CRAIG NAKATANGGAP siya ng info na papatayin si Evannah sa mismong loob ng cabin nito. At hindi niya iyon papayagan mangyari. Kaya heto silang dalawa at palutang-lutang sa tubig matapos niya itong itulak kaninang galing sila sa restaurant. Madilim at kung sakaling may nakakita sa kanilang dalawa ay mahihirapan din silang masundan. Kanina pa rin siya niraratratan ng mura mula sa dalaga. Ngunit hindi niya ito pinapansin abala ang kanyang mata sa paghahanap ng speed boat. “Kapag nagtagal pa tayo dito ay mamamatay na ako sa lamig!” narinig niya ang sigaw nito pero dedma siya. Imposible naman mamamatay ito ng ganun lamang. Dahil sa pagkakaalam niya sa ilang detalye ng buhay nito ay dumaan ito sa ilang taon training sa lahat ng pakikipaglaban. Ganun din sa navy seal, kaya sa halip na pakingg