3rd Person's POV;
Napako ang limang tauhan ng binatang si Racer sa pinaka pintuan ng mansyon ng pagtapak nila dun halos magkulay pula ang tinatapakang mwebles dahil sa dugo ng mga tauhan.
"Wtf." Mura ng binatang si Terrance ng makita ang mga katawan ng halos kalahati sa bilang ng mga kasama nila kagabi na ngayon ay wala ng buhay at nagkalat sa paligid.
"W-Wala pa tayo sa l-limang minuto nawala diba?" Nanginginig na tanong ng dalagang si Maki habang hindi makapaniwalang tumingin sa paligid na tila naging sementeryo na para sa mga kasamahan.
"Nasaan si Basil?" Walang kaemo emosyong tanong ng binatang si Racer habang nakatalikod na kinalunok ni Terrance.
"N-Naikot n-namin ang buong mansyon boss wala siya sa paligid natry na din namin siyang tawagan o itrack pero mukhang iniwan niya ang phone niya sa penthouse niya." Nanlalamig na sagot ng binatang si Terrance at pilit na inaalerto ang sarili dahil baka bigla na lang silang sunggaban ng pinuno dahil sa sobrang galit.
Sa tagal nilang naninilbahan sa amo wala itong kinikilalang pamilya at kaibigan pag ito ay galit na agad nawawala sa sarili.
Nagiging literal na halimaw ito na ilang beses na nakita ng limang pinakamatagal na tauhan at ilan sa pinagkakatiwalaan ng binata.
---
"Where's My f*****g little one!" Galit na galit na sigaw ng binata at walang kaani anong tinadtad ng saksak ang mga taong humaharang para pigilan ito at wasakin ang buong underground.
"A-Anong gagawin natin?" Nauutal na tanong ng dalaga habang nakatakip ang bibig at nakatingin sa pinuno na parang nawawala na sa sarili.
"Hindi ko din alam." Sagot ng binatang si Renzo na parang nabato sa kinatatayuan ng makita ang kaibigan.
"Maswerte kayo wala dito si Pinuno kung hindi naku." Napalingon ang binatang si Floid ng may magsalita sa likuran nila na agad binati ng kambal na nakangisi.
"Hindi niyo ba mapipigilan si boss?" Tanong ni Floid na kinangiwi ng binatang si Crios.
"Para mo na ding sinabi na galabitin na namin ang gatilyo ng baril sa ulo namin at magpakamatay na." Sagot ni Crios na kinahilot ng binatang si Floid sa sariling batok at nag aalalang tiningnan ang pinuno.
"Nawawala ba yung babae?" Tanong ni Chaos na kinatingin ng apat.
"Ohmy!alam niyo ba kung nasan si Amber?!" Nag aalalang tanong ng dalaga na punong puno ng pag asa ang mukha.
"Honestly, hindi nagkaroon lang kami ng hint dahil sa pagwawala ng boss niyo." Sagot ng binatang si Chaos na kinabagsak ng balikat ng dalaga dahilan para tapikin siya ng kapatid.
"Hindi na kami aabot ng isang linggo pag umabot ng tatlong araw na nawawala si Young lady, hindi na din namin alam kung ano pang magagawa ni boss sa mga lilipas mga araw." Walang buhay na sambit ng binatang si Terrance na kinatahimik ng buong grupo.
----
"Damn it!" Mura ng binatang si Racer bago walang kaano anong sipan ang kotse na nasa harapan na agad na nag alarm.
"Wala siya dito." Bagsak ang balikat na sambit ng dalagang si Maki ng dumating sila sa isla kung saan lumaki ang babae at umaasang umuwi ito.
"Nangako ka Aki." Napatigil ang lima at napako ang tingin sa binatang nakatalikod sa kanila ng marinig ang basag nitong boses.
Walang bahid na galit dun maliban sa lungkot,sakit at pag aaalala na kinatahimik nina Maki dahil sa bagong side na pinapakita ng pinuno.
"Hanggang ngayon ba Floid hindi mo pa din natratrack si Basil?" Tanong ni Terrance kay Floid na nakaupo sa pintuan ng van at kaharap ng isang laptop.
"Putangina naman Terrance bakit mo pa inaalala yang si Basil kayang kaya ng hayop na yan ang sarili niya si Amber ang kailangan nating mahanap." Nanggigil na sabat ng dalaga.
"Maki huminahon ka lan---."
"Panong hinahon kuya?!hindi sanay sa syudad si Amber sama mo pa ang kondisyon niya!" Galit na sigaw ng dalaga na kinamura ng kuyahin.
"Walang magagawa yang pagsisigaw mo Maki kailangan nating huminahon hindi natin pwedeng sabayan si Boss." Kalmadong sabat ni Drake sa magkapatid na kinayukom ng kamao ng dalaga.
Wala silang maayos na tulog sabay mo pa ang sobrang pag aalala sa dalaga at pinuno kaya naiintindihan ng mga binata kung bakit ganun na lang kadaling matrigger ang dalaga.
"Pare pareho lang tayong nag aalala dito Maki bago mo makilala si Young lady alaga na namin siya kaya wag kang magsalita na parang hindi namin siya inaalala." Nanggigil na sambit ng binatang si Terrance.
"Pinahahanap ko si Basil dahil 100% sure ako na alam niya kung nasan si Young lady o baka nga kasama niya si Young lady." Medyo kalmadong sambit ng binata na kinatingin nung apat.
"What do you mean?" Umaasang tanong ng dalagang si Maki.
"Pag binigyan mo ng mission si Basil wala ka ng dapat alalahanin pa nagagawa niya yun ng walang problema at pulido. Kung naiwan si Basil ng araw na yun sa mansyon siguradong alam niya kung nasan si Young lady." Sagot ni Terrance na kinamura ni Renzo.
"Bakit hindi siya tumatawag o kontakin man lang tayo." Nanggigil na tanong ng binatang si Drake.
"Yan ang hindi ko alam." Pabulong na sagot ng binatang si Terrance.
Racer Griffin's POV;
"Kuya ayoko ng gulay." Nakasimangot na sambit ni Venom habang pinaglalaruan ang mga ulam sa plato.
"Siguradong magagalit si mama pag hindi mo yan kinain." Ani ko habang kumakain ng mga niluto ng cheff para samin.
"Ehh kuya ayoko nasusuka ko." Gusot ang mukhang sagot ni Venom na kinabuga ko ng hangin.
"Akin na yang plato mo palit tayo." Ani ko na kinakinang ng asul na mga mata ni Venom.
"Hihi thank you kuya iloveyou!" Tuwang tuwa na sambit ni Venom ng kuhanin ko yung plato niya ng---.
"Yan ka nanaman Phan." Napaangat ako ng tingin ng marinig ko si mama na nakacross arm sa baba ng hagdan na kinangiwi ko bago ibaba ang hawak kong plato.
"Iniispoild mo palagi si Ven." Kalmadong sambit ni mama na kinanguso ng kapatid ko.
"Mama ayoko ng gula---."
"Its good to your Health baby para naman yan sayo kaya kailangan mong kumain ng gulay." Putol ni mama kay Ven.
Simple lang ang buhay namin nun kahit walang kinamulatang ama hindi nagkulang samin si mama.
Mayaman kami pero kahit kailan hindi niya kami iniispoild sa kahit na anong materyal na bagay. Lagi niyang sinasabi na hindi lahat ng materyal na bagay nakakabuti at nakakapagsaya ng tao.
Tinuruan niya kaming maging mapagkumbaba at makuntento sa mga bagay na nasa harapin namin. Pinaniwalang hindi ang pera ang nakakapagpasaya sa kahit na sino, hindi materyal na bagay ang nakakapag bigay ng kulay sa buhay.