Pagkatapos niyang mag-doorbell ay pinagbuksan siya ng gate ni Dwane. Muli ay sinipat na naman nito ang mukha niya upang alamin kung nakainom ba siya. "Alam ko, galing ka na naman sa bar. Hay naku, Milensya, kailan ka pa kaya titigil sa pagmamaneho ng lasing," reklamo ni Dwane. Ganito talaga ang ginagawa ng kanyang kaibigan sa tuwing napapagawi siya sa bahay ng mga ito. Ngunit hindi naman ito nagrereklamo kung silang dalawa amg nag-iinuman, lalo na kapag kasama rin nila amg isa pa nilang kaibigan na si Mae. Ang asawa kasi nitong si Lianne na kaibigan rin niya ay hindi umiinom ng nakalalasing na inumin maliban na lamang kung pipilitin nila o kaya ay may pinagdadaanan na siyang nagtulak dito para tumikim ng alak. "Old habits die hard ika nga, 'di ba?" sagot pa niyang nginisihan lang ito. "S