Chapter 7

2739 Words
CHAPTER 7 Walang ibang tumatakbo sa isip ni Zeta ngayon kundi ang takot na baka nahuli ng miyembro ng sindikato si Cahil. Nanlalamig ang pakiramdam ng dalaga at talagang hindi siya mapakali. Mabuti na lang at walang ibang tao sa loob ng Ladies Room kaya nagagawa niyang ilabas ang kaba niya. "Zyx, ano? May balita na ba kay Cahil? Na-contact mo na ba siya?" sunod-sunod na tanong niya sa kapatid. Kung may kakayahan lang siyang malaman ang sagot sa mga tanong niya nang hindi na umaasa sa sagot ng kapatid, malamang ay kanina pa niya ginawa; at malamang ay ginamit na rin niya ang oportunidad na iyon para iligtas ang kaibigan niya. Maaring hindi halata sa kanilang grupo ang pagmamahal nila sa isa't isa, pero sa ganitong pagkakataon na ang isa ay nasa panganib ay bigla iyong lumalabas. [Zeta, kumalma ka. Hindi makakatulong sa sitwasyon natin ngayon ang pag-aalala mo,] ulit ni Wren na nasa kabilang linya. Imbes na pakinggan ang sinabi ng kasama, patuloy lang ang paglalakad-lakad ng dalaga sa loob ng Ladies Room na para bang ito na rin ang paraan niya para pakalmahin ang sarili. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip niya at hindi niya magagawang umakto ng ayon sa plano nila kung puno ng pangamba at takot ang isip niya. Hindi sinagot ni Zeta ang sinabi sa kanya ni Wren, bagkus ay kinausap niya ang kanyang kapatid na nasa kabilang linya rin, "Zyx, kumusta?" aniya, halata na sa kanyang boses ang takot at kaba. Wala siyang pakialam kung paulit-ulit man siya sa pagtatanong, basta ang kailangan niya ngayon ay isang positibong sagot. Napabuntong hininga na lang si Wren na hanggang ngayon ay nasa mesa pa rin kung saan siya iniwan ni Zeta. Nag-aalala rin naman siya, pero hindi gaya ng kasama niya na halos kulang na lang ay himatayin na sa nerbyos. At isa pa, wala siya sa posisyon ngayon para ipakitang nag-aalala siya dahil kailangan niyang ipagpatuloy ang nasimulan nilang pagpapapanggap habang wala pang balita sa nangyayari, dahil kung pati siya ay magpapadala sa nangyayari... maaring masira ang kabuuang plano nila. At baka kapag nakabalik pa sa linya si Cahil ay pare-pareho silang mapagalitan. [Zeta! Naka-received ako ng signal ng headset na suot ni Cahil. Sa tingin ko, nagloloko lang ang wire ng gamit niyang headset kaya nawawala siya. Pero huwag ka nang mag-alala, sigurado akong ayos lang siya. Mamaya lang ay magsasalita na rin 'yon, kaya sige na... balikan mo na si Wren. Sasabihin ko na rin ang dapat ninyong i-order para sa pagtuloy ng plano,] paliwanag ni Zyx. Mabilis na napalitan ng saya ang kaba na nararamdaman ng dalaga, kung wala lang siya sa Ladies Room at kung wala lang ibang tao na pumapasok dito ay baka nagtatalon na siya at tumili dahil sa sobrang saya. Kaya ang ginawa na lang niya ay muling kinalma ang sarili niya. Isang malakas na pagbuga ng hangin ang pinakawalan ni Zeta nang marinig niya iyon. "Orange, kung naririnig mo na 'ko, bwisit ka talaga! Pinakaba mo ako, patay ka talaga sa akin mamaya pag-uwi natin!" reklamo ng dalaga, kahit pa hindi niya sigurado kung sasagot ba ang kausap niya. [Ayos lang ako, grounded ata ang jack ng headset ko kaya nawawala-wala ang dating ko sa inyo. Pero nakapwesto na ako, puwede n'yo nang simulan ang pag-order,] sa wakas, nagsalita na si Cahil. [Ano, pre? Kumusta ba, bakit kasi ngayon ka lang nagparamdam?] tanong din ni Zyx. [Pasensya na, busy ako humanap ng pwesto kanina, eh. Hindi ko naman alam na hindi pala maayos ang headset ko, akala ko pa nga nu'ng una ay kayo lang ang hindi nagsasalita. Ayos naman na siya ngayon, balik trabaho na tayo,] muling paalala ni Cahil. Hindi man nagsasalita si Wren, naging kalmado na rin ang loob niya dahil narinig na niyang magsalita ang kasama. Kahit gusto niyang magpa-abot ng pag-aalala ay hindi na niya nagawa nang dumating muli ang Waiter sa tabi niya. "I want to order..." panimula ni Wren sa pagbanggit ng mga pagkaing sinabi rin ni Zyx sa kanya. Kasalukuyan siyang umo-order nang dumating naman sa eksena si Zeta. Nakangiti na muli ito at bumalik na ang aliwalas sa mukha niya. Nang malapit na siya ay nilingon siya ni Wren. "Babe! I'm sorry, um-order ako nang wala ka. Nagugutom na kasi ako at naisip ko rin na para pagdating mo, we have food na," aniya. Pag-upo ni Zeta ay sumagot siya. "It's okay, Babe. Thank you! What did you order for me?" Ikinatuwa ni Wren na nasa karakter na muli ang kasama niya dahil masigla ang boses nito. "It's a secret, you'll know naman kapag dumating na," sagot ng binata. Walang salita o utos ang dalawa sa magkabilang linya. Si Cahil ay kasalukuyan pa ring nasa pwesto kung saan siya nagtatago at naghahanda para sa susunod na plano. Habang si Zyx naman ay nagbabantay lang sa kilos ng dalawang kasama nila na ngayon ay magiliw na nagkukwentuhan na animo'y totoo talagang magkasintahan. Kagaya ng mga nauna nilang trabaho, malayang nakikita ni Zyx ang galaw ng dalawa dahil na-hack niyang muli ang CCTV ng Restaurant. Tutok na tutok ang kanyang tingin sa nangyayari dahil may binabantayan siyang tao sa monitor. "Cahil, inilapag na ang singsing. Puwede mo nang kunin," utos ni Zyx. Hindi naman nagpatumpik tumpik ang binata, mabilis siyang kumilos nang nagtawag ang Head Chef na itabi na muna ang singsing na inabot ng Waiter. Simple lang naman ang magiging arte nila rito, ang eksena ay magpo-propose na si Wren kay Zeta at ang singsing na iyon ay inibaot ni Wren sa Waiter kanina habang wala si Zeta. Iniutos ng binata sa nagsisilbi na dapat ay makikita ng dalaga ang singsing sa kanyang kinakain. Habang ang trabaho naman ni Cahil ay magpanggap na isa ring Chef sa loob at siya ang pasimpleng kukuha ng singsing para walang mailagay sa pagkain. Kailangan niya ring siguraduhing mapapanatag ang tao sa kusina na nailagay ang singsing. Dahil ang pagkawala ng singsing ang magsisilbing susi para makausad sila sa pangatlong bahagi ng plano. Nagawang samantalahin ni Cahil ang pagkakataon na hindi iniintindi ng Head Chef kung sino-sino ang mga tao sa loob ng kusina, ang gusto lang nito ay masigurong sinusunod ng bawat isa ang mga iuutos niya. Ganoon din ang mga empleyado, hindi na nila iniintindi lahat ng kasama nila rito. At kung sakali mang may magtanong kung sino siya, madali na lang sabihing siya ang bagong pasok na chef. Ilang minuto ang lumipas ay handa na ang order nina Wren at Zeta. Ngayon ay ise-serve na sa table nila ang pagkain. "Pwesto na 'ko," sabi naman ni Cahil at pasimple na siyang lumabas ng kusina. Wala nang sumagot sa tatlo, pare-pareho silang nakaabang sa dapat nilang gampanan na karakter. Pagkalipas ng ilang minuto nang ma-serve na ang pagkain, isang ngiti ang ibinigay ni Zeta sa kasama. "OMG, Babe. Parang ang sarap ng in-order mo for me. Thank you!" aniya. Pagak na tumawa si Wren. "Of course, anything for you, Babe!" "Cahil, kumusta posisyon mo riyan?" tanong ni Zyx habang pinagmamasdan na ang galaw ng Manager. [Ayos na, puwede n'yo nang simulan ang eksena,] ani Cahil bilang pagbibigay ng signal kina Wren at Zeta na ngayo ay kasalukuyang kumakain at nagkukwentuhan. Sa sinabing iyon ni Cahil, tumingin si Wren sa kinakain ni Zeta. Pagkatapos ay ibinaling niya naman sa Waiter. Umaarte siya na para bang hinihintay niyang tumingin sa kanya ang Waiter, pero dahil hindi siya nito nililingon ay kinausap na niya si Zeta. "Babe, wala ka bang napapansin sa kinakain mo?" tanong niya. Huminto sa pagsubo ang dalaga saka nilingon ang kasama na may kunot sa noo. "What do you mean, Babe? Masarap naman siya," sagot ni Zeta. Kumunot ang noo ni Wren para ipakita na may hindi tama sa nangyayari. "No, what I mean is—" Nilingon niya na ang Waiter para senyasan ito na lapitan sila. Hindi naman siya nabigo at dumating naman ito kaagad. "Anytyhing I can do for you, Sir?" tanong nito kay Wren. Seryoso ang mukha ng binata pero may kaunting kunot din ito. Pabalik-balik ang tingin niya sa kanyang kasama at sa Waiter. "May iniabot ako sa 'yo, 'diba? Iniligay mo ba?" aniya, mahina ang kanyang boses na para bang ayaw niyang ipahalata sa kaharap kung ano ang pinag-uusapan nila. Pasimple rin namang tumingin ang Waiter kay Zeta para tingnan kung ano nang lagay ng kinakain niya. Sa puntong ito ay nag-alala na ang Waiter dahil nahalata niya sa kinakain ng dalaga na tila wala nga rito ang singsing na ipinalagay ni Wren. Napansin naman ni Zeta na parang may pinag-uusapan ang Waiter at ang kasama niya. Hinarap niya si Wren. "Babe, may problema ba? May ayaw ka ba sa pagkain?" painosente niyang tanong. Nasa mukha pa rin ni Wren ang pagkadismaya kuno sa nangyayari. "Babe, kasi—" Kitang-kita sa mukha ng binata ang galing nito sa pag-arte na animo'y ayaw niya sabihin sa kasama ang totoong nangyayari. Habang ang Waiter naman ay hindi na rin alam kung anong kanyang gagawin o sasabihin. Itinuloy ni Wren ang sinasabi niya,"Okay, Babe. Sasabihin ko na sa 'yo since mukhang epic fail na rin naman..." Isang kunot na noo ang ipinakita ni Zeta sa kanya. "Huh? What do you mean? The food is good—" "Babe, inaya kitang kumain sa isang fancy Restaurant gaya nito dahil alam mo namang seventh anniversary natin ngayon. Actually, epic na nga dahil 'yung plano nating dinner date ay nauwi na lang sa lunch date dahil panggabi ako sa trabaho. But still, inintindi mo at pumayag ka pa rin sa ganitong set up," paliwanag ni Wren para maisip ng Waiter na malaking pagkakamali talaga ang nangyayari. Isang tango ang isinagot ni Zeta. "Yeah, and that is very fine with me. Na-enjoy ko rin naman food. Medyo sad nga lang dahil ngayon lang tayo nakakain dito, but still its okay," aniya. Napakamot na ng ulo si Wren. Halatang-halata na talaga ang inis at stress niya sa nangyayari. "Babe, I was suppose to proposed to you now! But the thing is, hindi nailagay ng Waiter 'yung singsing sa kinakain mo. Ganoon dapat ang set up, pero wala na... sira na rin!" Wala nang masabi ang Waiter dahil kitang-kita niya ang galit ni Wren sa kanyang mukha. Kahit alam niya sa sarili niyang nailagay niya ang singsing na iyon ay hindi pa rin maitatanggi na may kasalanan siya sa nangyayari. Binitiwan ni Zeta ang kubyertos na hawak niya, umarte na parang hindi niya inaasahan ang sinabi ng kasama niya. "Babe, it's okay! May susunod pa namang pagkakataon. Relax ka lang, tapusin na lang nating itong kinakain natin tapos pag-usapan na lang natin sa bahay—" "No, I've waited for this special day to come just to propose to you!" Tapos tumingin ng masama si Wren sa Waiter. "Pero sinira lang ng taong ito—" Tumayo si Wren na akmang sasapakin na sana ang Waiter pero nakaatras siya agad. Agad din namang lumapit si Zeta sa kanya. "Calm down, pag-usapan na lang natin ng maayos. Huwag ka naman gumawa ng eskandalo rito, nakakhiya," aniya. Tumingin si Wren sa kanya. "Nakakahiya?" At ibinalik muli ang tingin sa Waiter. "Ang lalaking 'yan ang nakakahiya! Madaling madali makuha ang order natin, tapos palpak din naman palang magtrabaho! Sinira mo lang araw ko, eh!" lumakas na ang boses niya na halos lahat ng tao sa buong Restaurant ay narinig iyon. Wala pa ring imik ang Waiter na kaharap nila, tila takot na takot makapagsalita at halatang hind alam ang gagawin. Ilang sandali lang ay may tatlong Waiter pa na lumapit sa kanila. "Ano pong nangyayari rito—" "Iyang isang kasama n'yo hindi inaayos ang trabaho niya, eh!" muling sigaw ni Wren habang dinuduro ang Waiter na nag-serve sa kanila. "Babe, sabi nang calm down!" giit ni Zeta. Nakayakap na siya sa kasama para ipakita na para talaga silang may relasyon. "Kalma? Binabastos tayo rito, kalma pa rin? Hayaan mong marinig ng lahat ng tao rito ang kapalpakang trabaho ng mga empleyado rito!" ani Wren, umiikot pa ang tingi niya sa lahat. "Sir," isang Waiter na bagong dating ang tumawag sa atensyon ni Wren. "Ano?! Sasabihin mo ring kumalma ko? Girlfriend ko nga hindi ko sinunod, ikaw pa kaya?!" pagalit na sigaw niya. "Babe, ano ba!" saway naman ni Zeta. Dahil galit pa rin si Wren, ibinaling na lang ng Waiter ang tingin niya kay Zeta. "Ma'am, we're really sorry po talaga sa nangyari, nasira namin ang date ninyo—" "Nasira talaga! Biruin mo 'yon mapapangasawa ko na sana siya ngayon, tapos sisirain lang pala ng kung sino diyan ang diskarte ko?!" hindi pa rin nagpapaawat si Wren. Halos nakalimutan na ni Zeta na umaarte lang silang dalawa dahil sa galing ni Wrem gumawa ng eksena, nadala na rin siya ng palabas nila pero ginagawa niya pa rin ang makakaya niya para ipakitang inaawat niya ang kasama niya. Hinarap niya muli ang Waiter na kumausap sa kanya. "No, ayos lang. Pasensya na rin kayo at gumawa rin kami ng eksena rito. Siguro, pakikuha na lang ang singsing and aalis na lang kami—" "Anong aalis?! Anong kunin na lang ang singsing?!" Masama ang naging tingin ni Wren sa mga Waiter bago ibinalik ang tingin kay Zeta. "Irereklamo ko 'tong empleyado na 'to sa Manager nila bago tayo umalis dito! Ano 'yon, sorry sorry na lang? Wala tayong gagawin para disiplinahin ang ganyang ugali? Paano kung ulitin niya lang sa iba?! Dapat mapagsabihan 'yan!" "Babe, kaya na nilang gawin iyon dito, hindi na nating kailangang makialam pa roon. Management na ang bahalang—" "No!" giit ni Wren saka masamang hinarap muli ang mga Waiter. "Iharap n'yo sa akin ang Manager ninyo! Gusto kong ako mismo magsabi sa kanya ng ginawa ng tao niya rito!" "Babe naman, stop na! Nakakahiya na sa ibang tao!" nag-iba na ang tono ng boses ni Zeta, tila ba anomang oras ay iiyak na siya dahil sa pagmamakaawa niya kay Wren. Samantalang ang mga Waiter naman ay wala pa ring tinag sa pagkakatayo nila, pare-parehong walang ideya kung paano ba nila aawatin si Wren. Hindi pinansin ng binata ang sinabi ng kasama niya. Masama pa rin ang tingin niya sa mga Waiter. "Ano?! Walang kikilos sa inyo na tawagin ang Manager ninyo?! Gusto n'yo ata ako na ang magpunta sa opisina niya—" "Babe, ano ba!" Buong lakas ang pagpigil ni Zeta kay Wren nang akma itong humakbang para nga puntahan ang Manager. Habang ang mga empleyado naman ay nagitla na lang din sa ikinilos niya. "Excuse me," isang may edad na lalaki ang biglang lumapit sa kanila. "I've heard from the other table 'yung mga nangyari, eh. And honestly talagang nakakaeskadalo na ito para sa aming mga kapwa customer na kumakain. Kaya suggestion ko lang, para matapos na ang issue na ito, tawagin n'yo na ang Manager para siya na ang kumausap sa customer ninyo," suhestiyon niya. "Sige po," sagot ng isang Waiter at mabilis na tumakbo para puntahan nga ang Manager. Bumuntong hininga si Wren. Hinarap naman ni Zeta ang concerned customer para magpasalamat sa pag-assist nito sa kanila. [Good job, guys. Palabas na ang Manager. Alam n'yo na ang gagawin ninyo kapag dumating siya, okay?] paalala ni Zyx sa kabilang linya. Dahil hindi naman sila maaring sumagot, napalunok na lang si Zeta dahil para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon mula sa kapatid. Ang Manager ng Restaurant na ito, ang tunay ding may-ari at ang hinihinala nilang miyembro rin ng Fallen Angel. Kabadong-kabado na si Zeta dahil sa unang pagkakataon, haharap siya sa isang delikadong tao. Agad na lumapit si Zeta sa kasama upang simplehan itong sabihan na, "Wren, natatakot ako—" Agad na yumakap si Wren sa kanya, kailangan pa rin nilang panindigan ang pagpapanggap hanggang sa puntong ito. "Huwag kang matakot, ano nang bahala. Basta gawin mo lang ang dapat gawin," aniya. Nag-uusap lang sila sa pinakamahinang boses na kaya nila. Hanggang sa isang may edad na lalaki ang lumabas mula sa isang pintuan, kasama ito ng Waiter na tumakbo kanina. Dumoble ang kabog ng dibdib ni Zeta dahil seryoso ang awra nito at tila nasa postura palang na hindi ito basta-basta. Agad na humawak si Zeta sa braso ni Wren, dahil kung hindi niya ito gagawin... maaring kanina pa siya natumba. "What's happening here?" iyon ang bungad na tanong ng Manager na si Peter Robles—ang pinaghihinalaan nilang isa pang miyembro ng sindikatong Fallen Angel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD