EVANNAH
Naririto ako sa England at katatapos lang ng aking graduation sa pagka masteral. Ang nakakalungkot ay hindi nakarating ang aking mga magulang. Kaya’t sa halip ay agad akong umuwi ng bahay at humiga sa ibabaw nang aking kama. Dahil sa sobrang pagod ay agad na hinila ako ng antok at tuluyang nakatulog. Subalit ginising ako nang pag iingay ng telepono.
“Yes, hello?” namamalat ang aking boses kaya tumikhim ako para makapagsalita ng maayos. Hanggang narinig ko ang boses sa kabilang linya.
“Senyorita Evanna, kailangan mong umuwi ng Pilipinas. Sapagkat may masamang nangyari sa iyong mga magulang.” hindi agad ako nakapag salita sa narinig mula sa aking kausap.
“Senyorita Evanna, naririnig mo ba ako?” at saka pa lang luminaw sa pandinig ko ang mga sinasabi nito sa akin.
“Anong ibig mong sabihin, attorney?”
“Huwag ka sanang mabibigla, ngunit wala na ang iyong mga magulang. Kaya kailangan mong umuwi dito sa lalong madaling panahon.”
Marami pang sinasabi ang aking kausap subalit wala na akong isa mang naintindihan. Nabitawan ko ang telepono at tuloy tuloy nang tumayo. At nang mga sandaling iyon at tila matutumba ako sa kakaibang pakiramdam.
“Senyorita Evanna, ano po ang nangyayari sayo?” subalit hindi ko pinansin ang isang kasambahay. At naramdaman kong hinawakan nito ako para igiya sa isang upuan.
“Senyorita Evanna, maupo ka po muna at kukuha ako ng tubig.” magalang nitong paalam bago nagmamadaling tumakbo palayo.
Nang makainom at mahimasmasan ako ay mabilis nag impake at agad kong tinawagan ang piloto.
“Be ready, lilipad tayo patungo ng Pilipinas.”
“Copy po Senorita.” sagot ng nasa kabilang linya.
Matapos ay agad kong binaba ang telepono at tinawag ko ang isang kasambahay.
“Prepare yourself, and after one hour ay aalis na tayo.”
“Opo, senyorita.” sagot niya sa akin.
Makalipas ang tatlong oras ay nasa himpapawid na kami. Walang ibang laman ang Donovan Private plane kundi kami lang ng aking kasambahay at buong staff ng eroplano. Sa mahaba naming byahe ay hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Kahit pilitin kong magpakatatag ay hindi mapigilan ang sunod sunod na pagpatak ng aking luha. Kaya naman pala hindi nakarating ang mahal na ama at ina ko ay lumisan na ang mga ito. Sobrang sakit at parang gusto nang pumutok ang aking dibdib sa pighati. Nag iisa na ako ngayon at hinding hindi ko na makakasama pang muli ang mga ito. Hangang naramdaman kong kinalabit ako ng aking kasama.
“Senyorita Evanna, naririto na po tayo.” At sa narinig kong iyon ay luminga ako sa paligid. Nakalapag na pala kami ay hindi ko man lang namalayan. Kaya’t nagmamadali na akong tumayo at tuloy tuloy na bumaba ng eroplano. Paglabas namin ng arrival area ay sinalubong kami ng driver at mga bodyguard. Doon ay muling tumulo ang aking luha at hindi ko na napigilan ay napahagulhol na ako. May nag abot sa akin ng tissue at tubig, ngunit hindi ko sila pinasin. Bagkus ay inaayos ko ang aking sarili at tumanaw na lang sa labas. Hindi naman nagtagal ay agad na narating namin ang mansyon. Halos tumalon na ako sa sasakyan makababa lang agad. Tumakbo akong papasok sa loob ng salubungin ako ng dati kong Yaya.
“Anak, magpakatatag ka at pilitin mong tanggapin na wala na sila.” mahinahon nitong sabi sa akin. Kaya tumango na lang ako at yumakap dito.
“Gusto ko pong dito sa mansyon ilagak ang mga labi ng aking mga magulang. At pagsapit ng ikaapat na araw ay maaari na silang ihatid sa huling hantungan.”
“Hayaan mo at kakausapin ko si Attorney, ipararating ko ang iyong kagustuhan.” muli akong tumango sa narinig ko.
Halos hindi na ako makapaghintay na makita ang mga labi ng aking ina at ama. Kaya naman nang marinig kong dumating si Attorney ay agad ko itong sinalubong.
“Attorney, gusto kong dito na lang po sa mansyon iburol si Daddy at Mommy.”
“Kung yan ang iyong kagustuhan ay masusunod, Senyorita Evanna. Ipapaayos ko agad sa service funeral na mailipat sila dito.” mabilis na sang ayon nito sa akin.
“Maraming salamat po, attorney.”
“Walang anuman po Senyorita Evanna.” muling sagot pa nito.
Makalipas ang tatlong oras ay dumating sa mansyon ang mga labi ng aking ama at ina. Sa puntong iyon ay muli akong mapahaguhol ng iyak. At ng makita ko ang mga mukha nila na wala ng buhay. Unti unti akong nakaramdam ng galit, pagkamuhi at sumumpa akong pag babayaran ng mga taong kumitil sa buhay nila.
Makalipas ang tatlong araw ay dinala na sa huling hantungan ang mga labi ng pinakamamahal kong ama at ina. Huling sulyap para sa kanilang dalawa ay umusal ako ng isang pangako. Kahit ano ang mangyari ay kukunin ko ang hustisya at ibibigay ko sa aking mga magulang. Pagdating sa mansyon ay agad na kinausap ako ni Attorney.
“Senyorita Evanna, paki tawagan mo lang ako pag handa ka nang makinig para basahin ko ang huling habilin na iniwan ni Don Benedicto at Donya Luella.” malumanay na pahayag nito bago nagpaalam sa akin.
“Salamat po, Attorney.”
Ilang araw ang lumipas at pinatawag ko si attorney. Binasa lahat ng iniwan huling habilin mula sa aking mga magulang. At habang nakikinig ako ay gumagana ang aking isipan sa ibang bagay. Hanggang natapos ang pagbasa ay kinausap ko siya. Sinabi ko na pansamantalang ilagak sa pinaka malaking banko ang lahat ng kayamang ngayon ay pagmamay ari ko na. Agad naman itong sumang ayon sa aking plano. At nang makaalis ang butihing abogado ay agad akong nag search. Hinanap ko ang pinakamagaling na makipaglaban, sa martial art, paghawak ng baril at lahat ng klase ng weapon. At sa mismong likuran ng mansyon ang plano kong magsanay.
Makalipas ang isang linggo…
“Senyorita Evanna, nasa labas po ng mansyon ang trainor mo.” pahayag ng isang kasambahay ko.
“Sige papasukin mo at pakihandaan na rin ng maiinom.”
“Sige po, Senyorita Evanna.” narinig ko pang paalam nito.
“Master Jeno, at your service Ma’am.” sabay lahad nito ng palad at agad ko naman iyong tinanggap.
“Call me Evanna, para hindi masyadong pormal.”
“Okay, Evanna, magsimula na tayo?” pahayag nito na agad kong siyang ayunan.
Nag tungo kami sa likuran ng mansyon at doon ay sinimulan ang mga dapat kong matutunan. Sa umpisa ay inakala kong madali lang. Ngunit ng lumaon ay tila gusto ko ng sumuko. Subalit sa tuwing maiisip ko kung paano pinatay ang aking ama at ina ay lumalakas ang aking loob. Ang bawat dugo, pawis na dumadaloy sa aking buong katawan. Gutom na inabot ko sa hirap ng pagsasanay. Pagbibilad sa init ng araw at halos ay sumuko na ako. Hanggang ang mga hirap at pagsubok na pinapagawa sa akin ay unti unti kong nakasanayan. At lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon ay napagtagumpayan ko ang lahat. At ngayon ay tinagurian na akong si Evanna, the assassin.
This is the beginning…