Chapter 1

1530 Words
Pipay POV "Nay! Ano tong nalaman ko na buhay pa ang tunay kong ama?! Bakit kayo nag lihim sa akin"pagdra-drama ko sa nanay kong mangkukulam. Napanood ko kasi ito sa television ng kapitbahay namin susubukan ko lang sa nanay ko. Oh diba pag best actress na din ang peg ko. Kaya kung may kilala kayong director suggest niyo ang kagandahan ko ah. "Pepe sinasabi ko na sayo patay na yung tatay mo! Ano na naman bang trip mong bata ka ha!" sigaw ng nanay ko sa akin. Ouch medyo na hurt ako doon ah ikaw ba naman sigawan at hindi sabayan ang trip mo. "May nakapag-sabi po sa akin na buhay pa ang ama ko! Nagsisinungaling po ba kayo sa akin nay?"naiiyak kong arte, pagtri-tripan ko na din naman ang nanay ko lubos-lubusin na natin. "Hoy Pepe hindi ako pinalaki ng lola mo na sinungaling. Gusto mo hukayin pa natin yung puntod niya eh?!" paghahamon niya na ikinatigil ko. "Ay grabe ka nay nagbibiro lang naman ako eh pero kung gusto niyo naman po. Hukayin niyo mag-isa yung puntod ni tatay tapos dahil niyo ulit dito para paglamayan ulit natin" bungisngis kong sabi pinalo naman niya ako sa pwet gamit ang walis na hawak nito. "Ikaw talagang bata ka! Sutil ka talaga kahit kailan" Pinalo niya ulit ako sa pwet ko napatakbo tuloy ako palayo sa nanay kung bruhilda! "Nay naman ehh, ginagaya ko lang naman yung napanood ko sa tv. Ang engot niyo talaga kahit kailan!" kakabadtrip naman si Nanay hindi man lang sinakyan yung arte ko ayan imbis na magkaroon ako ng best actress nawala tuloy. "Anong sabi mo engot ako?"napairap na lang ako engot na nga bingi pa. "Opo nay napaka-engot at bingi niyo pa!"balik kong sigaw sa kanya. "Good! Buti alam mong maganda at nagmana ka sa akin!" napasabunot ako ng buhok dahil sa sinabi niya. Bakit ba napaka engot ng nanay ko? Mangkukulam na nga engot pa! "Ewan ko sa inyo nay! Engot ka talaga! Mababaliw ako sa inyo eh." "OYY PEPE PIPAYY!!" tiling sigaw ng kaibigan kong si Hipon. "Ano kaba naman Hipon! Nakakabasag ng eardrums yang tili mo! Ano bang problema mo at tumatakbo ka na akala mo may nahulog na gwapong nilalang dito sa Baryo Kapangitan?!" humawak siya sa braso ko at nagtatalon. Pag ako nainis itatapon ko siya sa imburnal na kasing baho niya. "Whhaaa Pepe meron nga! May nahulog mula sa langit na gwapo... Halika na pinagpye-pyestahan na si kuya pogi doon baka magahasa nila. Mahirap ng mahuli tayo sa grasya!" "Ano bang grasya ang sinasabi mo dyan ha?!" "Bastaa sumunod kana lang kasii!"hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Kinaladkad niya ako papunta sa daungan ng mga isda dito sa Baryo. Nasa isang isla kami dito sa Palawan at malayo kami sa kabihasnan pero kahit na ganon masaya kami dito kahit na nakakaumay ang mga pagmumukha nila dito. "Ano ba yan akala ko ba nahulog mula sa langit eh andito naman tayo sa daungan"naiinis kong sabi sa kanya. Ang boba naman netong si Hipon sabi sa langit eh daungan naman napakaboba talaga! "Gaga ka ayun oh yung elopranong maliit!"turo niya sa hindi kalayuang eloprano. Teka? Kailan kaya to bumagsak? Wala naman akong narinig na chismis na may nagcrash ng eroplano dito. "Oh eh asaan yung sinasabi mong pogi na pinagpye-pyestahan ng mga ka-uri mo ha?"naiinip kong tanong kahit papaano naman gusto kong makakita ng pogi dahil puro mga mukhang monggoloid naman yung mga andito sa isla sobrang nakakaumay lalo na yung mga manliligaw ko na halos gabi-gabi nang pumupunta sa bahay namin. Oh ha! wag ka may manliligaw ako sabi ko naman sa inyo ako ang pinaka... maganda, pinaka sexy at pinaka jowable dito sa baryo Kapangitan. "Tara puntahan na natin si kuya pogi"kinaladkad niya ako sa mga taong nagkukumpulan. Ano to? Meeting ng mga pangit na chismosa? Andami nila ahh palibhasa mga hampaslupang chismosa kaya nakaaligid sila. "Ano ba naman tong mga chismosa na to ayaw pa tayong padaanin!"Napairap ako sa sinabi ni Hipon paanong hindi kami makakadaan eh tulak sila ng tulak para lang makita kung ano man yung pinagkakaguluhan nila. Napatingin ako sa gilid dahil may nahulog doon sa daungan hindi ito marunong lumangoy kaya nalulunod na siya ngayon natulak siguro siya dahil sa pagpupumilit na makisiksik. "T-tulonggg!! H-hindi ako marunong l-lumangoy!" sigaw siya ng sigaw pero wala namang pumapansin sa kanya. Tutulungan ko sana siya pero naalala ko yung tinulungan kong matanda kahapon kaya naman hinayaan kona lang siya na nalulunod. Bahala siya sa buhay niya na mag floating dyan ayoko ng madamay sa kadramahan ng buhay nila. Mamaya mawala pa lahat ng kuto ko na simula pagkabata ko ay inalagaan kona. "Grr...Hoy Pepe paalisin mo nga sila nakakainis na ehh!" "Magsi-alis nga kayo sa dadanan ko!"sigaw ko. "Hoy babae kung gusto mong makita si kuya pogi wag kang feeling reyna dito! Kita mo na ngang naghihirap kaming makipag-siksikan" nakatalikod na sabi ng isang haliparot sa harapan ko. Napataas ang kilay sa sinabi niya. Ako feeling reyna? Reyna talaga ako dito! Hindi naman sa pang-jujudge pero kitang kita ko ang libag sa katawan niya at nangangamoy siya sa baho! Kinalabit ko siya para lumingon sa akin pero inilihis niya lang ang kamay ko. Lumingon ako kay Hipon na pinagtatawanan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumigil ito sa pag-tawa. Hinila ko ang buhok ng babaeng haliparot"Gusto mo bang supalpalan ko yang bunganga mo ng buhangin dito ha?!"galit kong sabi. Nakaagaw na din kami ng atensyon ng ibang nakikichismis kaya naman nakita na nila ako. "Pepe Pipay"nanghihinang sabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay. Parang kanina lang ang lakas ng loob niyang sabihan ako kanina. "Kapag pinapaalis ko kayo umalis kayo! Pag sinabi kong padaanin niyo ako... padaain niyo ako! Kuha niyo?!"duro ko sa mga nakikipag chismisan na puro may libag naman sa katawan. Bumaling ako sa babaeng halos kasing amoy na nang tae ng kalabaw namin na natambak sa bahay "Kuha mo?!"pinanlakihan ko siya ng mata. "O-po... o-po Pepe P-Pipay"nauutal nitong sabi. Tinulak ko siya sa daungan at ngayon dalawa na silang nalulunod at dahil sa ginawa ko ngayon lang nila napansin na may nalulunod pala kanina pa. "Ngayon padaanin niyo ako! Gusto kong makita yung lalaking nahulog mula sa langit!"nahati naman sila sa dalawa at nakita ko sa dulo nito na may nakahandusay na lalaking matipuno ang panga-ngatawan. Kahit na malayo pa ako ay alam kong makapanindig ang kagwapuhan nito. Naglakad ako na parang isang model sa harapan ng mga chismoso at chismosang haliparot. Nag pose din ako na animo may kumukuha ng litrato sa akin. "Wala ba kayong mga kamay dyan!" nagsipalakpakan naman sila kaya taas noo akong rumampa sa harapan nila. "Ang boring niyo naman gumanap! Kita niyong rumarampa ako wala ba kayong mga bibig dyan?! O baka naman gusto niyong ipakulam ko kayo?!" "Ang ganda-ganda mo Pepe Pipay!" "Sa akin kana lang Pepe Pipayyy!" "Ang galing mo rumampa Pepe Pipayyyy!" Nakangiti ako habang rumarampa papalapit sa lalaking aking papakasalan. And yes! Papakasalan ko ang adonis na nahulog mula sa langit. "Anong nangyari sa kanya?"tanong ko sa isang mangi-ngisda. "Nalunod siya at hindi na siyang humihinga" nakayuko nitong sabi sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay"hindi na siya humihinga?" "Opo Pepe Pipay isa na lamang po siyang bangkay ngayon" Ito talagang si manong kung ano anong biro ang sinasabi. "Buhay pa siya"malumanay kong sabi. "Patay na po" "Buhay pa!" "Patay na po!" "Sabing buhay pa eh!" "Patay na nga po eh!" "Sige ikaw ang papatayin ko kapag napatunayan kung buhay pa yan!" "Sabi ko nga po buhay pa eh... Kayo naman po hindi na kayo mabiro. Kinakamot pa nito ang ulo niyang panot. Ano yan may kuto pa siya sa buhok niyang panot? "Extra ka lang kasi dito eh pero kung makapagsalita ka akala mo ikaw ang bida"inirapan ko siya. Lumuhod ako upang mapagmasdan ko ang mala anghel na mukha ng mapapangasawa ko. Panigurado pag nagkaanak kami magiging mas maganda ang lahi namin. Tumayo ako at lumayo ng kaunti sa kaniya. Nagtataka naman ang mga chismosong haliparot kung anong gagawin ko. Kumuha ako ng bwelo at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng napapangasawa ko at tumalon ako bago ko upuan ang dibdib niya. Umubo naman ito ng tubig dahil sa ginawa ko. Hindi ako umalis sa pagkakaupo sa dibdib niya. Nang matapos ito sa pag-ubo ng tubig ay hinang-hina siyang napatingin sa akin. "Hi! Ako nga pala si Pepe Pipay ang nag-iisang pinaglihi sa pepe ng kalabaw at ako ang pinaka.... maganda, pinaka sexy at pinaka jowable sa buong isla ng Baryo Kapangitan... And I thank you!"masayang pakilala ko sa sarili ko pero imbis na sagutin niya ako ay nahimatay na ito. Ambastos naman ng lalaking to! Pasalamat siya at siya ang balak kong pakasalan dahil kung hindi ipinakulam kona to sa nanay kung magkukulam na bruhilda! "Ang bastos mo naman sa mapapangasawa mo!"ani ko at tumayo sa pagkakaupo sa dibdib niya. "Buhatin niyo ang mapapangasawa ko at dahil natin sa bahay namin!"utos ko sa mga mangi-ngisda na nandoon sa gilid. "Po? Sa bahay niyo po?" Ang bibingi naman ng mga taong to! "Bingi ka ha? O baka gusto niyong makulam?" tumalima naman sila para buhatin ang mapapangasawa ko napangiti ako. Hindi na ako makapaghintay sa kasal namin. Kailangan namin magpakasal sa madaling panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD