My head was spinning that bad when I got out from my private space because of too much alcohol that I've taken. May ilan sa staff ko ang lumalapit upang bigyan ako ng tulong ngunit paulit-ulit ko lang silang nginingitian at itinataboy.
"I can handle," I said everytime someone came over.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng bar. Ramdam ko ang pananatili ng nag-aalinlangan nilang tingin sa akin kaya naman nilingon ko sila at muling nginitian.
"I'm fine. Get back to your work." I ordered and they obeyed quickly.
Sumandal muna ako sa aking sasakyan nang narating ko ito upang hanapin ang susi sa bag ko. Sa gitna ng aking paghahanap ay nahagip ng paningin ko ang telepono ko. Bigla kong naalala na pinatay ko nga pala iyon kanina pagkatapos naming mag-usap ni Joseff.
Nagpakawala ako nang malalim na hininga. Kinuha ko ang aking cellphone pati na rin ang susi ng kotse pagkatapos ay isinara ang bag ko. Binuhay ko naman muna ang telepono 'tsaka ako tumayo nang maayos para buksan ang kotse ko.
I was about to pressed my car lock when my phone rang. Thinking that it was Joseff, I answered it without looking and brought it closer to my ear.
"Babe—Get your fvcking ass straight, Sophia! Some of Ktinódis Syndicate are coming to you!" Noella yelled on the other line.
"Fvck!" I cursed and then quickly got into my car.
"Connect me to them," sabi ko habang ipinapatong ang aking cellphone sa ibabaw ng sasakyan ko at saka ini-loudspeaker ito.
Pinaandar ko ang sasakyan ko at mabilis na pinatakbo palayo ng club upang hindi 'yon madamay.
Tngna. I cursed mentally everytime na kikilo ang aking sasakyan dahil sa kaliyuhan ko.
"Damn you, Sophia! Why did you lower your guards?!" panenermon ni Aycxe sa linya habang naririnig ko ang mabilis na pagpapatakbo nito sa kanyang sasakyan.
"Fvck, I just want to breathe! I didn't know this will happened," I reasoned out.
"Tngna, pwede ka namang huminga nang hindi pinapatay ang telepono. Damn it! Rose ready your bombs. Pasabugin mo ang mga pupwede nilang daanan kung maaari ay pati sila pasabugin mo." Pag-uutos ni Aycxe sa linya kay Rose.
"Noted. 'Wag kayong dadaan sa Norte at Kanluran. Sasabog ang mga bomba sa loob ng..."
At isang malakas na pagsabog ang aming narinig mula sa linya.
"TNGNA!/PTNGINA!" we shouted in unison.
"Hehe. Pasensya na hindi ko natingnan ang oras," alinlangang sambit ni Rose.
Napailing nalang ako at binilisan ang pagpapatakbo ng aking sasakyan.
"How the hell did they track me?" inis kong tanong kasabay nang pagkabig sa manubela ko patungo sa isang eskinita.
Muntik pa akong sumabit sa nakaparadang motor na nasa tabi ng daan dahil sa pagkalula.
Inom pa Sophia. Inom pa.
"Sorry. I lost my attention earlier because a royal meeting took place at the palace." Bakas ang pagkalungkot at pagkabigo sa tono ni Noella.
I can't blame her, she have a huge responsability since she's a princess. Yes, a real princess.
"Shiela, did you already took care of the cops?" pag-iiba ni Aycxe sa usapin marahil ay hindi rin siya nanininisi ng kahit sino.
"Already done. Done worry they won't meddle in this," paniniguradong sagot ni Shiela sa linya.
"180° south, Sophia. Sasalubungin kita roon," imporma niya sa akin.
Sasagot na sana ako bilang pagsang-ayon nang may bala ng baril na dumaplis sa aking balikat dahilan para bahagyang gumewang ang pagda-drive ko.
"Tngina!" galit na pagmumura ko at nakagat nalang ang aking ibabang labi.
"Ayos ka lang?" magkakasabay na tanong nilang lahat.
"Daplis lang," tugon ko at saka sinilip mula sa rear view ang nasa likuran ng aking sasakyan.
"Noella, ilan ang kalabang nakasunod kay Sophia?" seryosong usisa ni Aycxe sa linya.
Bakas ko na ang kalamigan sa kanyang himig na tila isang pitik nalang ay mauubusan na siya ng pasensya sa mga kalaban namin.
"Three in total. Dalawang nakamotor bike, 100 meters away from her at isang nakakotse sa mismong likuran niya," detalyadong sagot ni Noella sa kabila nang maingay niyang pagtitipa.
Muling nagpaputok ang kotseng nasa likuran ko dahilan para hindi ko maimaneho ng ayos ang aking sasakyan dahil sa pag-ilag.
"Aycxe pwede bang bilis-bilisan mo?" iritado kong tanong habang kinukuha ng isang kamay ko ang baril mula sa compartment ng sasakyan.
"Give me few minutes. Hold on. Rose, sumunod ka sa amin. Shiela, Noella secure the area."
Maiingay na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid nang simulan ko ang pakikipagpalitan ng bala sa nasa aking likuran habang nanatiling nagmamaneho ang isang kamay ko.
"Someone's coming," Noella informed.
"Fvck! Bakit itinaon pang nakainom ako? Punyeta!" hindi maiwasang pagmumura ko.
Dalawang putok ang muli kong narinig.
Patuloy na pambabaril ng kotseng nasa likod ko. Knowing Ktinódis hindi sila kukuha ng putchu-puchung tauhan kaya naman gano'n nalang ang pag-iingat kong matamaan.
Muling nagpaputok ang kalaban ko kasabay nang pagsabog ng aking gulong sa likuran.
"Fvck!" I cursed out loud as I hardly step on the break.
Isang malakas na kalabog ang nangyari matapos bumangga ng kotse ko sa isang pader.
"Sophia!/Tngina!" I heard them shouted at the line.
Eenggggkkkk!
Bang!
Bang!
Bang!
Bang!
Inihanda ko na ang aking sarili sa mga bala ng baril na pupwedeng umulan sa aking sasakyan ngunit ganoon nalang ang pagtataka ko nang lumipas ang apat na putok na 'yon ay wala man lang ni isang tumama sa kotse ko.
"Sophia, are you still there?" tanong ni Rose.
"Noella, update fvck!" ubos na pasensyang usal ni Aycxe.
"She's safe," tipid na sagot ni Noella.
Pakinig ko ang mahihinang pagbitaw nila ng hininga bagamat naroon pa rin ang maingay na tunog ng kanilang sasakyan dahil sa kabilisan nang pagpapatakbo.
"Hoy, bruhildang babae magsalita ka, tngina." Nanatili akong tulala sa pagtataka sa kabila nang pang-aasar na tanong ni Shiela.
I checked myself to sure that no bullets really passed my car. Saka palang gumana ang utak kong lumingon sa likuran.
Napaawang ang aking labi nang nakita ang hindi inaasahang tao.
Lasing na siguro talaga ako.
Why am I seeing him?
Nakatayo siya sa gilid ng kanyang kotse habang may hawak na baril sa kanyang kanang kamay. Ang kanyang mga mata ay malamig na nakatitig sa aking sasakyan na para bang inuutusan akong lumabas mula roon.
I composed myself and got off from my car. Agad nagsalubong ang aming paningin.
"M-Mr.Laqueza," I said, stammering.
Doon ko lang nagawang bigyan ng atensyon ang kaninang kotse na nakasunod sa akin. My mouth parted again as I see a lifeless man in it. Basag ang bintana ng sasakyan habang naliligo ang lalaki sa sariling dugo. Nakasandal ito sa upuan habang may tama ng baril sa buo nitong mukha. Isa sa noo at tig-isa sa bawat sintido.
Napakaperpekto nang pagkakabaril.
"Did you kill him?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Obvious naman, Sophia, 'di ba?
Ngunit sa halip na sagutin ang aking tanong ay umikot siya sa kanyang passenger seat at binuksan iyon pagkatapos ay walang emosyong tumingin sa akin bagamat umiigting ang kanyang panga.
"Hop in," he said with his deep baritone voice.
Ilang beses akong napakurap-kurap habang nakatitig sa kanya.
"No. I can take care of myself. Parating na rin ang mga kasamahan ko," ani ko sa malamig na tono.
Binato niya ako ng kanyang pamatay na tingin at saka mabilis na naglakad patungo sa akin na siyang ikinabigla ko ng todo. Muntik pa akong mapatumba dahil sa biglaang pag-atras kung hindi niya lang ako mabilis na nasalo gamit ang kanyang braso mula sa aking bewang . Our eyes locked with each other. Wala pa man ay nagwala na ang puso ko sa kaba.
I felt him tightened his grip on my waist as he grinned evilly. "Baby you should follow your husband's order," he said and then leaned his face closer to my neck.
Amoy na amoy ko tuloy ang mabango niyang hininga kahit pa tumatama 'yon sa leeg ko. I shut my eyes tight because of some weird feelings that I am feeling by the way his breath touch my neck.
"I told you... I won't marry you..." I barely manage to whispered those words.
"I also told you, you will," he said then I felt him lightly sucked my neck.
I fisted my hands as heat slowly fuming in my system.
What the hell is happening to me?
"I've always been easy to you, but this time you leave me no choice, but to force you."
My forehead knotted in confusion.
Bago pa man ako nakaimik ay may naramdaman akong tumusok mula sa aking leeg na tila isang maliit at matulis na bagay. Itutulak ko na sana siya nang bigla nalang akong manghina at antukin ng todo.
I felt him carried me and stared on my eyes. "Sleep my wife. You are safe now," he said and then my eyes slowly closed.
No, I am not. Being with you means danger.