23

1111 Words
Chapter 23 Airo Nera's POV; Tulog na mga kasama ko pero ako eto putangina hindi ako makatulog. Sinindihan ko ang hawak kong sigarilyo bago nakapamulsahang tumayo sa pagkakaupo ko sa kama para lumabas ng kwarto. Papahangin na lang siguro ako sa labas hanggang sa mag umaga. Pagkatapos kong pihitin ang doorknob at hilahin yun nagulat ako ng makita ko si---. "Moon." Ani ko ng makita ko siyang nakatayo dun na gulat na gulat na nakatingin sakin. "A-Ano pasensya n-na akala ko kasi k-kwarto ni sissy." Nauutal na sambit ni Moon tatalikod ito para umalis ng hilahin ko siya papasok at isandal sa likod ng pinto pagkatapos ko itong isara. "A-Airo." Bulong ni Moon pagkatapos ko siyang ikulong sa magkabilang braso ko na nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo niya. "Hanggang kailan mo ako iiwasan?" Tanong ko pagkatapos kong ihulog ang sigarilyo ko at tapakan yun. Moon Black's POV; 'Kaloka ang hot niya.' Napalunok ako ng masalubong ko ang deep gray eyes ni Airo ng tumingala ako. "Hanggang kailan mo ako iiwasan?" Walang emosyong tanong niya na kinatigil ko sandali. "A-Anong ibig mong s-sabihin ito naman gusto mo diba?iwasan kita?" Nanunuyo ang lalamunang sagot ko dahil sa bigat ng paraan ng pagtingin niya sakin na parang kahit kaloob looban ng kaluluwa ko binabasa niya. "Nakakapagod na ding maghabol Airo wala din naman akong pag asa besides nakikita ko namang mas komportable ka kay Cassius." Bulong ko bago yumuko. Kala ko okay na masakit pa din pala. Im falling deeply inlove kay Airo nung una ko pa lang siya makita nung first time na dalhin kami ni daddy sa pilipinas at ipakilala ang mga anak ng former gang niya nainlove na ako sakanya. Naalala ko nun lagi kong kinukulit si dad na dito na ako pag aralin para lang makasama ko si Airo at hindi na tuwing vacation ko siya makita. Kahit paulit ulit niya ako tinataboy okay lang dinadaan ko na lang sa tawa lahat ng mga sinasabi niya yung selos ko tuwing nakikita ko siyang nakikipag tawanan kay Cassius. "Pagod na ako Airo." Bulong ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko at mahinang hikbi galing sa bibig ko. Tatalikod na ako para buksan ang pinto ng---. "Hindi mo naman kailangan humabol pa dahil ako na mismo ang hihinto para sayo." Bulong ni Airo na kinabato ko sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa bewang ko. "T-Tama na Airo hindi kana nakakatuwa." Naiyak na sambit ko bago umikot na hindi ko na dapat ginawa dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Airo. Nakabend kasi ito ng konti dahil sa kapre siya at maliit ako kasalukuyan siyang nakayuko at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko na halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang lapit naming dalawa. Itutulak ko siya ng hawakan niya yun at itaas habang ang isa ko namang kamay nasa dibdib niya. "Mukha ba akong nakikipag laro sayo?" Seryosong sambit niya na kinalunok ko dahil sa pressure na binibigay niya sa buong katawan ko gamit ang tingin at boses niya. "Hindi ko gusto si Cassius bestfriend ko siya, best buddy at alam mo naman kung bakit lagi siyang nakabuntot sakin diba?dahil yun sa gang." Dagdag niya na kinatahimik ko. 'Ang bango kaloka feeling ko nahihigh ako sa amoy ng hininga niya pinaghalong mint at mouth wash.' "L-Lumayo ka lalabas na a---." Naputol ang sasabihin ko ng siilin niya ako ng halik na kinablangko ng utak ko at feeling ko pati sistema ko nag shutdown. Papalag ako ng hapitin niya ang bewang ko na kinabuka ng labi ko sa pagkabigla dahilan para makapasok ang dila niya sa bibig ko na kinalambot ng tuhod ko. Lasang lasa ko ang anghang ng sigarilyo at pait ng beer mula sa bibig niya. "A-Ano bang ginagawa lasing ka ba?!" Sigaw ko habang hinahabol ang hininga ko at nakatakip ang bibig. "Mukha ba akong lasing?" Nakapoker face na tanong niya na kinalunok ko. "Naguguluhan ako Moon." Bulong niya na kinatigil ko sandali. "Normally naattract ako sa babae katulad ng ibang lalaki but not like gusto ko silang ligawan o magkagusto." Dagdag niya bago salubungin ang tingin ko. "Hindi ako yung tipong nag kakaiinteres sa mga bagay bagay lalo na kung hindi importante." Ani ni Airo na kinaiwas ko ng tingin. Tama siya dahil kahit anong gawin ko maghubad man ako sa harap niya wala siyang pakialam ni hindi man lang niya ako magawang tingnan. Sakanilang magkakapatid si Airo ang masasabi mong out of phase palagi. Hindi madaling kunin ang atensyon niya o makausap ng seryosohan kaya ganun na lang ang selos ko kay Cassius kasi nagagawa siyang tingnan ni Airo at kausapin. Kinakausap naman ako ni Airo pero...para bulyawan at pagalitan. "Bukod sa pamilya ko may isang taong nakaagaw ng interes at atensyon ko." Dagdag ni Airo itutulak ko siya ng mas hinigpitan niya pa ang paghawak sakin. "Wag mo ng ituloy ayoko ng marini---." "Mahilig siya sa White and Yellow, mahilig siya sa sweets pero ayaw ng candy, mahilig siya sa mga wild animals pero takot siya sa maliliit na hayop lalo na ang mga lumilipad, mahilig siya mangolekta ng mga dress para sa stock room niya, mahilig sa accesories pero ayaw ng gold" putol ni Airo na kinalaki ng mata ko panong---. "Ayaw niya ng sibuyas sa kahit na ano mang luto ayaw niya din ng beans." Dagdag pa ni Airo bago hawakan ang kaliwang pisngi ko at itaas ang gilid ng labi niya. "Hindi ko pansin ang effort at pagbabagong ginagawa mo sa sarili mo pag nasa paligid mo ako dahil mas nakafocus ako sa totoong ikaw yung simpleng gesture at hilig mo...sa ganung paraan mo nakuha ang atensyon at interest ko." Dagdag ni Airo na kinaawang ng labi ko. "Panong---." "Nakakasawa din kasing titigan ka papalayo at pagmasdan ka ng palihim." Putol ni Airo na kinalunok ko ng maramdaman ko ang paghinga niya sa gilid bg leeg ko. "I just want to tell you something doll." Malamig na sambit ni Airo na kinapitlag ko ng maramdamam ko ang malambot na labi niya sa leeg ko. 'What the eff bakit ang husky ng boses niya mygoodness kung hindi lang ako nakakapit sa door knob baka bumagsak na ako.' "Once na naobsses ako sa isang bagay no one can't resist it even me, I just want to warn you na oras na maging akin ka wala ka ng kawala." "Kung kinakailangan kong markahan ang bawat parte ng katawan mo gagawin ko." Tuloy tuloy na sambit niya na kinatuyo ng lalamunan ko ng makasalubong ko ang mga mata ni Airo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD