03

1257 Words
3rd Person's POV; "M-Mr. Griffin maawa kayo may pamilya at mga anak pa po ako napag utusan lang ako." Pagmamakaawa ng isa sa mga nakabusiness man na nakaluhod sa sahig at nakatali na ngayon ay takot na takot. "Mr.Johnson kilala niyo ako." Walang emosyong sambit ng binata habang pretenteng nakaupo sa isang upuan at napapalibutan ng daan daang tauhan ang buong paligid. "Binibigay ko lahat ng alam kong deserve ng mga tauhan ko specially ng mga empleyadong nagtatrabaho ng mabuti sa mga kompanya ko." Dagdag ng binata habang nakapikit at nakatukod ang siko sa arm rest ng upuan. "Mr.Griffin nagmamakaawa ako hindi na kami uulit napag utusan lang kami." Halos sambahin na ng grupuhang nakabusiness suit ang lalaki pero hindi man lang nito pinagkaabalahang tingnan ang mgs tauhan. "Business is business at sa business ko hindi ako nag aalaga ng kahit na anong klaseng hayop." Ani ng binata bago imulat ang mga mata na kiputla ng mga lalaki na kasalukuyang nga nakaluhod. "Buhos niyo na yan." Utos ng binatang nasa kanang bahagi ng binata na kinaiyak ng mga matatandang lalaki na nakaluhod lalo na ng buhusan silang lahat ng gas. "Mr.Griffin maaw---AHHHHHHHHH!!!!" "AHHHHH!!" Nagkanya kanyang sigaw ang mga lalaking nasa gitna ng sindihan sila. Tatakbo ang mga ito kung saan ng paulit ulit silang sipain ng mga tauhan ng binata na ngayon ay walang emosyong nakatingin sa mga nasusunog na tauhan sa gitna at hindi alintana ang amoy ng nasusunog na laman na umiikot sa buong paligid. "K-Kuya." Naiiyak na sambit ng batang babae habang nakali sa isang upuan sa gitna ng abandonadong gusali kung saan madalas silan naglalaro ng kakambal. "Papa!anong sinasabi mo?!anak niyo din si Venom kakambal ko siya bak---." "Mahigpit na pinagbabawal sa angkan ng mga Aragon ang magkaroon ng anak na Babae." Walang emosyong putol ng lalaki bago itaas ang kanang kamay na kinalaki ng mata ng batang lalaki. "A-Anong gagawin n-niyo sa kakambal ko?" Nanlalamig na tanong ng batang lalaki ng makitang lumapit ang isa sa mga tauhan ng ama na may hawak na gallon. "Venom!" Sigaw ng batang lalaki lalapit ito ng hapitin siya ng mga tauhan ng ama. "Bitawan niyo ako!ang kapatid ko!" Nagwawalang sambit ng batang lalaki habang pilit na kumakawala sa mga tauhan ng ama. "Mr.Griffin nakahanda na ang eroplano sa itaas." Nakayukong sambit ng isa sa mga tauhan ng binata. "Linisin niyo na ito." Walang emosyong sambit ng binata bago tumayo at nakapamulsahang lumabas ng silid kasunod ang ilang tauhan. "Ilang taon na akong tauhan ni Boss pero hanggang ngayon bumabaliktad pa din ang sistema ko pag nakakakita ako ng ganito." Komento ng isa sa mga lalaking nakatayo sa palibot ng sunog na katawan. "Hindi nagkukulang si boss sa sustento at proteksyon niya sa grupo kaya para sakin deserve nina Mr.Johnson ito." Sabat ng isa pa na nakapamulsahang nagsisindi ng sigarilyo. "Binibigay ni boss lahat ng kailangan natin pera man o proteksyon sa pamilya kaya deserve niya din ang loyalty ng grupo kaya para sakin tama lang ito kina Johnson sunugin ng buhay ang mga traydor." Sang ayon ng isa pang binata habang may hawak na ripple na nakapatong sa balikat at nakatingin sa kumpulan ng sunog na bangkay. --- "Bukas na ang birthday ko hindi ba uuwi si Racer?" Walang ganang tanong ng dalaga bago ibaba ang hawak na mga kobyertos matapos nito umisang subo. "Nawalan kama ng kontak kina boss kahapon pa Young Lady." Sagot ng nangangalang Drake na kinatahimik ng dalaga. "Pero young lady nagpadala si Boss ng apat na box na cake na gustong gusto mo at mga stuff toys na galing pa ng France." Sabat ni Terrance ng makita ang pagbagsak ng balikat ng dalaga. "Si Racer gusto ko." Sagot ng dalaga bago tumayo at lumabas ng dinig area na kinabuga ng hangin ng ginang bago tingnan ang dalawang binata na hindi na alam ang gagawin. "Hindi napapalitan ng mga materyal na bagay ang gustong makuha ni Amber. Hindi na din bata si Amber para suhulan niyo ng kung ano ano." Dagdag ng ginang na kinasapo sa noo ng binatang si Terrance. "Alam mo naman Nanay Teresita na kung pwede lang namin bitbitin si Racer dito ginawa na namin noon pa para lang kay Amber. Pero hindi pwede dahil bago pa kami umisang hakbang palapit sa halimaw na yun may nakabaon ng tingga sa bungo namin panigugarado." Ani ni Drake na kinabuga ng hangin ng ginang. "Sana marealize na ni Racer na hindi na materyal na bagay ang kailangan ng alaga niya ngayon." Ani ng ginang na kinakamot sa ulo ng binatang si Drake habang si Terrance naman at nagsimula na ulit kumain. --- "Happy birthday Amber ma'friend!" Pasigaw na bati ni Maki ng makapasok ang dalaga sa classroom na kinalaki ng mata ni Amber dahil may pa confetti pa ang kaibigan. "Maki pasaway ka pero salamat." Nakangiting sambit ng dalaga bago yakapin ang kaibigan na napatigil bahagya bago tapikin ng marahan ang dalaga. "Ayos ka lang ba?" Tanong ng dalaga ng humiwalay si Amber at ayusin ng konti ang buhok ng kaibigan. "Ayos lang naman ako." Walang ganang sagot ng dalaga habang naglalakad sila pabalik ng upuan. "Dapat happy ka ngayon birthday mo ah." Ani ni bago pabirong siniko siki ang dalaga na kinatawa ng mahina ni Amber. *beep* Napatigil sandali si Maki ng tumunog ang phone niya na nasa bulsa ng uniform na agad kinangiti ng mabasa ang text. "Oy sino yan boyfriend mo?" Tanong ni Amber na kinatingin ni Maki bago tumayo. "Hindi ah teka labas muna ako may emergency lang." Paalam ni Maki bago dali daling lumabas na kinibit balikat ng dalagang si Amber bago kuhanin ang mga books niya para ireview yung mga tinuro sakanya ng babae. --- "Andiyan na si Prof." Anunsyo ng president bago umupo sa upuan nito na kinaayos lahat ng estudyante. "Okay class labas niyo na assignment niyo...ikaw Lacson tumayo ka... sumagot ka dito sa blackboard." Ani ng prof na kinatayo ni Amber kukuhanin nito ang notebook ng---. "Bawal ang notebook sagutan mo yan dito sa unahan." Ani ng prof na kinatingin ni Amber. "N-Nasa n-notebook ko po yung formula at may sagot na po ako." Ani ng dalaga na kinagusot ng mukha ng teacher. "Kung ikaw sumagot nan kahit nakapikit ka pa maisusulat mo yan dito sa blackboard." May diing sambit ng teacher na kinatawa ng buong klase. Hindi na sumagot ang dalaga matapos sabihin yun ng guro kahit hindi sigurado naglakad ito palapit sa blackboard at kumuha ng chalk. "P-Prof hindi ko na po kasi m-matandaan." Natatakot na sambit ng dalaga na kinausok ng ilong ng matanda at walang kaano anong hilahin ang dalaga at iharap sakanya. "Bakit ba ang boba mo?!ano sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan?!" Bulyaw ng isang teacher habang dinuduro duro ang noo ng dalagang si Amber na nakayuko. "Ang pangit mo na nga ang tanga tanga mo pa!" Dagdag ng guro na kinatawa ng buong klase habang si Amber naman ay naiiyak dahil sa sobrang kahihiyan. "Kung tapos kana meron ka pang limang minuto para makaalis ka sa eskwelahan na ito ng nakatayo." Ani ng binatang kasalukuyang nakahilig sa pinto na kinatulala ng lahat ng estudyante. Habang ang guro naman ay halos mawalan ng kulay ang mukha ng makita ang walang emosyong kulay berdeng mga mata ng binata na nakapako ang tingin sa matanda. "R-Racer." Hindi makapaniwalang bulong ng dalaga habang nakatingin napakagwapong binata na walang emosyong ang mukhang nakatingin sakanila. "Long time no see...My little one."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD