Chapter- 5

1574 Words
EVANNAH PARANG nanadya ang pagkakataon. Biglang huminto ang barko sa gitna ng karagatan. At maya maya pa ay nakarinig ako ng announcement. Pansamantala raw kaming mananatili sa kinaroroonan dahil may sumabog daw na parte sa makina. Kaya ang ginawa ko ay nahiga na lamang sa aking bed. Kulang pa lang din ako sa tulog ng nagdaang gabi at hindi maganda ang aking pakiramdam. Agaw kamalayan ako nang may naramdaman kakaiba. Mabilis na bumangon ngunit may biglang humila sa akin at naging sanhi ng pagbagsak namin pareho sa gilid ng kama. Pagkatapos ay bumukas ang pinto ng cabin. Ganun pa man ay dama ko ang init na lumukob sa aking kaibuturan. Gusto kong itulak ang lalaking nakadagan sa ibabaw ko ngunit may mga yabag na parating mula sa kung saan. Pagsilip ko sa ilalim ng kama ay may dalawang lalaking nakatayo sa 'di kalayuan. “Shhh, they want to kill you.” mahinang bulong ng lalaki sa aking taenga. Imbis na matakot ay nakaramdam pa ng matinding galit. Malakas na tinulak ang lalaking kagabi lang ay nagpa kilala bilang Craig. Pagkatapos ay agad na tumayo. Kasabay ay agad na sumalakay sa akin ang dalawang lalaki. Hindi ako si Evannah Donovan, kung basta lang tatamaan ng sipa at suntok. “Give me my knife!” sigaw ko kay Craig. At agad naihagis nito sa akin ang kailangan ko pagkatapos ay walang sinayang na sandali. Pinalipad ko ang kutsilyo at sapol ang isang lalaki sa braso. Pagkatapos ay sinundan ko pa ng malakas na sipa at nalugmok na ito sa gilig ng pinto. “Get him! Ako na ang bahala sa isang ‘to.” aking narinig ang boses ni Craig. Ngunit hindi ko na ito pinasin. Dinampot ang tali ng aking robe ay tinalian ang kamay ng lalaki. Saka bumaling sa isang lalaki at malakas na sinipa iyon. Kahit binugbog pa rin ito ni Craig. Hindi kalakihan ang cabin kaya naging masikip sa amin ang lugar. At kahit walang kalaban laban ang isang lalaki ay patuloy pa rin ako sa sunod sunod ang pagpapakawala ng malakas na sipa at suntok. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na hinayaan na ako ni Craig. “Asshole! Sinong nag-utos sayo na patayin ako?” “Patayin mo na lang ako dahil wala kang makukuhang sagot mula sa akin. At kapag hinayaan mong mabuhay ako ay babalikan kita!” sa sobrang galit ko ay binunot ang kutsilyong nakatusok sa kamay ng isa at akmang lalaslasin ko ang lalamunan nito ng bilang agawin iyon ni Craig. “Huwag mong hayaan na malagyan ng dugong kriminal ang kamay mo!” “Ano ba ang pakialam mo, akin na yan at papatayin ko talaga ang gagong ‘to!” subalit mabilis na nailagay ni Craig sa likuran at wala na akong nagawa kundi tumalikod. Lumabas ng cabin at tinawag ang unang staff na aking nakita. “Hanggang kailan tayo sa gitna ng dagat, hindi pa ba maayos ang makina?” “Hindi pa po, malaki ang damages.” “Umakyat ka sa hagdan na yon, tapos makikita mo ang cabin na nakabukas. Naroon ang dalawang lalaking sumira ng makina.” nakita ko ang pagkalito sa mukha nito. Kaya mabilis akong dumistansya. At heto sumalakay na nga sa akin, kaya naman pala ay kasabwat ito ng dalawang lalaking naroon sa loob ng aking cabin. “Magkano ang binayad nila sayo upang hayaan silang sirain ang makina upang tangkain patayin ako?” “Shut up b***h!” "So, hindi ka staff dito kundi kasamahan nila!” at sa puntong yon ay hindi ko na ito binigyan ng chance. Tumalon ako ng ilang sunod patungo sa gilid at ng sumunod ito ay aking pinakawalan ang secret moves na hanggang maari ay ayaw kong gamitin. Pagkatapos ay hinintay ko na lapitan ako nito. “Wala ka ng kawala ngayon, b***h!” “Wala ka bang alam sabihin kundi ang salitang yan, coward?” ngunit hindi ako nito sinagot at alam ko na ang susunod nitong hakbang. Iyon nga lamang ang aking hinihintay. At mabilis na na iwasan ang pag-atake nito. Sabay ikot at pinakawalan ko ang magkakasunod na sunok. Nang ma-out of balance ay malakas kong sinipa ng dalawang sunod. Nahulog ito ngunit mabilis na nakakapit sa bakal. At hindi ako papayag na makabalik ito sa ibabaw ng barko. Kaya aking tinapakan ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa bakal. “Good bye!” kumaaway pa ako dito hanggang bumulusok ito sa kailaliman ng tubig. Pag baling ko sa bandang likuran ay naroon si Craig, nakasandal ito sa gilid ng wall at nakatingin lang sa aking kinatatayuan. Balewala ko naman itong nilampasan at bumalik sa aking cabin. Pagdating sa doon ay wala na ang mga lalaki at napaisip ako kung sino nga ba talaga si Craig. Pulis nga ba ito tulad ng pakilala nito sa akin nang nagdaang gabi? “Miss, please talk to me.” sabay hawak nito sa aking braso. Kaya huminto ako sa gagawing paglabas at tinitigan ito ng masama. Parang nasasanay na ang lalaking ito na bigla na lang lumilitaw at agad akong hahawakan. “Anong kailangan mo?” sabay hila ko sa aking braso. “Pwede ba mister simula sa mga oras na ito ay huwag mo nang uulitin na hawakan ako. Wala tayong relasyon, hindi kita kamag-anak, boyfriend at lalong hindi asawa upang basta lang ako hawakhwakan!” tumalikod ako at mabilis na lumalayo sa lalaki. “Pwes! Be my girlfriend!” ang salitang yon ang tuluyang pumutol sa aking natitirang konting pasensya. Bumalik ako sa kinatatayuan nito at walang salitang tinuhod ng malakas ang harapan nito. “Asshole! Hindi ang kagaya mo ang lalaking magugustuhan ko. Saka tumalikod at walang pakialam na iniwan ang namimilipit sa sakit na lalaki. Dumiretso ako sa receptions at kinausap ang staff. “Hanggang kailan ang pananatili natin dito sa gitna ng dagat. Bakit hanggang ngayon yata ay walang dumarating na rescue?” seryoso ang aking mukha habang naghihintay ng sagot mula sa taong kaharap. Huwag lang sanang magkakamali itong magsinungaling dahil sasapakin ko talaga. “Take this card, iyan ang po ang bago mong cabin number.” sa halip ay yon ang sagot nito sa akin. Halos hablutin ko ang card mula sa kamay nito dahil nagsisimula ng sumabog ang aking temper. Ngunit hindi pa man lang ako nakakalayo ay nakita ko ang nakasulat sa likuran ng card. Isa iyong noted so ibig sabihin ay kilala ako ng staff na yon? Ipinasok ko sa bulsa ang card bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang biglang kumalam ang aking tiyan at saka pa lamang naalala na hindi pa pala kumakain. Sa halip na tumuloy sa bagong cabin room ay nagtungo sa dining area. Iilan lamang ang taong kumakain kaya naman ay malaya kong inisa-isa ang pagkain na naroon. Hindi familiar ang mga putahe ngunit gutom na talaga ang aking pakiramdam kaya kahit ano na lang ang nilagay ko sa hawak na tray. “Please, huwag kang umalis.” nawala ang aking gutom dahil sa boses na yon. Talagang ayaw akong tantanan ng lalaking ito. At alam kong may pakay ito sa akin kaya panay ang lapit. Kaya kahit gustong iwanan ito ay sinikap pakalmahin ang sarili. “Fine!” bago nagpatuloy sa pagkain. Ngunit hindi ko gusto ang lasa lalo pa at nakita kong merong galamay ng squid. Biglang bumaliktad ang aking simura. Kaya mabilis na tumakbo palabas at hindi malaman kung saan pupunta dahil anunang oras ay lalabas ang konting nakain. Nagulat pa siya ng may kamay na humila sa kanya. At napa sunod na lamang siya ng makilala na si Craig iyon. Isang pintuan ang pinasukan nilang dalawa at dinala agad siya nito sa tapat ng lababo. “Ano ba ang nakain mo at biglang sumama ang yong tiyan?” “I-Iyong kamay ng squid,” at muli siyang nasuka. “Hindi ka pala kumakain ng squid bakit yon ang kinuha mong pagkain?” mahinahon ang boses nito ngunit pagkainis ang aking nararamdaman. Kaya mabilis na lumayo dito at matapos makapag hilamos ay lumabas na. Ngunit napahinto rin agad ng maramdaman nasa likuran ko pa rin ang lalaki. “Hindi mo ba ako tatantanan, Craig?” “Wow! Tinawag mo ako sa aking first name?” “Iyon ang pangalan sinabi mo hindi ba?” inis na talaga ako sa lalaking ito. “Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin at bakit lagi kang nakasunod kahit saan ako magpunta?” “Hindi naman sa ganun, kaya lang wala kang kasama at mag-isa din ako. So, mas mabuti na may makausap, lalo na at hanggang ngayon ay naririto tayo sa gitna ng dagat. Saka ayaw mo ba na maging magkaibigan tayo?” “Ano ang totoong pakay mo sa akin, dahil hindi ako naniniwala sa mga alibi mo, Craig.” “Graig Nathaniel Legaspi, yan ang full name ko.” hindi ako sumagot at kahit ang nakalahad nitong palad ay hindi ko rin pinapansin. “Wala akong masamang intensyon sayo talagang nagkataon lang na wala akong ibang makausap. Siguro naman ay hindi mo mamasamain habang naririto tayo sa loob ng barko?” “Evannah Donovan.” bago tinanggap ang pakikipagkamay nito. Siguro tama ito lalo at nasa ganito kaming lugar. Alam ko din na malaki ang naitutulong nito sa akin. Kaya nagpasya akong tanggapin ang pakikipagkaibigan nito. At doon nagsimula ang pagkakalapit namin sa isa’t-isa ni Craig. Kahit sa pagkakape o pagtambay sa bar habang nakikinig ng pinoy band ay magkasama kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD