Chapter- 4

1540 Words
GRAIG KASALUKUYAN akong nakahiga dito sa loob ng cabin nang tumawag ang aking ama. Ayaw ko sana iyong sagutin dahil inaantok na ako. Ngunit alam kong importante dahil hindi tatawag sa ganitong oras kung basta lang pangungumusta. At mahina ang signal dito sa loob kaya lumabas ako. “Papa, anong mahalagang sasabihin mo at tumawag ka sa ganitong oras?” ganito silang mag-usap ng ama parang magkaibigan lang. “Ipaalala ko lang sayo ang kaarawan ng yong mama, at sa makalawa na yon. Siguradong tatampo siya kapag hindi ka dumating anak.” “Darating po ako papa, saka maaari ko ba naman makalimutan ang mahalagang araw niya?” “Alam ko na hindi mo makakalimutan pero busy ka sa trabaho mo kaya pinapaalala ko lang.” “Papa, alam kong hindi yan ang main reason kaya tumawag ka. Ano po ang mahalagang sasabihin mo sa akin?” “Bilisan mo ang paghahanap sa kanya dahil nakatanggap ako ng impormasyon. Nalaman ng mga kriminal na buhay siya at baka maunahan ka.” “Ginagawa ko ang lahat upang makita agad siya.” “Good, mag-ingat ka dyan, bye.” “Sandali papa….” wala na sa linya ang ama. Kaya nagpasya ng bumalik sa loob. Ngunit hahakbang na sana patungo nang pintuan nang may naulinigan ingay. At sa rooftop iyon nagmumula. Kaya mabilis na tinalunton paakyat ang makitid na hagdan. Pagdating sa taas ay may isang babaeng nakatayo habang ang isa pang babae ay nakaluhod. Pagkatapos ay dalawang lalaki ang naroon ilang dipa ang layo sa dalawang babae. Hindi muna ako lumapit sa mga ito bagkus ay sumandal lang sa gilid at nakinig. Napapaisip din ako kung ano ang ginagawa ng mga ito sa lugar na yon. Dahil sa aking kaalaman ay bawal ang sinuman sa rooftop unless mga staff ng barko. “I said let her go!” hindi ko na hinintay ang mga susunod na eksena at agad na lumabas mula sa aking pinagtataguan. Pagkatapos ay lumapit at sinita ang mga ito. Ngunit hindi ko inaasahan ang naging sagot ng isang babae. Matapang ito at may kakaiba sa kilos kaya naman ay agad nitong nakuha ang aking atensyon. At agad akong nagpanggap na pulis katulad ng lagi kong ginagawa kapag may gulo na nadadaanan sa gilid ng daan. Ang hindi ko inaasahan ay nang bigla nito akong sipain. Pagkatapos ay mabilis na tumakbo habang hila ang babaeng kanina lang ay nakaluhod. “Akala ko pulis ka bakit ka natakasan ng mga babaeng yon?” humarap ako sa dalawang lalaki at malakas na sinapak ang dalawa. “Kayong dalawa ang pumasok sa cabin 309, at ninakawan nyo ang ginang!” “Bakit kami ang pagbibintangan mo ay ang dalawang babaeng yon ang magnanakaw?” hindi ako sumagot at hinayaan na humakbang ang dalawa palaalis. Pero syempre hindi niya papayagan makatakas ang dalawang ito. Kaya ng malapit na sa hagdan ay malakas ko silang sinipa. Tatakbo pa sana ang isa ng isahan ko pa ng sipa ngunit nahulog sa hagdanan. Bago ko bitawan ang isa ay akin munang sinikmuraan. Saka ko iniwan at agad na bumaba. Ngunit hindi ko na inabutan. “Ito ba ang hinahanap mo, Mr. Pulis?” hindi ko agad nakita ang babae dahil nakasuot ito ng itim at nakasandal sa gilid ng wall. “Bakit nasa iyo ang bag na ito?” ngunit hindi man lang ito sumagot sa halip ay biglang binitawan ang bag. Pagkatapos ay tumalikod at naglalakad palayo. Gusto kong sundan ang babae pero sa huli ay nagbago ang aking isipan. Dala ko ang bag at pinuntahan ang cabin na katabi ng aking cabin room. “Misis, huwag ka nang umiyak. Heto ang bag at tingnan mo kung may nawala sa loob.” “Maraming salamat, Hijo.” pagkatapos ay agad na inabot ang bag at binuksan iyon. Bahagya ko pang nasilip ang loob at mukhang wala namang nawala doon. Kaya agad akong nagpaalam at hinila pasara ang pinto. Imbis na pumasok sa aking cabin ay muli akong lumabas. Nagtungo ako sa bar at nag pasya ng uminom baka sakaling antukin kapag nakainom ng tatlong bote na beer. Pagpasok ko ay iilan lang ang naroon. Sa bar counter ako naupo ngunit natilihan ako sa paghakbang nang mamukhaan ang pigura ng babae. Maliwanag sa loob at kitang kita ang itsura ng babaeng nakatagilid. “Oh! sh*t!” Hindi napigilan mapamura nang makita ang kalahati ng mukha nito. Mabilis na dinukot ang wallet at kinuha ang picture doon ng isang babae. Kumpirmado ito ang babaeng dahilan kung bakit pansamantalang iniwan ko ang aking trabaho. At umuwi ako dito sa bansang Pilipinas. Agad akong naupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. “Eherm, n-nag iisa ka yata, M-Miss?” f*ck! Bakit ba ako nauutal? Mura ko sa aking sarili. Ngunit wala yatang reaksyon ang katabing babae. Kaya muli akong nagsalita pero bigla itong tumayo at umalis. Kaya mabilis kong sinundan. Hindi maaaring mawala sa aking paningin ang babae ito. “Sinundan mo ba ako, Mister?” biglang hinto nito at agad na humarap sa akin. “Anong kailangan mo hindi pa ba tapos ang pang aakusa mo sa akin na magnanakaw ako?” “Ahm, h-hindi naman sa ganon, a-at kaya kita s-sinusundan upang mag-sorry sa maling akala ko.” tangina bakit ba ako na uutal?” muling mura ko sa aking sarili. “No need, Mister. Sige, maiwan na kita at inaantok na ako.” “S-Sandali, ako pala si Craig, ikaw anong pangalan mo?” ngunit hindi man lang ito sumagot. Gusto ko pa sana habulin pero baka magalit na ng tuluyan. Napapa iling sa sariling naglakad pabalik sa loob ng bar. Nakailang boting beer ako bago magpasya ng bumalik sa cabin. Dumiretso ako sa loob ng shower room. Limang minuto lang ang ginugol ko sa loob pagkatapos ay lumabas din agad. Natulugan ko na ang pag iisip sa babaeng kahit minsan ay hindi pumasok sa isipan ko na guguluhin nito ang aking sistema. Ilang babae na rin naman ang binigyan ko ng atensyon ngunit ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. May kakaiba sa sarili at hindi mabigyan ng tamang kahulugan. Kinabukasan pagtingin sa orasan ay malapit ng mag alas otso ng umaga. Mablis na naligo at nagbihis. Simpleng white t shirt at shorts lamang ang suot. Pagkatapos ay dinampot ang cellphone at lumabas ng cabin. Tumuloy sa dining room at isa-isang tiningnan ang mga pagkain na naroon. Walang isa man nagustuhan kaya nakuntento na lamang sa kape. “Ouch!” hindi mo ba ako nakikita, Mister?” bigla na lang kumalabog ang aking dibdib ng marinig ang boses na yon. At kahit gustong humarap ay tila naparalisa ang mga paa. “Hey! Hindi mo ba ako naririnig o nananadya kang hindi ako pakinggan?” “S-Sorry,” sabay pihit ko at humarap na dito. Ngunit mabilis ko itong nahila ng makita sa ‘di kalayuan ang dalawang lalaking may hawak na baril. “Ano ba bitawan mo nga ako!” “Shhh, may dalawang armadong lalaki. Mukhang ikaw ang pakay nila.” sabay silip ko sa gilid at palinga linga pa rin ang mga ito na parang may hinahanap. “May nakalaban ka ba bago ka bumiyahe?” “Y-yeah, doon sa club…. I mean… sa Club Red Butterfly.” “Mukhang nasundan ka nila dito. Go! Dumiretso ka lang ng lakad at huwag lilingon. Ako na ang bahala sa mga ito.” nakita kong nag dalawang isip pa ito kaya tinaluk ko na. Pagkatapos ay nag lakad ako pabalik sa pila ng mga taong bumibili ng pagkain. Hindi nagtagal ay nasa malapit ko na ang dalawang armado. “Ang mabuti pa ay maghiwalay tayo, kailangan natin hulihin ang babaeng yon.” “Paano kung pumalag, mukhang matapang eh.” “Barilin mo, tapos itapon sa dagat.” “Ang bilin ni Boss ay dalhin sa kanya ng buhay. Lalo pa at nakita na ang litrato ng babaeng yon. At sa palagay ko ay gagawin taga bigay-aliw lamang ni Boss, ang babaeng yon. Maganda naman talaga at kakaiba ang alindog. Sa narinig ay hindi napigilan ang sarili at pinalipad ang kamao. Tumba ang lalaki sa sahig habang ang isa ay nag tutok ng baril sa ulo ko. “Hey! Bakit mo babarilin ang lalaking yan hindi ba at ako naman ang hinahanap nyo?” mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. At nakatayo doon ang babaeng kanina lamang ay pinatulakan kong umalis. “Mabuti naman at hindi mo na kami pinahirapan. Sabay tutok ng baril sa ulo ng babae. Ngunit iglap lang ay nag laglagan ang bala sa sahig. Naagaw na pala nito ang baril sa lalaki. At kahit hindi ako umamin ay talagang napahanga sa kakaibang galing nito. Isa pa ay unang encounter ko ang makakita ng babaeng ganito kagaling. “Next time galingan nyo hindi yong palampa lampa! Sayang lang ang balls mo sana naging babae ka na lang, huh!” sabay sipa ng malakas sa dalawang lalaki. Pagkatapos ay agad na umalis. Ang gagawin pag kakape ay hindi na natuloy. Mabilis na sinundan ang babae ngunit hindi na ito nakita pa. Panghihinayang ang aking naramdaman dahil sa pangatlong pagkakataon ay hindi ko na naman nakuha ang pangalan nito. Pero syempre hindi naman ako papayag na tuluyan itong mawala sa aking pangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD