Chapter- 2

1556 Words
Isang Women’s University, ang aking pinapasukan. At sa araw araw ang naging routine ko ay bahay eskwelahan lang. Walang pagkakataon na makapunta ako sa ibang lugar sa kadahilanang iyon ang bilin ng aking mga magulang. “Evanna, hindi ka ba nasasakal sa klase ng buhay na meron ka?” narinig kong tanong ng aking katabi sa upuan. Isang umagang nasa isang table kami, habang gumagawa ng project. “Hindi naman, dahil ito na ang nakasanayan kong buhay. Maliit pa lang ako ay ganito na ang routine ko. At isa pa wala rin naman akong hilig na lumabas. Humn… bakit mo pala na tanong ang bagay na yon?” “Wala naman, malapit na kasi ang birthday party ko at gusto sana kitang imbitahan sa aming bahay.” tila nanghihinayang na pahayag nito sa akin. “Pasensya ka na Ellaine, hindi ako pwede sa mga ganyan.” mabilis kong sagot sa kaniya. “Ayos lang naman, marami pa namang pagkakataon. Halika na at magsisimula na ang klase, terror pa naman ang ating professor.” sabay hila nito sa kamay ko at magkasunod naming tinungo ang classroom. Habang nagli-lecture ang professor namin ay biglang tumunog ang aking cellphone. Ang lahat ay napa tutok ang mata sa kinauupuan ko. “Ms. Donovan!” narinig kong sigaw ng aming professor. Kaya’t dali daling kong ini-off ang aking cell phone at humingi ng paumanhin. “Next time, I will confiscate your mobile phone!” seryoso ang boses na tila galit pang nakatingin ito sa akin. Kaya naman napatungo na lang ako at hindi na sumagot pa. Nang matapos ang klase ay muling lumapit sa akin si Ellaine. “Ayos ka lang ba? Huwag mong masyadong isipin si terror. Palibhasa ay matandang dalaga yon kaya masungit.” natatawa pa nitong paliwanag. “Okay lang, may iniisip lang akong iba. Paano pala mauna na ako, wala naman ang professor ng susunod nating subject.” “Hindi ka na ba pupunta sa library?” tanong nito na tila ayaw pa akong paalisin. “Hindi na, sa bahay na lang ako at isa pa ay siguradong nasa parking na ang sundo ko.” “Sige, ingat.” pilit ang ngiti nito habang kumaway palayo.” “Ikaw rin.” pasigaw kong sagot, bago tuloy tuloy na akong nagtungo sa parking. Maraming nagsasabi na boring ang buhay ko. Walang kasiyahan, at hindi ko man lang maranasan ang mamasyal sa mga mall. Makisalamuha sa mga ka edad ko na nag pupunta sa party. Siguro ay hindi pa rin daw ako nagkakaroon ng boyfriend. O tamang sabihin na dapat ay sa kumbento ako manirahan. Mga salitang lagi kong naririnig, ngunit kontento naman ako sa buhay na meron ako. Kaya hindi ko na lang sila pinapansin hanggang sumapit ang aming graduation day. “Daddy, bakit po maraming media?” inosente kong tanong sa akin ama. “Huwag mong pansinin ang mga yon anak. Normal lang sa status ng buhay natin ang mga ganyan.” paliwanag ng aking ama. “Gano’n po ba?” “Oo, anak, nakikibalita lang ang mga yon tungkol sayo. Dahil ngayon lang nila nakita ang napakagandang prinsesa ng Donovan family. Kaya gusto nilang makakuha ng scoop para may mailathala sila.” hindi ko alam kong biro iyon ni Daddy, pero natatawa na lang ako sa sagot nito. Makalipas ang dalawang buwang bakasyon ay kinausap ako ng aking ama. “Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?” ayon sa pananalita nito ay tila hindi kumbinsido sa binabalak ko. “Opo Daddy, gusto kong maging isang doktor. Kaya sana po ay payagan nyo ako ni Mommy.” “Wala namang problema anak, kung yon ang gusto mo. naririto kami ng Mommy mo para suportahan ka. Kaya lang kaya mo ba ang makakita ng mga taong nag aagaw buhay? Mga sugatan at naliligo sa sarili nilang dugo?” kita ko ang pag aalaala nito habang nakatingin sa aking mukha. Kaya naman sa halip na matakot ay ngumiti pa ako at lumapit sa aking ama. Dahil alam kong pumayag na ito kaya yumakap na ako at nagpasalamat. “Basta ayaw kong mababalitaan na gumagawa ka ng labag sa amin ng iyon Mommy.” seryoso na pananalita pa nito. “Daddy, alam nyo naman po na kailanman ay hindi ko magagawang suwayin kayo ni Mommy. Isa pa wala rin akong hilig sa mga bagay na hindi mahalaga. Kaya huwag na po kayong mag alala at pag aaral lang ang pinagtutuunan ko ng buong panahon.” pagbibigay assurance ko sa aking ama. “Salamat naman kung gano’n, anak.” nakangiti na ito sa akin. “Anong drama nyong mag-ama?” malapad ang pagkakangiti ni Mommy habang palapit sa amin. “Itong ating mahal na prinsesa ay tuloy na daw ang pagkuha ng medisina. Kaya naman samantalahin na natin ang pagkakataon. Dahil pag nagsimula na ang klase ay siguradong mawawalan na ng oras ito sa atin.” pabirong sagot ni Daddy na ikinatawa ko. “Dad, kahit kailan ay hindi po mangyayari yon. Lahat ng bakanteng oras ko ay para lang sa inyo ni Mommy. Isa pa hindi naman ako aalis ng mansyon, kaya lagi pa rin tayong magkakasama.” “Mahal na mahal ka namin anak, Kaya sa tuwing napapalayo ka sa amin paningin ay hindi kami mapalagay.” kita ko ang takot sa mga mata ng aking mga magulang. Kaya naman nilapitan ko sila ay sabay na niyakap. “Mahal na mahal ko rin kayo, Mommy Daddy. At hindi po ako mawawala sa inyo. Kaya maging panatag sana kayo at huwag mag isip ng makapagbigay sa inyo ng stress.” DUMATING ang araw ng pasukan, UP Manila. Malakas ang naririnig kong bulungan ng mga estudyante ng dumaan ako sa gilid nila. Subalit hindi ko na lang sila pinansin. Tuloy tuloy na tinungo ko ang aking unang subject. Pagpasok sa loob ay halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. “So, ikaw pala ang babaeng pinag uusapan ng mga estudyante sa buong campus huh!” narinig kong pahayag ng isang babae tungkol sa akin. Subalit hindi ko ito pinansin at tumuloy ako sa bakanteng upuan. “Hello Miss, pwede ba kitang maging kaibigan?” boses na malapit sa akin, kaya bumaling ako sa bandang kaliwa ko. Isang magandang babae ang nakangiti kaya sinuklian ko na rin ng isang simpleng ngiti. At magmula ng araw na iyon ay kaming dalawa na ang laging magkasama. Sa tuwina na dadaan kami ay naririnig ko ang mga salitang bago sa aking pandinig. “Huwag mo silang pansinin BFF, dahil inggit lang ang mga yon sa ating dalawa. Tayo lang kasi ang pinaka maganda dito sa campus.” wika ng aking kaibigan. “Hindi naman yon ang point ko, kundi ang mga salita nilang hindi familiar sa akin.” “Hayaan mo na sila, dahil hindi mo talaga maintindihan. Mga salitang kanto kasi ang mga lumalabas sa bibig ng mga yon.” malakas nitong pananalita kaya agad kong sinaway. Subalit tinawanan lang ako nito at mas lalo pang isinigaw ang mga sinasabi. At sa aking pag iisa, habang nakaupo ako paharap sa bintana ng classroom. Unti unti kong na-realize na napakalayo pala ng mundong ginagalawan ko. Kumpara sa klase ng mga estudyanteng nakapalibot sa akin. At masasabi kong isa akong inosente sa kalakaran ng buhay. Mabilis lang ang paglipas ng panahon, ngayon ay graduating na sila. At talaga naman nag-enjoy siya sa kanyang korso. Kung noong mga unang taon niya sa colegio ay nahihirapan siya. Lalo pa ng mga oras na sila mismo ay nasa harapan ng mga taong sugatan. Mga taong agaw buhay ay prang hindi niya kakayanin. Ngunit ng lumaon ay nakasanayan na rin niya lalo pa at gusto niya talagang maging doktor. Hindi lang sa sariling pangarap kundi ang lahat ng hangarin niya ay para sa mga magulang at sa taong nangangailangan. Ngayon ay balewala na sa kanya ang mga ganoong senaryo. Ang sabi pa nga ng kasamahan niya ay matapang daw pala siya. Siguro dahil maraming beses na siyang nakita ng mga ito na tumutulong sa loob mismo ng operating room. Araw ng pagtatapos ay talaga namang napakasaya niya lalo at nakamit niya ang pinakamataas na grado sa buong batch nila. Walang pagsidlan ang puso niya ng kaligayahan lalo ng ibigay niya sa kanyang ama at ina ang gold medal. "Congratulations, Princess." "Thank you po daddy' mommy." "Konting panahon na lang at matutupad mo na ang iyong pangarap, anak." "Syempre naman po, para sa inyo yon eh. Upang pagmatatanda na kayo ay ako ang inyong physician. Aniko pa habang may malapad na ngiti. "Hija, halika na at baka abutan tayo ng malakas na ulan at malapit na rin dumilim." kundi pa ako tinapik sa balikat ni Yaya ay hindi pa babalik sa realidad. Magmula ng ilibing ang aking mga magulang ay araw-araw akong nagsasanay sa pakikipaglaban. Pagkatapos ay dito na ako didiretso kasama si Yaya ganun din ang aking mga bodyguard. Sapagkat hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula ng matapos ang aking pagsasanay. Pero wala pa rin palya ang pagpunta ko sa puntod ng aking mga magulang. Gusto kong samantalahin habang naririto pa ako. Dahil kapag nagsimula na ang aking plano ay matatagalan na niyang dalawin muli ang kinaroroonan ng ama at ina. "Yaya, halika na." at sabay na kaming naglakad patungo sa naghihintay na sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD