bc

Pepe Pipay ng Baryo Kapangitan (COMPLETED)

book_age16+
2.4K
FOLLOW
7.3K
READ
drama
comedy
sweet
Writing Challenge
YA Fiction Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Si Pepe Pipay ay isang babaeng feelingera at maharot na babae. Nainlove ito sa lalaking iniligtas niya sa dalampasigan. Aba sino bang hindi magkakagusto sa isang Dark Dela Torre na may pak na pak na katawan at may ipagmamalaking anaconda.

Pero paano kung hindi ka kayang ipaglaban ng taong mahal mo?

Susugal kapa ba? Kahit na alam mo ang kakahantungan ng relasyon niyo?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ako si Pepe Pipay and yes Pepe Pipay ang pangalan ko, pinaglihi ako sa pepe ng kalabaw. Ang nanay ko naman ay si Matilda Mangkukulam... Oo isang bruhang mangkukulam ang nanay ko at ako naman ang bruhang anak. Simpre like mother like son este daughter pala. Madaming nagsasabi na assumera daw ako dahil nagmamaganda daw ako! Kahit totoo naman na ako ang pinakamaganda... pinakasexy at pinaka jowable dito sa baryo kapangitan. Neknek nila hindi ako assumera dahil yun naman ang totoo. Halos hindi na nga maligo ang mga tao dito sa Baryo eh, Eh ako? naliligo pa ako sa ihi ng kambing namin... Hindi biro lang napaka dugyot ko namang magandang babae. Naliligo ako sa gatas ng kambing namin, oh diba bongga? Gatas ng kambing na pinangligo ko ehh yung mga tao dito sa baryo halos kasing baho na ng imburnal lalo na yung mga bunganga nilang parang pinaglihi sa armalite hindi matahimik, putak ng putak akala mo naman may idudulot sa lipunan. At dahil lamang naman ako sa paligo at sa amoy ako lang naman ang Reyna ng kagandahan dito sa Baryo Kapangitan, aangal ka? Eh kung ipakulam kita sa nanay ko! Kumekembot ako ng parang bebe na naglalakad sa kalsada, with pose pa yan para pak na pak. Bongga kasi akong babae yung timpong makikita mo pa lang ako laglag na panga mo sa kagandahan ko. Madalas din kasing may mga shooting dito baka makuhanan ako madiscover ako oh diba! Habang nagpopose ako sa ilalim ng puno may namataan akong matanda na pinagtri-tripan ng mga monggoloid hindi ko alam may kalahi pala si mojojojo dito. Mga kabataan nga naman hindi na naaawa sa matandang kuba, eh kasing pangit lang sila ng alalay ng nanay kong kuba eh! Hindi naman sa panglalait pero ayun naman ang totoo. "Hoy kayong mga batang hampaslupa na ang papangit! Anong ginagawa niyo dyan sa matandang hukluban na yan?"maarteng sigaw ko sa kanila. Kumembot pa ako ng tatlong beses at ng tumbling papunta sa kanila. "Ano bang pakealam mong bruha ka ha? Bumalik kana lang sa palda ng nanay mo!" "Aba... Aba wag na wag mong idadamay ang mudrakets ko dito kung ayaw mong gawin kong bola yang ulo mo!" ang walanghiya dinamay pa ang nanay kong gumagawa ng kulam! Nananahimik yun doon eh habang nag hahalo sa malaking palayok. "Pakealamera kang pangit ka ah, bumalik kana lang sa nanay mo kung ayaw mong masupalpalan ka ng maskulado kong katawan." literal na sumuka ako sa gilid dahil sa sinabi niya. "Patawa ka pala monggi eh, hindi ko naman alam na clown ka pala. Bakit saan mo ba tinago yang maskulado mong katawan? Dahil sobrang patpatin mo isang suntok ko lang sayo tulog kana! Ahh alam kona tinago mo siguro dyan sa malaki mong mata yang maskulado mong katawan kaya ikaw lang ang nakakakita." Tumawa naman na parang baliw ang mga kasama niya. Mga baliw pala tong mga to eh wala namang nakakatawa sa sinabi ko, pag buhulin ko silang lahat eh. "Oo nga pre sa mata mo ba tinago?" at dahil sa sinabi ng kasama niyang unggoy ayun nag sapakan na sila sa harapan ko. Mga bastos to ah kinakakausap kopa nag sapakan na sa harapan ko. "Tay ok lang po ba kayo? Ano pong ginawa ng mga hukluban na to tay?"inalalayan kong tumayo si tatay sa pagkaka-upo. Grabe naman kasi si tatay bat naisipang umupo sa kalsada eh ang init-init buti hindi napaso pwet neto. "Hoy ikaw babae! Umalis ka nga ditong haliparot ka! Mas mabuting umalis kana lang dito!" "Hoy wag na wag mo akong ma-hoy hoy dyan ha! May pangalan ako"nagpose ako ng ilang beses sa harapan niya" My name is Pepe Pipay from barangay Kapangitan and I'm 19 years old."elementary kong pagkakasabi. "oh english na yan full detail pa ha! wag kang maarte dahil hindi yan ikakaangat ng Bansang Pilipinas! Kayo ang umalis dito pabayaan niyo yang matandang hukluban na yan!" "Sino kaba? Ang angas mo ah akala mo naman maganda ka eh kamukha mo lang yung kalyo ko sa paa." sabat nung isa. "Hoy bago mo muna ako ihalintulad dyan sa kalyo mong mga paa! ipaayos mo muna yang ngipin mo! Ano ka? Halatang ginawa mong ulam yung candy nung kabataan mo? Iisa na lang ngipin mo buti nakakakain kapa?! Oh baka naman lunok na lang wala ng nguya!" konti na lang maipapatikim kona ang mag asawang sampal sa kanya. "Ang kapal ng mukha mong haliparot ka! Baka gusto mong makatikim?!"singit nung isang kalbo na sobrang kumikinang ang ulo dahil sa sikat ng araw. "Hoy kalbo! kung ayaw mong tanggalin ko yang kumikinang mong ulo tumahimik ka dyan! dahil wala kang dulot sa lipunan ang sasama ng mga ugali niyo! pati matanda pinagdidiskitahan niyo!" "Isa pang kalbo ka wag na wag kang sasabat sa usapan dahil extra ka lang dito! wala kang line dito!" "Ay ganon ba... pasensya naman, Teka sino bang bida dito?" napairap ako hindi ba niya binasa yung script? Palibhasa extra lang siya dito. "Simpre ako! Ano ba namang klaseng tanong yan?! Akala ko buhok lang ang wala sayo pero pati utak nawala na." "ah ok... ok sige take two tayo." ano ba naman to kami pa mag aadjust sa katangahan neto. "Umalis na lang kayo at hayaan tong matandang hukluban para matapos na! Nasasayang ang beauty ko sa inyo! mga engot naman kayo eh! Isa pa wala kayong mapapala dyan." "Oh sige-sige ano bang kailangan niyo?"naiinip kong sabi. "Gusto namin ng pera, Bakit meron kaba nun ha?" tanong nung wala ng ngipin. "Wala pero eto meron"inilabas ko ang baril ng kapitbahay namin na si Kanor. Sobrang ingay kasi nito habang naglalaro ng baril-barilan kaya kinuha ko. Kung sabagay isip bata naman kasi si Kanor pero kahit na ang ingay pa rin niya. "Putang*na pre may baril na oh tara na!"nagmamadali namang tumakbo yung kalbo. "Putang*na mong pangit ka! Babalikan kita dahil sa pananakot mo!" sigaw nung walang ngipin. "Oh sige balikan mo ako para mabaril ko yang nag-iisa mong ngipin!"balik kong sigaw. Tumawa ako simpre tawa ng isang mangkukulam. Tinuruan ako ng nanay ko kung paano tumawa ng ganito at halos mapalo ako ng nanay kong panget dahil hindi ko makuha-kuha dati. Binalingan ko naman si Tatay na nakabaling lang sa puno ng Narra kung saan ako nag pose kanina. "Tay! ano pong tinitignan niyo dyan? Wala na po yung mga nanggugulo sa inyo." "May babaeng nakahubad doon sa taas oh."turo nito sa taas ng narra. "Tay wala naman po eh, Teka hindi niyo po ba ako papasalamatan? Kahit meryenda na lang po Tay." nagugutom na din ako eh siguro naman bibigyan niya ako kasi tinulungan ko siya. "Naka drugs kaba ija? Mga kabataan nga naman gagawin ang lahat para makapangloko ng tao." umiiling pa ito na umalis. "Grabe naman meryenda lang hinihingi ko naka drugs na agad! Napaka judgemental ng mga tao ngayon simpre isa na ako doon. Tay kayo po ata naka drugs eh!"sigaw ko. Ako pa sasabihan na naka drugs eh siya nga tong humahalik sa poste! "Gumagamit pala tong matandang to eh." nagtumbling na lang ako pauwi sa bahay naming kasing pangit ng alalay ng nanay kong bruhilda na pinagmanahan ko ng kapangitan. Kahit pala tumulong ako sa mga nangangailangan hindi pa rin yun mapapansin ng ibang tao dahil anak ako ng mangkukulam pero ok lang yun. Sosyal nga ako eh anak ng mangkukulam tumulong aba! Sosyal talaga! Bahala sila sa mga buhay nila basta ako kakain ng uod galing sa niyog na tinabak ng alalay ng nanay ko. Ako nga pala ulit si Pepe Pipay ang nag iisang pinaglihi sa pepe ng kalabaw at pinakamaganda, pinakasexy at pinakajowable dito sa Baryo Kapangitan and I thank you!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Godfather My husband

read
271.4K
bc

His Cheating Heart

read
45.6K
bc

Unexpected Romance

read
40.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K
bc

NINONG II

read
632.2K
bc

My Husband's Mistress

read
300.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook