung hindi ang dumaing lamang habang papalabas na ng silid. Bahagya akong nasiyahan sa sinapit niya, kanina lamang ay may pagkahambog ang paguugali niya dahil sa galing siya sa mayamang pamilya. Ngunit tiklop din pala siya sa gurong iyon. Nakarinig ako ng tikhim kaya tiningnan ko ang pinangalingan nito. Nawala ang ngiti sa aking mga labi ng mapansin kong tinititigan ako ni Nurse Healaer Josephine. Naiilang ako sa kanyang titig kaya naman ibinaling ko na lamang ang aking paningin sa ibang bagay. "Ikukuha na kita ng gamot para sa iyong pasa. Sandali lamang ako" wika niya at umalis na sa silid. Napabuntong hininga ako. Magisa nanaman ako, ano pa bang bago? Simula ng mamatay ang aking mga magulang ay naging mabilis ang ikot ng oras sa akin. Hindi na ako ngumingiti o tamang sabihing totoong ngiti. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Lumingon ako sa pumasok sa silid. Laking gulat ko ng mabungaran ko si Sinclaire. Lumapit ito sa aking gilid at mariin niya akong tinititigan. "Ipinakilala kanina ang isa sa makakalaban natin sa ikatlong buwan rito" marahang wika niya sa akin. "Hmm, Ano naman ang pangalan niya?" sambit ko sa kanya. Kung ganun kailangan kong magpalakas pa upang matapatan ang lakas ng makakalaban namin sa huling buwan dito. "Samantha. Samantha North ang pangalan niya" nagulat ako sa sinambit niya. Ang babaeng pilya na iyon ang isa sa makakalaban namin para sa pagsasanay. Hindi ko ipinahalata ang gulat sa aking mukha. Tumango lamang ako bilang sagot. "Nanalo ka ba? Laban sa tagapamahala sa iyong bayan?" Malumanay na tanong ko. "Hindi. Walang kahit na isa ang nanalo sa atin laban sa kanila" wika niya sa akin. Tumango uli ako, kung sa bagay iba ang lakas nila sa amin. Ilang pawis pa ang ilalabas namin mula sa pagsasanay upang lumakas. "Ngunit humanga sila sa iyo. Katulad ka pa rin ng dati, nag iiba ang personalidad mo sa tuwing nakikipaglaban" nakangiting sambit niya. Binalot ng katahimikan ang silid, ngunit hindi ito nakakailang. Komportable ito sa aking pakiramdam. Sanay ako na tahimik ang lugar at ako lamang mag isa, para sa akin ang pagiging mag isa ay kalakasan. Wala kang magiging kahinaan at higit sa lahat wala kang kailangang alalahanin. Nagulat ako ng bigla inilapit ni Sinclaire ang kanyang mukha sa akin. Kusang gumalaw ang aking katawan upang umatras ngunit dahil doon ay napadaing ako sa sakit. Hinawakan ni Sinclaire ang aking balikat upang hindi ako gumalaw dahil sa bawat pag galaw ko ay sumasakit ang pasang natamo ko. "Pinag-alala mo ako pula" mahinang sambit sa akin ni Sinclaire. Marahan akong huminga at tumingin sa kanya. "Pula? Binibining Sinclaire, Dark Taylor ang aking ngalan" wika ko rito na may halong pagtataka sa aking boses. Ngayon ko lang nalaman na magaling pala ako sa pag arte, bakit kaya hindi ako pumasok sa teatro upang magtanghal. "Hmmm. Pula. Katulad ng pula mong mga mata" sambit niya. "Pakiusap Binibining Sinclaire huwag mo akong tawagin sa ganyang paraan na para bang malalim ang pinagsamahan natin. Kakakilala ko pa lamang sa iyo, hindi rin magandang pakinggan na tinatawag mo ako sa ganyang paraan" "Bakit nagpapanggap ka na parang hindi mo ako kilala? Galit ka pa ba sa akin" mahinahon nitong sabi. Tinignan ko siya ng mariin. 'Galit? Siguro nga galit ako. Pero hindi iyon ang dahilan Sinclaire. Kailangan kong manalo upang mabuhay at ang pagiging malapit sa iyo ay magiging kahinaan ko sa Tournament' 'Hindi ako papayag na maging kahinaan kita. Dahil pareho tayong mapapahamak kung ganun' "Hindi ako nagpapanggap Binibining Sinclaire, talagang hindi lang talaga kita kilala"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD