07

1037 Words
3rd Person's POV; "Nanay Teresita hindi talaga kayo sasama?" Naiiyak na tanong ng dalaga na kinangiti ng ginang. "Haynaku iha walang magbabantay nitong mansyon at isa pa hindi ako sanay sa maiingay na lugar." Sagot ng ginang bago haplusin ang pisngi ng dalaga. "Mag iingat ka dun okay?wag ka ding matigas ang ulo para hindi ka napapagalitan ni Racer." Bilin ng ginang bago yakapin ang dalaga at nakangiting harapin ang mga lalaking magbabantay sa dalaga. "Wag niyong pababayaan itong alaga ko ah."bilin ng ginang na kinangiti nina Terrance bago marahang yumuko bilang pag galang. --- "Ang ganda." Nanlalaki ang matang sambit ng dalaga habang nakatingin sa bintana ng eroplanong pagmamay ari ng binata. Habang hindi naman maiwasang mapatitig ng binata sa kulay asul na mga mata ng dalaga na nakatingin sa labas ng makita niya itong kumikinang at hangang hanga sa mga nakikita. "Look Racer oh ang ganda kulay blue yung tubig tapos ang liit liit ng nga bahay na nakikita ko." Tuwang tuwa na sambit ni Amber habang parang batang dinidikit ang mukha sa salamin para sumilip sa baba. Amber Lacson's POV; Nagising ako ng makarinig ako ng makarinig ako ng mga ingay kung saan. "Racer." Bulong ko habang kinukusot kusot ang mata ko at makita si Racer na nasa tabi ko nakatulog ako sa balikat niya? "Boss nasa baba na sina Lady Noemi kanina pa." Biglang sulpot ni Drake habang nakayuko. "Nandito na ba tayo?" Tanong ko kay Racer pero hindi siya sumagot at tinanggal kung ano mang nakakabit sa katawan ko at alalayan akong tumayo. "Wear this malakas ang hangin sa labas." Ani niya bago may kung anong damputing balabal na kulay abo at isuot sakin may burda yung kulay gold na hindi ko maintindihan design yata ito. "Yumuko ka lang pagbaba natin." Bilin niya bago isuot sakin ang hood nun at alalayan ako kasunod sina Drake. "Racer." Ani ko ng pagtapak pa lang namin pagbaba ng eroplano sumalubong samin ang sobrang lakas ng hangin doble ang lakas nito kaysa nung sumakay kami dahil siguro nasa open crowd kami at talagang palapagan ito ng eroplano. Bago pa matanggal ang balabal ko tinago na ako ni Racer sa dibdib niya at hinarangan na ako ng mga tauhan ni Racer na kahit papano nawala ang hapdi ng balat na nararamdaman ko. No wala na akong nararamdaman konting hangin na lang habang naglalakad hindi ko maiwasang pakiramdaman ang buong paligid feeling ko ang dami daming nakatingin. "Tangna mo Griffin nagbakasyon ka ng isang linggo na walang pasabi!" Napaangat ako ng tingin ng makarinig ako ng boses ng babae. Saktong pag angat ko ng tingin mula sa pagkakayakap ng isang braso ni Racer ang pagtama ng mata namin ng babaeng may maamong mukha. 'Ang ganda as in mukha talaga siyang anghel.' "Whose that girl?" Nakakunot ang noong tanong ng babae habang nakapameywangang hinarap si Racer na nakapoker face lang. "She was the girl who i told you before." Sagot ni Racer na kinalaki ng mata ng babae. "Ohmy ibig sabihi---ow hi Im Lucy and your Amber right?" Tanong niya bago kuhanin ang kamay ko at makipagshake hands. "You are Racer's little one and nice to meet you baby girl." Bati ni Lucy bago nakangiting pagmasdan ako. "Ahm hi po." Bulong ko bago nahihiyang kumapit kay Racer hindi talaga ako sanay na tinititigan feeling ko kasi anytime lalaitin nila ang mukha ko. "Aww how cute." Parang batang sambit nung babae. "Amber girl!" Napatingin ako kung saan ng biglang sumulpot si Maki at sunggaban ako ng yakap. "Kyaah! Huhu dapat kasama mo ako pabalik dito si Mr.Griffin kasi hindi tuloy ako nakasabay sayo." Sumbong ni Maki na kinangiti ko. "Makakasama din kita dito?" Natutuwang tanong ko habang nakahawak sa braso ni Maki. "Oo naman noh bespar kaya tayo hihi." Sagot ni Maki ng---. "Racerbaby where have you been ba? Hindi ka man lang tumawag sakin." Napatingin kami pareho ni Maki sa sopistikadang babae na kasalukuyang naglalakad palapit kay Racer na may mga nakasunod din na black in men. "Sino siya?" Tanong ko habang nakatingin sa babae kausap si Racer. Hindi ko alam pero may kung anong kumirot sa puso ko ng makitang pinulupot ni Racer ang isang braso niya sa bewang nung babae. 'Ang ganda niya,napakakinis at mukhang matalino kinakausap niya sa ibang lenggwahe yung lalaking kasama niya kani kanina lang at mukhang pinakikilala niya si Racer.' "Siya si Naomi Buenaventura anak ng CEO na kamarge ng isa sa company na pinatatakbo ni Mr.Griffin." pakilala ni Maki. "She was Mr.Griffin's girlfriend." Sabat nung Lucy habang nakangiting lumapit sakin at yumuko. "Welcome to Manila, Mylady." Nakangising bulong nung Lucy bago ako lampasan. 'Welcome ba talaga ako?' Ani ko sa sarili bago tingnan si Racer katabi yung magandang babae. 3rd Person's POV; "Ayos ka lang?" Tanong ng dalagang si Maki ng makita ang babaeng nakatingin sa labas ng bintana. "Feeling ko hindi ako welcome dito." Out of the blue na sambit ni Amber na kinatingin ni Terrance sa rare view mirror kung saan kitang kita ang dalaga sa back seat na nasa pagitan ng dalagang si Maki at Renzo. "Dahil ba kina Ms.Buenaventura at Boss?" Tanong ni Drake na nasa driver seat. "Wag kang mag alala Young Lady walang makakalabas dito ilang years na tayo magkakasama noh para mo na din kaming bestfriend." Natatawang sambit ni Terrance ng makita ang pag aalangan ng dalaga. "Nalulungkot kasi ako bakit hiniwalay ako ng sasakyan ni Racer tapos yung girlf---haist." Frustrate na sambit ng dalaga na kinatawa ng mahina ni Maki. "Cheer up Gusto mo mag boy hunting tayo bukas hihi." Ani ni Maki na kinatingin ng dalaga. "Maki nagjojoke ka ba? Sa pangit k---." "Hindi ka pangit ah." Putol ni Terrance na kinatingin ng apat. "Imean hindi ka pangit Young lady." Ani ng binata pagkatapos tumikhim na kinatawa ng mahina ng binatang si Drake na nasa driver seat. "Oo nga Young Lady hindi ka pangit." Sang ayon ni Drake na sinundan ni Renzo. "Magsabi sayo ng pangit...sila papangitan ko gamit itong kamao ko." Ani ni Renzo na kinatawa ng mahina ng dalaga. "Amber hindi basehan ang tyura sa pagmamahal okay? Maganda ka inside and out kung hindi lang dahil diyan sa sunog sa mukha mo mas maganda ka pa sakin." Nakangiting sambit ni Maki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD