Chapter- 1

1244 Words
EVANNAH Ang nakaraan.... “Mommy, bakit hindi po ako maaaring lumabas ng mansyon?” “Dahil wala ka namang kailangan sa labas anak at lahat ay naririto na sa loob. Isa pa ay masyadong maingay sa gusto mong puntahan, At hindi dapat sayo ang ma expose sa ganoong lugar. Mas mapapanatag kami ang Daddy mo kung mananatili ka lang dito.” mahabang paliwanag ng aking ina. “Paano po kung mag colegio na ako?” “Sa bagay na iyon ay walang problema, ihahatid sundo ka ng diver at mga bodyguard.” malumanay na sagot pa rin ng aking ina. “Sige po Mommy, doon na muna ako sa kwarto ko.” “I love you, anak.” sa halip ay iyon ang sinagot nito. Kaya naman napangiti na lang ako at yumakap sa kaniya. “Nagtatampo ka ba sa akin anak, o maaaring nagagalit?” patuloy na tanong pa nito sa akin. “Kahit kailan ay hindi ko yon magagawa sa inyo ni Daddy. Alam ko po na mahal nyo ako, kaya walang dahilan para maka ramdam ako nang ganoon.” “Salamat naman kung gano’n, sige umakyat ka na sa kwarto mo. Ipapatawag na lang kita sa Yaya mo pag ready na ang dinner.” pataboy na nito sa akin. Ang buong buhay ko ay umiikot lang sa buong compaound ng Donovan Mansyon. At lahat ng kailangan ko ay parang magic lang na agad nilang naibibigay sa akin. Hanggang umabot ako sa edad na desiotso. “Yaya, bagay ba sa akin ang kursong Medical technology?” “Bakit may plano ka bang maging doktor?” agad na tanong nito. “Opo Yaya, para pag matanda na sila Mommy at Daddy ay ako na ang magiging physician nilang dalawa. Ayaw kong ibang tao pa ang mag aalaga sa kalusugan ng aking mga magulang.” “Tama, anak kaya mag aral kang mabuti para matupad mo ang iyong pangarap.” ika pa nito na kinangiti ko. “Sana lang po ay pumayag sila sa kursong napili ko.” “Huwag mong isipin na hindi sila papayag. Dahil napakaganda ng plano mo para sa kanila, kaya iyon ang napili mo. Basta ipaliwanag mo lang ng maayos, sakaling desidido ka na.” wika pa nito habang hinahaplos ang mahaba kong buhok. Kaya naman lalo na akong nakaramdam ng pananabik sa mga nalalapit na araw ng pasukan. “Mawalang galang na po Senyorita Evanna. Ipinasasabi po ng iyong Daddy na parating na sila at kasama nila ang kaibigan ng pamilya. Kaya ihanda mo raw po ang iyong sarili sa pagharap sa mga panauhin.” pasintabi ng isa naming tauhan sa pag uusap namin ng aking Yaya. “Maraming salamat, Kuya Aldrin.” “Wala pong anuman Senyorita Evanna.” at magalang na itong nagpaalam. “Halika na anak, kailangan mong magbihis ng maayos. Dapat presentable kang haharap sa kanila.” sabay hila nito sa kamay ko. At dinala ako sa isang napakalaking silid na puno ng sari saring mga damit. “Yaya, bakit kailangan ko pang magbihis ng ganito? Meron po bang okasyon?” “Wala akong idea, anak. Basta sundin na lang natin ang mga bilin nila. Kaya halika na at pumili ka ng damit na gusto mong isuot.” iginiya ako ni Yaya sa mga naka hanger na nagagandahan damit. At isang simpleng bestida ang aking napili. Pagkatapos namin doon ay dinala naman ako nito sa mga sapatos. Isang puting sandals ang aking dinampot. Saka kami dumiretso ng isa pang room. Naroon ang make up artist na tila kanina pa naghihintay sa akin. “Magandang araw Senyorita Evanna, naririto po kami ng aking kasama para pagsilbihan ka. Ang bilin ng iyon Mommy ay itataas ang iyong buhok. At ang make up ay huwag masyadong makapal.” paliwanag pa nito sa akin. “Okay, salamat.” saka ako pumikit at hinayaan ang dalawang babae. Ramdam ko ang pag iingat nilang dalawa habang ina-apply sa mukha ko ang make up. At lumipas ang halos isang oras ay narinig kong sinabi ng isa na tapos na. Kaya agad akong nag mulat ng mata. Hindi ako makapaniwala sa nasa harapan ng salamin. Ang akala ko ay namalikmata at hindi ako iyon. “Napaka ganda mo Senyorita Evanna, para kang anghel sa kalangitan na bumaba dito sa lupa.” wika pa ng isa na ikinangiti ko. “Halika na anak, kailangan mo ng mag bihis at parating na sila.” may pagmamadali na pahayag ng aking Yaya. Matapos kong pasalamatan ang dalawang nag ayos sa aking mukha at buhok ay pumasok na kami ni Yaya sa kabilang room. Doon ay mabilis akong nagbihis at nang tumunog ang intercom ay alam kong dumating na sila Daddy at Mommy. “Halika na Yaya.” at nag patiuna na ako sa paglalakad habang nakasunod ito sa akin. Pagdating namin sa bulwagan ay nasalubong namin silang papasok. Agad na humalik ako sa aking mga magulang at nagbigay galang sa mga panauhin. “Your so beautiful, hija.” papuri ng ginang na nakangiti sa akin. “Salamat po Ma’am.” “Call me, Tita or Mommy Rose, dahil sooner or later ay magiging Mommy mo na rin ako.” dugtong pa nito na ikinabigla ko. “Halina kayo at doon na tayo sa dining.” narinig kung paanyaya ng Mommy ko. At habang naglalakad kami ay napapaisip ako kung bakit iyon ang sinabi ng ginang sa akin. At sino naman kaya ang anak nito na gusto yatang irito sa akin. “Pagpasensyahan nyo na kumpadre, kumadre na hindi nakarating ang aming binata. Sa kadahilanang tawag ng tungkulin.” hinging paumanhin ng ginoo sa aking mga magulang. “Walang problema kumpadre, marami pa namang pagkakataon. Isa pa ay kailangan pang magtapos ng pag aaral ang aming unica hija. Pasasaan ba at magkikita rin sila.” narinig kong pahayag naman ang aking ama. Habang lumilipas ang oras ay kainip inip na sa akin. Dahil wala naman akong naiintindihan sa pinag uusapan ng mga ito. Subalit bilang respeto ay kailangan kong manatili doon hanggang hindi pa umaalis ang mga bisita. At sa wakas ay narinig kong nagpaalam na ang mga ito. “Hija, hintayin mo ang aming unico hijo at huwag ka sanang tatanggap ng ibang manliligaw.” tila nag aalala pa ito habang kinakausap ako. At dahil pinalaki akong masunurin at magalanang ng aking mga magulang ay nakangiti pa rin akong tumango. Pagdating namin sa labas ay nag usap pang sandali ang mga ito bago tuluyang lumisan. “Mabuti naman at hindi nila kasama si CN, dahil masyado pa namang maaga para makilala ng ating anak ang binata nila.” rinig kong wika ni Mommy. “Hayaan mo na sila sweetheart, masyado lang excited ang mga iyon sa pagkikita ng dalawa.” sagot naman ng aking Daddy. “Daddy Mommy, aakyat na po ako sa aking kwarto.” agad kong paalam dahil nakakaramdam na ako ng pangangati ng mukha. Kahit kailan talaga ay hindi ako nasanay sa kahit anong make up. “Okay anak, mag pahinga ka na.” mabilis na sagot ng aking ina. Matapos kong halikan ang aking ina at ama ay malaki ang hakbang na umakyat sa aking kwarto. Dumiretso agad sa loob ng banyo at naligo. At nang matapos ay agad akong nakaramdam ng kaginhawaan. At habang nakaupo ako sa harapan ng dresser ay biglang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa lalaking nakatakda kong pakasalan. At lihim kong nausal na sana ay makahanap na lang ng ibang babae ang lalaking iyon >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD