CHAPTER 4

1860 Words
"Manang?" pagtawag ko habang naglalakad ako paibaba ng hagdanan. "Oh, hija ang aga mo 'atang nagising." Sumalubong siya sa 'kin habang may hawak na sandok sa kanyang kamay. Nasisigurado kong kasalukuyan siyang nagluluto ngayon. Tipid akong ngumiti at inayos ang suot kong sling bag. "Dadalaw muna po ako kay Mommy," pilit siglang usal ko. Malungkot na ngumiti si Manang sa 'kin at marahang hinaplos ang balikat ko. "It's been five years, Manang," pahina kong sambit. "Magiging maayos din ang lahat, hija." Pagpapalubag loob niya sa akin 'tsaka ako ginawaran nang matamis na ngiti. Huminga ako nang malalim at malamlam na tumingin sa matanda. "Sana nga po, Manang." Pagpapalakas ko rin sa sarili ko. "Sige na. Umalis kana at baka abutan ka pa ng traffic. Napaka mainitin pa naman ng ulo mo kapag gano'n." Pagbabago ni Manang sa usapin. Mahina nalang akong bumungisngis at tipid na ngumiti. "Huwag kang mag-alala kay Cjay. Ako na ang bahala sa batang iyon. Hala, sige ako'y babalik na sa aking niluluto at baka masunog pa," dagdag na sabi ni Manang at saka naglakad-takbo patungong kusina. Bata palang ako ay si Manang Sol na ang aming katulong. Trabaho niya man ang tingnan kami ay tinatanaw ko pa rin 'tong utang na loob sa kanya lalo na sa mga nakalipas na taon na nalugmok kami ng todo dahil sa isang pangyayari. Napatingin ako sa malaking portrait namin ni Mommy kasama ang mga kapatid ko. Mapait akong ngumiti kasabay ng pinaghalong galit at lungkot sa aking kalooban. Darating din ang araw na mabibigyang hustisya ang lahat. I gave out a deep breath and then exited the house. - - - "WHO the hell are you?" malamig na tanong ko nang madatnan ang nakatalikod na bulto ng isang lalaki sa inuukupang silid ng nanay ko. Mabagal niyang inilingon ang kanyang mukha at saka ngumiti nang walang emosyon sa 'kin. Napaawang naman ng kaunti ang aking bibig nang nakilala siya. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya at agad na dinaklot ang kanyang k'welyo. Ipinakita ko sa kanya ang nararamdaman kong galit sa paraan ng aking paninitig sa kanya. "Why are you here, Mr.Laqueza?" Umangat ang kabilang gilid ng kanyang labi at saka niya marahang dinilaan ang ibabang bahagi n'yon. "Visiting my mother in law," walang kalatoy-latoy niyang sagot. "Who the hell told you that she's your mother in law?" walang emosyon kong tanong habang nanatiling magkalapit ang aming mukha dahil sa pagkakadaklot ko sa kanyang suot. "Believe me she will," puno ng kasiguraduhan niyang wika at mapaglarong tumitig sa mata ko. Huminga ako nang malalim at pilit ikinalma ang aking sarili. Pabato kong binitawan ang pagkakahawak sa kanya habang nanatiling matatalim ang aking tinging ibinibigay. "Get out," I said. Ngunit sa halip na lumabas ay prente pa siyang naglakad sa visitor's seat ng kwarto. Pandekwatro siyang umupo roon saka tumingin sa direksyon ni Mommy. "Whether you like it or not, you'll marry me." "You can't force me to do that crazy thing," I answered while gritting my teeth. "Your father can," he fired back. My brows furrowed at what he said."What do you mean?" malamig kong usisa. He smirked and looked at my mother again who's sleeping peacefully on her hospital bed. May mga s'werong nakakabit sa kanya at makina na nagsisilbing suporta sa kanyang buhay. "He will get your mother and hide her from you if you didn't agree to marry me," he stated. Natulos naman ako sa aking kinatatayuan pagkatapos niyang sabihin iyon. "H-he can't do that." Pagpapatibay ko sa aking loob at saka siya sinamaan ng tingin. He smirked and stood up from his seat. Naglakad siya palapit habang nakalagay ang isa niyang kamay sa bulsa at tumigil lang nang nasa harapan ko na siya. "He's still your mother's husband. He have the rights at your mother. Kailanman niya gustuhin ay pupwede niyang ialis dito ang nanay mo at dalhin sa ibang lugar nang hindi mo nalalaman," walang buhay niyang saad. Tila biglang nanlambot ang aking tuhod ng sandaling 'yon. Mabilis niya akong nasalo bago pa man ako mawalan ng balanse at kinabig palapit sa kanya. "Let me go," paos kong sabi at sinubukang lumayo. "You are still not okay," he mumbled under my ear. "Bakit? Bakit mo ginugulo ang buhay ko? Bakit niyo ginugulo ang mundo ko?" "Why can't you just give us a try?" balik na tanong niya sa akin at saka ako marahang pinakawalan. We stared on each other. Wala akong mabasa na emosyon sa mga mata niya bagamat malamlam iyong nakatingin sa akin. "I told you, I'm in a relationship," I said. "Why are you staying in a toxic relationship?" he asked suddenly. Natigilan ako at napatitig sa nagtatanong niyang mga mata na para bang isang kahibangan ang ginagawa ko. "Because relationship goes that way. You should accept each other flaws," pagrarason ko. He smirked then distance himself. "Was that really the reason?" naroon ang paghahamon sa kanyang tono. "Ano pa bang ibang rason kung bakit mananatili ako sa boyfriend ko?" nakaangat kilay kong tanong. "Dahil ayaw mo na ikaw ang mang-iiwan. Ayaw mong gumaya sa Daddy mo na iniwan ang Mommy mo dahil hindi na sila nagkakaintindihan," he stated that made me stilled at my place. I don't know why something inside me have been hitted by his words. "Nahihibang kana," tanging sabi ko at kinagat ang dila ko sa loob ng aking bibig. Tumingin ako sa aking ina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay pagkatapos ng limang taon. Kung hindi siya umalis... Kung hindi niya kami iniwan... Sana maayos pa ang lahat. Saksi ako kung paano araw-araw na naglalasing si Mommy buhat nang iwan siya ni Dad. Kung paano unti-unting nawala ang atensyon niya sa amin. I can't do that to Joseff. Hanggang kaya ko siyang intindihin ay gagawin ko. Leaving a person does not stop there. It will have a huge impact to them like what happened to mom. "You are losing yourself just to make your relationship in order," he uttered. I remained my face stoic as I glanced at him. "Wala kang alam kaya wala kang karapatan na sabihin ang lahat ng iyan. I'm staying because I love him. Nothing more, nothing less," I stated and left the room. Hindi ko matagalang makasama siya sa loob ng isang silid o lugar. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga kapag siya ang kausap o kaharap. May kung ano sa presensya niya ang tila hinihila ang buo mong lakas. Naglalakad ako palabas ng hospital nang kuhanin ko ang aking telepono at tinawagan ang isa kong kasamahan. "Ito ang kauna-unahang beses na tumawag ka sa akin. Sabihin mo kung gaano ka-importante iyan," she said after answering the call. "And please. Stop with conyo talking. 'Wag mo akong isama sa trip mo." Napangiti nalang ako habang naglalakad patungo sa aking sasakyan. "Matthew Laqueza. I need all his backgrounds and information," I said and open my car's door. "You mean the one who entered in your mom's room?" Napairap nalang ako sa tunog ng pagtatanong niya. Hindi na ako nagtataka kung paano niya nalaman dahil siya lang naman ang nagbabantay sa aming lahat mula sa mga bahay at ibang lugar na mahalaga sa amin. For safety purposes mula sa mga kalaban namin kung sakaling umatake sila. "Cut the crap, Noella," I said and deposited myself on the driver seat. Pakinig ko ang pagsipol niya sa kabilang linya kasabay nang maiingay niyang pagtipa sa computer. "'Anyari sa kotse mo? Pumanget 'ata." "Tigil-tigilan mo ko r'yan sa pagbibiro mo Noella at baka lumipad ako papunta sa Luxembourg para lang sapakin ka sa palasyo mo." Pagbabanta ko at saka binuhay ang aking sasakyan. (Luxembourg is a small European country, surrounded by Belgium, France and Germany. It's mostly rural, with dense Ardennes forest and nature parks in the north, rocky gorges of the Mullerthal region in the east and the Moselle river valley in the southeast. Its capital, Luxembourg City, is famed for its fortified medieval old town perched on sheer cliffs.) She chuckled on the line which made me rolled my eyes. "No need. I'll be there next week," she said. Napangiti naman ako sa balita niya. "Oh, so the princess is coming home." I mocked. "Yeah, yeah. Oras na muna para magpakanormal na tao," sagot niya na ikinangiwi ko. Kailan may naging normal sa amin? "Whatever, sige na. Magda-drive pa ako. Send me the details later. Magliliwaliw muna ako," I said and then ended the line. Pinaandar ko ang aking sasakyan at tinahak ang daan patungo sa aking club. - - - IT took me 30mins when I finally reach my destination. Agad sumalubong sa akin ang mga staff ko bagamat kita ko ang alinlangan sa kanilang mga mata. Agad akong nagtungo sa aking private space at umorder ng iba't ibang alak. I badly need a drink right now. Agad kong binuksan ang whiskey at nagsalin sa baso ko bago ito mabilis na ininom, hindi alintana ang pait na lasa nito. I'm on my fifth shot when my phone rang. Tamad kong kinuha ito mula sa pagkakapatong ko sa lamesa at tiningnan ang rumerehistrong pangalan. I gave out a deep breath when Joseff's name appeared on the screen. Ininom ko muna ang shot kong hawak bago ito sinagot. Where are you? Umalis ka raw sabi ni Manang. "Sorry nalimutan kong ipaalam sa iyo na dadalaw ako kay Mommy," mahinahong paliwanag ko. Nakakarinig ako nang malalakas na musika, Sophia. Hindi gan'yan kaingay sa ospital. Galit na usal niya. Napangiti nalang ako at napasandal sa couch. "Nagpapalamig lang ako, Babe. Uuwi rin ako agad pagkatapos ng isang oras," I stated and shut my eyes. No. Umuwi ka ngayon din. I told you, hindi ka pwedeng magpunta kahit saan nang hindi ako kasama. He said on the other line. "Babe, I'm at my own club. Walang lalapit o gugulo sa akin dito," pilit na paliwanag ko. No, Sophia. Go home now! Mariin akong napapikit kasabay nang paghigpit ko nang hawak sa telepono. "I think we need a break, Joseff. Give me some space for now," mahinang sabi ko at pinatay ang tawag gano'n na rin ang telepono ko upang hindi siya makatawag muli. Marahan kong binuksan ang aking mata at pinagpatuloy ang pag-inom ko. Pakiramdam ko ay ang dami-dami kong problema kahit hindi ko matukoy kung anu-ano iyon. Sobrang bigat ng aking dibdib na kulang nalang ay kapusin ako ng hininga sa pag-iisip. Babalik siya na parang wala pagkatapos ay pipilitin ako sa mga desisyong gusto niya. Saang lugar ka kumuha ng kapal ng mukha Daddy at pati si Mommy ay magagawa mo pang idamay para lamang mapasunod ako? Ptngna lang. Ptngna. Sinira mo na nga si Mommy pati ba naman buhay ko sisirain mo pa rin. “Argghh! Darn that Laqueza also. Para siyang lason sa sistema ko na hindi ko matanggal-tanggal. Bakit ba laging nagtatagpo ang landas naming dalawa?" I hissed as I talked to myself. Ibinato ko ang shot glass na aking hawak at sa bote ng alak na mismo tumungga ng maiinom. Anong agimat ang mayroon ang depungal na iyon at hinding-hindi ko siya mapatay tuwing may pagkakataon ako? Fvck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD