CHAPTER 23

1560 Words

Nangalahating bote pa lamang soya ng kanyang nainom nang mamataan ang pagpasok ng isang pares. Sa tindig pa lamang at kilos ng lalaki ay batid niyang iyon ay walang iba kun'di si Jeffry. "Piste! Sa dinami-rami ng mga bars, dito pa talaga kami nagpang-abot!" lihim niyang mura habang pinanuod ang patuloy na paglalakad ng mga ito. Nakaakbay ang kaliwang braso ni Jeffry sa balikat ng babae habang ang babae naman ay mahigpit na nakayakap sa katawan ni Jeffry na tila ba takot ito na maagawan. Parang may sariling mundo ang dalawa na naghaharutan pa habang tinutungo ang bar counter. Doon na rin pumwesto ang mga ito na agad um-order ng maiinom. Lumukot ang kanyang mukha nang maispatang inilapit ng babae ang mukha sa bandng leeg ni Jeffry habang ang huli naman ay mas lalo pang hinapit ang babae

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD