06

972 Words
Amber Lacson's POV; Sa loob ng isang linggo bumawi sakin si Racer. Gumala kami, naglaro at lahat ng trip ko sinasakyan niya as in walang reklamo pero siyempre hindi maiiwasan dun yung madalas na panenermon niya sakin katulad ngayon pag nasasaktan ako. Ganun siya kaprotective wala pa ding pagbabago. "Tingnan mo ang dumi dumi na natin." Ani ni Racer bago pailing iling na tiningnan ang tyura naming dalawa. Sumakay kasi kami sa likod ng kalabaw sa sobrang likot ko mahuhulog dapat ako eh sinalo niya ako ayun pati siya nahulog bagsak kami sa putikan. "Ang unfair." Bulong ko habang nakasimangot na nakatingin sa tyura ko at sa tyura ni Racer na nagpupunas ng mukha. "Pareho tayong balot sa putik anong unfair dun dont tell me balak mo pang gumulong ulit dun." Sarcastic na sagot niya na kinangiwi ko. "Hindi naman yun eh!kita mo nga tyura natin ikaw balot na sa putik mukha ka pa ding magmomodel eh ako mukha na akong pulubi kahit konti lang yung putik sa katawan ko." Pagmamaktol ko habang nakasimangot. Ewan ko ba kung bakit pero pag dating kay Racer feeling ko napakaimmature ko na. "Tigilan mo nga yang pagkukumpara mo sa iba mukha ka mang pulubi,babaeng putik,basurera or what little one pa din kita." Ani niya na kinangiwi ko. Dapat ba akong kiligin sa sinabi niya o maasar hindi ako maliit kapre lang talaga siya. "Tara na bumalik na tayo sa rest house para makapag bihis na tayo." Yaya ni Racer bago ako hawakan at alalayan paalis ng palayan. "Boss." Bungad ni Terrance ng makaakyat kami ni Racer. "Sa rest house na Ramos." Ani ni Racer bago tumalikod at naglakad papuntang rest house habang hawak ako. 'Aalis na ba sila?h-hindi pa naman siguro diba?' --- Matapos kong maligo at magbihis dali dali akong lumabas ng kwarto at baba na ako ng hagdan para tawagin si Racer ng---. "Aalis na tayo bukas ng umaga kayo na bahala sa mga documents na kakailanganin natin tawagan mo din si Lucy sabihin niyo pabalik na ako." Utos ni Racer. 'Lucy?girlfriend niya ba yun?Asawa?' Hindi ko alam pero ng pumasok yung idea na yun sa isip ko may kung anong kumirot sa puso ko. Kaya imbis bumaba tumaas na lang ulit ako sa kwarto at nilock ang pinto. "Dito na lang ako hanggang sa bukas ng hapon ayokong makita nanaman siyang umalis hindi na ako bata." Bulong ko bago naglakad palapit sa kama at dumapa dun. "Ayoko ng maging pabigat tama na siguro yung isang linggo." Bulong ko hanggang sa naramdamdaman ko na lang ang pag init ng gilid ng mga mata ko kasunod ng sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko. Maya maya nagising ako ng may marahang humahaplos ng pisngi ko na kinamulat ng mata ko. "Racer?" Paos na sambit ko ng makita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama ko na kinabuga niya ng hangin. "Bakit ka naglolock ng pinto? Hindi ka sumabay sa dinner kanina anong problema?" Kalmadong tanong niya pero imbis sumagot tumagilid ako patalikod sa pwesto niya. "Napagod ako at inaantok lagi din naman akong naglolock ng pinto." Walang ganang sagot ko bago pumikit. "Lier pumapasok ako tuwing madaling araw dito hindi nakalock ang pinto." Sagot ni Racer na kinamulat ng mata ko. "Ano namang ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong ko bago lingunin si Racer na nakaupo pa din at matama akong tinitingnan. "Hindi yun ang issue dito bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ni Racer imbis umimik tumalikod na lang ako ulit at tinitigan ang pader na nasa harapan ko na parang andun yung sagot sa tanong niya. "Ayoko lang makitang umalis ka ulit." Bulong ko. "Sino namang may sabing aalis ako mag isa dito?" Tanong ni Racer na kinatingin ko. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko bago bumangon at salubungin ng tingin ang berdeng mga mata ni Racer. "Sasama ka sakin sa Manila." Sagot ni Racer na kinatuwa ko bago siya yakapin ng mahigpit. "Salamat Racer!" Tuwang tuwa na sambit makakapunta na ako ng Manila hindi na kami magkakahiwalay ni Racer. "Matulog kana at bukas din ng umaga mag impake kana." Ani ni Racer pagkatapos kong humiwalay at guluhin ang buhok ko. "Goodnight little one and sleep well." Paalam ni Racer na kinatuwa ko ng sobra kaya ng makalabas ng kwarto hindi ko maiwasang magpagulong gulong sa kama. "Makakasama ko na si Racer lagi ko na siyang makikita." Naeexcite na sambit ko bago yakapin ng mahigpit si Raki ang human size monkey isa sa mga nakuha ni Racer. 'Ano kayang tyura ng Manila?' 3rd Person's POV; "This past few days parang hindi si boss ang nakakasama natin dito sa rest house." Komento ni Drake habang nakatingin sa binatang nasa gitna ng garden ng rest house na kasalukuyang lumalaklak ng beer. "Tsk sabihin mo nag iiba si boss pag nasa paligid si Young lady." Sabat ni Renzo na nakasandal sa glassdoor ng Garden na nagdudugsong sa sala ng resthouse. "Yeah right at ang reality na nasa harap natin si boss at nagagawa niyo pang magchismisan ng harapan." Sabat ng binatang si Terrance na nakapamulsahang naglakad palapit sa grupo. "Natawagan mo na si Lady Lucy?" Tanong ni Renzo na kinangiwi ng binata. "As usual pinaliguan ako ng mura pagkasagot na pagkasagot ng phone sa pag aakalang ako si Boss." Sagot ng binata na kinailing ni Drake bago naawang tapikin ang kaibigan. "Better luck next time pre sanay ka namang mamu---." "Putangna mo Alba." May diing mura ng binatang si Terrance na kinatawa ng dalawang kaibigan. Patuloy sa pag aasaran ang tatlong binata ng panandalian silang natahimik ng mapatingin sila sa pwesto ng pinuno na tahimik na umiinom ng alak. "Seryoso ba talaga si boss na dadalhin niya sa manila si Young lady?" Tanong ni Terrance na kinatahimik ng dalawang kasama. "Naiistress ako kumuha na din tayo ng maiinom." Out of the blue ba yaya ni Renzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD