3rd Person's POV;
"Nanay Teresita pupunta po ba tayo ngayon sa bayan?" Inaantok na sambit ng dalaga habang kinukusot kusot ang mata niya pababa ng hagdan.
"Oo iha mamimili tayo ngayon." Sagot ng ginang habang nasa kusina.
"Goodmorning little one." Napatigil ang dalaga sa huling baitang ng hagdan at nanlalaki ang matang tumingin sa mahabang sofa ng makita ang binata na nakaupo kaharap ang isang laptop at sa likod nito ang ilang tauhang kasalukuyang nagkakape na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
"s**t!" Mura ng dalaga bago nanakbong tumaas ng hagdan.
"Little one madapa ka." Kalmadong sambit ng binata na kinatigil bahagya ng dalaga ng malapit na siya sa pinakataas.
"Kahiya ka Amber ano bang pinaggagawa mo." Bulong ng dalaga habang sinusuklay ang buhok niya at tinitingnan kung may panis na laway ba siya.
Amber Lacson's POV;
Nakakainis ba't ba nacoconsious ako ngayon sa mga susuutin ko.
Sa sobrang frustration ko simple shirt at pajama na lang ang suot ko at bumaba na ako pagkatapos ko maligo at magsuklay.
"Racer." Ani ko ng makababa ako ng hagdan at tingnan siya na nakaupo sa sofa katulad ng pwesto niya kanina.
Simple jeans at black tshirt lang ang suot niya pero mukha pa din siyang rarampa haist kaloka kahit yata magsuot ito ng basahan mukha pa din itong model sa isang mens magazine.
"What is it?" Tanong ni Racer ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Nandito nga siya pero trabaho pa din ang kaharap niya.
"Bumalik kana kung saan ka nanggaling." Ani ko na kinaangat niya ng tingin habang nakakunot ang noong sinara ang laptop niya.
"What do you mean?" Tanong niya na kinaiwas ko ng tingin.
"Tapos na birthday ko diba?pumunta ka naman.. besides yan din naman ang hinaharap mo kahit andito ka." Sagot ko bago tumalikod. Hahakbang ako paalis ng may humawak sa braso ko at iharap ako na kinangiwi ko dahil bumangga ako sa pagkabigla ko.
"Pwede ba linawin mo ang gusto mong mangyari little one."
Napaangat ako ng tingin ng mabanayad sa boses ni Racer ang inis at mukhang nagpipigil lang ito dahil sa expression niya.
"Pinapunta kita dito dahil gusto kita makasama thats it." Pigil hiningang sambit ko dahil sa sobrang lapit naming dalawa.
Lalayo ako ng mas hapitin niya pa ako na kinaiwas ko ng tingin dahil sa pagtama ng mga mata namin.
"Sinasabi mo bang itigil ko ang trabaho ko dahil andito ako?" Tanong niya pero hindi ako sumagot at yumuko na lang.
Gusto kong sabihing oo pero alam ko kung gaano kahalaga ang trabaho niya halata naman eh.
"Bos---."
"Silent means yes?" Ani ni Racer na kinatingin ko.
"Wala kayong sasaguting tawag mula sa opisina naririnig niyo ba ako?" Dagdag ni Racer habang nakatingin sakin at nakapamulsahang nilingon ang mga tauhang nakayuko.
"Masusunod Boss." Sagot ng mga tauhan niya na kinakinang ng mata ko.
"Maglalaro tayo Racer ah." Kumikinang ang matang sambit ko na kinatingin ni Racer sakin.
"Laro?" Tanong niya na kinangiti ko ng malapad.
---
"Bukas na yung pyesta ng bayan Racer ang daming palaruan tingnan mo." Ani ko bago ituro yung mga kubo kubo.
"Look I can buy them if you want." Bored na sagot ni Racer na kinanguso ko.
"Hindi yan binibili pinapanalo yan." Sagot ko habang naglalakad papasok ng kabayanan at hila hila si Racer na napabuga na lang ng hangin.
"Mga kuya gala din kayo kung gusto niyo." Ani ko bago lingunin yung mga buntot ni Racer na tumingin tingin sa paligid.
"Go on." Ani ni Racer na kinayuko nina Kuya bago nagkanya kanyang alis.
"Tara na bilis gusto ko nung malalaking teddy bear." Ani ko bago tumapat sa isang kubo kung saan maraming nakasabit na Teddy Bear.
"Magandang umaga gusto niyo ba subukan? Trenta pesos lang isa lang bala kailangan mo lang patamaan yung mga nakasabit na gusto mong teddy bear." Ani ni Manong habang nawiwierduhang tumingin saming dalawa ni Racer.
"Iho magkasintahan ba kayo?" Tanong ni Manong lalayo ako ng hapitin ni Racer ang bewang ko at kuhanin ang isang fallet Gun at lagyan ng mga bala gamit ang isang kamay.
"Mind your own business." Walang emosyong sagot ni Racer bago sunod sunod na patamaan ang mga teddy bear na nakasabit na kinalaki ng mata ko.
'Ang pogi.'
'Ang galing kyaah.'
'Ohmy'
"A-Ano?" Hindi makapaniwalang sambit ko ng ilagay lahat yun ni Manong sa harapan ko habang namumutla.
"Keep the change." Ani ni Racer bago maglagay ng 4,000 sa lamesa.
"Teka Racer sobra sobr---."
"Hindi ako papayag na ganyan lang kacheap ang makukuha mo little one." Putol ni Racer na kinangiwi ko bago iaabot sakin ang malalaking manika.
Lima yun ah kinuha niya yung tatlo hawak niya gamit ang isang kamay tapos ako nevermind di ko na makita daanan ko dahil sa halos kasing laki ko na yung mga teddy bears.
Buong araw yata wala kaming ginawa ni Racer kung hindi maglaro grabe kung hindi ko pinipigilan si Racer nauubos niya yung mga prize.
"Hala!yung pinabibili ni Nanay Teresita balik tayo Racer wala pa tayong grocer---."
"Mga tauhan ko na ang namili kanina naiuwi na din nila." Putol ni Racer habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Drake." Ani ni Racer na nasa Driver seat.
"Yes boss?" Sagot ni Drake na kinatingin ko.
"Tigil mo yung kotse bababa kami." Utos ni Racer na agad ginawa ni Drake.
"Talaga?" Kumikinang ang matang tanong ko na kinatingin ni Racer.
"Sabi na tara." Yaya ni Racer bago bumaba na kinakinang ng mata ko.
Kanina ko pa kasi gusto bumaba hindi ko lang masabi dahil baka pagod na si Racer.
"Tara na." Ani ni Racer bago buksan ang pinto ng backseat at hawakan ako palabas.
"Tara na bilis Racer." Tuwang tuwa na sambit ko bago hilahin si Racer papunta sa kalsada.
Naalala ko nung mga bata pa kami dito kami madalas dumadaan ni Racer pag nanggagaling kami sa bayan wala kasi ditong dumadaan na sasakyan dahil mahirap umakyat..
Sama mo pa ang ganda ng view dito na parang abot na abot mo ang langit.
"Ang ganda." Ani ko habang nakatingala at tumingin sa napakaraming bituin sa langit.
"Halika piggy back ride kita." Yaya ni Racer na kinakinang ng mata ko.
"Sige hihi." Ani ko bago sumampa sa likod ni Racer na nakaluhod patalikod sakin.
Nang tumayo siya hindi ko maiwasang mas mamangha dahil mula dito pati yung mga ilaw sa bayan na nasa baba kitang kita ko sa likod ng naglalakihang d**o.
"May shooting star." Ani ni Racer na kinatingin ko sa langit habang yakap ang leeg ni Racer.
"Hindi naman totoo yan." Bulong ko na kinatigil ni Racer bago ako lingunin.
"Anong hindi totoo?" Tanong ni Racer.
"Pag humiling ka magkakatotoo." Sagot ko na kinakunot ng noo niya bago maglakad ulit.
"Nangyari naman yung winish mo dati may malaking bahay,damit,masarap na pagka---."
"Hindi naman yun yung winish ko." Putol ko na kinatingin ni Racer.
"Hindi yun?" Tanong niya na kinailing ko bago tumingin ulit sa kalangitan.
'Kahit ang langit hindi magagawang posible ang hiling ko.'