22

1265 Words
Chapter 22 3rd Person's POV; "Kyaah sila ba ang mga model?" Tili ng baklang photographer ng pumasok ang grupo nina Kaide sa studio. "Ohmy buti naman nakarating kayo." Tuwang tuwa na sambit ni Veronica asawa Allen Alcaraz. "Ma'am Veronica sigurado ba kayong... walang lahing artista yang mga alaga mo." Bulong ng isa sa mga designer na nasa likuran ng ginang. "Hey tita pasensya na medyo nalate kami." Bungad ng binatang si Kiyo. "Its okay lang naman besides kami naman ang may kailangan sainyo." Nakangiting sambit ng ginang bago pumalakpak ng tatlong beses para pukawin ang mga staffs na dalaga na natulala sa mga binatang bagong dating. Caito's POV; 'Kaloka ang gagwafu ng mga fafa.' "Ayaw niyo ba mag model?" Tanong ng photographer habang nakatutok ang camera kina Airo,Cassius,Kiyo at Vio. "Mr.Alcaraz medyo sumide view ka pa." "Caito hihi look si kuya oh." Inuga uga ako ni Eros bago ituro yung grupuhang lumabas sa pinakadressing room. "Tita kailangan pa ba talagang idye ng pula ang buhok ko." Hindi ko maiwasang bahagyang matulala ng lumabas si Kaide. Kulay pula ang buhok nito na mas nagpatingkad ng maputing kulay niya. Habang nakasuot ng kakaibang disenyo ng leather jacket at rip jeans. Nang magtama ang paningin namin ngumiti lang ito ng konti bago humarap sa isa sa mga babaeng staff na inaayusan siya. "Hey Tita Veron." Napatingin kami sa pinto ng studio ng bumukas yun at niluwa ang apat na babae. "Caito." Napatingin ako kay Kaide ng maglakad ito palapit sa pwesto namin at hindi nakalampas sa tingin ko ang pagsunod ng tingin ng mga babae kanina kay Kaide. "Tss." Ani ko ng makaramdam ako ng inis dahil sa mga tingin ng mga babae dito. "Anong problema?" Tanong ni Kaide bago umupo sa tabi ko sa pinakasulok ng studio at kuhanin ang hawak kong plastic bottle. "Tapos kana bang ayusan at nandito ka?" Tanong ko na kinatingin niya. "Tapos na pero mukhang maya maya pa ako." Sagot ni Kaide bago ipulupot ang braso niya sa bewang ko at sumiksik sa leeg ko. 'Ohmy boyfriend ba yan ni Mr.Hottie?' 'Kyaah ang sweet.' Napapoker face na lang ako ng mapako ang tingin samin ng mga babae lalo na sakin. Kaide Nera's POV; Naging going smooth naman ang nangyaring pagmomodelling namin sa studio namin ni Tita sa mga iniendorce nilang design at nagpromise siya na oras na lumabas yung bagong magazine bibigyan kami ng copy. "Mayayaman na kayo kaya hindi ko na kayo babayaran." Natatawang sambit ni tita. "Mommy ako kailangan ko ng per---." "Shut up Vio akala mo ba hindi ko alam na nagrequest ka nanaman ng bagong kotse sa daddy mo." Putol ni tita kay Vio na kinanguso lang ng gago habang naglalambing kay Tita. "Pili na lang kayo sa mga damit na nandun sa dressing room kahit na ano para naman may remembrance kayo." Ani ni Tita. "Yun oh thanks tita atleast hindi ko na kailangan umorder bukas may nagustuhan akong design." Banat ni Hiro. Matapos kaming iwan ni Tita lumapit ako dun sa mga nakahanger. Hanggang sa maagaw ang pansin ko ng kulay puting jacket na umaabot hanggang tuhod na mukhang babagay kay Caito. Malambot ang tela nito at may mga kakaibang disenyo. "Kaide Nera tama?" Napatingin ako sa babaeng sumulpot sa tabi ko na kinatingin ko. Kinuha ko yung jacket at humarap sakanya. Kung tama ako isa siya sa mga babaeng kausap kanina ni Tita Veronica. "May kailangan ka?" Walang buhay na tanong ko na kinangiti niya. Kung sa physical features maganda ang babaeng ito. Isa siya sa mga rising star ng entertainment industry ano pa bang ieexpect sa katulad niya kahit naman papaano nanonood ako ng t.v "Ahm ako nga pala si Ara Madrigal kasama ko manager namin if interesado kan---." "Im not interested." Putol ko bago siya lampasan. Hindi ko trip maging artista o model pinagbigyan ko lang talaga si Tita kaya ako nandito. "Teka." Napatigil ako ng hawakan ako nung babae sa braso magsasalita ako ng---. "Kaide." Napatingin ako kay Caito na papalapit sa pwesto ko buhat si Galaxy habang nakatingin saming dalawa nung babae. "May kailangan ka ba sa boyfriend ko?" Kalmadong tanong ni Caito na kinangiwi ko ng hilahin ako ni Caito sa gilid niya bago harapin yung babae. "Boyfriend?" Tanong nung babae bago ihead to toe si Caito. 'Wait boyfriend?' Nang mag sink in sakin yung sinabi ni Caito parang tangang pinipigilan ko ang ngiti ko bago ipulupot ang isang braso ko sa maliit na bewang ni Caito na nakapako ang tingin sa babae. "Excuse us naiwan na kami ng mga kasama namin aalis na kami." Paalam ko bago ayain si Caito palabas ng dressing room. "Maganda ang babaeng yun." Out of the blue na sambit ni Caito habang hawak ko ang bewang niya. "Mas maganda ka." Sagot ko bagi kumuha ng bubble gum sa bulsa ko at buksan para nguyain. Nasusuka sa amoy ng lugar na ito. "Im a boy at babae yun." Ani ni Caito na kinatingin ko sandali habang ngumunguya ng bubble gum. "Anong pinopoint mo?" Tanong ko bago tumingin ulit sa hallway at tingnan sina Cassius na nasa entrance ng studio. "Maganda din siya at babae." Sagot ni Caito na kinibit balikat ko. "Mahal kita at wala akong pake kung lalaki ka." Sagot ko na kinatawa ko ng mahina ng makita kong napayuko si Caito at tinatago ang pamumula niya. 'Damn ang cute haha.' "Kung pinopoint mo na naattract ako honestly oo siyempre chix din yun haha." Ani ko na kinatingin ni Caito. Pinigilan ko ng mapangiti ng tanggalin nito ang kamay ko sa bewang niya at aalis ito ng mabilis kong hapitin ko ang bewang niya palapit sakin. "But my heart is belong to someone i love na walang pake kung babae siya o lalaki and thats the only thing i can't escape and resist." Bulong ko na kinatigil niya sandali bago salubungin ang tingin ko. 'Damn tangna ang corny ko na.' "Hoy lovebirds!bilisan niyo na pagabi na!" Sigaw ni Vio mula sa entrance na kinatingin namin. "Tara na nga." Yaya ko kay Caito bago tuluyan siyang hilahin palapit kina Cassius. Hindi ko napansin na pinagtitinginan na din pala kami dito. Airo Nera's POV; Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang mga kislap ng mga mata ni Kuya habang nakatingin kay Caito. Halatang halata sakanya na inlove siya. Pero sana mapanindigan niya yan pag kaharap niya na sina papa at daddy. "Guys masyado ng malalim ang gabi mag check in muna kaya tayo ng hotel." Suggestion ni Xaide habang naglalakad kami papunta sa parking lot. "Papagalitan tayo ng parents natin." Sabat ni Hiro. "Dont worry guys kinausap na sila ni mommy tiyaka hindi na natin kailangan magcheck in may villa kami malapit dito. Im sure naman na hindi dun tutuloy si daddy pagkagaling ng work niya dahil nandito si mommy." Ani ni Vio habang kumakain ng kung ano. "Tangna mo hindi ka nagsabi." Mura ni Kiyo na kinangiwi ni Vio. "Aba nagtanong ka ba?" Sagot ni Vio na kinailing ko na lang magsimula nanaman silang magbangayan. "Okay lang ba na magstay tayo dun? May pasok pa tayo bukas." Ani ni Eros habang nakakapit sa braso ko. "Okay lang yun sissy kung madaling araw tayo aalis."sagot ni Moon habang nakatingin kung saan. "Tara na pumasok na tayo anong oraa na inaantok na din ako." Sabat ni Cassius bago akbayan si Moon. 'Tangna parang gusto ko tuloy putulin ang kamay ni Roqas.' Napailing na lang ako bago tumalikod kasunod si Eros at lumapit kina kuya baka kung ano nanamang pumasok na kademonyohan sa utak ko gawin ko yung iniisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD