02

1092 Words
Amber Lacson's POV; "Hoy Amber panget ibili mo nga ako ng juice!" Utos sakin ni Yuri pagtapak na pagtapak ko sa loob ng classroom. "S-Sige ibaba ko lang itong gamit ko." Ani ko bago pumunta sa upuan ko at ibaba ang mga libro ko. "Bilisan mo ang bagal bagal!" Bulyaw ni Yuri na kinayuko ko aalis na ako ng---. "Whoa chix!" "Tangna pre ang ganda." Napatingin ako ng may babaeng tuloy tuloy na pumasok at lumapit sa pwesto ko. "Yo good morning Amber." Nakangiting bati nung babae kahapon. Hindi ko maiwasang matulala dahil mukha talaga siyang anghel. "Hoy bobita!yung inuutos ko sayo yung juice ko!" Bulyaw ni Yuri na kinatalon ko dahil sa gulat. "S-Sorry bibil---." "Ako ang bibili." Naputol ang sasabihin ko ng putulin yun ng babae at walang kaano anong binato ang bag niya sa tabi ng upuan ko. "Dito ka lang." Utos nung babae bago tumalikod at humakbang palabas. "Hoy bobita!ikaw inuutusan ko diba?!" Bulyaw ni Yuri na kinapitlag ko ng hilahin niya ang buhok ko na kinahiyaw ng mga kaklase namin. "Ano yun ha?!bago mong kaibigan?naghahanap ka ba ng kakampi mo?" Nanggagalaiting sambit ni Yuri. "H-Hindi ko siya kilala Y-Yuri masakit tama na." Naiiyak na sambit ko. "Ahh!" Tili ni Yuri na kinalaki ng mata ko ng makita ko yung babae. "Whoaa!!" React ng mga kaklase ko ng hilahin ako nung babae at walang kaano anong sabuyan sa mukha si Yuri ng kape. "Ohmygod!my face!!" Tili ni Yuri habang hawak ang mukha niya. "Oops mybad kape pala nabili ko hindi juice sorry." Nakangising sambit ng babae habang hawak ang braso ko. "Ikaw transferee ka lang!" Nanggagalaiting sambit ng isa sa tatlong kaibigan ni Yuri. "Tama na!h-hindi niya sinasadya pupunas---." Bago pa ako makalapit kay Yuri hinila ako ulit nung babae ng sumugod yung isa sa tatlong babae na barkada ni Yuri. Pero bago pa makalapit samin si Rhea mabilis na hinablot nung babae ang likod ng ulo ni Rhea na kinalaki ng mata ko ng iuntog niya yun sa table ng upuan na kinatakip ko ng bibig lalo na ng magsisigaw si Rhea dahil dumugo ang ulo nito sa lakas. "Pigilan niyo na baka makapatay yung transferee!" Takot na takot na sigaw ng isa sa mga kaklase ko. "Subukan niyong lumapit kayo ang susunod." Banta nung babae na kinatigil naming lahat. "By the way I'm Maki Garcia temporary student galing Japan." Nakangising pagpapakilala nung babae bago tumingin sakin at akbayan ako. I mean yakapin ang leeg ko gamit ang isang braso niya. "Oras na may humawak o kantiin ni hibla ng buhok ng babaeng ito mangyayari sainyo ang nangyari sa mga ipokritang yan." Banta ni Maki na kinawala ng kulay ng mga kaklase ko. "And worst gusto niyong bumaba sa 4th floor na ito ng hindi dumadaan sa hagdan." Nakangising sambit ng babae bago ako hilahin pabalik sa upuan namin at hindi pansinin ang dalawang babae na pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko na umiiyak. "B-Bakit mo y-yun ginawa?" Nagaalalang tanong ko na kinatingin niya. "Ang alin?" Inosenteng tanong niya bago maglabas ng notebook at ballpen. "Yung ginawa mo kina Yuri baka makick out ka agad." nag aalalang tanong ko na kinangisi niya. "Hindi nila pwedeng gawin yun sakin lalo na ang mismong may ari nitong eskwelahan ang nagpasok sakin dito." Sagot niya na kinalaki ng mata ko. "K-Kaibigan ka ng may ari ng eskwelahan?" Tanong ko na kinibit balikat niya. "Oo na hindi." Sagot ni Maki na kinataka ko. "Basta simula ngayon pag may nambully ulit sayo at sinaktan ka sumbong mo sakin ihuhulog ko sila sa rooftop." Dagdag ni Maki na kinalaki ng mata ko. "A-Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko na kinangisi niya bago palobohin ang bubble gum na nasa bibig nito at sumandal sa upuan niya "Alam mo bang napakarare ng matang meron kayo." Komento ni Maki na kinayuko ko dahil sa hiya. Sabi nila monster daw ako pero hindi dahil sa mata ko kung hindi dahil sa mukha ko. "M-Monster nga daw ako." Ani ko na kinatawa ni Maki. "May kilala din akong kakaiba yung kulay ng mata pero kumpara sayo mas mukha siyang halimaw...literally inside." Ani ni Maki na kinatingin ko. "Hindi ka naman mukhang halimaw makikitid lang ang utak ng magsasabi nun sayo." Dagdag pa ni Maki na kinangiti ko. Mukha talaga siyang mabait maliban lang yung kanina muntikan na siyang makapatay ang creepy*pout*. --- 3rd Person's POV; "How is she?" Tanong ng binatang tuloy tuloy na pumasok sa isang silid at lumapit sa bar counter bago magsalin ng alak. "Napaaway agad ako kanina." Walang buhay na sagot ng dalaga habang tahimik na sumisimsim ng alak sa isang kopita. "Panong napaaway? May nakalampas ba samin?" Nag aalalang tanong ng binata na kinapoker face ng dalaga. "Sa loob ng school ang tinutukoy ko damn it kung nagkataon na si boss ang nakakita nun baka ipabomba na nun ang eskwelahan." Nanggigil na sambit ng dalaga. "Anong nangyari?" Tanong ng binata. --- "Anong inaaral mo?" Tanong ng dalagang si Maki bago umupo sa isang bench katabi ng dalagang si Amber na agad tinago ang ginagawa. "A-Ano hindi ako nag aaral." Nahihiyang sambit ng dalaga. "Nag aaral ka nakita ko anong kinakahiya mo gusto mo tulungan kita?" Tanong ng babae na kinatingin ng dalaga. "Mahina ang ulo ko mahirap ako turua---." "Masyado ka lang tense kaya naboblock utak mo tiyaka kung hindi mo maintindihan willing ako paulit ulitin yun sayo." Putol ng dalagang si Maki na kinakinang ng mata ng dalaga. "T-Totoo?" Hindi makapaniwalang sambit ng dalaga na kinangiti ni Maki bago tumango. "Salamat Salamat." Tuwang tuwa na sambit ng dalaga bago buksan ang libro na inaaral niya. Amber Lacson's POV; "Mali Amber mali solution mo kaya namali yung result dapat ga---." "Pasensya na." Napatakip ako ng mukha dahil sa sobrang hiya. Magtatatlong oras na simula ng turuan ako ni Maki at ni isa sa mga tinuro niya wala ako maintindihan. "Uulitin ko Amber okay?" Napatingin ako kay Maki ng napaka kalmado pa din ng boses nito hindi katulad ng mga teachers ko na sinisigawan ako pag hindi ko nakukuha. "Nakukuha mo naman ang formula Amber hindi ka kasing hina ng iniisip mo okay?" Pagcocomfort ni Maki habang nakangiti. "Bakit ang bait bait mo sakin?I mean wala pang dalawang linggo since nagtransfer ka dito." Ani ko na kinatigil niya sandali bago ngumiti. "Kasi mabait ka at ikaw lang ang kavibes ko dito." Sagot niya bago marahang haplusin ang buhok ko. Para siyang mga ate ko ang bait niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD