08

929 Words
Amber Lacson's POV; "Siya ba yung sinasabi mong kapatid mo?" Tanong nung Naomi bago ako ihead to toe. Normal lang ang expression niya pero yung mata niya parang nandidiri na ewan. Mukhang hindi kami magkakasundo nito ah. "Racer papahinga na ako." Walang ganang sambit ko bago hawakan ang laylayan ng suot ni Terrance at itulak tulak paalis dahil siya lang naman ang nasa gilid ko. "Teka teka young lady tinutulak mo ako alam mo ba kung nasan kwarto mo?" Tanong ni Terrance na kinaangat ko ng tingin. "Hindi mo ba alam kwart---ano ba?" Napatigil ako ng may taong humila sakin na kinatigil ko ng makita ko si Racer na nagdidilim ang mukhang nakatingin sakin. "How many times I'll told you na ayokong humahawak ka kung sino sinong lalaki?" May diing bulong niya bago yumuko at ipantay ang mukha niya sa mukha ko na kinaatras ko dahil sa sobrang lapit ni Racer at hindi ko gusto ang ingay na ginagawa ng puso ko. "At sino ding may sabi sayo na susundin kita? KAPATID MO AKO DIBA? Hindi tauhan." Taas noong sambit ko bago siya irapan at naglakad paalis. "Ohmy ginanun mo talaga si boss?" Hindi makapaniwalang tanong ni Maki ng makapasok siya sa mansyon kasunod sina Drake na agad ako binuntutan. "Nanggigigil ako sakanya." Nakabusangot na sagot ko na kinatawa nina Drake habang naglalakad kami sa hallway na kung saan papunta. Ewan ko ba feeling ko maliligaw ako dito pag sinubukan kong gumala ang laki kasi talaga tapos halos makita ko na ang sarili ko sa mga mwebles na nandito. Mas mukha itong palasyo kaysa mansyon. Hanggang sa maya maya tumigil kami sa isang kulay puting pinto na may kulay gintong mga disenyo. "Ako nag organize nito hihi." Proud na proud na sambit ni Maki bago buksan ang isang pinto na nasa secondfloor na kinalaki ng mata ko dahil sa sobrang ganda. "Wow!" React ko ng makitang nagmukhang paraiso ang kwarto. White and gold ang theme ng kwarto na sobrang nagpapaaliwalas sa paligid dagdag mo pa ang ibat ibang uri ng bulaklak sa veranda ko. "Ohmygosh ang ganda dito Maki." Tuwang tuwa na sambit ko bago lumapit sa kama at kinuha si Raki. "Andito din yung mga toys na napanalo ni Racer." Nakangiting sambit ko. "Alam mo ba si boss ang nagsugget ng theme ng kwarto mo." Ani ni Maki na kinatingin ko. "Pinauwi niya ako dito 3 days before para ayusin itong kwarto mo at ibili ka ng cheche bureche dito hihi." Ani ni Maki bago lumapit sa walking closet na nasa kwarto at buksan yun na kinalaki ng mata ko. "Sabi niya din ba ibili ko yung mga trip mong damit at sapatos i mean kung saan ka komportable." Dagdag ni Maki na kinakinang ng mata ko. "Wow alam mo talaga taste ko." Natatawang komento ko bago lumapit sa walking closet at tingnan lahat ng nandun. Ibat ibang kulay ng jacket,tshirt, jeans at pajama. "Naman haha ako pa pero siyempre pinili ko yung may dating naman." Natatawang sambit ni Maki bago yakapin ang braso ko. "Mga babae talaga tsk." Napatingin kami sa pinto ng pumasok si Terrance, Renzo at Drake dala na ang maleta ko. Mukhang bumaba ulit sila kanina nung nag uusap kami ni Maki. "Nasa baba pa ba sina Racer?" Tanong ko kina Terrance. "Ihahatid daa ni Boss si Lady Naomi at binilin niya na pag nagugutom ka pakainin kana lang daw sa baba...may personal cheff naman dito, ipaluto mo lang daw gusto mong kainin young lady." Sagot ni Renzo na kinatahimik ko. 'Hindi ko din pala siya makakasabay kumain dito.' 3rd Person's POV; "M-Mama." Bulong ng batang lalaki matapos bumagsak ang patalim na hawak na nababalutan ng dugo ng makita ang babaeng duguang bumagsak sa mismong harapan matapos lamunin ng liwanag ng buwan ang buong kwarto. "B-Bakit?p-paano." Tanong batang nasa apat na taong gulang bago nanghihinang mapaluhod sa harapan ng ina na naliligo sa sariling dugo matapos makatamo ng ilang beses saksak. "*sob*mama." Iyak ng batang lalaki habang nanlalamig na hawakan ang ulo ng ina at yakapin. "B-Bakit gusto niyo din ako patayin mama*sob* masama ba akong bata, may nagawa ba ako mama?" "Katawa." Bulong ng binata bago damputin ang bote ng wine sa ibabaw ng table at laklakin yun. "Hey babe mukhang tense ka nanaman." Ani ng dalagang si Naomi bago lumapit sa binatang nakatingin sa glasswall kung saan kitang ang buong city sa baba. "Mind your own business." Walang emosyong sambit ng binata na kinatawa ng dalaga bago walang kaano anong yumakap sa likod ng binata na hindi alintanang wala itong saplot na kahit ano. "Oh common Racer may maitatago ka pa ba sakin?" May pang asar na sambit ng dalaga bago kuhanin ang sigarilyo na nasa kamay ng binata hithitin yun. "Tsk kailangan ko ng umalis." Ani ng binata bago kuhanina ang longsleeve at coat nito na nakapatong sa sofa. "About the girl before honey, I just want to warn you na hinahanap na siya ni papa." Nangaasar na sambit ng dalaga na kinadilim ng anyo ng binata. "May sinabi ka ba sa matandang yun?" Nanggagalaiting sambit ng binata bago lingunin ang dalaga na nakasandal sa table habang humihithit ng sigarilyo. "Ow my dear stop staring me like that I have my word okay?wala akong sinabi kay papa na kahit ano." Natatawang sambit ng dalaga. "Mas mabuti na yung malinaw Naomi maayos ako kausap pero pag yun nasira may paglalagyan kayong mag ama sakin." Walang buhay na sambit ng binata habang naglalakad palabas ng kwarto. "Tsk that bitch." Bulong ng dalaga bago naiinis na bumuga ng usok galing sa hinithit na sigarilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD