04

1033 Words
Amber Lacson's POV; "Patawarin niyo ako!patawad Mr.Griffin wala akong kaalam alam sa mga ginagawa ng Prof at mga estudyante kay Ms.Lacs---." "Racer!" Sigaw ko lalapit ako kay Racer ng harangan ako ni Maki bago marahang humiling. "Bawat sulok ng eskwelahan na ito may nakakabit na CCTV tapos hindi alam?" Hindi ko maiwasang kilabutan sa boses ni Racer ng sabihin niya yun habang hawak ang kwelyo ng Dean namin. "Racer." Bulong ko habang nanginginig dahil sa sobrang takot. Hindi ko mabasa ang expression ni Racer pero alam kong galit na galit siya at hindi ko gusto ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. "Racer*sob*" umiiyak na sambit ko na kinatingin ni Racer sa pwesto ko. "Damn it." Agad niyang binitawan ang Dean bago malalaki ang hakbang na lumapit sakin at sapuin ng malapad niya palad ang pisngi ko. "Uuwi na tayo stop crying." Kalmadong sabit niya bago ako hawakan sa kamay at tingnan si Maki na nasa gilid ko. Marahan kong pinunasan ang pisngi ko ng lumabas na kami ng Dean office at bahagyang tingalain si Racer. Ang tangkad niya na halos hanggang sa ibaba lang ako ng dibdib niya tapos sobrang gwapo. "Ilove seeing my reflection in your eyes little one pero nakakaintimidate yang titig mo so stop." Casual na sambit ni Racer na kinainit ng pisngi ko bago umiwas ng tingin na agad kong kinayuko ng mapansing halos lahat ng estudyanteng napapatitingin samin napapatigil dahil sa perfect form ng greek god na nasa tabi ko at hawak ang kamay ko. Aalisin ko sana ang kamay ko ng mas higpitin yun ni Racer na tama lang para hindi ako makawala. "Mamili ka papahawak ka sakin o bubuhatin kita hanggang sa makarating tayo ng parking lot." Bulong ni Racer na kinagat labi ko mukhang mas nakakahiya yung 2nd choice. --- Nang makarating kami ng parking lot nakahinga ako ng maluwang ng walang gaanong estudyante dun pero---. "Racer." Napayakap ako sa braso ni Racer ng makakita ako ng madaming lakaki na katulad palagi ng uniform nina Terrance at lahat sila nakayuko sa harap namin habang sa likod nila ang nagkalat na magagarang kotse. "Wag mo na silang pansinin tara na." Ani ni Racer bago hapitin ang bewang ko palapit sa isang sportscar na kinatigil ko bahagya dahil sa para akong nakuryente sa paghawak ni Racer sa katawan ko. "Pasok na." Ani ni Racer bago buksan ang pinto at hawakan ang ulo ko ng sasakay na ako. Matama ko lang pinagmasdan si Racer na umikot pagkatapos niyang isara ang pinto ng passager seat. "Racer hindi pa tapos ang klase ko." Ani ko ng makasakay siya at iistart ang kotse. "Macacancel din naman ang klase ngayong araw." Sagot ni Racer na kinatingin ko. "Bakit?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at nanatiling tahimik habang nagdadrive. Hindi ko alam pero habang tinitingnan ko ngayon si Racer pakiramdam ko kahit sobrang lapit naming dalawa sobrang layo niya sakin hindi ka maabot. 'Hindi siguro naninibago lang ako dahil halos 13 years din kaming hindi nagkita at tanging sa magazine ko lang siya nakikita kaya siguro hindi ako sanay.' --- "Little one may pinadadala ako ditong mga dress,sapatos at jewelries diba?" Tanong ni Racer ng makapasok kami ng mansyon na kinatayo nina Drake mula sa pagkakaupo sa sofa. "Ahm." Ani ko na kinatigil ni Racer bago humarap sakin at tiningnan ako. "May mga uniform din akong pinadala na mas maayos diyan sa suot mo na parang hindi dinaanan ng plantsa." Dagdag ni Racer na kinangiwi ko. "Kailangan ko pa ba maghire ng personal maid mo para asikasuhin ka at ayusan little one?" Kalmadong tanong niya na kinayuko ko. "Kahit pa balutan mo ako ng mga alahas mula paa hanggang ulo,suutan ng magagarang damit at mamahaling sapatos pangit pa din ako." "Ano bang basehan mo para masabi mong pangit ka?" Tanong ni Racer na kinaangat ko ng tingin. "Maganda ka inside and out Little one." Bulong ni Racer bago hawiin ang buhok ko na tinatago ang kalahati ng mukha ko at haplusin yun katulad ng ginagawa niya dati. Ang pinagkaiba lang ngayon sakop na sakop na niya ang kalahati ng pisngi ko at sobrang laki niya na kumpara sakin. Hindi ko alam pero ng araw na yun yun na siguro ang pinaka masayang kaarawan para sakin dahil nakita ko na si Racer simple lang handaan pero masaya dahil magkasama na kami ulit. "Amber!" Napatingin ako sa pinto ng bumukas yun at nakita ko si Maki na may dalang paper bag bago ako salubungin ng yakap ng makalapit siya sakin. "Maki pano ka nakarating dito? Imean pano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko ng humiwalay na siya sakin. "Ow hindi pa ba nasabi sayo nina Renzo?" Tanong ni Maki na kinatingin ko kina Renzo na nasa sala. "Nakakabata kong kapatid si Maki Young lady at nagtatrabaho din kay Mr.Griffin." sagot ni Renzo na kinalaki ng mata ko. "W-Wait? Kilala mo si Racer?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Uhuh!boss ko siya at tatlong taon na ako nagtatrabaho kay Mr.Griffin bilang secretary niya." Sagot ni Maki bago pangiti ngiting niyakap ang braso ko. "Pero dahil mabait at magaling ako isa ako sa hinired para maging kasama mo bestfriend,bestbuddy,body gu--body haha." Tawa ni Maki magtatanong sana ako ng---. "Hello." Napatingin kami pareho kay Racer ng tumalikod ito habang hawak ang phone niya. "How many times I'll tell you na wag kang tatawag pag nasa gitna ako ng trabaho." Trabaho? "Amber." Ani ni Maki bago nag aalalang tiningnan ako. "I'm okay." Bulong ko bago lumapit sa dining area habang hawak si Maki. "Kumain tayo Maki kami ni Nanay Teresita nagluto nito." Nakangiting sambit ko kay Maki bago siya paglagyan ng pagkain at tumabi sakanya. "Wag mo na lang pansinin yung sinabi ni boss." Napatingin ako kay Terrance ng umupo ito sa harap namin at abutan kaming dalawa ng tubig. "Akala ko kasi pumunta siya dito dahil gusto niya yun pala dahil naobliga siya." Sagot ko na kinatingin ko ng guluhin ni Terrance ang buhok ko. "Sabihin mo ba naman na aalis ka pag hindi siya pumunt---." "Racer!" Ani ko ng makita kong tabigin ni Racer ang kamay ni Terrance na nasa ulo ko. "Touch my Little one again Ramos and I will cut your f*****g hands off."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD