Mabilis kong ipinarke ang aking sasakyan nang nakarating ako ng bahay. Bahagya pang nangunot ang noo ko nang nakakita ng ibang sasakyan na nakaparada sa parking lot.
Tumingin ako sa aking relo at napagtantong mag-aalas onse na ng gabi.
Sino naman ang bibisita sa akin ng ganito kagabi?
Prente akong naglakad papasok ng bahay nang mai-lock ko ang kotse. Gano'n nalang ang pagkawala ng lahat ng aking emosyon nang sa halip na si Manang ay tumambad sa akin ang isang taong hindi ko na muling inaasahan na makikita ko.
"Dad," malamig kong usal.
Nakapandekwatro siya nang pagkakaupo sa sofa habang diretyong nakatitig sa 'kin. "Ginabi kana," he spoke.
Umismid ako, pinaikutan ko siya ng mata at naglakad palapit. "Ano bang pakialam mo?" I asked blankly and sat on the one seater couch.
"Where have you been?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
I couldn't help, but laughed at what he asked.
"Wow. After six long fvcking years, you are here asking my whereabouts," sarkastiko at malamig kong wika.
"Sophia." He warned.
I rolled my eyes again and stood up from my seat. "Don't ever use that tone at me old man," walang emosyon kong sabi at saka siya sinimulang talikuran.
Anong kamalasan ang humabol sa akin at pinasama ng husto ang gabi ko?
"Prepare yourself. Two months from now you'll marry Mr.Laqueza," he said when I was about to step on the stairs.
Laqueza?
Marahan ko siyang nilingon at inismiran. "So you're the one who sent him." Peke akong tumawa.
"Since wala ka talagang alam sa buhay ko. Hayaan mong ipaalam ko sayo na hindi mangyayari 'yang gusto mo dahil may karelasyon ako," mariin kong sabi at pinakatitigan s'ya sa mata.
"Another thing, wala kang anumang karapatan para pakialaman ang buhay ko. Mula nang iwan mo kami ni Mommy iyon mismo ang araw na tinapos ko ang anumang ugnayan natin. Kaya kung maaari, umalis ka sa bahay namin. You're not welcome here." I then turned my back against him.
How dare he show himself and tell me that bullshit?
Anong akala niya sa buhay ko? Kwento sa isang libro o isang nobelang palabas sa isang telebisyon? Tsk!
Kasal kasal. Pakyuh.
"Ate..." My younger brother called when I reached the front door of my room.
Asta kong pipihitin ang segundura ng pintuan ng sandaling iyon.
Slowly, with my raw smile I looked at him. "Yes?" malambing kong tugon sa walong taong gulang kong kapatid at saka lumebel sa kanya.
"Why are you still awake, Cjay?" dugtong ko at hinaplos ang kanyang mukha.
"Was that Dad?" he asked innocently.
Parang may kumurot sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang kapatid ko. "He's not. Matulog kana," I answered and opened my door.
Isinandal ko ang aking sarili sa nakasaradong pintuan at nagpakawala nang malalim na hininga.
Too much for this night.
Tamad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama ng maya-maya pa ay nag-ingay ang aking telepono. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at napahinga nang malalim nang nakita ang pangalan ni Joseff—my long time boyfriend on the screen.
"Hello, babe—Where have you been Sophia?" he cut my words with his question. I can sense how serious he was based on his tone.
Narinig niya siguro ang ingay ng sasakyan ko kanina habang pauwi ako since he's living five blocks away from us.
Damn it. I forget to lower my speed because of my annoyance to that guy!
"I just picked up Rose earlier. Tinawagan niya ako at nagpasundo," kagat-labing pagsisinungaling ko.
It's not that I want to lie at him. Ayoko lang ipaalam sa kanya ang mga ginagawa kong kabrutalan.
Sino ba ang makakaintindi kung pumapatay ka ng tao 'di ba?
Pagak akong tumawa sa aking isip.
"Answer my video call." He then ended the call.
Ilang segundo pa ay muling nag-ring ang aking cp for a VC. Mabilis ko naman 'tong sinagot. Agad sumalubong sa aking screen ang halos mag-isang linya niyang kilay.
"And what the hell are you wearing?!" nagngingitngit sa galit niyang tanong.
Doon ko lang napansin na medyo may kalaliman pala ang pagka vneck ng dress na ibinigay sa akin ni Shiela.
"I'm sorry. Hindi ko napansin. Nagmamadali kasi ako," mahinahon kong paliwanag.
He let out a deep sigh before sending me his death glare. "I told you, Sophia. 'Wag kang umalis ng bahay ng hindi ako kasama," puno nang pagdidiinan niyang sambit.
I took a deep breath and looked at him on the screen. "Babe, it's too late. Can't you see what time is it? I know you were sleeping already that's why I didn't bother you earlier."
"Wala akong pakialam, Sophia. Sana ay hindi ka nalang umalis kung ganoon!" he spat angrily.
"Okay, okay. I get it. Can we sleep now?" I surrendered and looked at him with my tired eyes.
"We'll talk this tomorrow," he said and ended the call.
Napahinga nalang ako nang malalim at napailing nang marahan.
Joseff is kinda strict when it comes to my clothings. Gano'n na rin sa mga lugar na pinupuntahan ko at sa mga taong nakakasama ko kahit kaibigan ko pa 'yan.
I admit that his behavior was often out of place, but I just let it to keep our relationship in order.
Gano'n naman talaga kailangang may isang bababa sa inyo.
I put my phone on the side table of my bed and went back lying down. I kept staring on my ceiling for a moment, I felt like my brain was running voluntarily thinking some useless things.
After six years, magpapakita siya sa amin na para bang wala siyang ginawang masama o nakakasakit. Tng*na lang.
Pilit kong iniwaksi iyon sa isip ko at pinili nalang matulog ngunit hindi pa man ako natatangay ng antok ay kumalam na agad ang sikmura ko. Napanguso ako at marahang nagmulat ng mata.
I think my stomach is asking for pizza this time.
- - -
"ANONG ginagawa niyo rito?" I asked and scanned them all.
From Shiela going to Rose and lastly, Aycxe.
"Iinom?" nakangiwing sagot ni Shiela habang nakataas ang kanyang baso na may lamang tequila.
Nakaupo sila sa mga high chairs na nakaharap sa counter.
"Taas-taas ng araw nag-iinom kana agad," naiiling kong sambit kasabay nang pagbaba ng aking bag sa counter.
"Oh, kayong dalawa ano namang pakay niyo rito sa club ko?" taas kilay kong tanong sa kanila.
Yeah, I owned the club where we are right now.
"Mission," sabay na tugon ng dalawa.
Napangiwi ako at tumingin sa aking relos. "9'am palang," I said and glanced at them with my confused look.
Nagkibit balikat si Rose kasabay nang pagmuwestra kay Aycxe na nasa gilid niya.
"Umaga sila magtatagpo-tagpo," tipid na paliwanag ni Aycxe, kumuha siya ng isang baso at nilagyan ng yelo.
"What group?" kaswal kong tanong at naglakad papasok ng counter.
"Black Dragons," Rose answered.
Ang Black Dragons ay isa sa mga target na kalaban ng organisasyon namin. Isa silang grupo ng sindikato kung saan dumudukot sila ng mga bata at ginagawang mga tauhan, malala pa ay ibinebenta rin nila ang iba sa blackmarket upang gawing s*x slave at iba pa.
"Do you need me there?" I asked and poured her a whiskey.
"No need. I just need Rose and Noella for this," she answered and drank her shot. "But I need you and Shiela for another mission tonight." Itinukod niya ang siko sa ibabaw ng counter.
Hindi ako umimik at hinayaan nalang siya na magpatuloy sa kanyang sasabihin.
"I need you to kill, Tala." She ordered.
Natigilan ako at tumitig sa kanya. Walang emosyon ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at saka 'yon ibinaba sa hawak niyang baso.
"You mean Shane?" paninigurado ko.
"Hmmm," tinatamad niyang sagot at pinaikot-ikot ang daliri niya sa bunganga ng baso.
"Will you kill her?" she asked coldly then stared at me.
Nagseryoso naman ako kasabay at walang buhay na ngumisi. "Did she betrayed the organization?" I asked casually and got a glass.
"Hmmm," ayun na naman ang tipid niyang himno bilang sagot.
"Then, there's no reason for me to not kill her," I said and poured some whiskey on the glass.
She smirked and looked at me. "Hindi ba at close kayo?" Aycxe asked.
"Yeah, malimit ko kayo makitang magkausap sa tuwing nasa HQ tayo." Pagsang-ayon ni Rose.
Napangisi nalang ako habang iniikot-ikot ang alak na hawak ko. "I just realized, she just wanted to fished some information that's why she planned to be close to me," I stated.
I saw a ghost of smile in Aycxe face. "I thought you would asked why. Good thing you realized it already." May lihim na ngiti sa mukha niya.
"Well, I have my brain hindi tulad ni Shiela mukhang nawala na," nakangiwi kong usal at sumulyap sa kanya.
Mahina namang tumawa si Rose at Aycxe.
"Fvckyou, Sophia, ako na naman ang nakita n'yo," naiiling niyang reklamo.
"Nagkarelasyon din naman ako pero hindi gan'yan katanga." Aycxe looked at Shiela as if she was the dumbest thing she ever saw.
"Hayaan niyo na matatauhan din 'yan," Rose commented and tapped at Shiela's shoulder.
"Aww, buti pa si Rose naiintindihan ako," nagdadramang usal niya.
"Mauuna nga lang siyang mamatay bago mangyari iyon," biglang dugtong ni Rose 'tsaka kami tumawang tatlo.
"Tng*na niyo," nakangusong sambit ni Shiela.
Napailing nalang ako at tumingin sa dalawa. "Take care," I said simply.
Sabay na ngumiwi ang dalawa.
Ma-lock jaw sana kayong mga animal kayo.
"Ingat sila sa 'tin," Rose said and stood up from her seat, sumunod naman si Aycxe.
We bid goodbye by staring at each other before they leave the place.
"So where will we execute the plan?" tinatamad kong tanong kay Shiela.
Agad namang sumilay ang matamis niyang ngiti habang nakatingin sa akin. "We are going to a masquerade ball tonight," she answered and then clapped her hands in excitement.
Napangiti nalang din ako kasabay nang marahan kong pag-iling.
Seems like I am going to enjoy my night this time.
If there's a ball, there's a plenty of food ! Hohoho can't wait to taste them all.