Wearing a sexy black tulle overlay with plunging V neckline and double thigh-high slit dress. I walked into the hall with my hand on Joseff's arm.
"Why are you with him?" Shiela asked on the earpiece that I was wearing.
"Hindi ko na naman siguro kailangang ipaliwanag," patagilid kong bulong habang inaayos ang suot kong maskara.
I am also wearing a Venetian style black and gold masquerade ball mask covered with black satin. Embellished with gold lace, braided trim, black beads and black satin rose on the side.
"That controlling motherfvcker," puno nang panggigil niyang sambit sa linya.
"Focus on our mission, Shiela." I looked where she was and gave her a death glare.
Inirapan niya naman ako at saka naglakad pagtungo sa isang waiter.
"Your dress is too revealing Babe," Joseff whispered while gritting his teeth.
Napahinga ako nang malalim 'tsaka tumingin sa kanya. "I'm sorry, biglaan din kasi ang auction party kaya hindi na ako nakabili ng ibang damit," mahinahon kong paliwanag sa kanya habang naglalakad kami papunta sa pwesto na gusto ko.
"Target spotted. 180 degree north," Shiela mentioned on the line.
Pasimple akong sumulyap sa direksyong itinuro niya habang umuupo kami sa silya ni Joseff. And there I saw Shane, wearing a silver sequin offshoulder backless dress, happily talking to a man.
Wait...
His built was familiar.
"Be ready. The auction will start in 10mins," Shiela informed.
Inalis ko ang paninitig ko sa lalaking kausap ni Shane at nagfocus sa dapat kong gawain.
"Who invited you here?" kuryosong tanong ni Joseff habang nakaakbay ang kanyang isang braso sa upuan ko.
"Aycxe asked me to be here in her place," I answered then simply lowered my body.
Mabilis at maingat kong kinuha mula sa itaas ng aking hita ang itinago kong maliit na tube na naglalaman ng lason.
"The waiter's coming to her," muling sambit ni Shiela 'tsaka tumingin sa 'kin mula sa pwesto niya.
"Anu-ano ba ang io-auction nila rito?" Joseff asked again.
Ininom niya ang champagne na kinuha niya mula sa waiter na dumaan at inabala ang sarili sa pagsususuri sa paligid.
"Jewelries and paintings," sagot ko at pasimpleng inangat ang suot kong heels upang kuhanin ang isang maliit na karayom na inilagay ko roon.
"Phase 1, done."
Tiningnan ko ang target na ngayon ay naliligo na sa iba't ibang klase ng alak dahil sa aksidente kunong pagkatapon sa kanya ng waiter.
I smirked and stilled when my eyes bore into the guy she's talking earlier. Matalim ang mga titig na ibibigay niya sa aking diresyon habang suot-suot ang itim niyang maskara.
Hindi naman siguro. Guni-guni ko lang ito.
"What the fvck! Sophia, move now!"
I was taken back when I heard Shiela's voice on the line.
Damn it!
Muli kong itinuon ang aking paningin sa target na ngayon ay naglalakad na patungo sa CR. Dali-dali akong tumayo at humarap kay Joseff.
"I'm just going to pee. Sandali lang ako." Mabilis ko siyang tinalikuran. Hindi na hinintay pa ang kanyang sagot.
Agad kong itinusok ang karayom sa aking hawak na tube upang daluyan ito ng lason.
"Fvckyou, Sophia. Kapag talaga pumalpak tayo ngayon ay ikaw ang ihaharap ko kay Aycxe," pagmamaktol ni Shiela sa linya.
"Chill ka lang. You better fix-fix the waiter na para maka iskapo tayo agad after," I whispered as I walked towards the target's direction.
Asta nang isasara ni Shane ang pinto ng banyo nang mabilis ko 'tong itulak kasabay ng aking pagpasok. I pinned her on the door as I locked it with my other hand.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita ang aking mukha bagamat nakasuot pa rin ako ng maskara.
"P-Poisoner," stammering, she called my alias.
I smiled devilishly as I run the needle on her face. I could see how her throat moved in fear.
"Nice. Hindi ko inaasahan na makikilala mo ako agad sa aking ayos," I spoke then stared coldly into her eyes.
"P-Please have mercy at me. I-I'm sorry, hindi ko na uulitin. Pakiusap," umiiyak na pagmamakaawa niya habang nanatiling naninigas sa kanyang pagkakatayo, takot na mapatusok ang karayom kong hawak.
I laughed evilly at what she said. "Darling, you seemed to have forgotten the rules," I said and then leaned on her ear. "Obey, never betray," I announced emotionless and stabbed the needle I was holding around his neck.
Inilayo ko ang aking sarili at pinanuod siyang mapaupo mula sa kanyang pwesto habang hawak ang leeg niya. She looked at me with her pleading eyes, but I just smirked and looked at my watch.
Three...
Two...
One...
"Done," I informed in the line as I saw how her mouth foamed because of the poison I injected.
"You little b*tch she asked for mercy." Shiela mocked on the line.
"Where ba nabibili 'yon?" I asked then rolled my eyes before opening the door.
Mahina nalang kaming tumawa pareho sa linya.
"Let's call this a night." Then she ended the line.
Pasimple ko namang tinanggal ang earpiece sa aking tainga at ipinasok ito sa aking bag habang naglalakad ako pabalik sa lamesa namin ni Joseff.
Nangunot ang aking noo nang napansin ko na wala siya roon. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ngunit hindi ko talaga makita ang kanyang presensya.
Where the hell is he?
Muli sana akong lalakad upang hanapin si Joseff nang lapitan ako ng isang waiter.
"May nagpapabigay po," magalang na sabi niya kasabay nang pag-abot sa 'kin ng isang nakatuping papel.
Nagkaroon man ng konting kaba sa aking dibdib ay nagawa ko pa ring huwag magpakita ng anumang emosyon.
Simpleng tango lang naman ang ibinigay ko sa waiter at saka siya naglakad palayo sa akin. Marahan kong binuksan ang papel at gano'n nalang ang pagtangis ng aking bagang nang mabasa ang mensaheng nakasulat.
Want to see your so called boyfriend my soon to be wife?
Meet me at the parking lot. Take care.
Wala mang nakalagay na pangalan kung kanino ito nagmula ay may ideya na ako.
Siya talaga ang nakita ko kanina.
I crumpled the paper and took a deep breath.
I am done playing. I mentally thought as I take my steps away from the hall.
- - -
TAMAD kong inilibot ang aking paningin nang nakarating ako sa parking area. Waiting for someone or something to pop out of it. Tulad nang inaasahan ko ay isang sasakyan ang umilaw mula sa kanan. I am not dumb to know what it means.
Naglakad ako patungo roon hanggang sa tumambad sa akin ang pamilyar niyang sasakyan.
Napakabilis naman niyang magpa-ayos ng sasakyan.
I heard the passenger door clicked when I finally reached his car. Wala naman akong nagawa pa kun'di buksan 'to at pumasok.
"Where is he?" agad kong tanong pagkasara ko ng pinto ng kotse habang ang aking paningin ay nasa unahan.
"Masyado ka naman 'atang in love sa boyfriend mo at hindi mo matiis na wala sa 'yong paningin ng sobrang tagal," baritonong wika niya.
I tsked and glanced at him. "Ang hindi ko matiis ay ang makasama ka Mr.Laqueza, kaya kung maaari ay sabihin mo sa akin kung nasaan ang boyfriend ko," malamig kong sabi habang walang buhay na nakatitig sa mga mata niya.
His lips rose with amusement. "Does your father knew that you are killing people?" he asked blankly.
Ang natitira kong emosyon ay tuluyan nang nawala pagkatapos n'yon. Mas malamig at walang buhay ko siyang tiningnan at nginitian kumpara kanina.
"Don't you know that I don't care about the guy you just mentioned?" I fired back in flat tone and turned my gaze in front again.
"Okay, let me change the question then. Does your boyfriend knew who you really are wife?" he asked, hiding the playfulness in his tone.
I looked at him sharply and pulled the needle from my dress. I was about to stabbed him with that, but he manage to held my hand quickly before it even reached him.
Galit ko siyang tinitigan habang wala naman akong mabasang emosyon sa kanya.
"Mukhang nakakalimutan mong ako ang nakakaalam kung nasaan ang lalaking iyon," he said with sense of warning in his tone.
"What do you want?" nagngingitngit kong tanong habang nanatili siyang nakapigil sa aking kamay.
"Fvck!" I hissed when he pulled my hand and threw the needle that I'm holding.
Matalim ang mata ko siyang tiningnan.
"Marry me," he said simply.
Pagak akong tumawa kasabay nang aking pag-iling dahil sa 'di makapaniwalang pagkamangha.
"Walang wala ka na bang babae na mahanap para d'yan sa gusto mo?" inis kong usisa.
"I want you not them, Sophia," pagdidiinan niyang wika.
"I DON'T FVCKING CARE," agad kong balik na sagot sa mas madiin na tono.
"Sabihin mo 'yan sa akin pagkatapos kong patayin ang tinuturing mong nobyo," malamig na banta niya.
I shut my eyes and breath deeply before I opened it again. "Why me?"walang gana kong tanong 'tsaka sumandal sa upuan.
"No particular reason. I just want you to be my wife," he answered quickly.
I couldn't help, but laughed sarcastically. "Mr. Laqueza don't you know that a man was marrying a woman because of love?" pagpapakita ko ng punto sa kanya.
"Then I'll love you," usal niya na para bang napakadali lang n'yong gawin.
Natigilan naman ako at nasamid sa sarili kong laway bago tumingin sa kanya nang 'di makapaniwala.
I'm expecting it to be a joke, but seeing his serious face I think it's not.
Saang planeta ba nanggaling ang isang ito?
"Kahit mahalin mo ako kung hindi naman kita mahal ay wala ring silbi 'yon," sabi ko nang nakabawi sa pagkatameme.
"How can you say you don't love me?" he asked seriously.
"Dahil I'm in a relationship plus the fact na hindi naman kita knows," taas kilay kong sagot sa kanya.
Umaandar na naman pagka-conyo ko dahil sa kalokahan. My ghosh!
"Kilalanin mo ako kung gano'n at hiwalayan mo ang boyfriend mo," napakadaling saad niya.
Inis ko naman siyang siniringan. "What do you think of me Mr. Laqueza? Tulad ng tatay ko na basta-basta nalang nang-iiwan ng relasyon?" seryoso at malamig kong panghahamon na tanong.
Nakita ko ang pagkakatigil niya habang nakatingin sa akin.
"I don't know what's your relationship with my father. Kung kanegosyo ka ba niya o ano. But I don't give a damn. 'Wag niyong guluhin ang tahimik kong buhay." Itinutok ko sa kanyang leeg ang isa ko pang karayom na tira.
Alam kong hindi niya inaasahan ang galaw kong iyon pero nanatili s'yang kalmado sa kabila ng lahat.
Hindi ba siya takot mamatay?
"Now, tell me, where's my boyfriend?" I asked and stared sharply at him.
He even manage to smirked and smiled after. "Inside your car," tipid na sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin.
"Don't ever show yourself to me again. Because I swear, I'll kill you right at that moment," malamig na pagbanta ko 'tsaka inilayo ang hawak kong karayom.
Pinanuod niya lang naman ang paglabas ko ng kanyang sasakyan. I am closing his door when he spoke suddenly.
"Be sure that all your needles have a poison next time," he uttered right before the door finally closed.
I stiffened in my place while staring at his tinted window shield.
How did he know?
Napakurap-kurap ako at napalayo nang buhayin niya ang kanyang sasakyan. Tulad noon ay muli siyang bumusina bago 'yon pinaandar paalis.
Then, why did he tell me about Joseff when he already knew that the last needle don't have a poison?
Sinadya niya bang ipaalam sa akin 'yon?