21

1185 Words
Chapter 21 Kaide Nera's POV; "D-Dad." Ani ko habang nakaupo sa pinaka bench ng garden ng penthouse kaharap ang laptop kung nasan sina papa at dad. "Cai what is it?" Nagtatakang tanong ni papa kay dad na mukhang tinatanong niya kung bakit gusto ako makausap ni dad. "Are you inlove?" Walang paligoy ligoy na tanong ni dad na kinabato ko sa kinauupuan ko at muntikan ko pang mahulog yung hawak kong laptop dahil sa pagkagulat. "Ow?inlove whose that lucky girl baby boy?" Tanong ni papa na kinalunok ko. "It is Caito?" Sunod na tanong ni Dad na kinagulat ko. 'Wtf.' "Cai ano bang sinasabi mo magkapatid sila." Rinig kong sambit ni papa na kinalamig ko sa kinauupuan ko. 'Pucha anong sasabihin ko? Ayokong magsinungaling kina papa pero ayoko din namang magtago.' "Kung ano mang meron sainyo ni Caito putulin mo na Kaide magkapatid kayo ni Caito." Ani ni dad na kinayukom ng kamao ko. "Cairo anong---." Bago pa ako makapagsalita namatay na ang tawag. Hindi pa nga kami nakakapagsimula puputulin na agad? 'Tangna.' --- "Ayos ka lang?" Tanong ni Caito ng makaupo ako sa gilid ng kama habang siya nakasandal sa head board at kumakain. "Nakausap ko si dad." Bulong ko bago tingnan si Caito na patuloy pa din sa pagnguya. "Iniexpect ko ng sasabihin nina dad na itigil natin ito." Sagot niya na muntikan ko ng ikahulog sa kinauupuan ko. 'Pucha?seriously ganun lang yun?' "Teka sinasabi mo bang itigil na natin agad ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin kay Caito na parang wala lang na kumakain. "Wala akong sinasabi sabi ko lang iniexpect ko na ang sasabihin nila." Sagot niya na kinakunot ng noo ko. "So?gusto mo itigil na natin ito dahil sa sinabi nila?" Tanong ko pucha pakiramdam ko binangga ng isang libong truck ang dibdib ko sa sobrang sakit. "Anong ititigil natin may nasimulan na ba tayo?" Tanong niya na kinatahimik ko. Ano nga bang ititigil namin?ito bang nararamdaman ko? "Maoobliga lang naman tayong itigil kung anong meron tayo kung tatanggapin ko offer nina papa na maging parte ng pamilya niyo." Ani ni Caito makalipas ang ilang minuto na kinatingin ko. "What do you mean?" Tanong ko kay Caito na tahimik na umiinom ng gatas habang nakatingin sa kawalan. "Wala naman talaga akong balak tanggapin ang offer nina papa una pa lang dahil pumunta lang naman ako dito dahil sayo hindi para maging parte ng pamilya niyo." Dagdag ni Caito bago ako tingnan. "Kung gusto ko man makitang nakasulat ang pangalang Caito Nera ayoko yung makita sa birthcertificate." Ani ni Caito na kinalakas ng t***k ng puso ko. 'Putangna.' "Mas gusto ko kasing makita yun katabi ang pangalan mo sa isang marriage contract." Banat ni Caito. "M-Minsan mas gusto ko na lang talagang tahimik ka kaysa dumadaldal ng ganyan." Ani ko habang pilit na tinatago ang pamumula ko. 'Pucha masama na ito, kabaklaan na talaga ito.' "Sinasabi ko lang kung anong naiisip,gusto at nararamdaman ko." Balewalang sagot niya na kinangiwi ko. "Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo?" Nag iinit ang pisnging tanong ko habang nakatingin sa kung saan. "Hindi." Walang kagatol gatol na sagot ni Caito. Hindi ko alam kung ganito ba talaga si Caito o dahil lang yun sa environment na kinalakihan niya. "Lahat ng nararamdaman ko bago sakin kaya hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin o hindi." Ani ni Caito na kinatingin ko. Nakayuko siya habang nakatingin sa tray na walang laman na nasa mga hita niya. "Okay lang naman yun." Ani ko bago lumapit kay Caito at marahang haplusin ang pisngi nito. "I love the way you talk to me, wala kang paligoy ligoy." Pagcocomfort ko na kinaangat ng tingin ni Caito. 'Pucha bakit ba kasi binigyan ng ganitong mukha si Caito kahit sa anong anggulo mukha pa din siyang anghel damn it.' --- "Hindi na ba masakit?" Tanong ko pagkatapos naming maligo at bihisan siya. "Masakit." Nakapoker face na sagot niya pagkatapos ko siyang pasadahan ng tingin. Nasasaktan na yan sa lagay na yan pero...yung kagabi. "What is it?" Tanong ni Caito na kinatingin ko sa mukha niya. Medyo nakayuko kasi ako dahil inaayos ko ang zipper ng suot niyang jacket. "Nothing naisip ko lang yung kagabi siguro nasakt---." Naputol ang sasabihin ko at pilit na pinigil ang pagngiti ko ng makita ko ang pamumula ni Caito bago tumalikod at wala sali salitang kinuha si Galaxy sa kama. "Antayin na lang kita sa labas." Ani ni Caito habang nakatalikod at tuloy tuloy na lumabas. 'Pucha hahaha nakakainlove.' Caito's POV; "Waaah Caitobabes sorry huhu." Iyak nina Eros at Moon bago ako sunggaban ng yakap dahilan para mabitawan ko si Galaxy. "Sorry dapat hindi ka namin iniwan dun." Naiiyak na sambit ni Eros. "Kasalanan ko huhuhu sorry." Dagdag ni Moon na kinangiti ko ng konti. "Wala naman kayong kasalanan wala namang nangyari saking masama." Ani ko bago sila bigyan ng reassuring smile. "Waah huhu ang bait bait mo talaga Caitobabes!" Sumisinghot singhot pa na sambit ni Moon. "Nera!putangina mo bumaba kana!" Parepareho kaming tumingin sa pinto ng bumukas yun at niluwa ang mga barkada nina Kaide. "Ikaw pala ayos kana ba?" Tanong ni Cassius bago maglakad palapit sakin kasunod si Airo. Napatingin ako sandali kina Eros at Moon na lumapit sa Anchor bago ibalik ang tingin kina Cassius. "Okay na ako." Maikling sagot ko bago damputin si galaxy na nasa sahig. "Tangna niyo wag nga kayong maiingay." Rinig kong mura din ni Kaide mula sa likuran ko hanggang sa naramdaman ko ang mga braso niya sa bewang ko. "Kaide saan pala tayo pupunta?" Tanong ko bago tingalain si Kaide na nasa tabi ko. Napansin ko kasi lahat sila nakaporma mukhang hindi sa court ang punta namin hindi din naman yata sa school dahil hindi kami nakauniform at linggo ngayon. "Ngayong araw kasi yung pangako namin kay Tita Veronica na ieendorce namin yung mga bagong design ng damit nila na ilalabas sa magazine." Sagot ni Kaide na kinakunot noo ko. "Mens magazine?" Tanong ko. Minsan na akong nakakita nun sa library dito sa mansyon at masyadong daring ang---. "Haha hindi prettyboy parang isusuot lang namin yung mga damit na design na ginawa ng mga designer ni mommy then pipicturan kami at ilalabas sa teen magazine." Explain ni Cason. "Yun pala akala ko yung katulad nung nakita ko sa library na may mga nakahubad na lalaki." Sagot ko. "Wtf Caito nagbabasa ka ng ganung magazine?" Umuusok ang ilong na tanong ni Kaide na kinakunot ng noo ko. "Meron din ako kung ano mang meron sila wala nga lang akong abs at muscle." Ani ko itataas ko ang jacket ko para ilabas ko ang tiyan ko ng hilahin yun pababa ni Kaide. "At ipapakita mo pa yan sa harap ng mga lalaki dito." Nanggigil na sambit ni Kaide. "Hindi ko alam kung anong pinaglalaban ni Nera." "Kinahihiya ko na si kuya." Napapokerface na lang ako bago tinakpan ang bibig ni Kaide ng sermonan nanaman ako ng kung ano ano. Honestly gusto ko na siyang halikan sa sobrang ingay niya kung hindi ko lang talaga kinoconsiderate ang reaction ng buong barkada niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD