Chapter- 6

1528 Words
EVANNAH MAY kakaibang kilos si Craig, nahalata niya iyon kapag nagkukunwari siyang hindi nakatingin dito. At kailangan niyang malaman kung sino ito at ano ang tunay na pakay sa kanya. “Craig, gaano ka na katagal na US navy?” “Mula ng pagka graduate ko sa college agad akong pumasok sa training at ayon pinalad naman. So, almost eight years na rin, ikaw gaano ka na katagal sa propesyon mo na yan?” “Magmula ng paslangin ang aking mga magulang. At mula din ng araw na yon ay gumuho ang lahat ng mga pangarap ko.” tumalikod siya kay Craig, baka makita nito ang namumula niyang mga mata. Talagang kahinaan niya ang alaala ng kanyang ama at ina. Kapag naiisip o napag uusapan ay nananariwa sa puso at isipan ang huling alaala ng mga ito. “I’m sorry… ahm, ang mabuti pa ay lumabas muna tayo. Ang sabi mo ay may mga kailangan kang bilhin sa store?” “Oh! Yeah, muntik ko ng makalimutan. Sige iwanan muna kita dito at magbibihis lamang ako.” naririto kami sa cabin niya. At dito ako sa katapat na pinto napalipat. “Take your time, at maliligo pa rin naman ako.” “Okay, bye.” humakbang na siyang palabas ng pinto. Doon siya nag-breakfast dahil hindi niya nagawang tanggihan ang paanyaya ni Craig. Nakakahiya dahil napa-generous nito kaya walang dahilan upang hindi niya pagbigyan. Hindi rin lingid sa kanya ang ginagawa nitong effort upang magtiwala siya dito. Wala din naman siyang kakilala sa loob ng barko na yon kaya mas mabuti na may nakakausap din naman siya. Kalahating oras ang ginugol niya sa paliligo pagkatapos ay nag suot lang ng simpleng damit. Pagbukas ng pinto ay nakatayo na ito sa harapan ng kanyang pintuan. Nakasandal na tila na iinip dahil panay ang tingin sa pambisig na orasan. “Sorry kung medyo natagalan ako.” “Ayos lang, shall we?” “Yeah,” ngunit natilihan siya sa paghakbang nang napa sulyap dito. At parang gusto niyang bumalik sa loob upang magbihis. Naka-shorts at hoodie jacket lamang siya na may katernong sneaker. Samantalang ang kasama niya ay medyo formal ang sa attire nito. “Bakit may problema ba?” nag-aalala nitong tanong sa kanya. “Pwede bang bumalik ako sa loob at magbihis?” “Bakit hindi ka ba kumportable sa suot mo na yan?” “Kasi naman bakit ganyan ang suot mo, may pupuntahan ka bang engagement party?” biro niya na may halong katotohanan. Agad naman nitong tiningnan ang suot at mabilis na hinubad ang blazer. "Hayaan inalis ko na nasanay lang ako na laging nakasuot ng ganun basta naka jeans at t shirt ay pinapatungan ko ng blazer." Bago mabilis na bumalik sa loob ng apartment nito. Hindi rin naman nagtagal at agad na lumabas, ayon nakasuot na rin ng hoddie jacket. "Ayos na ba itong attire ko kapareho ng sayo?" "Bakit mo kasi ako ginagaya baka mamaya mapagkamalan tayong naka couple jacket." "So, ayaw mo?" "Natural dahil wala naman tayong relasyon." "Eh, 'di magkunwari tayong may relasyon." Kumunot ang aking noo sa narinig at sinimangutan ko siya. Anong akala ng lalaking ito dahil pumayag ako sa pakikipagkaibigan ay hahayaan ko na mag-demand ng bawat naisin? "Joke lang, hindi ka na mabiro." Humakbang na siya at nilakihan ang hakbang upang kahit ilang dipa ay makalayo siya kay Craig. Subalit nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa bilis ng pangyayari. Naisandal siya nito sa gilid at mabilis na hinawakan ang magkabila niyang sintido. Kumalabog ang kanyang dibdib at hindi agad magawang mag-react. "Huwag kang magpahalata, sigurado akong masundan ka ng mga tauhan ng lalaking muntik mo ng binaril." "A-Anong ibig….. ugh…." Sumara ang labi niya ng lumapat ang mainit na labi ni Craig. Gusto niya itong itulak ngunit mas humihpit ang hawak nito sa kanyang ulo. At mabilis ang pagdaloy ng init sa kanyang katawan. Kaya sa halip ay napapikit na lang siya. Subalit bigla din napadilat ng may pumitik sa kanyang mukha. "Wala na sila, let's go!" "Oh! Sh*t!" hindi napigilan mapamura ano ba ang nangyayari sa kanya at parang nawawala sa sarili?" "Sorry, wala lang akong pagpipilian kaya nagawa ko yon huwag ka sanang magagalit sa akin." Hindi siya sumahot bagkus ay nagpauna sa paglalakad. At gusto ng kutusan nag sarili kung bakit hinayaan niyang halikan siya nito. Kahit sabihin pang hindi sinadya ay hinalikan pa rin siya at unang halik niya yon kaya naiinis talaga siya. "Sweetheart, galit ka ba sa ginawa ko?" Huminto siya sa paglalakad at humarap dito. "Tawagin mo ako sa aking pangalan at oo galit ako dahil bakit mo yon ginawa?! Wala pang nakakahalik sa akin at ikaw pa talaga ang nauna?" "Ha?" "Anong ha, hindi mo narinig ang sinabi ko?" Subalit sa halip ay timawanan pa siya nito. At saka niya na realize kung anong lumabas na salita sa bibig niya. Dali daling humakbang at pagkatapos ay mabilis na tumakbo palayo. Hindi rin napigilan tampain ang sariling bibig paliramdam niya ang init ng kanyang mukha. "Sweet… i mean Evannah, sandali bakit ka tumatakbo?" Nagulat pa siya ng naroon na ito sa kanyang likuran. Ang init ng mukha niya at hindi magawang sumagot. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo ng bigla siyang nahawakan sa braso. "Sandali bakit ka tumatakbo saan ka ba pupunta?" "Bitawan mo nga ako!" Sinikap na diinan ang boses bago humarap dito. "Hindi dahil pinayagan kita na makalapit sa akin o makipagkaibigan ay magagawa mo na ang gusto mo?" "I'm sorry, hindi ko naman sinadyang gawin yon wala lang akong maisip ng mga sandaling yon upang hindi nila tayo mamukhaan. Saka hindi naman kita hinalikan, dinikit ko lang ang labi ko sayo upang isipin nila na couple tayo at hindi ang hinahanap nilang tao." "Bakit mo dinikit ang labi mo sa akin pwede naman na sa pisngi lang ah!" Angil pa niya dito. "Sorry na, huwag ka ng magalit, hindi ko naman alam na ako pala ang unang labing nakadikit diyan sa labi mo." "Pwes! Ngayon alam mo na kaya hindi ka na maaaring makipagkaibigan sa akin!" Saka niya ito iniwan at mabilis na sumakay sa umakyat sa hagdan. Ngunit hindi pa man lang nakakarating sa kalahatian ay mabilis siya nitong naabutan. At talagang sa tumabi pa ito ng tayo sa gilid niya kaya sa inis ay malakas na siniko. "Ouch! Ang sakit naman non sweetheart… i mean Evannah." " Ang sweet nila at bagay na bagay silang dalawa." Napalingon siya sa pinaggalingan ng boses. Dalawang babae ang nakatingin sa kanila habang bahagyang nakangiti. Kaya dumistansya siya kay Craig dahil nakita niyang nginitian nito ang mga iyon. "Sweetheart, ang sakit talaga ng ginawa mo, please huwag ka ng mag selos hindi naman ako tumitingin sa ibang babae. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin habang mabubuhay ako." Muling sumulyap siya sa dalawang babae at kilig na kilig pa ang mga ito. Samantala ang katabing lalaki ay parang nananadya pa at bigla pa siyang niyakap sa baywang. "Bitawan mo nga ako, Craig!" singhal niya dito ngunit sa halip na bitawan siya ay mas humigpit pa ang mga bisig nito sa kanyang baywang. - CRAIG NAKARINIG siya ng ibang boses kaya lumingon at isang ginang ang nasa 'di kalayuan habang may matamis na ngiti sa labi. "Hijo. Ganyan nga ipakita at ipadama sa iyong mahal ang wagas na pag-ibig ng sa ganon ay mas lalo ka niyang mahalin." Napangiti siyang nagbaling sa may edad na ginang na tila kinikilig din ito. Kaya naman ay inakbayan pa niya si Evannah, sabay halik sa buhok nito. "Sweet couple." Ngunit bigla siyang sinapak nito at pagkatapos ay mabilis na naglakad palayo. Kaya agad na sinundan ngunit nag-anyong may shooting nang sunod sunod itong nagpalawala ng sipa at suntok si Evannah. Kaya ang tangi niyang nagawa ay sikapin maiwasan ito or else baka sa lapag siya pulutin. "Sweetheary, enough! Tingnan mo ang paligid." Hindi maiwasan mag-alala dahil baka makatawag pansin sila at matunton ng mga lalaking huma-hunting sa dalaga. At nakahinga siya ng maayos nang biglang huminto ito. Kaya agad niyang hinawakan sa braso. "Let's go! Hindi tayo dapat magtagal sa lugar na ito dahil siguradong maya maya lang ay naririto na ang mga taong gustong iligpit ka." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero alam niyang naririnig siya nito. Tahimik silang naglakad patungo coffee shop, maliit lang yon pero sa tingin niya ay masarap ang cake na naroon sa loob ng eskaparate. Patunay ang napakaraming customer. "Kailangan muna natin kumain upang may energy dahil walang kasiguraduhan kung sino ang pwedeng maka-encounter sa atin." Hindi siya sinagot ni Evannah, ngunit baghagyang tumango kaya agad na kinawayan ang waiter. Pagkatapos ay hinayaan niyang mag-order ito ng gusto nitong pagkain. "Hindi ko kilala ang mga pagkain na 'to kaya mabuti pang ikaw na ang kumuha ng order." Sabay abot sa kanya ng hawak na menu book. Subalit hindi na niya iyon nagawang kunin mang biglang namataan ang limang lalaking papasok sa loob. "Sweetheart, natunton na nila tayo. Be careful okay?" "Sure, let's play…. Craig." May bahagyang ngiti na ito habang nakatingin sa mga parating. At nakaramdam siya ng kasiyahan dahil sa narinig. Tinawag na siya nito sa kanyang pangalan kaya siguradong hindi na ito galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD