Pipay POV
Hindi ko alam na may alaga siyang ganon kalaki na anaconda. Iniisip ko tuloy kung makakaya ko ba yun dahil isa akong birhen na babae. Naman ako pa ba si Pepe Pipay ng Baryo Kapangitan na nililigawan ng karamihan ipinagmamalaki ko na isa akong babaeng fresh na fresh na handang magpatira sa anaconda este sa lalaking nakahiga ngayon.
"Ang gwapo mo at ang laki-laki pa ng alaga mo." bungisngis kong sabi sa kanya habang natutulog ito.
"Ay maghunos dili ka Pepe Pipayyy!"suway ko sa sarili ko baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya at magahasa ko siya ng wala sa oras at makulong ako. Ayokong makulong dito sa baryo namin dahil paglilinis ka ng mga inidorong mas mabaho pa sa tae ng baboy at kasing dugyot ni Hipon sa mga gamit.
Pero kung siya din naman ang dahilan kung bakit ako makukulong ay walang problema atleast natikman ko siya bago makulong diba.
"Kung ano-ano na ang iniisip ko jusko marimar!" Dahil nakita ko na din naman lahat ng tinatago niya ay wala ng pag-aalinlangan na binihisan ko siya. Hindi ko din maiwasan na mapatingin sa alaga niya dahil sa haba nun. Umiling na lang ako at sinuotan ko siya ng panloob at short na pagmamay-ari ni Tatay ng nabubuhay pa siya.
"Ayan bihis kana, Hindi kana bold star"bungisngis kong sabi. Umupo ako sa tabi ng kama at pinakatitigan ang mala-anghel niyang mga mukha.
"Siguro madaming nag kakagusto sayo." kausap ko sa kanya. Para na akong tanga na kinakausap yung tulog. Baliw din ako eh, baliw sa kanya.
Napadapo ang mga mata ko sa mapupulang mga labi niya. Para itong nanghihikayat na halikan ko ang mga ito.
"Mabilis lang naman eh. Saka hindi naman siguro siya magigising kapag hinalikan ko siya ng mabilis."napaisip ako ng ilang minuto.
Tama mabilis lang naman eh mukha naman mahimbing ang pagkakatulog niya. "Bahala na nga." mabilis kong dinampian ng halik ang mga labi niya. Kaya hindi ko naramdaman kung gaano kalambot ang mga ito.
"Isa pa."ani ko, hinalikan ko ulit siya sa labi pero pinatagal ko ng limang sigundo.
Napahawak ako sa mga labi ko "Ang lambot ng labi niya" kinikikilig ko g sabi. Sabi nila kung sino daw ang first kiss mo ay siya ang makakatuluyan mo.
"Isa pa last na to promise." inilapat ko muli ang mga labi namin pumikit pa ako para maramadam ko kung gaano kalambot ang mga labi nila tatagalan ko to ng sampung minuto. Alam ko naman na hindi siya magigising dahil sa nangyari sa kanya sa dagat.
Isang minuto
Dalawang minuto
Apat na minuto
Limang minuto
Anim na minuto
Walong minuto...
"Aray"sigaw ko ng biglang may tumulak sa akin sa kama dahilan para mahulog ako at nauna ang pwet ko.
"Aray ang sakit nun ah mukhang napuruhan ang balakang ko"
"What the hell are you doing to me woman?!" pagalit niyang sigaw sa akin. Puso ng saging tulungan niyo ako sa gwapong halimaw na nagising ngayon ngayon lang. Bakit ba siya nagising?! Pero ok lang naka walong minuto naman ako sa kanya.
"Answer me damn it?!"napapitlag naman ako sa sigaw niya.
"Ito na ito na sasagot na nga diba?! Kailangan sumigaw ka pa? Pwes para sabihin ko sayo hindi mo kailangang sumigaw kasi sasagutin naman kita! Saka you... No english please I kennat intindi you, tagalog only your here in the Philippines, so no need to english. Gets mo ba? Jusko marimar bakit ba ang hirap-hirap mag english! Ikaw naman pinapahirapan mo pa ako!"
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko napakahirap talagang nag English sa panahon ngayon. Nung nag-aaral pa ako nung elem kami ako ang best in english kaya lang nasunog ang paaralan namin kaya madami sa amin ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May iba pa nga dyan na nakapagtapos pero buntis naman.
Kaya kayo wag kayong harot ng harot ha? Mahal ang gatas. Mahal ang diaper kung magpapatusok din naman kayo para makaramdam ng saya aba! Wag niyong iaasa sa mga magulang niyo lahat pag nabuntis kayo! Hirap hirap na nga ng buhay magpapabigat pa kayo sa mga magulang niyo. Oh wag sanang masaktan yang pwet mo.
"Why I even talking to you?"Tigas din ng bungo nitong lalaking to eh. Sabing walang english kasi hindi ko din naman siya maiintindihan ng maayos.
"Anong ginagawa mo sa akin? Asaan ako? Bakit ako nandito?" sunod-sunod nitong tanong.
"Whoa andami mo namang tanong?"sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Ok...ok, Una sa lahat wala akong ginagawa sayong masama. Nakita ko na lahat ng tinatago mo kaya kasi binihisan kita. Maliwanag na?" kalmado kong pagkakasabi.
"What? Nakita mo? Bakit mo tinignan?!"galit niyang sabi sa akin. Aba dapat nga magpasalamat siya dahil nakita ko lahat ng tinatago nito.
Ako to si Pepe Pipay ang nag-iisang pinaglihi sa pepe ng kalabaw. Ang pinaka maganda, pinakasexy at pinaka jowable sa Baryo Kapangitan.
Aangal ka pa ba? Simpre hindi baka gusto niyang mahampas ng dospordos. Bobo din pala to eh. Gwapo nga may pagkabobo naman.
"Simpre may mata ako kaya ko nakita! Tanga ka pala eh gwapo mo pa naman pero 'di ka nag iisip." kutya ko sa kanya.
"Anong sabi mo?"nakakinis na siya ah.
"Ayokong ulitin hindi ka lang nag iisip isa ka ding bingi."
"What's wrong with you? Are you crazy?"nakakunot at pagalit nitong sabi.
"Hoy ikaw?! Wag na wag mo akong mumurahin dahil kahit hindi ko alam yang nga pinagsasabi mo alam kong minumura mo ako!"
"Whatever! Bakit ba ako andito?" tanong niya ulit.
"Nakita kita sa dalampasigan na nakahandusay at pinagchichismisan ka ng mga tao dahil sa mala adonis mong katawan at dahil dyan sa gwapo mong pagmumukha. Kaya kita dinala dito sa bahay namin. Kaya kita pinalitan ng damit dahil basang basa ka baka magkasakit ka. Kaya wag mong akong sisihin kung bakit ko nakita yang pinagmamalaki mo. Wala ka dapat ikahiya kasi malaki naman ang anaconda mo." hindi ko napigilan na mapabungisngis dahil sa sinabi ko.
"Tigilan mo na nga yang sinasabi mo. Nakakairita na baka masuntok kita ng wala sa oras" naiinis niyang sabi.
"Ano bang nangyari sa akin?" hindi na ata matatapos tong pagtatanong niya. Eh siya pa nga ang nakakairita eh.
"Aba malay ko sayo. Eh hindi naman ako yung nahulog mula sa dagat ah. May nahulog na eroplano malapit dyan sa dagat. Nakita ka nung mga mangingisda kaya dinala ka nila sa dalampasigan." paliwanag ko.
"Wala ba akong mga kasama na nakasakay doon?" hindi naman kasi malaki yung eroplano na yun eh. Para siyang eroplanong pangpribado dahil hindi naman kagaya ng ibang eroplano na makakasakay ang madaming pasahero.
"Wala nga eh nakakapagtaka nga na ikaw lang ang nakasakay doon. Saka mukhang pampribadong eroplano yun kasi maliit lang naman. Ano bang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam." naiinis niyang sabi.
"Luh pwede ba yun? Nakalimutan mo sarili mong pangalan. Mamaya natama pala ang ulo mo sa ng saan kaya wala kang maalala. Hindi bale magpapatingin tayo sa doctor bukas. Kaya lang halos dalawang oras ang byahe doon pero ok lang."
"Bakit ba wala akong maalala?"inihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya kaya hinawakan ko ang mga ito.
Ngumiti ako sa kanya "Habang wala kang naalala dito ka muna. Wala ka din namang pupuntahan kaya mas mabuting dito ka muna sa bahay para maalagaan kita mahal ko."kumunot ang noo niya.
"What the hell? Mahal ko? Bakit mo ako tinatawag na mahal?"
"Eh hindi ko alam ang pangalan mo eh kaya tatawagin na lang kitang mahal" lumayo naman siya sa akin ng konti.
"Matakot ka nga sa pinagsasabi mo. Mag-isip ka ng ipapangalan sa akin para naman mag asawa tayo kapag tinawag mo akong mahal. Edi tawag din sa akin ng iba Mahal." may point naman siya sa sinabi niya.
"Ito na nga nag-iusip na." kung magkakaanak kami ng lalaki at kamukha niya ano ba ang gusto kong ipangalan sa anak namin pag-nagkataon.
"Kit na lang! Maganda diba?" masayang wika ko. Mahal kong Kit grr ang ganda.
"Bakit Kit ang ipapangalan mo sa akin?" Ano ba yan lahat na lang tinatanong ng kumag na to.
"Kasi pag nagkaanak tayo ng lalaki ayun ang ipapangalan ko sa kanya. Maganda naman ang Kit na ipangalan sayo. Tapos sa magiging anak natin na lalaki Kit Kat ang magiging pangalan niya"napatanga siya dahil sa sinabi ko.
"Anong klaseng pag-iisip ang meron ka? Saka asa ka naman na mag kakaanak tayo! Ngayon pa nga lang nakikita eh. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan mo"sabi nito.
Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala sa kanya.
Tumayo ako at nagpose sa harapan niya.
"Ako si Pepe Pipay ang nag-iisang pinaglihi sa pepe ng kalabaw. Ang pinakamaganda, pinakasexy at pinakajowable sa Baryo Kapangitan... And I thank youuu!" nag bow pa ako sa kanya.
Nakangiti akong bumaling sa kanya pero nakatanga lang ito. Abayan wala oang reaksyon kahit isa.
"Hoy mahal wala ka bang reaksyon dyan?"kalabit ko sa kanya.
"Don't call me that it's gross! Basta wag mo akong tatawaging mahal kung hindi..."
"Kung hindi ano." hamon ko sa kanya.
"Kung hindi hahalikan kita."natigilan ako sa sinabi niya pero pilyo akong ngumiti sa kanya.
"Mahal? Mahal, mahal, mahal!"paulit-ulit kong sinasabi alam ko namna na hindi niya yun magagawa. Alam ko na sinabi niya lang yun para tumigil ako. "Wala ka pala eh ang hina mo."ani ko.
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya"Bye mahal!"nakangiti kong sabi aalis na sana ako ng higitin niya ang kamay ko at hiniga ako sa kama. Kaya ang pwesto namin ay nasa ilalim ako habang siya ay nasa ibabaw ko.
Jusko marimar anong gagawin niya sa akin? Bubuntisin na niya ba ako? Sana mag bilang anghel ang sarili ko dahil sa sinabi ko.
Nakatitig lang kami sa isa't isa ng bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya napatingin din ako sa mga labi niya. Nakita ko kung paano bumaba at umangat ang adams apple nito tanda na napalunok siya.
Hindi ko naiwasan na mapakagat ng labi. Oo na isa din ako sa mga mahaharot na kabataan na nandyan sa labas. Ang harot mo Pepe pero ok na maging maharot kung siya naman ang haharutin ko! Mukhang mapapasabak ako ah!
"I'm not weak woman."mahina nitong sabi, at sinakop ng mga labi niya ang labi ko!