Pipay POV
"Bilisan niyo wag kayong magbabagal-bagal!" Halos kalahating oras na kaming naglalakad at hindi pa rin kami nakaka-uwi sa pangit naming bahay.
"Eh kung ikaw kaya bumuhat sa kanya? Ang bigat-bigat eh."napatnig ang tenga ko dahil sa sinabi ng isang lalaking nag buhat sa mapapangasawa ko.
"Anong sabi mo ha? Paki-ulit nga at ng matanggal ko yang pasmado mong dila."tumikom naman siya ng bibig takot din naman pala eh.
"Dalian niyo nga! Naiinip na ako."reklamo ko si Hipon naman panay ang titig at sundot sa tyan ng mapapangasawa ko.
Susundutin niya sana ulit ang tyan ng mapapangasawa ko pero mabilis kong pinalo ang kamay niya. Binatukan ko pa siya ng malakas kaya sumubsob ang mukha niya sa sariwang tae ng kalabaw na nasa daanan. Hindi kasi sementado ang kalsada namin malayo nga kami sa kabihasnan eh.
"Buti nga sayo! Sundot ka pa nang sundot ah" nandidiri siyang tumayo at tumingin sa akin ng masama.
"Walanghiya kang babae ka!"hinayaan ko lang siya na magsalita ng magsalita, bago ako makalampas sa kanya tinulak ko siya sa palayan na bagong araro lang dahil taniman na ngayong buwan na to.
"Gaga ka talaga Pepe Pipayy napakamaldita mo sinusundot ko lang naman eh!"
"Nakailang sundot kana eh! Pasalamat ka at yan lang ang inabot mong haliparot ka!"hindi ako lumingon sa kanya, nagmartsa ako papunta sa bahay namin dahil sa pagtulak ko kay Hipon ayan tuloy naiwan na ako ng mapapangasawa ko! Masasabunutan ko talaga si Hipon pag may nakakaaligid na ngayon sa mapapangasawa ko! Mga chismosa pa naman ang tao ngayon.
Pagpye-pyestahan talaga ang mapapangasawa ko dahil sa mala adonis nitong pangangatawan pati na rin sa tanglay niyang kagwapuhan.
Nang malapit na ako sa bahay ay kitang-kita ko ang mga ibang kababaehan sa bakuran namin na tila ba may pinagmamasdan silang anghel na bumababa sa langit.
"Ang gwapo niya ano kaya ang pangalan niya?"nangikit ang mata ko ng hahaplusin sana nito ang mukha ng mapapangasawa ko pero mabilis kong nasipa yung bato na nasa harapan ko at tumama yun sa balikat niya.
"Aray! Sino ba yung namamato?!"galit siyang tumayo at humarap sa akin. Nagpamewang ako at tinaasan ko siya ng kilay.
"At sinong may sabi sayo na pwede mong hawakan ang mapapangasawa ko aber?!"napasinghap naman ang mga chismosong nakapaligid sa amin dahil sa sinabi ko. Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman ah hindi porque ang papangit na nila ay hindi na sila maniniwala sa tanglay kong kagandahan at katapatan sa bayan.
Sugod mga kababayan! Ibandera natin ang watawat ng pilipinas!
"Anong sabi mo mapapangasawa mo ang makisig na lalaking ito?"natatawang sabi ni aking Pasing.
"Aling Pasing wag kang sumasabat dito ah problemahin mo yang mga utang mo. Ang galing-galing mong umutang pero putak ka ng putak pag may nagsisingil sayo" napaubo naman siya dahil sa sinabi ko. Baka may tuberculosis na siya buti nga sa kanya.
Hirap sa ibang tao pag nakautang na at wala ng kailangan nakakalimutan na nila yung mga utang na loob nila. Sila pa may ganang magalit pag nagsisingil na. Kaya ikaw kung may utang ka na kagaya ko matuto kang magbayad hindi yung utang ka lang ng utang kasi pinagkakatiwalaan ka nung tao na mag bayad. Gets mo? Sabi ko nga wala kang utang na loob.
"Oo nga kailan kaba mag babayad? Yung trenta pesos na utang mo sa akin halos dalawang taon na yun ah. Bili kapa ng bili ng mga beauty products eh hindi ka naman gumaganda. Mas lumalala pa nga yang mukha mo."Sabi ng kumare niyang si Lucy.
"Magbabayad din ako sayo wala akong pera ngayon."
"Aba! Dapat mabayaran mo na ako mamaya! Kundi kukuha ako ng isa sa mga beauty products mo!"
Hinayaan ko na lang silang mag-sagutan doon.
"Umalis kayo dyan!"sigaw ko nag sitabihan naman sila. Lumapit ako sa mapapangasawa ko na nakahiga sa lupa. Ang babastos ng mga bumuhat sa kanya! Ipapakulam ko sila sa nanay ko mamaya. Hindi man lang pinasok sa bahay namin!
"Ano pang tinitingin niyo dyan ha? Walang palabas dito magsi-alis na kayo! Asikasuhin niyo yung mga buhay niyong pariwara!"Isa-isa naman na silang umalis, binalingan ko ng tingin yung mapapangasawa ko.
"Alam mo hindi kita sisisihin na naging gwapo ka. Nalove at first sight ako sayo eh!"kinikilig kong sabi, inilagay ko naman ang braso niya sa balikat ko at pahirapan ko siyang naitayo.
Panigurado sasakit ang buong katawan ko lahat ng bigat niya ay sa akin napupunta. Dahan dahan lang akong naglakad papasok sa pintuan namin. Nauntog pa ito sa pintuan dahil sa katangkaran niya. Hindi naman kasi malaki ang bahay namin.
"Oh sino yang inuwi mong lalaki Pepe ha?!"galit na sigaw ng nanay ko. Inirapan ko lang siya at dinala sa kwarto ko ang mapapangasawa ko. Hiniga ko siya sa kama ng maayos at inayos ko pa ang pagkakahiga niya para kumportable ito para din makapagpahinga siya.
"Hay salamat!"sinuntok-suntok ko ang balikat ko dahil sa masakit na ito. Ang daming butil ng pawis ang kumawala sa katawan ko.
"Hoy ikaw na babae ka sino yan ha!"hinila pababa ng nanay ko ang buhok ko.
"Aray naman nay! Ang OA ah... Siya mapapangasawa ko ano kaba!" pinanlakihan niya ako ng mata na akala mo naman masisindak ako. Mas nakakatakot pa yung mukha ng alalay niya.
"Hoy Pepe hindi kita pinalaki na mag-uuwi na lang bigla-bigla ng lalaki ah!"pinalo niya ako sa pwet ng walis niya.
"Nay naman ehh nagmamahalan kami wag ka ngang kontrabida sa buhay pag-ibig ko. Ayaw niyo ba akong maging masaya!"nagdrama ako umupo ako sa tabi ng napapangasawa ko.
"Mahal ko siya Nay at ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya."diterminado kong sabi.
"Peste kang bata ka! Saan mo yan nakita ha?"kulang na lang mag-abo ng apoy ang nanay ko dahil sa galit niya. Buti na lang hindi kami kumakain ng laman ng tao.
"Sa dalampasingan po Nay pinagkakaguluhan siya ng mga kababaihan doon kaya inuwi ko siya at magpapakasal mo kami."sinabunot naman ng nanay ko ang buhok niyang kulot at madaming kuto kagaya ko.
"Kailan mo yan nakilala ha?!"naiinis niyang sabi.
"Kanina lang po!"masayang sabi ko nakatikim naman ako ng batok.
"Aray naman nay ah kanina ka pa nananakit ah. Sinasaktan niyo na yung damdamin ko."humawak pa ako sa dibdib ko kahit naman na wala lang sa akin yung pagbatok niya.
"Pag nagising yan pauwiin mo na! Hindi ka magpapakasal! Hindi ngayon! Hindi kailanman!" Magwa-walk out sana to pero pinigilan ko siya.
"Wag ka munang mag walk-out nay! Wala pa akong sinasabi sa sinabi mo eh!"maktol ko humarap naman siya sa akin.
"Oh sige na dalian mo nang bata ka may gagawin pa ako eh."
"Nay ayokong tumandang dalaga! Sana naman po isipin niyo na magkakaasawa at magkakaapo kayo! Nay gusto kong maramdaman yung mahalin ako at alagaan ako! Kagaya ni tatay kahit na maaga siyang nawala sa atin Nay. Gusto kong maranasan yung naramdaman niyo nung panahon na nagkakilala kayo ni Tatay." sa pagkakataong to totoo na lahat ng sinabi ko. Natahimik naman ang nanay ko, umiiyak siyang umalis sa kwarto ko.
Napabuntong hininga ako sana naman natauhan ang nanay ko na gusto kong magkaroon ng asawa.
Napansin ko na basa ako kaya naman lumingon ako sa adonis kong mapapangasawa. Nakalimutan ko na nalunod pala siya kanina. Kumuha ako ng damit sa kwarto ni Nanay hindi kasi tinapon ni Nanay ang nga damit ni Tatay sabi niya kahit papaano ay maalala niya pa rin si Tatay araw-araw tuwing kukuha siya ng kanyang damit sa aparador.
Nang makakuha ako ng iilamg damit ay bumalik ako sa kwarto ko inilapag ko muna ang mga damit at nag tungo sa kusina kumuha ako ng planggana na maliit at bimpo.
Nangmakabalik ako sa kwarto ko bigla akong natigilan. Huhubaran at bibihisan ko siya?!
"Bakit bilang uminit? Teka lalabas muna ako ang init!" namamawis na pati ang kamay ko. Ano bang problema sa akin? Naiinitan ako na ewan. Nagpahangin lang ako saglit sa labas bago ko naisipan na magtungo ulit sa kwarto. Mahirap na baka mag kasakit siya dahil basang basa ang katawan niya.
"Kaya mo to Pepe Pipay! Mapapangasawa mo naman siya kaya walang mali sa gagawin mo!"pag kumbinsi ko sa sarili ko at inumpisahan kong tanggalin ang damit niya nang matanggal ko ang damit niya ay pinunasan ko na muna ito.
"Kaya pala sundot ng sundot si Hipon"napalunok ako dahil may anim itong pandesal. Ang ganda ng hubog ng katawan niya mula sa dibdib ay ipinadaosdos ko ang bimbo sa kanyang pandesal.
Pinunasan ko ang mukha niya "Ang gwapo mo?" pinisil ko ng mahina ang matangos nitong ilong. "Gusto kong makita ang mga mata mo." mahina kong sambit sa kanya. Hinaplos ko ang pisnge niya gusto ko sana siyang halikan pero naalala ko isang araw na akong hindi nakakapag sipilyo saka na lang siguro pag nakapag-sipilyo na ako.
Nang matapos kong punasan ang pangtaas niya nanginginig ang kamay kong hinawakan ang pantalon nito.
"Santa Maria patawarin niyo ho ako! Pero tulungan niyo ho sana ako."pagdadasal ko. Tinanggal ko ang pagkakabotones ng pantalon niya saka dahan-dahan itong ibinaba.
Madami na akong nalunok na laway ko bago ko matanggal ang pantalon niya naiwan naman ang panloob nito halatang basa din kaya pikit mata ko itong tinanggal.
"Diyos ko! makasalanan na talaga ang kamay ko!" Magpapahid ako mamaya ng sili sa gilid ng mga mata ko dahil sa ginawa ko.
"Gusto mo din naman tong ginagawa mo eh" sabi ng utak ko! Ano ba naman yan.
"Sisilip lang ako"dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.
"Sh*t!"mukhang hindi lang sili ang maipapahid ko sa gilid ng mga mata ko!